KIM
Matapos kong maiayos ang bulaklak sa vase ay lumabas ako ng kwarto at sinundan si kuya. Pinahanda niya raw kasi ang binili niyang vanilla cake sa sala. Naaalala ko pa sa tuwing alam niyang nasa hindi ako magandang mood ay ito ang ginagawa niya para pagaanin ang loob ko.
Alam niya kasing vanilla cake ang comfort food ko. Pagkababa ko ay natanaw ko na agad ang nakahandang platito sa center table ngunit kumunot ang noo ko nang mapansing tatlong platito at tatlong baso ng pineapple juice ang nakahanda roon.
I roamed my eyes to find kuya and there he was. He was standing in front of the door. Nasa tainga ang phone at seryosong nakikipag usap. Nakapameywang at kunot na kunot ang noo.
Tumuloy ako sa pagbaba ng hagdan at tinungo ang sliced cake na nakahanda sa sala.
"yeah yeah please Marie cancel all my meatings tonight and please umuwi kana after this.... bye" binaba ni kuya ang phone at pinasok sa loob ng kanyang bulsa. Pumihit siya paharap sa kinaroroonan ko kasabay ng pagsilay ng malawak na ngiti sa kanyang labi.
"i miss this bunso. You and me eating your comfort food while listening to your errands. So how was your life without her by your side? Have you already moved on? May bago na bang nagpapatibok sa puso ng pinakamamahal kong bunso?" sabi niya habang humahakbang palapit sa akin.
Umusod ako upang makaupo si kuya sa tabi ko. Malapad akong ngumiti kasabay ng pagtango ko. Tumaas ang kilay ni kuya na para bang tinatantya ang naging tugon ko.
" ofcourse kuya. It has been four years since then at sa dami na ng nangyari sa buhay ko sa france ay alam ko nang naghilom na nang tuloyan ang nawasak kong puso. And thanks to you kasi kung hindi mo ako tinulongang makabangon sa France ng mag isa noon baka hindi ko mararating sa kung nasaan ako ngayon. "mahaba kong litanya.
Umupo si kuya sa tabi ko kaya naman just like the old days inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni kuya. Umangat din ang kanang braso niya at binigyan ako ng marahang haplos sa ibabaw ng aking ulo.
Bumuntong hininga si kuya. Iniakbay niya sa balikat ko ang kanyang braso. He was hugging me. Kung mayroong ibang taong nakakaalam ng totoo kong damdamin noon kay Freianne, iyon ay ang kapatid ko.
Halos hindi nga maipinta ang mukha niya noong mahuli akong umiiyak sa loob ng kwarto ko. Second year high school kami noon.
Iyon yung araw na nakaramdam ako ng sakit at nag uumapaw na selos kaya naman pag uwi ko sa bahay doon bumuhos lahat ng luha ko na sa kasamaang palad ay nahuli ni kuya.
Akala niya noon may nambully sa akin sa school kaya naman hindi talaga niya ako tinigilan hanggang sa hindi ako umamin sa kanya sa tunay kong nararamdaman.
He was stunned and freakingly shocked upon hearing my confession about my feelings towards my bestfriend. Hindi maipinta ang mukha niya sa labis na gulat. And since then he became my advisor and listener with all my errands about Freianne.
"i am happy to hear that. Anyway we will be having a visitor. She's on her way now." sabi niya sabay subo ng cake. Humiwalay ako sa kanya. I took one of the glass of juice in front of us and took a sipped. My brows furrowed.
"sino kuya? Don't tell me may magdadala na naman ng work mo rito?" pinaningkitan ko siya ng mga mata but he shook his head.
Inabot ni kuya ang baso ng juice at uminom.
"late na naman ako sorry" awtomatik lumipad ang mga mata ko sa bungad ng main door. May bitbit na bungkos ng yellow na rosas si Freianne at ang kanyang mga mata ay sa akin nakatuon.
Napalunok ako. Bakit ba parang nanandya ang pagkakataon at sa unang araw ko palang rito sa pinas ay siya na agad ang agaran kong nakakasalamuha?
I bit my lower lip when i suddenly felt my heart doubled the speed of its beating. Pakiramdam ko may naghahabulang mga daga sa dibdib ko at lalo pa itong dumoble nang huminto siya sa mismong tapat ko at inabot ang bouquet of yellow roses nang may malawak na ngiti sa labi.
Napakurap kurap ako. Nilingon ko si kuya sa aking tabi but he obviously avoided my gazed.
"para sayo. Welcome back kimtot" and my heart skip a beat upon hearing her voice calling me again on that name. Apat na taon kong hindi narinig ang pangalang iyan na tanging siya lamang ang tumatawag sa akin niyon.
Kagat kagat ang ibabang labi ay muli ko siyang tinangala at inabot ang bulaklak na inaabot niya.
"thanks" my voice lightly trembled kaya naman sinundan ko ito agad ng isang malakas na tikhim. Ngunit tila lalo namang nagwala ang puso ko nang umupo siya sa tabi ko.
And her f*****g smell assaulted my nostrils. I swallowed.
"how's the exibit? for sure malaki na naman ang nabenta mo." sabi ni kuya. He was looking at Freianne. Pumirmi naman ako sa aking pagkakaupo. Her presence is intoxicating me. Pinapagitnaan nila ako and her skin touching mine dahilan upang makaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Pakiramdam ko para akong pinasok sa isang drum na punong puno ng tubig dahilan upang maubusan ako ng hangin.
Ang bilis bilis nga ng t***k ng puso ko ngunit tila wala namang hanging pumapasok. It's killing me damn it.
"i sold 10 million but i gave half of it to charity. Konti nalang matatapos na ang pinaparenovate kong bahay ampunan. Actually doon ako galing." i did not look at her. But my ears are with them. Listening with their conversation.
Lumipad ang mga mata ko sa bulaklak na nasa aking kandungan. For some reason my eyes glued on it. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Sa kailaliman ng puso ko ay sinubukan kong dinama kung naroon parin ba ang pagmamahal ko sa kanya na inihimlay ko sa apat na taong paglayo ko.
But i stiffened when Freianne suddenly leaned her head onto my shoulder that i couldn't deny it gives me goosebumps.
Nahigit ko ang hininga ko at tila nabato sa aking kinauupuan. I shouldn't be feeling this way. Ganito naman kami dati ehh pero bakit pakiramdam ko bago na sa akin ang ganitong tagpo sa pagitan namin? I am not used to it anymore. s**t.
"please let me stay this close to you kimtot. I finally felt home after 4 years you've been away from me. Those years feels like hell to me. I miss you f*****g much" she said full of emotions that made my heart clenched for a reason i don't even know.
I bit my lower lip and didn't dare to move. Kalabog ng dibdib ko ang nagsilbing ingay sa pandinig ko. What is she doing? And why my heart is having a hard time so sudden to breath? What is happening to me?
Apat na taon. Apat na taon kong hindi naramdaman ang ganitong damdamin sa tuwing nalalapit at nadidikit ang balat ko sa kanya. I should do something about it right? I should distance my self to her for my own sake.
Tumikhim ako at dahan dahang inilayo ang katawan ko sa kanya. And our eyes met. Her eyes were screaming longing and pain dahilan ng pagsalubong ng kilay ko. I cleared my throat.
"s-sorry but we can not go back to being this close as before. Baka pagdudahan ako ng asawa ko at ayaw kong mangyari yun" i said looking straight to her eyes. Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko matapos kong marealized ang mga salitang namutawi sa bibig ko.
Nagulat ako sa mga salitang kusa na lamang binigkas ng mahadera kong puso. I didn't mean it. Those words slipped in my tongue without my consent. Damn!
My brother loudly gasped next to me. Damn it, bakit pakiramdam ko ako ang nagbe-benefit sa ideyang dapat ay si Keisha ang gumagamit.
And why am i doing this in a first place? Hindi ba at moved on kana kim? Ano itong dramang ito? Bakit parang hindi naaayon sa inaasahan ko ang mga nangyayari ngayon?
Hindi ko nagawang bawiin ang mga mata ko sa mga mata ni Freianne. Lalo na at malinaw pa sa sikat ng araw ang pagdaan ng sakit roon matapos marinig ang mga salitang binato ko sa kanya. And my heart clenched upon seeing her pain.
Sa hindi ko na namang malamang dahilan ay parang gusto kong bawiin ang mga salitang binitawan ko na. Ang makita siyang nasaktan sa mga sinabi ko ay parang doble ang balik nun sa akin.
Ipinilig ko ang ulo ko. Pilit binubura ang mga tumatakbo sa utak ko.
"what the heck are you talking about bunso?" parang kulog sa lakas ng boses ni kuya. He sounded like betrayed. I turned to him and the way he looked at me made me speechless and out of words.
Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Ang mga mata niya ay nanlalaki. Halong gulat at disappointment ang nakalarawan sa kanyang mga tingin sa akin. I swallowed.
Marahas na tumayo si kuya sa aking tabi at nameywang. Gusto kong bawiin ang kasinungalingang naumpisahan ko ngunit nagtatalo ang puso at isip ko.
I feel like i have to do this. Kailangan kong gawin ito upang protektahan ang sarili ko. Pero kanino? Kailangan ko ba talagang bumuo ng kasinungalingan? Para saan? Para mapagtakpan ang mga nakakalitong damdamin na pilit na namang umuusbong sa aking kaibuturan. f**k, what am i doing?
"anong asawa ang pinagsasasabi mo? Kailan kapa nagpakasal? Bakit wala kaming alam rito?" he asked disappointedly. Napalunok ako at nagbaba ng tingin.
Nahagip ng mga mata ko ang mariing pagkakasara ng mga kamo ni Freianne sa gilid ng kanyang mga hita. Nakapatong ang mga kamao niya sa ibabaw ng sofa. Halos mamuti at maglabasan na ang mga ugat niya sa kamay sa diin ng pagkakasara nito. I bit my lower lip.
"i-i'm sorry i-"
"honey" napapikit ako ng mariin. Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi sa biglaang tawag na iyon mula sa bungad ng hagdan. Sabay sabay ang pag angat ng mga ulo namin. Mula roon sa bungad ng mahaba naming hagdan ay naroon si Keisha. She started to take steps down the stairs while her eyes were on us. She looks nervoused. I could see it in her eyes and to her trembling hands.
Think Kim. think think think.. Mag isip kana dahil mamaya siguradong masasabon kana naman ng kaibigan mo. Ang usapan ay sa harapan lamang ng lalaking iyon ninyo gagamitin ang palabas na ito right? Pero nauna mo nang ginamit ang acting skills mo sa harapan ng babaeng nangreject sayo 4 years ago. At wala ito sa plano. f**k it!
Tumayo ako at nanginginig ang mga paang sinalubong ko si Keisha sa pagbaba ng hagdanan. Hinuli ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. Nagtatanong ang mga mata niyang tinitigan ako. Pilit ang ngiting lumitaw sa labi ko.
Naramdaman ko pa ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Keisha sa kamay ko. Marahil ay upang ipadama sa akin na hindi niya nagugustohan ang pinaggagawa ko. Dahil maging ako rin ay hindi nagugustohan ang mga lumalabas sa bibig ko.
Nagugulohan ako sa mga pinaggagawa ko. Nagugulohan ako sa mga nararamdaman ko ngayong nagtagpo na ulit kami ng taong minahal ko. Nagugulohan sa kung paano masaktan at tumibok ang puso ko ngayong kasama ko na siya ulit. At kung tama paba ang mga ginagawa ko ay hindi ko na alam.
"mag...usap ...tayo ...mamaya" bulong ni keisha sa tainga ko ng may diin sa bawat niyang salita. Napalunok ako. Nagiging habit ko na ata ang lumunok. What the hell.
Hawak kamay kaming lumapit kay kuya. Ngunit napapangiwi ako sa higpit ng hawak ni Keisha sa kamay ko. Para siyang nanggigil sa inis at sa kamay ko niya inilalabas ang inis sa akin.
Tumigil kami sa mismong harapan ng kapatid kong nakapameywang at mariing nakatitig sa mga kamay naming magkahugpong ni Keisha. Mayroong hihinto ang mga mata ni kuya sa mga kamay namin at pagkatapos ay lilipat sa mukha ko na para bang pilit niyang hinahanap ang totoong sagot sa mga mata ko.
Awang ang labi ni kuya nang mapatitig siya sa mukha ni Keisha. Para siyang hindi makapaniwala. Kapagdakay nagsalubong ang kilay niya. He turned to me with disappointment in his stares. Again.
"hello po. I'm Keisha Marie Chua. Kim's wife" she extended her hand to my brother for a shake hands. But the latter looks hesitant wether he would accept Keisha's hand or not. But in the end tinanggap ni kuya ang nakalahad na kamay ng aking kaibigan. They shook their hands.
Sa gilid ng mga mata ko ay naroon si Freianne. Nakaupo parin sa dati niyang pwesto ngunit mariing nakatitig sa kamay ni Keisha na namamahinga sa aking beywang. Igting ang panga at mariin paring nakasara ang mga kamao sa edge ng sofa kung saan siya nakapirmi.
Gusto ko siyang tignan ng mabuti at alamin ang mga nakarehistrong emosyon sa kanyang mga mata ngunit abot abot ang pagpipigil na ginawa ko sa aking sarili.
Kapag nalalapit siya sa akin ay hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Hindi nakakapag isip ng maayos at hindi mapakali ang puso ko bagay na nagbibigay ng maraming katanongan sa utak ko.
Natapos ang usapan at naging klaro sa kapatid ko ang mga nabuong kasinungalingan sa pagitan namin ni Keisha. At ang higit na nakapagpalito sa akin ay ang hitsura ni Freianne nang umalis siya ng bahay matapos marinig ang mga walang katotohanang kwento namin ng aking kaibigan.
May mga nagingilid na luha sa kanyang mga mata nang magpaalam siya kay kuya. Bagsak ang mga balikat niya at bakas na bakas ang sakit sa kanyang mga mata nang ihatid namin siya sa kanyang sasakyan.
I wanted to run after her at bawiin ang lahat ng mga narinig niyang pekeng kwento mula sa akin ngunit natakot ako. Natakot akong baka mali na naman ako ng pagkakaintindi sa mga emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata.
Na gaya ng pagkakaintindi ko sa kung paano siya magcare sa akin noon. Nahulog ako ng lubos sa kanya dahil sa mga mali kong pagkakaintindi sa mga kilos niya sa tuwing kasama ako. At sa huli ako na naman ang masasaktan ng sobra. And i am done hurting because of her. I am done........ LOVING HER without her knowledge.