CHAPTER EIGHTEEN
Czarina
MAY PARAAN pa ba talaga? Para naman kasing wala akong kakampi sa pinasok ko na gulo. Itong pagbalik ko sa law firm, dahil lang ito sa tiwalang binigay ko kay Clarence. Iyong tiwala na nabasag din agad kasi naging walang saysay ang ebidensya na binigay ko sa kanya. How come na naging informant ng mga pulis si Apollo? May na-miss ba ako?
Agad pumasok sa isip ko si Congressman Lapid. Iyong koneksyon niya sa pulitiko na iyon ang dahilan kaya siya nakalaya at naging informant ng mga pulis. Mahirap na talaga magtiwala kahit sa mga pulis pa mismo.
Malalim akong huminga. Akto akong aalis na ngunit may matatag na kamay ang siyang pumigil sa 'kin. Nilingon ko ang may-ari noon na walang iba kung 'di si Atty. Thirdy.
“Where is Jeni?” tanong niya agad sa akin.
Pero itong Atty. Thirdy sa harapan ko ngayon ay iba sa Atty. Thirdy na kasa-kasama dati ni Jeni. Para siyang tuliro marahil ay sa kakahanap sa kaibigan ko.
“H-hindi ko alam kung nasaan -”
“That's bullshit! You know where she is. Magkaibigan kayong dalawa!”
Humigpit ang hawak niya sa akin dahilan upang mapangiwi ako sa sakit. Pero higit sa lahat ay ibang lalaki ang naisip ko ng mga oras na 'to. Binundol ng kaba ang aking dibdib kaya pilit akong kumawala ngunit kulang ang lakas ko. Maybe because I'm too exhausted by the fact that Apollo was out there walking around like a free man.
“Hindi ko nga alam nasaan siya!” Nagpumilit pa rin ako kahit na nasasaktan na.
“Third, that's enough!” sigaw ng tinig na alam ko na agad kung sino ang may-ari. “Hindi niya alam kung nasaan si Jeni. Bitiwan mo na siya.” Clarence said, trying to calmed Atty. Thirdy down. Unti-unti namang lumuwag ang hawak ni Atty. Thirdy sa 'kin. Doon lumapit sa amin ang mga kasama ni Clarence at kinuha na si Attorney saka sinama kung saan na 'di ko alam. “Are you okay?” tanong ni Clarence sa akin.
“O-oo. . . pero saan nila siya dadalhin?”
“Home. He's going home.”
“A-ayos lang ba siya? Ang disoriented niya. . . tapos amoy alak din siya -”
“He's not himself since Jeni left.” Muli ko tiningnan si Atty. Thirdy na may dalawang escort at sinusundan pa ng dalawang lalaki. “Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya? Sa hotel suite mo siya huling nakita.”
“She j-just b-bid her goodbyes. Iyon lang at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.” Kumunot ang noo ni Clarence na para bang hindi siya naniniwala sa akin. “Babalik na ako sa taas. May kailangan ka pa ba?”
“Go home, Cha. You need to rest after what happened earlier.”
“Hindi rin naman ako makakapahinga kung uuwi ako. Iisipin ko pa rin paano ko babalikan si Apollo.”
“Leave that to me. Umuwi ka na at magpahinga muna.” Mukhang hindi magpapatalo ang isang ito kaya wala akong ibang choice kung 'di ang magpaubaya. “Take my car. Mamaya ko na lang iyan kukunin doon.”
“Sigurado ka?”
“Makakauwi ako kahit dala mo iyan. I just want you to be safe on your way back home.” Muli akong malalim na huminga saka kinuha ang susi sa kanya. “Drive safely. . .” he said, tapping my shoulder before leaving.
Gaya ko ay nag-iisip din si Clarence. Alam ko dahil bakas iyon sa kanyang na may kahalong pagod. Baka hindi na rin siya nakakatulog kakaisip kung paano madidiin si Apollo. Tapos hindi pa 'man nakaka-usad ang ebidensya na bigay ko, heto't may bago na namang problema.
Iyong mga taong akala ko po-protekta sa amin, sila pang nagpakawala sa isang kriminal na gaya ni Apollo.
Ang hirap talaga kapag bulag at bingi ang batas. Sa may pera lang malinaw ang lahat kaya nasaan iyong paraan na sinasabi ni Clarence?
Imposible na nga yata talaga ang lahat.
PAGPASOK ko sa hotel suite, agad ko nilapag sa key tray iyong susi ng sasakyan ni Clarence. Sunod ko hinubad ang aking sapatos at tinago sa cabinet. Inalis ko rin sa pagkaka-tuck in iyong suot ko na damit at pati na ang suot ko na bra. Pagkatapos ay naupo ako sa couch at sinandig ang aking ulo sa sandalan.
Wala naman ako ginawa maliban sa pagtimpla ng kape ni Clarence ngayong araw. Napalis ang iniisip ko ng may maulinigan akong tinig at kaluskos mula sa kusina. Dahan-dahan akong kumilos at humanap ng puwedeng ipanghampas kung sino 'man iyong naroroon ngayon.
Bukod kay Clarence, wala na akong alam na puwedeng pumasok dito sa hotel suite na kinaroroonan ko. Iyong mga kaibigan ko naman ay umuwi muna sa kani-kanilang bahay dahil sa takot na rin. Ayoko rin naman na madamay sila sa galit ni Apollo sa akin.
Patuloy ako sa dahan-dahan na pagkilos hanggang sa marating ko na ang kusina. I held the vase tightly and get ready to throw it to whoever in there as self defense. Bahala kung magkano aabutin kapag nabasag ko itong vase basta ang importante ay maipagtanggol ko ang aking sarili.
“S-sinong n-nandyan?” Bakit pa ba ako nagtatanong? Ang tanga ko sa part na iyon. “L-lumabas na kayo. . .”
“Miss Guevarra?” anang tinig na may halong pagtataka at gulat na nagmula sa aking likuran. Lumingon ako at iyong bunsong anak ni Clarence ang siyang nabungaran ko kaya naman dahan-dahan ko na binaba ang vase na aking hawak. “That's part of Dad's vase collection.”
“Ito? Nangongolekta siya ng vase?” Hindi ko makapaniwalang tanong.
“Vase and vinyl. He's collecting those things.” Iyon naman ang sambit ng tinig na una kong narinig mula sa ilalim ng lamesa. That's Dean and he grunted after stretching his back and legs. “Bakit narito ka? Kasama mo ba si Daddy?”
Doon ko naalala na wala pala akong suot na bra kaya agad ko nayakap ang aking sarili. “D-dito ako nakatira. . . temporarily?” Napatingin ako sa lababo at nakita ko na may mga hugasin doon. Kitang-kita ko iyong mga tupperware na ginamit ko kanina para itabi ang natira kong ulam. “Kumain kayo?”
“Opo. I told kuya na we can eat it,” Ellary answered.
Ngumiti ako. “Nagugutom pa ba kayo? Gusto niyo ipagluto ko kayo?”
“Hindi na -”
“Yes! Nagugutom pa po ako.” Ellary wins and I fixed myself first before cooking for them. Wala naman nagawa si Dean kung 'di maupo sa tabi ng kapatid niya't abangan na matapos ako magluto. “Secretary ka na po ba ulit ni Daddy? I missed your packed meals which I really enjoy eating.”
“Masaya ako na nagustuhan mo ang luto ko, Ellary. Kaso hindi ko puwede ignorahin ang utos ng tatay niyo. Secret na lang natin ito ha?”
“As if we can keep a secret to him,” Dean whispered.
“Huwag ka ngang nega diyan, Dean,” saway ko na dahilan kaya tumawa si Ellary. Nagsungit lang bandang huli si Dean na talent na namana nito kay Clarence. Magkamukha nga sila tapos pareho pang masungit. “Gutom ka rin 'di ba? Magugustuhan itong niluluto ko.”
Si Ellary lang ulit ang nag-react samantalang si Dean naman ay naglabas na lang ng libro na mababasa. Mabait siya depende sa hugis ng buwan gaya ulit ni Clarence. Pero kataka-taka na hindi sila gaano'ng close mag-ama. Tingin ko'y may ugat iyong tampuhan nila at pagrerebelde nitong bata na 'to.
Ang tanong na lang ay aalamin ko pa ba iyon?
Baka huwag na lang siguro.
Oo huwag na lang.
“KANINA pa sila rito?” That was Clarence and I handed him the blanket I got from the closet inside my room. Tumango rin ako at nakatulog na nga iyong dalawang bata kakahintay sa kanyang pagdating.
I called him when Dean and Ellary asked where was he. Mabilis naman sa alas kwatro na nakarating si Clarence suite ko matapos malaman na kasama ko ang dalawa niyang anak. I don't want to think harsh but what Clarence did was normal. Tatay siya at ako naman ay may kakabit na panganib kaya miski ako'y hindi talaga mapapalagay.
“Kanina ka pa nila hinihintay. Masyado ka yata naging abala kaya ginabi ka na ng uwi.” Hindi nakatakas sa mga mata ko iyong lungkot na bumakas sa mga mata ni Clarence. It means something which I couldn't changed already. “May problema na naman?”
“Umalis na iyong isa sa mga witness. Iyong dalawa naman nagbago naman ng statements.” Nakakapanghina iyon at lalo na ako nawala ng pag-asa. Mukhang malabo na talaga iyong paraan na sinasabi ni Clarence. “But don't worry because I will do anything just to bring that pest back in jail.”
Matipid akong ngumiti. “Magkaroon ka naman ng oras sa mga anak mo. Miss na miss na nila ang tatay nila. Lalo na si Ellary.”
“I have a lot of things to do, Czarina.”
“Oo pero anak mo sila. Kahit malalaki na sila, kailangan ka pa rin nila. Kahit minsan lang, bigyan mo sila ng oras.” Natahimik lang si Clarence. “Na-appreciate ko ang pagpupursigi mo na makulong ulit si Apollo pero hanggang dito na lang yata talaga.”
“Now is not the time to give up, Czarina. Nagsisimula pa lang tayo sa laban.”
“Narinig ko na tatakbo ka sa susunod na eleksyon. Doon ka na lang siguro mag-focus kaysa sa kaso na 'to.”
“Hindi ko kayo basta iiwan para lang tumakbo sa mas mataas na posisyon.”
“Kapag naroon ka na, mas magkakaroon na kami ng pag-asa dahil mas malapit ka na sa ugat.” Kumunot ang noo ni Clarence na tila ba nahihiwagaan sa mga sinasabi ko. “Close si Apollo sa isang congresista at iyon ang protektor niya. Iyong tao na iyon din ang dahilan kung bakit siya malaya ngayon.”
“What's his name?” Sasabihin ko ba? Pero hindi pa tamang oras. Kailan naman ang tamang oras? Ang hirap naman! “Tell me his name, Czarina.”
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sa susunod ko na lang sasabihin. Magpahinga ka na muna, Atty.”