KIM
2 months have passed so quickly. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ang daming nangyari. Nagsimula narin ang taping ng ginagawa naming teleserye na ipapalabas ng Red Star Entertainment kung saan ako ang bida kasama ang isang sikat na aktor ngayon sa bansa.
Si Calvin Diaz. Matipuno, matangkad at isa sa binansagang isa sa pinakagwapong artista sa kanyang henerasyon. Bukod pa doon ay napakaprofessional din niyang katrabaho dahilan upang mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.
Kumportable ako kay Calvin sa totoo lang. Kung dati naiilang ako sa tuwing may humahawak sa aking lalaki, kay Calvin ay panatag ako. Siguro dahil alam kong mabait siya at unti unti ko na siyang nakikilala.
"okey guys pack up na tayo." ani ni direk sa mga staff na sinabayan pa nito ng palakpak na animoy nagmamadali. Katatapos lang ng taping na ginanap namin rito sa Binondo.
Halos araw araw dito sa binondo ang location ng taping kaya naman sa loob ng dalawang buwan ay hindi ko na muli nabisita ang mga kaibigan ko at ang shop.
Paano ba naman kasi umaabot na kami ng umaga sa taping. Si Keisha ang kasakasama ko sa araw araw. Kaya naman siya ang sumasagot sa mga tawag ni Freianne na hindi ko maharap sagutin.
Tumayo na ako at nilapitan si Keisha. Panay kasi ang senyas niya sa aking lumapit. Hawak hawak niya ang phone ko nang makalapit ako.
"53 miscalls galing kay Freianne. Naloloka na ako sa tiyaga ng mahal mo ah" ani niya sabay abot sa akin ng phone ko. Naningkit ang mga mata ko. Ang lakas ng boses niya. What the heck. I extended my arm and took my phone from her. I rolled my eyes and sighed.
"sinagot mo na kasi sana at sabihin mong huwag na siyang tumawag.. nakakairita" i said irritatedly.
Tinalikuran ko siya at tinungo ang tent namin. Naabutan ko roon ang aking make up artist na nagliligpit na ng kanyang gamit. Nilapitan ko kung nasaan ang nga gamit ko at umupo.
Binuksan ko ang phone ko at tama nga si Keisha. May 53 miscalls at galing lang iyon sa iisang tao. Kay Freianne. Mayroon ring 16 messages.
Tumaas ang kilay ko nang buksan ko ang inbox ng phone ko. Ang 14 na mensahe ay galing kay Freianne samantalang ang dalawa naman ay kina Shanaia at Zuchet. Napatitig ako sa hindi ko pa nabubuksang mensahe ni Freianne. Nagtatalo ang isip ko kung bubuksan ko ba o hindi.
Napabuga ako ng hangin at parang tangang nakamata lamang sa screen ng phone ko ng ilang segundo. I puckered my lips and sighed. And in the end, I opened Shan's message.
"it's Freianne's birthday, we will be having a surprise party for her. I know you are busy Kim but can you please drop by after your work? Nandito kami sa second branch natin. We will wait you here. I hope makumpleto tqyo tonight " natigilan ako at napaisip.
Yeah right birthday nga pala ni Freianne ngayon. I forgot. Napabuntong hininga ako at natulala. Makakatulong ba kung pupunta ako? Damn, i don't want to go. My mind is telling me not to go but my heart says the otherwise. I bit my lower lip.
"oh what are you still doing there? come on Kim let's go." si Keisha. Hindi ko man lang namalayang nakalapit na pala siya at nakamata na sa screen ng phone ko. I glared at her.
"at kailan kapa natutong magbasa sa mensahe ng iba?" i said glaring at her. Alam ko namang maliit na bagay lamang ito but the heck when it comes to Freianne mabilis akong mairita.
"don't tell me you're not going? Mapaghahalataan kana talagang iniiwasan mo siya kapag hindi ka pumunta. I understand where are you coming from Kim but you have to prove to her that you have already get over her." sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Bakit, napaghahalataan bang hindi pa ako nakakamoved-on sa kanya? Well, kung iyon man ang basa nila sa mga kilos ko then they are all wrong. Matagal nang nabura si Freianne sa sistema ko.
Talaga ba Kim? then act appropriately whenever she's around. Huwag umiwas. ani aego. Ipinilig ko ang ulo ko at mariing pumikit. Damn it.
Ibinalik ko ang mga mata ko sa screen ng phone ko at binuksan ang mensahe ni Zuchet. Apat na oras na pala ang nakakalipas mula nang padalhan nila ako ng mensahe.
"kim what time do you think you will be able to come? can you please buy cake for Freianne? Busy kasi kami sa pag aayos eh." again i had nothing to do but to sigh deeply. I licked my lips and was about to answer her message nang siya namang tunog ng phone ko. Napakurap kurap ako at hindi agad alam kung ano ang gagawin.
Shanaia Asher is calling and i don't know why i suddenly felt weird out of a sudden. Bakit pakiramdam ko si Shan ang punong abala sa surpresang ito? At itong puso ko naman heto na naman sa pag atake ng paninikip. Why do i have to feel this strange feelings again? I sighed.
"fine kung ayaw mong pumunta tara na at umuwi na tayo. Kailangan mo nang magpahinga at may taping pa kayo bukas sa batangas" ani Keisha sabay buhat sa duffle bag na dala namin.
Nauna na siyang lumabas ng tent dala dala ang gamit ko. Nagtatalo ang isip ko. Hindi ko maunawaan ang sarili ko sa tuwing si Freianne na ang napag uusapan.
I shrugged my shoulder and sigh. Bagsak ang balikat akong tumayo at sinundan si Keisha sa sasakyan. Pagdating ko sa van ay naroon na siya at nakasandal sa headrest ng upuan. Customize ang loob ng van. Pinasadya lahat ng gamit sa loob para kumportable at siguradong makakapagpahinga after ng taping.
Her eyes are closed. Napailing ako at pagod na pumasok ng sasakyan. Pag upo ko ay muli kong ibinalik ang mga mata sa screen ng phone ko. I don't know but i seem scared opening her messages. Bakit nga ba ako nakakaramdam ng ganito ulit? Bakit kapag si Freianne na ang involved tila ako nawawala na naman sa huwisyo. I hate these kind of emotions. I am done with these Shits.
Pagod kong isinandal ang ulo sa headrest ng upuan at ipinikit ang mga mata. Trying to dismiss Freianne's image in my mind. But the hell. The more i tried to remove her in my head the more she appears and my heart begin to beat erratically inside my chest. What the hell is wrong with me? Kinuyom ko ang kamao ko.
Nanatili akong nakapikit ng ilang minuto. Hinayaan ang isip kong magulohan sa umuusbong na inis sa kaibuturan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin kong pagbaling sa atensyon ko sa ibang bagay paulit ulit lamang bumabalik ang mukha ni Freianne sa balintataw ko. And i know this is not good at all.
Napaigtad ako at napamulat ng mata ng muling tumunog at magvibrate ang phone ko sa kamay ko.
"sagutin mo na at sabihing hindi ka pupunta para hindi na sila naghihintay sayo roon. They are waiting for you Kim. Mamumuti lang ang mga mata nila kakahintay sayo roon" i tilted my head to peeked at Keisha next to me. Nakapikit parin ang mga mata niya but i know her attention was on me. Nagpakawala ako ng hangin at muling tinitigan ang phone kong patuloy parin sa pagtunog sa aking kamay.
Seconds have passed and in the end pinili ko na lamang sagutin ang tawag ng aking kaibigan. Ibinaling ko ang aking mga mata sa labas ng sasakyan nang magsimula nang umusad ang sasakyan.
"Kim are you done with your taping now? may problema kasi and i think we need your help with this" my brows furrowed. Sa tono ni Zuchet ay mababakas ang pag-aalala. Tumikhim ako nang tila may kung anong biglang lumitaw na kung ano sa aking lalamunan.
"sorry katatapos lang kasi ng taping. Anong problema? may nangyari ba? Are you guys hurt?" i worriedly asked. Mga kaibigan ko sila kaya naman agad rumehistro ang pag aalala sa kaibuturan ko. I got worried by just hearing Zuchet's voice panicking.
Narinig ko na para bang may nagtatalo sa background kaya naman lalong dumepina ang kunot ng noo ko. Napatuwid ako ng upo at kinabahan. Marahas na bumuntong hininga si Zuchet.
"si Freianne kasi hindi sinasagot ang mga tawag namin. Can you please call her and tell her to come here? For sure sasagot iyon ng tawag kapag ikaw ang gumawa" naramdaman ko ang pagrahas ng t***k ng puso ko. May parte sa puso ko ang tila kinabahan at nag alala kay Freianne. I swallowed. Kalaunan ay naningkit ang mga mata ko nang marealized ang huli nitong tinuran. Umarko ang kilay ko at naningkit ang mga mata.
"why me? and besides baka hindi ako makapunta. I am tired from work. My body is asking for a rest now Zet" ani ko sabay pikit ng aking mga mata at muling sandal sa headrest ng upuan. Narinig ko ang tila may nagbulongan sa kabilang linya. Marahil ay may nagdidictate kay Zuchet ng kanyang sasabihin.
"4 years kaming hindi nagcelebrate ng birthdays kasi wala ka. And now we decided to start celebrating since nandito kana tapos ang sasabihin mo hindi ka pupunta? Come on, even us are tired from work but here we are preparing para naman kahit papano maramdaman muli nating kumpleto tayo. Don't be unreasonable Kim" i could feel my heart jumped off my chest with her tone.
Napamulat ako ng mga mata at hindi malaman ang isasagot. Tila ba naumid ang dila ko at hindi na makabuo ng salita. Hindi man marahil sadya pero ramdam ko ng malinaw ang lalim ng emosyong pinaggalingan ng bawat salitang binato sa akin ng kaibigan ko.
This is the first time she talked to me that way and my heart clenched about it. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko lalo na sa kaalamang apat na taon silang naghintay sa pagbabalik ko and here i am, trying to distance myself dahil sa takot na harapin ang taong naging dahilan ng pag alis ko. Am i being unreasonable then?
Napabuntong hininga ako. I licked my lips and swallowed.
"i'm sorry kimmy i didn't meant to be mean." pahabol niya dahilan upang makaramdam ako lalo ng guilt. I closed my eyes and took a deep breath.
"i-it's okey Zet i understand. Just give me 30 minutes nasa location pa kasi ako but don't worry i will try to call her....anong....anong cake pala ang kukunin ko?" i asked. I bit my lips. Rumaragasa ang dibdib ko. Ramdam ko ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko.
Iisipin ko palang na bibilhan ko siya ng cake sa birthday niya ay hindi na magkamayaw ang mga daga sa dibdib ko. Nakakaliyo ang ganitong pakiramdam. Nakakatakot. Natatakot ako.
"thank you kimmy. Try to call her now baka nasa art gallery niya siya and by this hour ang alam ko pasara na siya" she informed.. excitedly.
Tumango tango ako like as if nakikita niya ako. Nagpaalam na siya agad kaya naman pagkababa niya ng tawag ay napahinga muna ako ng malalim bago ko hinanap ang numero ni Freianne sa phonebook ko. Napatulala pa ako ng ilang segundo at nakailang buga pa ako ng malalalim na hininga bago ako nagkalakas loob na pindutin ang call button. Kasabay nun ay ang pagdagundong ng dibdib ko. Ano ba yan. My hands suddenly got sweat.
"Kimtot, finally where are you? can i hit a ride with you? nasira kasi kotse ko. Ayaw umandar" naumid yata dila ko at hindi na makasagot.
Ang lamyos naman kasi ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Parang musika na ang sarap sarap uliting pakinggan. And just like the old times, My heart skip a beat. Damn. Why so rupok Kimberly Lee? I licked my lips at pagkatapos ay malakas akong tumikhim dahil sa pakiramdam ko'y biglang nanuyo ang aking lalamunan.
"ahmm, nasaan kaba? pwede naman kitang daanan." sabi ko nalang. I don't even understand myself now. Sa tono niya ay parang nagpapalambing. The hell what was that Kimberly. "Nagpapalambing talaga? Ang ganda naman ng basa mo sa simpleng salita niya Kim" ani aego. Napairap ako sa kawalan. Sumabay pa ang malakas na tikhim ng katabi ko na obviously, ay nagpapansin para na naman asarin ako.
"Nandito ako sa Art Gallery. Will you be able to fetch me here? I will treat you for dinner in return. .. i promise" sabi niya na mababakasan ng kung anong emosyon na hindi ko mapangalanan. Is she excited or what? I shrugged my shoulder at the thought.
Ayan sige kim maglagay kana naman ng kung ano anong meaning ng mga bagay bagay at tignan natin kung hindi kana naman mahulog ulit.. napapadalas na ang pagsabat ni aego. Nakakainis but thanks to her dahil kahit papano naipapaalala sa akin ang mga dapat kong iwasan.
"o-okey just wait up there. We will fetch you" ani ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita at tanging ang paghinga niya lamang ang naririnig ko dahilan ng pagkunot ng noo ko.
Hindi nagtagal ay malakas na tikhim niya na ang sunod kong narinig.
"kasama mo ba ang asawa mo? Sorry, i can take a cab instead." she said in a low tone. For some reason naalarma ako. Sa biglaang pagbabago ng tono niya ay para bang gusto kong magsisi. Iisipin ko palang na nasasaktan ko siya ay para bang doble ang sakit na bumabalik sa akin. Pero bakit naman siya masasaktan hindi ba? Am i assuming things again? the hell.
"no it's okay. Keisha is fine with it don't worry. Just wait up there. Dadaanan ka namin" agad kong saad. Baka kasi bigla niyang patayin ang tawag at totohanin nga ang sinabi. Heto na naman ako. Nagpapadala na naman ako sa damdamin ko. Akala ko ba nakapagmoved on kana Kim? Bakit parang bumabalik kana naman sa dati. Sa dati kung saan si Freianne ang nag iisang bukod tanging KAHINAAN MO.. s**t!