CHAPTER SEVENTEEN
Clarence
"MAY nakapag-sabi sa akin na binisita ka raw noong isang police detective kanina. Ano'ng kailangan niya sa 'yo? Is this about the case you're working on right now?"
Iyon ang mahabang simulang salita ni Mama na may kasama pang dalawang tanong. Kahit alam ko paano sasagutin, nanatili pa rin akong tahimik at mas nagtuon sa pagkaing nasa aking harap.
"Sinabi ko na sa 'yo na bitawan mo na iyang kaso na 'yan. Give it to Thirdy and let's start working about your political image, Clarence."
Dagdag na salita pa ni Mama dahilan upang tapusin ko na aking pagkain.
"This case is my last case before the filing of candidacy starts. I'll continue working and you know that Thirdy's license to practice is still suspended."
"What's with the case and you can't stop working about it?"
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong na iyon ni Papa. My mother asked help and I saw it. Susunod si Papa sa kanya pero alam ko namang mas makikinig siya sa akin. We're alike at some point but as my siblings always saying, I am more like Mama most of the time.
And that's not an argument where I can file a counter affidavit. Tinanggap ko na lang kahit madalas magkasalungat kami ni Mama.
Gaya na lang ngayon na may gusto siyang ipagawa sa akin at isalin sa kapatid ko ang hawak na kaso.
Para namang kaya ko na iwan sa ere iyong mga babaeng napangakuan ko na ilalagay si Apollo sa likod ng rehas. Hindi lang isa iyong umaasa sa akin na mabibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa kanila. Marami sila at kasama roon si Czarina na hindi ko pa nakakausap magmula pa kanina.
"It's the women who deserve justice and be able to start over again. Besides, I have a daughter and I don't want Ellary to grow up and met someone like that douche who supposed to be in jail, not wondering around."
Nanatiling tahimik si Mama pero alam ko na maraming natakbo sa kanyang isipan. Dalawa na kami ni Thirdy na sakit ng ulo niya ngayon dahil kahit ano pa ang gawin niya'y hindi pa rin kami nasunod.
But Thirdy and my case are different.
That guy is in love. I want to help Czarina and the other women seek justice.
"Well, I hope you stick to your goals, Clarence. You better stick to it no matter what happen."
"I know what I'm doing, Mama."
"Sana nga," makahulugang tugon ni Mama na hindi ko na pinatulan. "It's getting late. Let the kids stays here. If you want to go home, let the guards escort you."
Tumayo si Mama at iniwan kami ni Papa na kapwa tahimik. Gusto ko na rin tumayo pero hindi ko alam paano kakausapin si Papa. Hindi kami gano'n ka-close kasi lumaki akong independent at marami akong naging atraso sa buhay ko simula noon.
Damn it!
I have to do something. But before I could think of a way to bid my goodbye, my father spoke.
"Don't let anyone hinder your heart's desire, Clarence. You've been played and a cruel destiny's subject all these years. Huwag mo na hayaan na mapaglaruan ka ulit ngayon."
Iyon lang at tumayo na si Papa at iniwan ako na nag-iisip kung ano ba ang nais ipahiwatig niya sa akin. What about my heart's desire? I don't even what it could be right now.
Malalim akong huminga at tumayo na rin saka umalis.
SA suite kung nasaan si Czarina ako dinala ng mga paa ko imbis na sa tinitirhan ko na condo. I don't why I kept on thinking about her since I brought her here. Kahit nasa meeting ako, siya pa rin ang nasa isip. Kahit kanina na kasama ko ang mga magulang ko'y si Czarina pa rin ang laman nitong utak ko.
When I reached my suite's doorstep, I hit the doorbell instead of entering immediately, even if I owned it. Wala akong ideya kung gising pa ba si Czarina o kung narito nga ba siya. I've just tried my luck, and when the door opened, Czarina stormed out and hugged me.
Napalinga ako sa magkabilang dulo ng hallway na kinatatayuan ko. Nang makita ko na wala namang tao, saka ko lang binalingan si Czarina.
"Let's take this inside, Cha," I said, gently pulling Czarina away from my body.
"Sorry, Atty. Meron kasing pauli-uli diyan sa labas kanina pa tapos may sumusubok na buksan iyong pinto."
Kitang-kita ko ang bumakas na takot sa mukha ni Czarina habang kinu-kwento ang mga pangyayari na 'yon. I closed the door after hanging the do not disturb sign on the doorknob.
"It's just the cleaning ladies, Cha," Sabi ko.
"Talaga ba?" Tumango lamang ako bilang sagot. "Ang tanga ko naman! Kalimutan mo na niyakap kita. Naparanoid lang ako."
"No harm done," I answered, and then I helped myself towards the kitchen. "Did you cook?"
"Hindi. Binili ko lang iyan sa labas kanina." Mabilis siyang lumapit sa puwestong kinaroroonan ko. "Kanina rin parang may nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta."
"I hope you didn't tried to lost them because it's the police."
"Pulis? Bakit sinundan ako ng mga pulis? Alam ba nila na biktima rin ako? Wala na talaga ako puwede mapagkatiwalaan -"
Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Czarina saka nagsalita. "Relax, Cha. I'm working with them and you can trust me again." Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na parang binabasa niya kung ano ang nasa aking isipan. "We need informations to pin Apollo for his crimes. Kung may alam ka na tungkol sa mga transaksyon niya, ibigay mo na sa amin."
Sunod-sunod na umiling si Czarina. Alam ko na agad na hindi pa siya handa na makipagtulungan sa akin. It's my fault after all.
"Hindi ko alam ang tungkol sa mga transaksyon niya pero madalas siyang may kausap na mga lalaking iba ang lahi. Mayroon ding matataas na tao akong nakita at naging kliyente."
Doon ay iniwan niya ako't pumasok sandali sa kwarto. Paglabas ni Czarina ay may bitbit na siyang notebook na makapal at inabot niya iyon sa akin.
"Nandyan lahat ang pangalan ng naging kliyente namin ni Jeni. Ni-record ko para babalikan ko sana kapag kaya ko na labanan si Apollo."
"I'll keep this and put it on the list of evidences."
"May isa pang notebook at naroon naman iyong mga listahan ng drugs transaction ni Apollo." Huminga nang malalim si Czarina bago ulit nagsalita. "Si Mama ang may hawak noon at hindi ko alam kung ibibigay niya sa atin ang notebook na iyon."
"Do you know where is she?" Umiling si Czarina na siyang dahilan para tumango ako. "Ito muna tayo. Mabigat na rin naman itong ebidensya laban sa kanya. At least we're one step ahead to them."
We're one step ahead for now.
ISANG katok sa salaming pinto ng aking opisina ang pumukaw sa akin at siya ring nagpabalik sa akin sa realidad. Paglingon ko'y iyong nakangiting mukha ni Czarina ang siyang nakita ko. She's with a cup of coffee and all dressed up.
"Good morning!" Masigla niyang bati sa akin. "Ito na ang kape mo. It's black just like your usual."
"You're back?"
Hindi siya nagsabi sa akin. Hindi ko rin naman alam ang tumatakbo sa isipan niya kahit magdamag kaming magkausap tungkol kay Apollo. Czarina told me everything in a very detailed manner. Nabanggit niya na siya ang binibigay ni Apollo sa mga matataas na taong parokyano sa club. Marami pa siya nabanggit na nakadagdag sa pag-aasam ko na dikdikin si Apollo.
"Naisip ko na hindi naman ako dapat habang buhay na nagtatago. Isa pa malakas naman ang laban natin kay Apollo." Napaubo ako matapos marinig ang sinabi na iyon ni Czarina. "M-may problema ba?"
"No -"
"Attorney De Luna, may gusto po kumausap sa inyo -"
"Attorney!" Iyon ang salita ng malagom na tinig ni Apollo ng makapasok sa aking opisina. "Narito ka rin pala, Czarina. Tamang-tama at hindi na kita kailangang hanapin pa."
I immediately walked towards Czarina's spot and brought her behind me before facing Apollo and his representatives.
"What do you need here?" tanong ko.
"Hmm, gusto ko lang sabihin na kakampi ako at kung ano 'man ang nagawa ko sayo, Czarina, babawi ako." Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Czarina sa manggas ng suot ko na long sleeves. "Hihintayin kita sa club. Kayo ng mga kasama mo."
Iyon lang at tumalikod na si Apollo na sinundan naman ng mga representatives nito. Naiwan kami ni Czarina na walang imik ng ilang sandali at ako na mismo ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa.
"He's a police informant and that's an edge for him to bailed out but only for a while."
I am trying to assure Czarina that everything is still infavored of us. Na wala siyang dapat na ipag-alala kahit malaya ngayon si Apollo. Pero may parte sa isip ko na hindi na alam ang gagawin sa ngayon.
Nang ipasa ko ang ebidensya na bigay ni Czarina saka naman dumating ang mga pulis at sinabi na informant nila si Apollo kaya nakalaya ito. It's frustrating and Thirdy asked me to seek help already.
May kakilala kami na makakatulong sa amin pero hangga't maaari ay ayoko na gamitin ang tao na iyon. I have grand plans politically and if I get associated with him, it will tarnished my family's good name. Ayoko naman na mangyari iyon kaya heto at gulong-gulo na ako.
Dumagdag pa itong biglaang pagbisita ni Apollo sa opisina na para bang hinahamon niya ako. And that smile too. It was as if he's declaring a war that I don't when it will occur.
"A-anong nangyari sa ebidensya na binigay ko?" tanong ni Czarina sa akin saka bumitaw siya sa pagkakapit sa manggas ng suot ko na damit. "Naroon lahat ng pangalan. Kahit na iyong mga pulitiko na naging kliyente ko. Binigay ko iyon kasi akala ko mas madidiin si Apollo."
"Kulang pa iyon, Cha. Now, if you can contact your mom -"
"Tumigil na ako maging anak ng mga magulang ko simula ng ibenta nila ako. Akala ko, okay na iyong ebidensya na bigay ko. Akala ko matatahimik na ang buhay ko. Akala ko -"
"May paraan pa para maibalik si Apollo sa likod ng rehas, Czarina."
"Hindi ko na alam kung totoo na may paraan pa, Atty."
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang magkabila niyang balikat. "I'll bring him back in jail. I will do it myself, Czarina."