KIM
Hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman. Napakagat labi na lamang ako sa nakikita kong reaksyon ng aking mga kaibigan. They looked disappointed and i must admit even i felt disappointed with myself too. Kung bakit ba naman kasi pumasok sa isip ko ang ideyang ito.
Tuloy pakiramdam ko ang laki laki ng pagkakamaling nagawa ko. If i am not mistaken ito ang unang beses kong na-disappoint ang mga kaibigan ko.
Matapos ang tagpong iyon ay naging tahimik na ang hapag. No one dared to break the silence i created. Lahat tahimik at tila tinitimbang ang sitwasyon.
Kaya naman nawalan ako ng gana. The foods they prepared were damn tasty and mouth watering but my appetite literally vanished. Matapos kong maubos ang pagkain sa plato ko ay tumayo na ako at tinungo ang likod ng coffee shop.
Sa likod kasi nito ay may mini garden na ginawang pasadya para sa mga customers na mahilig sa cactus na naggagandahan sa makukulay nitong mga bulaklak.
Dala dala ang kopita ay lumabas ako. Pagbukas ko pa lamang ng glass door ay ang mga namumukadkad nang mga bulaklak ang bumungad sa akin. Awtomatic nang sumilay ang ngiti sa aking labi. Tinungo ko ang bench na nasa pinakagitnang parte ng garden.
I heaved out a sigh.
Sa pag upo ko ay naagaw ng atensyon ko ang parte ng mga cactus kung saan sa isang line ay parepareho sila ng kulay. Dilaw.
Kumunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko kasi ay si Shanaia ang tanging may hilig sa cactus sa aming magkakaibigan and she's not into yellow colors. Ipinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan ang mga namumukadkad nitong mga bulaklak.
Iba't ibang uri ng cactus ngunit pare pareho ng kulay. For some reason my eyes glued onto it. I don't know but i feel like these beautiful cactus reminds me of Freianne.
Though i knew she's not into cactus but the color. At habang pinagmamasdan ko ang mga ito ay hindi ko na namalayang titig na titig na pala ako.
"they are beautiful isn't?" si Freianne. She's holding a glass of wine. She smiled weakly as she sat down next to me. At dahil tipid lang naman ang ngiting sumilay sa mga labi niya ay tanging tango na lamang din ang naging sagot ko.
Sa sobrang lapit niya sa akin ay samyong samyo ko ang bango niya. Medyo humahagin ng malakas kaya naman ang buhok ko ay tinatangay. Umusod si Freianne palapit sa akin and i feel electrified when our skin touched. Pakiramdam ko para akong napapaso sa pagdidikit ng aming mga balat. But i loved the feeling though. I licked my lips and swallowed the sudden appearance of the lumps on my throat.
"you know what,i miss this. Sitting here while watching these beautiful flowers.......next to you. Sana dalasan natin to Kimtot kasi sobrang namis ko to...really" her voice was too soft to hear. Too soothing that makes my heart pounding hard inside my ribcage. Palagi naman.Tanging siya lang nakakagawa saken nito. She can make my heart go crazy by just hearing her melodic and soft voice. Damn.
"kamusta pala ang taping mo?Saan ang location niyo bukas can i come with you? I want to watch you acting" sabi niya habang nakatitig narin sa cactus na agaw pansin ang dilaw nitong kulay.
Nagbaba ako ng tingin. Itinaas ang kopitang hawak at sumimsim. Itinuon ko ang mga mata sa glass kong hawak matapos na para bang may kaaya ayang tanawin sa kumikinang nitong uri. Sa tabi ko ay naramdaman ko ang dahan dahan niyang paglingon sa akin at marahas niyang pagpapakawala ng malalim na buntong hininga.
"i know i am damn late for this Kim but.....i'm sorry. I'm sorry for hurting you. For breaking your heart and our friendship. Would you allow me to fix it and bring it back to its shape please? Hayaan mo sanang buoin ko muli ang nasira ko sa nakalipas na taon." her voice shook kaya naman sinundan niya ito ng malakas na tikhim.
But my heart clenched with her words. Pakiramdam ko piniga ang puso ko sa mga salitang pinakawalan niya sa harapan ko. Nanakit ang lalamunan ko. Nagsimulang lumabo ang mga mata ko dahil sa luhang namuo sa gilid ng aking mga mata.
I licked my lips and blinked back my tears. I can feel the sincerity on her voice but she doesn't have to. Kasi kung tutuusin wala naman talaga siyang kasalanan in the first place.
Maigi nga iyon na nireject niya ako kesa naman tinanggap nga niya ako out of pity tapos sa huli mararamdaman ko rin naman ang kakulangan sa piling niya. Siguro what had happened years ago are meant to happen para sa ikabubuti namin pareho. I closed my eyes and tried to calm my shits down. Panay na naman kasi sa pagrigudon ang puso ko. Damn it.
I sighed.
Dahan dahan nag angat ako ng tingin sa kanya nang maramdamang wala na ang namuong luha sa aking nga mata. And our eyes met. I smiled weakly but sincerely and genuinely.
"ano kaba tapos na iyon. Wala na iyon sa akin. And about keisha, i'm sorry i didn't mean to make a story. Siguro dahil sa kagustohan kong protektahan ang kaibigan ko kaya pati sa inyo at sa pamilya ko ay nagsinungaling ako.....believe me i didn't mean it" i said without blinking. Stupid me. Kasinungalingan na naman ang lumabas sa aking bibig.
But damn it, alangan namang sabihin kong oo sinadya kong magsinubgaling dahil noong makita ko siya sa airport ay nawala na naman sa katinuan ang utak ko.
Na bumalik ang sakit dito sa puso ko. Na nang muli ko siyang masilayan sa unang araw ko rito ay pakiramdam ko bumalik ang lahat ng kirot dito sa puso ko kaya ko nabuo ang kasinungalingang iyon sa akin. s**t.
Ilang segundong naghinang ang mga mata namin. Samu't saring emosyon. Iyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. Siya ang unang nagbaba ng tingin. Lumipat ang mga mata niya sa kamay kong may hawak na kopita.
Dahan dahan inangat niya ang kamay at hinuli ang akin. Kinuha niya ang hawak kong kopita at binaba sa espasyo mula sa kanyang gilid. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa muli niyang hinuli ang aking kamay at mariing tinitigan.
Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya. Mababanaag ang paghihirap sa kanyang magandang mukha. Panay din ang paglunok niya na para bang hirap na hirap siyang ilabas ang mga salitang nais niyang sabihin. But my heart,.my heart is beating erratically once again. See how my heart reacts whenever she's close to me. This close na nagpapabaliw parin sa puso ko ng paulit ulit.
She swallowed for the ninth time.
"Kim i.......i-i love you. The day you left made me realized how -" i pulled back my hand from her. Natigilan siya sa ginawa ko. Her eyes seems pleading as she stared at me.
But damn it, Is she playing games with me? Ano itong pinagsasabi niya ngayon. Pinaglololoko niya ba ako? Well then this is not funny and i hate it. I f*****g hate it. Tila siya nagulat sa padaskol kong pagbawi ng aking kamay sa kanyang hawak. She looked hurt and stunned.
Naningkit ang mga mata ko at muling nangilid ang luha. This time i let my tears rolled down my cheeks. I didn't controlled it at hinayaang mamalisbis ito pababa sa aking pisngi
I should be happy coz this is what i have been dreaming since then but f**k, it hurts me. Siguro dahil huli na. Or pakiramdam ko may mali. I don't know but there is one thing that i am sure of. Hindi ko nagustohan ang narinig ko.
Pinalis ko ang luha sa pisngi ko. I glared at her. She meet my eyes bravely sa kabila ng galit na pinapakita ko. She bit her lower lip.
I sarcastically laugh kasabay ng sunod sunod na pagbagsakan ng mga luha ko. Bwisit na pesteng luha ito at ngayon pa naging mahina. I made a promised to my self that i won't cry again because of her pero heto na naman at walang humpay kung kumawala. What the hell.
"wow........funniest joke i have ever heard. Talaga ba Frey?Are you kidding me?" i stood up violently and she immediately grab my hand na muling nagpatigil sa akin.
There's tears in the corner of her eyes. Mariin niya akong tinitigan. Tumayo si Freianne at walang babala niya akong kinulong sa kanyang mga bisig. Mahigpit na para bang sinasabing huwag akong umalis. At sa higpit ng kanyang yakap ay muli na naman akong nawala sa katinuan. Hindi ako nakapagreact sa biglaan niyang pagyakap.
Natulala ako. Napakurap kurap kasabay ng walang tigil na pagtakas ng aking mga luha. But honestly, i loved her arms wrapped around my body. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa akin. And this is my home.My home that i have missed for years.
"please give me a chance to prove how much i love you Kim. Hayaan mong patunayan kong mahal kita am begging you please" she plead.
I swallowed.
Tila naumid ang dila ko maging ang utak ko ay hindi makahuma. Ilang beses kumurap kurap ang mga mata ko na para bang nabibingi na ako at the moment.
Naramdaman ko ang dahan dahang pagbitaw sa akin ni Freianne kasabay nang pagsapo niya sa aking magkabilaang pisngi. Pinirmi niya ang mukha ko sa kanya na para bang nais niyang sa kanya lamang tumuon ang aking mga mata.
Pinahid niya ng marahan ang nalulunod kong pisngi dahil sa walang tigil na pagtakas ng luha sa aking mga mata.
"give me a chance please" she said looking straight to my eyes. I shook my head. Umatras ako isang beses kasabay kaya naman nabitawan niya ang pisngi ko ngunit halos tumigil sa pag ikot ang oras at mundo ko nang malinaw kong nakita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.
I have been dreaming for this years ago but now tila ako nahihirapang yakapin ang nangyayari. Para akong hinahatak ng nakaraan at ayaw akong palapitin sa kasalukuyan.
Kasabay ng pag iling ko ay ang pagbaba ng tingin ni Freianne sa sahig. Bagsak ang balikat siyang nagbaba ng tingin. Tulad ko ay basang basa narin ng luha ang kanyang pisngi.
"heyyy what's happening here? Are you two fighting." nagpalipat lipat ang mga mata ni Kailey sa amin. Salubong ang kilay at mababakasan ng pag aalala. I wiped my tears with my bare hands as i was shaking my head.
"i-i'm sorry i have to go" i ignored her question and just walked pass her. Malalaki ang hakbang kong lumabas ng coffee shop. I didn't dared to look back even though my heart wants to.
Hindi ko maramdaman ang bawat hakbang ko patungo ng parking dahil mas nangingibabaw ang pananakit ng aking dibdib. Bwisit.Heto naman ang gusto ko ehh,ang mahalin niya ako pero bakit nasasaktan ako. Bakit hindi ko matanggap. What the f**k is happening to me? Damn it..