Chapter 4

2812 Words
Kim Kinabukasan maaga akong gumising at nag ayos. I am planning to surprise my friends today. Balak ko silang bisitahin sa main branch ng coffee shop namin sa makati. I tried to withdraw my shares noong nasa France na ako but they declined it. Ayaw nila. They even told me that it was fine with them kahit wala ako rito sa pilipinas. Kaya naman ngayon gusto ko sa pangalawang araw ko sa aking pagbabalik ay sila ang makasama ko. Gusto kong bumawi sa mahabang panahong iniwan ko sila ng walang maayos na paalam. Ayaw sumama ni Keisha kaya naman ako lamang mag isa ang lumabas ng bahay. Simpleng ayos lang naman ang ginawa ko sa sarili ko. Black skinny jeans na pinaresan ko ng crop top na plain peach ang kulay at gray na rubber shoes. I didn’t put any makeup too. Sapat na ang face powder at lip balm. Itinali ko rin ang buhok ko sapat lamang upang maging kumportable sa hitsura ko. Paglabas ko ay natanaw ko ang kotse kong nakagarahe sa kung saan ko siya iniwan noon. Malinis at halatang naalagaan ng maayos sa nakalipas na apat na taon. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ito at haplosin. Ito ang huling regalo sa akin ni mommy noon. Awtomatik ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi ko nang patunogin ko na ito. I miss my baby bugie. Bawat madaanan ng mga mata ko sa kalsada ay para bang lahat bago sa paningin ko. Ang laki ng pinagbago. Iyong dating hindi kalakihang building noon ay tinitingala ko na ngayon. Ilang oras rin bago ko marating ang parking lot ng coffee shop. Halo halong emosyon ang namuo sa kaibuturan ko paghinto ko ng kotse ko sa parking lot ng gusali. May sariling parking ang may ari ng coffee shop kaya naman base sa mga sasakyang nakapark ngayon rito ay batid ko nang wala ang isa sa kanila ngayong araw. How i wish it was Freianne. Baka kasi kapag nagkaharap kaming muli ay baka tuloyan nang bumigay ang puso ko na naman sa kanya. Obviously...... she's my weakness. damn! Hindi muna ako bumaba. Nanatili muna ako ng ilang minuto sa loob ng sasakyan ko at pinapakalma ang sarili. Kanina pa ako bumubuga ng malalalim na hangin ngunit sige parin naman ang puso ko sa pagwawala sa loob ng ribcage ko. I can't believe i would be feeling like s**t today. I seem to be very nervoused and scared facing my friends after 4 years of leaving them behind dahil sa pansarili kong kapakanan. What if they're mad at me? Baka mamaya pagkakita nila sa akin ipagtulakan nila ako palabas ng coffee shop. Damn it kung ano ano na naman ang tumatakbo sa isip ko. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko napagpasyahan nang tuloyan nang lumabas ng aking sasakyan. Hawak hawak ang pouch at phone ko lumabas ako ng kotse ko. Panay ang pagrigudon ng puso ko at mas lalo pa itong tumitindi sa bawat hakbang ko palapit sa main entrance ng coffee shop. I stopped walking nang nasa harapan na ako ng entrance. I bit my lower and wore my sunglasses. Malay ko ba kung makilala rin ako ng mga tao rito at magcause pa ako ng ingay o scene dito sa loob. Baka lalo pang mainis sa akin ang mga kaibigan ko. With my heart thumping really hard i stepped inside the building. Iginala ko ang mga mata ko but tears formed in the corner of my eyes the moment my sight landed at the woman in the counter. Staring at me with eyes widely opened. Bahagya ring nakabuka ang bibig at mataman akong pinagmamasdan na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Sa palagay ko ay kinikilala niya ako kaya naman ay napagdesisyunan ko nang tanggalin ang sunglasses ko dahil sa tagal niya nang nakatitig sa akin. And from there her eyes glistened with tears nang marahil ay matiyak at masiguro niya na kung sino ang babaeng tinitignan niya. Napatakip siya ng bibig. Her lips moved and she silently uttered my name. Humakbang ako palapit sa counter kung saan siya tila nabato at hindi makapaniwala sa nakikita. Ngunit tilian na sa loob ng coffee shop ang bumasag sa kapayapaang aking nadatnan. Nagsilapitan at nagkanya kanyang labas ng phone ang mga babaeng customer paglapit sa akin. Bigla, ang kapayapaang namamayani sa loob ng gusali ay napalitan ng tilian at kumusyon. Nawala ang paningin ko kay Zuchet dahil sa napalibutan na ako kaagad ng mga tao sa aking kinatatayuan. Kanya kanyang tutok ng phone nila sa akin samantalang ang iba naman ay may mga nag aabot ng kanilang phone para magpaselfie kasama ako. Hindi rin naman nagtagal ay may mga braso nang pilit humahawi sa mga taong pilit akong inaabot. Napangiwi pa ako nang makaramdam ng hapdi sa aking braso. Marahil ay may matulis na bagay ang tumama sa balat ko kaya naman gayun na lamang ang hapding naramdaman ko. "excuse me" sa ingay ng paligid ay nagawa parin ng puso kong kilalanin ang nagmamay ari ng boses na iyon. Ang kaninang takot kong nararamdaman para sa aking mga kaibigan ay napalitan na naman ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Lalo na nang may braso nang humigit sa aking beywang sabay hatak palayo sa mga customer na pilit inaabot ang aking kamay. Nanuot sa ilong ko ang bango ng taong humahatak sa akin palayo sa kumpulan ng mga tao. I didn't see this coming. I didn’t know na ganito pala karami ang customer ng coffee shop na madadatnan ko. Ang aga pa kasi kaya naman ang ini-expect ko ay mangilan ngilan lamang. But i was wrong dahil nang magawa na akong mailayo ni Freianne sa mga tao ay doon ko lamang napagmasdang halos mapuno pala ang may 20 na table nito. Hawak hawak ni Freianne ang bewang at siko ko ay hinatak at maingat niya akong dinala sa opisina naming lima. Pagkasara niya ng pintuan ng opisina ay ang mura niya ang agad na umabot sa aking pandinig. "fuck.. damn it...stay here kukuha akong gamot" sabi niya at tuloyan nang pumasok ng banyo nang hindi na ako nilingon pa. My brows furrowed. Ano namang gagawin niya sa gamot? Is she sick? Eh bakit pa siya pumasok kung ganun. Ngunit ang katanongan sa utak ko ay nasagot nang wala pa atang isang minuto nang bumalik siya bitbit ang first aid kit sabay luhod sa aking harapan at huli sa aking brasong ngayon ko lamang napansing may konting dugo pala. Nakalmot yata kanina dahil sa biglaang paglapit ng mga tao sa akin. Halos magsalubong ang kilay ni Freianne nang lumuhod siya sa harapan ko at sinimulang gamutin ang braso ko. Ang bilis bilis na naman ng t***k ng puso ko habang pinapanuod ko siyang seryosong idinadampi ang cotton buds sa balat ko. Igting ang panga niya at matalim ang mga matang nakatunghay sa kalmot sa aking balat. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi niyon. Bahagya rin akong napaigtad dahilan upang tingalain niya ako. Lumamlam ang mga mata niya nang magsalubong ang tingin naming dalawa. "sorry, does it hurt? dapat kasi dumiretso kana rito sa opisina. Alam mo namang hindi kana gaya ng dati diba. Sikat kana Kimtot kaya dapat mag iingat kana sa bawat galaw mo" sabi niya nang may tunog sermon. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa braso ko. Para namang nagpanting ang tainga ko sa tinuran niya. At anong akala niya sa akin? Pabaya ganun ba? What the hell. Hindi ko napigilan ang mapairap. Naningkit ang mga mata ko habang pinapanuod siya. Ngunit ang puso ko ay tila ba hinaplos ng mainit na kamay nang walang alinlangan niyang inilapit ang bibig niya sa braso ko at sinimulang hipan ng marahan. My lips parted as my heart melt upon seeing her carefully blowing my bruise. Napako sa kanya ang mga mata ko. "ehem" malakas na tikhim ang siyang nagpaangat ng aking tingin. Nakahalukipkip at mataman kaming pinapanuod nina Shanaia at Zuchet. Ngunit si Freianne ay hindi man lamang naapektuhan at seryoso parin sa paggamot at pag ihip sa maliit na sugat na iyon sa braso ko. Nakatayo ang dalawa sa harapan ng pintuan ng opisina at buong paghanga nila kaming pinapanuod na dalawa. Nag init ang pisngi ko. Lalo na sa nakapaskil na ngisi sa labi ni Shan. Mapaglaro ang tinging pinupukol niya sa amin. Tila naman ako biglang napaso ng mapagtantong hawak hawak parin pala ni Freianne ang braso ko. Tumayo ako at hindi na pinansin pa ang tila nagulat na si Freianne sa biglaan kong paglayo. Nilapitan ko ang dalawa at sabay silang dinamba ng mahigpit na yakap. Bahagya pang napaatras ang dalawa sa impact sa sinalubong kong yakap. Shanaia softly chuckled while Zuchet on the other hand pulled me even closer to them. Naramdaman ko ang braso nilang dalawa na pumalibot sa aking katawan. And so my tears swell even more. Umalpas ang luha sa mga mata ko. Dinaig pa ang gripo sa dami ng tubig na umaalpas sa aking mga mata. My shoulders shook. Apat na taon ko ring tinikis ang mga kaibigan ko. Tiniis kong hindi sila kinausap sa loob ng apat na taon ngunit buong buo parin nila akong tinanggap at niyakap. At aaminin kong sa mga bisig nila ay para bang bumabalik ako sa dati. Bumabalik sa dati ang kim na nawala sa nakalipas na apat na taon. "welcome back Kim sa wakas nakapag isip isip kana ring bumalik. Akala namin talagang habang buhay mo na kaming hindi kakausapin" ani Zuchet. Kumawala ako sa yakap nila habang parang batang pinupunasan ang mnabasa kong pisngi. Napanguso ako nang makitang maging sila rin pala ay naiyak tulad ko. "i'm sorry... i didn't mean to left without talking to you guys...Am i still welcome here? pwede paba akong bumalik sa buhay niyo? sa grupo natin?" i asked nervously. Makapal man ang mukha kong hingin pang tanggapin ako muli ngunit susubok at susubok parin ako. Tanggihan man nila ako ngayon ay susubok muli ako hanggang sa hawakan nila muli ang kamay ko. Hindi ako mapapagod. " silly....ofcourse you are still welcome. Hindi ka naman nawala ah. Para kang sira jan. Lika nga dito" ani Shan sabay abot sa akin ng kanyang mga braso. She again opened her arms for me kaya naman wala na akong inaksayang segundo at muli siyang niyakap. I am still lucky. I am lucky that they are my friends. Suminghot singhot ako na parang bata sa bisig ni Shanaia. Matapos ang dramang namagitan sa amin ay napagpasyahan naming kumain ng lunch ng sabay sabay dito narin sa opisina. May sarili kasing kitchen ang opisina namin at dito naging abala kaming tatlo sa pagluluto. Habang nagbabalat ako ng patatas ay hindi ko mapigilan ang pagsilay ng malawak na ngiti sa aking labi. Abala si Shan sa paggisa sa harapan ng kalan habang si Zuchet naman ang naghuhugas ng iba pang gulay na isasahog sa menudo na specialty ng Shan. Si Freianne naman ang namalagi sa counter kasama ng mga crew. Peak season daw kasi ngayon kaya ganun nalang karami ang customer. Nakakagulat lang na sa nakalipas na apat na taon ay halos triple na pala ang tumatangkilik sa aming negosyo. "hindi na namin tatanongin ang dahilan ng biglaan mong pag alis pero sana sa susunod kung may pagdadaanan ka ipaalam mo sa amin Kim. We are sisters here right? no secrets." my eyes voluntarily looked up to Shanaia. She's now facing me. Nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Hindi man siguro niya sadya na mahimigan siya ng tampo sa tono niya ay naramdaman ko parin. My heart suddenly felt guilty. I heaved out a heavy sigh. Sly smile formed in my lips. I nodded. "i promise. No more secrets. I will tell you everything from now on" i answered but then i suddenly remembered Keisha. Damn, paano ko pa babawiin ang nasimulan ko na.? I bit my lower lip and swallowed. Tumango si Shan kasabay ng pagsilay ng malawak na ngiti sa kanyang labi. Ang awra niya ay nakakagaan ng pakiramdam. "good. Ang inaanak mo kailan mo siya bibisitahin? She admires you alot. She's proud that her ninang is famous not only in France but also in social medias. Bukambibig ka nun alam mo ba." kusang umarko ang labi ko. Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi. Gaya ni Shan na nagniningning ang mga mata pagkabanggit sa anak. The way her eyes sparkled with happiness and contentment i could see that she's happy with Kailey now. Sanaol diba masaya sa piling ng taong mahal niya. Ako kaya kailan mahahanap ang taong nakalaan para sa akin? Or may nakalaan nga ba talaga para sa akin? Damn. Tumayo ako at tinungo ang lababo. Hinugasan ko ang nabalatan kong patatas at carrots.. I quickly glance at Shan. "may lakad ako bukas eh. Pupunta ako sa RSE para pumirma ng kontrata. But after nun pwede akong dumaan sa bahay niyo para ipasyal si Sky." sabi ko ngunit ang hindi ko inasahan ay ang reaksyon ni Shan at Zuchet sa aking sinabi. Sabay pa silang lumingon sa akin na nanlalaki ang mga mata. Their eyes were screaming with amazement. And so my smile grew even wider. " wow....just wow Kim i am so proud of you. Imagine RSE is the biggest TV station here in the Philippines. Baka isang araw magulat nalang kami pati pag arte eh pasukin mo na rin" it was Zuchet. She was staring at me amusingly. And then i nodded my head. Her eyes widened. Her lips formed into an O. At maging si Shanaia ay namimilog ang mga matang napatitig sa akin. Umuwi naman talaga ako ng pilipinas dahil sa offer sa akin ng RSE. I didn't come home because of the salary they have offered me but because of this project na aminado akong pinangarap ko noon pa man. Ang maging bida sa isang teleserye na mai-air rito sa pilipinas. "what the heck Kim. Seriously?" paninigurado pa ni Zuchet. Muli akong tumango. Marahas tumayo si Zuchet sa kinauupuan at nilapitan ako. She looked happy. Maybe because she knew it was my dreamed. She knew back then na gustong gusto kong mapanuod ang sarili kong umaarte sa harapan ng telebisyon. At ngayon abot kamay ko na ang pangarap ko. But then i stiffened when Shan and Zuchet both hugged me while telling me how happy and proud they are for me. I almost cried because of the support they are giving me. It really melts my heart. Marami pa kaming napagkwentohan habang nagluluto. Dahil na nga sa naging maayos ang lahat ay tuloyan nang nabura ang takot sa puso ko. Gaya ng napag usapan ay sabay sabay kaming kumain ng lunch. Magkatabi sina Zuchet at Shanaia habang si Freianne naman ang naupo sa aking tabi. Ang kaninang maingay sa pagitan naming tatlo ay parang binawian dahil sa katahimikang namamayani na ngayon sa pagitan naming tatlo. I felt..... awkward shit.! Tahimik kaming kumakain at tila nagpapakiramdaman nang biglang sumandok ng kanin si Freianne at muling nilagyan ang aking plato. Awtomatik ang paglipad ng mga mata ko sa kanya. And so with the two. "kumain kapa. Ang payat mo na" sabi niya. My jaw dropped. Nagpalipat lipat ang mga nata ko sa kanya at sa dami ng kaning nilagay niya sa aking plato. Hindi pa siya nakuntento at nagsandok rin ng ulam na sa dami ay para na akong bibitayin. What the hell. "eat up babe" muli ay sabi niya nang nakatingin na ngayon ng diretso sa aking mga mata. And my heart doubled the speed of its beating dahil sa itinawag niya sa akin. I seemed to be in a marathon sa bilis ng t***k ng puso ko. Kasabay ng pagwawala ng mga kulisap sa sikmura ko. The hell is she doing to my heart again..... At ang dalawa, sabay pang nabilaukan dahil sa biglaang kilos na iyon ni Freianne ngunit tila naman ako napako sa aking kinauupuan at pilit pinoproseso pa ng aking utak ang mga nangyayari. My cheeks heated along with my heart suddenly clenched....Hold on heart.. Get a f*****g grip of your self Kim. Not again. Huwag kana naman mahuhulog sa mga paasa niyang kilos dahil sa huli ikaw na naman ang masasaktan. You need to make your walls harder and bigger. Protect your heart. Don't fall again to her trap. Kung ayaw mong sa huli ay mawasak kana naman. "no thanks. I prefer to stay like this......i am happy with my body and to all what i have right now..."i paused and looked at her straight to her eyes."thanks sa concern. Sa counter muna ako" i glance at the two sabay tayo at labas na ng opisina nang hindi na nilingon pa si Freianne. Cold na kung cold but i have to do this for me to protect myself from her. I don't want to fall again tapos sa huli hindi naman pala niya ako sasalohin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD