KIM
The past 4 years i have been away from her i could tell my broken heart gets back to its shape and that's the reason why i thought it would be fine for me now to come back and face her but i seem wrong.
Kasi sa unang araw palang na nagtagpo muli ang mga mata namin ay parang bumabalik muli ang sakit dito sa puso ko. Iyong sakit na akala ko ay nabura na sa nakalipas na mga taon.
Iyong sakit na tanging siya lang ang may gawa. But i must admit, the first time i have seen her again at the airport, ang t***k ng puso kong ilang taong nanahimik sa mga nakalipas na taon ay parang muling nagising at nagkaroon ng buhay.
Can you imagine that. Only her can make my heart go crazy in an instance. Ibang klase parin ang epekto niya sa akin.
I want to disregard the fact that she still has these effects on me but how? Paano ko gagawin iyon gayung sa tuwing inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay ay tila lalo naman siyang nagsusumiksik sa sistema ko at kahit anong gawin ko ay patuloy parin niyang ginugulo ang puso at isip ko which i find it not good. I am scared of her.
I am scared that i might get hurt again and baka this time around hindi na ako makabangon. And i won't let that happen. And if fighting these growing feelings deep within me is the only way for me to be safe from her, then so be it. Pipigilan kong hindi mahulog muli hanggat kaya ko. Hangga't maaga pa.
"andito na po tayo ma'am" kuya Melvin announced. Binuksan ko ang mga mata ko. Lumabas si kuya Melvin at binuksan ang pintuan. Naunang lumabas si Freianne since siya ang nasa bungad ng pintuan ng sasakyan.
Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa akin nang matanaw ko na ang harapan ng coffee shop na madilim na parang wala namang katao tao. Kumunot ang noo ko. Tama ba ang napuntahan namin? I checked the name of the coffee shop pero tama naman. Napaismid ako nang marealized na baka sinadya talaga nilang patayin ang ilaw para sa surpresang pinaghirapan nila para kay Freianne.
"ano ba iyong kukunin mo rito kimtot? I will take it by myself. You wait here" ani Freianne na ngayon ay nakadungaw nang muli sa akin. I shook my head and smiled weakly at her. Bago ako lumabas ay sinilip ko muna si Keisha na ngayon ay himbing nang nakatulog sa customized bed ng sasakyan. Nilapitan ko siya at kinuha ang kumot na nasa cabinet. Inayos ko pa ang pagkakalatag ko nito sa katawan niya bago tuloyang lumabas ng sasakyan but was halted upon seeing Freianne's eyes. Staring at me with tears in each corner of her eyes. I could clearly see the pain in her stares. My heart confused. Big time.
Why does she have to act like hurting out of a sudden? Matik na naman ang pagreact ng puso ko but before i get drown with it ay nag iwas na ako ng tingin at tuloyan nang lumabas ng sasakyan.
"please stay here kuya. Kapag nagising si Keish pakisabi nasa loob lamang ako ng coffee shop" bilin ko kay kuya Melvin. He nodded at me and said "OKEY PO MA'AM".
Humigpit ang hawak ko sa pouch na hawak ko nang makalapit na ako sa kinatatayuan ni Freianne. But she kept on staring at me. I licked my lips and swallowed saka malakas na tumikhim.
"samahan mo ako." sabi ko at nagsimula nang humakbang. I felt her presence behind. She was following me. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko maiwasang isipin na si Shanaia ang punong abala ng surpresang naghihintay sa amin sa loob ng coffee shop.
Pakiramdam ko may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. I shouldn't be feeling these shits but i can't help it. Kusa itong umuusbong sa kaibuturan ko.
Napapikit ako ng mariin at napakagat labi nang marating ko na ang glass door ng coffee shop. Hinintay kong makalapit si Freianne sa akin. Maliwanag ang kinaroroonan namin dahil sa ilang ilaw na nakabukas sa parteng kinatatayuan namin. Freianne is taller than me. She's 3 inches taller than me kaya naman bahagya pa siyang yumuko upang salubongin ang mga mata ko. Her brows meet as she stared at me.
"c-can you please open the door for me?" halos murahin ko ang sarili ko dahil sa pag usbong ng kaba sa aking dibdib. Kung para saan man ang kabang nararamdaman ko ay hindi ko narin alam. Tumango si Freianne. May kinuha siya sa loob ng pouch niya. It was the key. But then her brows furrowed when she tried to unlocked it but it wasn't locked. Malinaw kong nakita ang pagsalubong ng kanyang perpektong kilay.
She doesn't have any make-ups. But her bare face is still gorgeous and it's too beautiful to stare at.
"it's open." she said confusingly. Dahan dahan niyang tinulak pabukas ang pintuan. She stared at me. Brows furrowed. Bakas ang pagtataka sa mga nata niya. I licked my lips and smiled weakly.
"stay here. I'll check first hmm?" she commanded. Tumango ako at nag iwas ng tingin. Nako-conscious ako sa tinging pinupukol niya sa akin. Lalong nagwawala ang mga kulisap sa sikmura ko. Her eyes were full of..... never mind. Baka mali na naman ako ng intindi. Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit.
"HAPPY BIRTHDAY" everyone greeted kasabay ng pagkalat ng liwanag na nagmumula sa mga ilaw. Naramdaman ko rin ang malakas na tunog at ang pagkalat ng mga confetti sa paligid. Tumama sa balat ko. Napamulat ako at natigilan sa ayos ng dining. Umikot ang paningin ko at pinasadahan ang dekorasyong pinagpaguran nilang ayusin.
May mga yellow balloons na nagkalat sa sahig. There is also a happy birthday greeting that was hanging in the ceiling. Nakatayo ang mag asawa na sina Shan at Kailey. Sa gilid ni Kailey ay naroon ang inaanak naming si Iana na may malawak na ngiti sa labi. Habang si Zuchet naman ay sa gilid ni Shanaia.
Huminto ang mga mata ko kay Zuchet na may katabing matangkad na lalaki. Moreno at malaki ang katawan. Nakalingkis ang braso ng lalaki sa beywang ni Zuchet. Tumagal roon ang mga mata ko. Is she have a boyfriend now? Ito ang unang beses ko siyang nakitang may kasamang lalaki and base on how they're close to each other i could sense that they are a thing.
Tumikhim ang lalaki dahilan upang umakyat sa mukha niya ang paningin ko. He was smiling genuinely at me. Matangos ang ilong. Itim na itim ang medyo kulot niyang buhok. Sa madaling salita ay may itsura ang lalaki at halatang laking probinsya ito.
"happy birthday ninang. Do you love what we have prepared for you po?" agaw atensyon ni Iana sa atensyon ko. Ang lapad ng pagkakangiti niya kay Freianne at mababakasan ng saya at excitement ang cute na cute niyang mukha.
She's now 9 years old. And she's growing so fast. In my peripheral vision, i saw Freianne nodded her head to the kid. Humakbang si Freianne at tila hindi parin makapaniwalang nilapitan ang bata at hinalikan ito sa pisngi.
I could see her eyes sparkled but she still manages to hid it from us. She looked indeed surprised. Nang mag angat ng mukha si Freianne ay ako ang hinanap ng mga mata niya. Halos mapaigtad ako sa bilis ng t***k ng puso ko nang inilang hakbang niya ako at niyakap ng mahigpit.
I didn't know what to do. I seemed to be stoned where i was standing. Sa higpit ng yakap niya ay para bang pinaparamdam niyang ayaw niya na akong bitawan. And my heart pounded even more. I swallowed.
"t-thank you. Thank you so much Kimtot" her voice cracked. I shook my head. Maybe she thinks i was the one who planned this surprised thing for her. And i felt guilty for not being able to make it alone for her... somehow.
At sa isiping si Shanaia ang naging punong abala ay naninikip ang dibdib ko. But then i have realized maybe their friendship grew deeper with the past years i have been away. Na baka sa nakalipas na taon ay si Shanaia ang pumuno ng mga pagkukulang ko bilang bestfriend niya. Maybe i have ruined what we had before at ngayon isa na lamang akong ordinaryong kaibigan para sa kanya. I bit my lower. Tears formed in the corner of my eyes as the thoughts in my heads gives pain deep with in me.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Freianne sa ibabaw ng ulo ko. Napapikit ako at dinama ang higpit ng kanyang yakap. I bit my lower lip when she finally let go of the hugged and faced me. And her eyes, they are coated with joy. They were teary as mine.
Umangat ang kamay ni Freianne at marahang dinama ang pisngi ko.She cupped my face and stared at me. I could see the love on the way she stares at me. I bit my lower lip as i shook my head.
"n-nagkakamali ka Frei. I am out of this surprised. Sila lang ang gumawa nito" i said hesitantly. Biting my lower lip i took her hands off me and walked pass her. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya sa sinabi ko.
Nilapitan ko ang mga kaibigan ko. I kissed their cheeks. Marahan ko namang ginulo ang buhok ni Iana and she giggled.
Sa nakikita ng mga mata ko ay talagang pinaghandaan nilang tatlo ang araw na ito para kay Freianne. Sa lamesa ay maraming mga pagkaing nakahain na para bang nasa singkwenta katao ang kakain. And i must admit i appreciate their efforts for my bestfriend really.
Habang nililibot ko ang mga mata sa kabuuan ng dining ay naagaw ng atensyon ko ang painting sa may corner. Lalapitan ko na sana ito ng magsalita si Kailey kaya naman nahinto sa ere ang ang hakbang ko at nilingon siya.
"okey let's eat. We are starving." she said as she lead the way to the prepared dining. But then i remembered Keisha kaya naman napahinto ako sa paghakbang.
"i'll just call Keisha. I will be right back" ani ko at saka na pumihit palabas ng dining. In my peripheral vision i saw Freianne stopped from walking but didn't dared to look at me. Nanatili siyang nakatalikod.
Lumabas ako ng coffee shop at tinungo ang van kung nasaan sina kuya Melvin at Keish. Naabutan kong nasa kasarapan parin ng tulog ang kaibigan ko kaya naman si kuya Melvin na lamang ang tinawag ko. Sabay kaming pumasok ng coffee shop.
"where is your wife? Is she still asleep?" ani Freianne. I don't know but i almost held my breath nang sabay sabay nag angat ng tingin sa akin ang aking mga kaibigan. And they're all look stunned about what they hear about. Bumagal ang bawat hakbang ko. Napalunok sa tinging pinupukol ngayon ng aking mga kaibigan. I licked my lips and smiled weakly. Damn.
"wife? are you married?" si Kailey ang bumasag sa katahimikang nabuo sa pagitan naming lahat. Her brows furrowed like it's as if she can not believed what she just heard. Sina Zuchet at Shanaia naman ay hindi man lamang yata nagawang kumurap at sa akin parin nakatitig na para bang hindi parin nagpoproseso sa utak nila ang narinig. Napapikit tuloy ako ng mariin. Pakiramdam ko napakalaking kasalanan na ang pagsisinungaling kong ito sa mga kaibigan ko. Can i just take it back the lies i have just created now? Kababalik ko pa lamang pero pakiramdam ko nakagawa na ako agad ng maaaring ikasira ng tiwala nila sa akin. Damn it.
Pagkarating ko sa hapag ay halos manginig ang tuhod ko sa kaba. Ang tinging pinupukol kasi nila sa akin ay nakakapanindig balahibo. Ngayon tuloy ay natatakot ako sa naumpisahan kong kasinungalingan.
"yes.. she's already married. Actually she's with her nakatulog nga lang sa sasakyan marahil dahil sa pagod" si Freianne ang sumagot sa tanong ni Kailey. Sunod sunod na subo ang ginawa niya matapos sagutin ang katanungang iyon ng aking mga kaibigan. Tila lalo namang lumalim ang gitla sa noo nilang tatlo. Hindi parin makapaniwala. I heaved out a deep sigh. I wanted to form a smile but i just couldn't. I can feel the tension deep within me.
"when did you got married? Bakit hindi man lang namin alam?" ani Shan. Binitawan niya ang hawak hawak na spoon and fork. Inabot niya ang baso ng tubig sa kanyang harapan at uminom. Sa akin nakatingin na animoy inaabangan ang aking sagot. And so i swallowed the sudden lump on my throat. This is shits. WTF.
Pakiramdam ko ginigisa ko ang sarili ko dahil sa mga kalokohang binuo ko. Pero bakit ko nga ba ginagawa ito? bakit ko nga ba ginamit ang asawa thingy na ito sa sarili ko gayung kay Keisha lang naman dapat ito gagamitin in the first place. Bakit nga ba Kim? damn.
I bit my lower lip. Hard. Yumuko ako at humugot ng malalim na hangin. Maybe i need to make it clear now habang maaga pa. They doesn't deserves my lies. I swallowed.
Binalingan ko si Freianne na mataman na ngayong nakatitig sa akin. Nangungusap ang mga matang nakatunghay sa akin. My eyes flew to the fork she was holding. Her grip was too tight to the poor metal na para bang doon niya nilalabas ang nararamdaman. Ramdam ko ang titig ng lahat sa akin. Nag aabang sa aking sasabihin.
"I-Im sorry Frey, i lied.....Keisha is not my wife but my friend." i stuttered. I heard them gasped with my confession. But my eyes never left Freianne. And so i clearly see how her eyes slowly getting teary. Binitawan niya ang hawak na tinidor. Awang ang labi. Lumamlam ang mga mata. She looked stunned. I don't know if i have read it right but i think she like what she had heard. Maybe. I am not sure though.
" What the f**k" and then she cursed.