CHAPTER SIXTEEN

1489 Words
CHAPTER SIXTEEN Clarence NANG dumating ako sa lokasyon ng bahay na tinitirhan ni Czarina, mga police mobile ang agad ko nakita. May dalawang ambulansya rin kaya mabilis na ako kumilos at bumaba ng aking sasakyan. "Sir, let us clear this place first," sambit ng isa sa mga kasama ko na bodyguards. Tatlo sila na nauna pang bumaba ng sasakyan kaysa sa akin. "Ako na ang bahala. Stay close, but do not meddle with my business here," I answered. "May protocol tayo, sir -" "Just this once, please?" Pakiusap ko at mukhang nakinig naman ang tatlo dahil umatras sila. That's when I decided to enter the place and look for Czarina. Alam ko na susunod sila sa akin agad dahil may sinumpaan pa rin na tungkulin ang tatlo kong kasama ngayon. "Czarina! Czarina!" sigaw ko habang hinahanap ko si Czarina sa makapal na kumpon ng tao. Hindi ko na inalintana kung may mabangga 'man ako. Ang importante ay mahanap ko si Czarina at masiguro na ligtas siya. I don't want to see another lifeless body in front of me. I'm fed up of that scenario over and over again. "Attorney!" Isang sigaw na agad na nagpalingon sa akin at pumigil sa akto kong paghawi sa lalaking nakatayo sa aking harapan. I don't know what crossed my mind that moment and I decided to run, reaching Czarina and jailed her in my arms for a minute. Pagkatapos noon ay tiningnan ko siya mula ulo niya hanggang paa. "I'm glad you're fine," I said, putting my hands down and gently pushing her away from me. I got carried away by my concern for her safety. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin na hindi ko alam kung paano sasagutin. It's my manly ego against my desire to have her back to my side. It's against what made me worried a while ago. Akala ko talaga ay may nangyari na sa kanya at may kinalaman iyon sa kaso na hawak ko. It would be my fault if it happened because Czarina is one of the key witnesses who's not been in my custody up until now. "Cha, ito na ang mga gamit mo. Mag hotel na lang muna tayo ngayon." Iyon ang narinig na sabi ng isa sa mga kaibigan ni Czarina. "Ang sabi ng mga pulis iimbestigahan pa raw iyong buong boarding house kaya kaunti nadala namin." Salita naman ng isa pa. "Si Marila nga iyong bangkay?" tanong naman ni Czarina na sinagot ng pagtango ng dalawa niyang kaibigan. "What corpse?" sabat ko. I want to be in the loop even if it's not related to the case I'm handling. Nakita ko na tumingin sa akin ang dalawang kaibigan ni Czarina na para bang nagtataka sa presensya ko ngayon sa lugar nila. "Mauna na lang kayo sa hotel, girls. Susunod ako basta i-text niyo sa akin ang pangalan ha." Pagkasabi ni Czarina noon sa mga kaibigan ay saka niya ako binalingan. "Follow me, attorney," she commanded, leading the way back to my vehicle. "SO, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong na bumasag sa matagal na katahimikang bumalot sa amin ni Czarina. Halos tatlumpung minuto na kaming nasa loob ng aking sasakyan at pinapanood lamang na mawala iyong mga tao sa labas. "I think I owe you an apology, so I decided to come here even if it's late." Czarina sighed, but I didn't know if it was for relief or something else. Para bang may kung anong naalis sa kanyang dibdib. "What's wrong?" "Nakausap ko pa si Marila bago siya matagpuang patay kanina sa dorm niya." "When?" "Two days ago." Tumingin siya sa akin. "Pero naghatid lang ako ng order sa kanya saka wala naman kami ibang pinag-usapan. At nagta-trabaho pa ako sa firm noon." "May nagtanong na ba na mga pulis?" Umiling siya. "Until no one is asking keep that for yourself. I'll check later if it's related to Apollo." "Kung related kay Apollo -" "Let's not jump to a conclusion for now." Binalingan ko siya. "I'm sorry if I didn't tell you about my plan. Hindi kita balak gamitin. I want to exclude you from it starting now. I want you to be safe, and when I say safe, it's not here." "Wala naman akong ibang pupuntahan saka ikaw lang iyong nagso-sorry na nagdedesisyon pa para sa akin." I breathed out heavily. She's really not the easiest person to talk to. "Pupuntahan ko na ang mga kaibigan ko." "I know a place that's safe and suitable for the three of you. Sila na lang ang i-text mo at papuntahin mo sa address na pupuntahan natin." Nag-drive ako matapos bigyan ng signal ang bodyguards na nakasunod sa amin. I know what I'm doing is not wise, but I don't settle for less. Czarina is safe beside me, which is more important than any speculation that can be created about this unwise move. Tahimik lang kami pareho ni Czarina hanggang sa marating ko na ang lugar na sinabi ko na ligtas para sa kanya. It's the hotel in the heart of Makati where I owned a suite and it's near the law firm. Malapit din ito sa tinitirhan ko na condo kasama ng mga anak ko. "Sa hotel? Bakit dito?" tanong ni Czarina. "I have a suite here," I answered then I advise everyone at lobby to be vigilant at all times. "Narito rin iyong ibang witness, Czarina. This is the safest place I know for you. Iniwan ko ang kopya ng ID ng mga kaibigan mo para wala ng hassle sa pagpasok nila." Inabot ko sa kanya ang susi ng suite na kanyang tutuluyan. "Bakit?" "I don't know how to answer your question. It's late, too. Kailangan ko na umuwi." "Hindi ko pa alam kung dapat ba kita pagkatiwalaan ulit." "Take your time, Czarina. I'm only one call away if you ever decide to come back as my assistant." Tumalikod na ako at iniwan na siya sa lobby kasama ng ilang staff na siyang kasama sa mga binilinan ko. NANG pumasok ako sa law firm, ang mukha agad ni Detective Moncada ang bumungad sa akin. I know that kind of smile he's giving me. Alam ko rin bakit siya narito kaya naman inanyayahan ko na siya agad sa aking opisina. "Iyong ilang kabaro ko nabanggit nila na nakita ka nila sa pinangyarihan ng krimen kaninang madaling araw. Gusto ko lang malaman bakit kaya ako narito ngayon." Tumingin ako sa kanya at matamang nilagay sa ibabaw ng aking working table ang bag na bitbit pati na ang kape. "I visited an employee there, Detective," I answered. "Empleyado. . . binisita mo ng madaling araw?" He has a point and I know he wouldn't let me get out of this conversation easily. Gaya noong siya ang manguna sa imbestigasyon ng aksidente ng yumao kong asawa. "Gaano ba ka-importante ang empleyado na ito para bisitahin mo ng gano'ng oras?" "Am I a suspect in your case?" tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya sa akin. "Hindi." "Then, I won't answer your intrusive question, Detective. I prefer to keep my life private to avoid crazy speculations." He speculated that I killed my late wife due to some cheating issue. Lumabas noon na may kinakatagpong iba ang yumao ko na asawa na siyang kasama niya noong maaksidente. It was the bodyguard whom I assigned to protect her and Ellary. Pero hindi naman ako gano'n kababaw para patulan ang espekulasyon nilang lahat. I left my truth in secret. Hindi ko na kailangan na ipilit iyon sa kanila. "Attorney, your 10 am meeting is here now," salita ng isang paralegal na temporary kong assistant. "Detective, gusto ko pa sana makipag-usap sayo kaso may kliyente na naghihintay sa akin." Tumango si Detective Moncada at nauna na lumabas kaysa sa akin. Pagkasara ng pinto, muli iyong bumukas at si Thirdy naman ang pumasok sa loob ng aking opisina. "May development na sa naging aksidente ni Ate?" tanong niya sa akin. "Nope. I just did something that may sound stupid to you." "What did you do?" "I apologize to Czarina and visited her dorm late at night where the murder case happened." Thirdy cursed out loud. "Don't worry, I can handle it well." "Is the murder case connected to our case?" "Probably. I'm still looking into it." "Where is she?" "Czarina? She's at my suite with her friends. I think Jeni is there too." Lumakad ako bitbit ang ilang folder palabas ng aking opisina. Thirdy followed immediately, and we both attended to our new client. "Help me to hide this from Mama. I don't want to worry her." "Imposible naman na maitago mo kay Mama ang mga ginagawa mo. Sa 'yo siya naka-focus dahil tatakbo bilang congressman tapos senador sa susunod." Thirdy was right. Wala naman ako maitatago lalo't nasa akin nga ang atensyon ng lahat ngayon. Sensational case rin ang hawak ko at marami ang nakasubaybay. "Ako na ang bahala," I said before entering the conference room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD