CHAPTER ELEVEN

1922 Words
CHAPTER ELEVEN Clarence MEETING Czarina wasn't planned. She just came into my life, catching all my attention and now pestering my day as my assistant. Hindi ko sukat akalain na iyong babaeng nakasabay ko sa elevator at iyong babae na regalo sa 'kin ay iisa. That's her secret life which I think she's already burrying in the past. Wala akong ideya kung ano ba ang dahilan bakit siya nag-apply bilang assistant ko. At bilang wala akong ibang mapagpipilian, tinanggap ko siya na madalas ko pagsisihan. Pinagbibigyan ko lang lalo't bago siya sa mundo na ginagalawan ko. However, Czarina possesed a skill that's beneficial to me. Iyong pagiging organized niya ang hinangaan ko at aamin ako na hindi ko rin inasahan. Maybe because I judged her too early? Or maybe not. I don't know. But one thing I am sure. Our lives are bounded and she's going to be wherever I am. Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. Maganda ang langit na ngayon ko nagawa na matitigan. Sobrang abala ko sa lahat ng bagay ngayon na may kinalaman sa panibagong daan na tatahakin ko sa buhay. Ito ang unang beses na nakahinga ako pero alam ko na panadalian lamang ito. “Dad!” Lumingon ako at walang tingin na pinatay ang aking cell phone. Gaya ng sabu ko sandali lang ang pagmumuni-muni ko. “I'm going to open the gifts now. Lola is asking you to join us.” Iyon ang mahabang sabi ni Ellary sa 'kin. “All right. Let's go,” sabi ko. “You said, you don't have work today. . .” “I don't have, sweetie, but I have to check my phone.” Ellary pouted her lips, making me smile. Naalala ko si Meryl kapag naglalambing sa 'kin noon gaya ng ginawa ni Ellary ngayon. My daughter reminds me of my late wife most the time. Pareho sila ni Dean. “I'm sorry. I'll be more attentive to you now.” Ngumiti si Ellary nang tumingin siya sa 'kin uli. “I like Czarina, by the way.” That stopped me, but I showed no reaction. “She's nice and cooked my lunch always. She gave this clip to me through Mang Rudy.” Kanina ko pa napapansin iyong ipit sa buhok ni Ellary at akala ko'y galing kay Mama pero kay Czarina pala. Si Ellary ang laging malapit sa mga empleyado namin. Wala akong ideya kung bakit pero iyon na ang bunso kong simula pa noong lumaki ito. “Nandyan lang pala kayong dalawa,” bungad sa amin ni Mama saka inaya na kami na pumasok sa loob. Simpleng birthday celebration lang ginawa para sa kanila ni Ellary. My sister Maddie planned everything. Ang presensya ko, mga regalo at budget lamang ang ambag ko sa selebrasyon na 'to. Hiling ni Ellary na makasama kami ng kapatid niyang si Dean pero hindi gano'n kaganda ang relasyon ko sa 'king panganay. Bigla ko naalala iyong pag-uusap naming dalawa. . . “I don't know what's your problem, Dean. Hindi ka naman dating ganito. May kulang ba sa binibigay ko sa 'yo? Tell me what's your problem, anak.” “Lagi ka kasing wala kaya hindi mo napapansin ang mga pagbabago.” “I'm working hard for your own sake.” “Really? For our sake? I doubt that, Dad. You're the most selfish man I know my entire life. You never been there for me, for Ellary. Tapos lagi ko makikita sa news na kaliwa't-kanan ang dine-date mo. Sa dalawang bagay lang naman naikot ang mundo mo, Dad - trabaho at babae!” Being a widower is hard. Lalo't dalawang beses pa nangyari ang halos parehong scenario sa buhay ko. It's like a curse. Walang gamot para sa sumpang yumakap sa 'kin noon hanggang ngayon. Pero hindi ako gano'ng klase ng tao gaya ng sinabi ni Dean. I date yes but not all the time. Madalas nadadawit lang ang pangalan ko kapag nababanggit ng mga artista o 'di kaya ay kilalang babae sa lipunan na minsan ko nakasalamuha. “Wala kang alam sa pinagdadaanan ko.” Tanging salitang nabitiwan ko dahil hindi ko na alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko. Isa pa, hindi lang kami ni Dean ang nasa garden ngayon. There was Czarina and she heard everything. “This is what I'm talking about, Dad,” Dean said and leave. Sinubukan ko pigilan si Dean pero wala, ayaw na niya ako makausap kaya heto kami ngayon, masahol sa pagiging estranghero sa isa't-isa. But something weird happened a while ago. Dean texted me about Czarina whom he sent to the infirmary. Nang bumaba ako sa infirmary, wala pa raw doon si Czarina kaya umalis na ako at sumabay pa sa 'kin si Dean pauwi. But I called her and leave some tasks for her to do. Mga trabahong nagawa naman niya pero may nakita pa rin akong mali. Ako na lang ang mag-uulit ng mga mali ni Czarina kaysa abalahin pa siya. And I did what I said when I come back home. Hindi gaya noong una, mas kaunti na ang mali ni Czarina ngayon at tingin ko'y nasasanay na siya ng bahagya sa trabaho. Pero misteryo pa rin sa 'kin iyong pag-a-apply niya sa law firm. Alam ko na may iba siyang pakay kaya pinasundan ko siya sa isa sa mga bodyguards ko. “Ito ang mga kasama niya sa bahay, sir. Grace Limon at Aria Gregorio ang pangalan nila. Mga estudyante at tourism ang kursong kinukuha.” Iyon ang paliwanag ni Cal sa akin saka naglapag ng dalawang picture. “Ito naman si Apollo Ancheta, siya ang may-ari ng bar na pinagta-trabaho-an dati ni Czarina at Jeni. Nakita ko siya kagabi na lumabas sa dorm ni Czarina pagkatapos ng ilang oras na komosyon.” “Komosyon?” Kumunot ang noo ko. “That's the reason of Czarina's bruises. . .” “Ito pa, sir, nakuhaan ko ito kanina. Siya naman ang nanay ni Czarina. Crizelda Guevarra, dating bida sa mga adult films at siyang may malaking utang kay Apollo. Base sa nakalap ko, binenta niya at ng kanyang asawa si Czarina kay Apollo.” “May dahilan nga ang paglapit niya sa 'kin.” Hindi kumibo si Cal. “Thank you fo this, Cal.” “Itutuloy ko pa ba ang pagbabantay sa assistant niyo?” “Yes. I want to know more about her. . .” ~•~•~ PASADO ALAS DOSE na ng madaling araw nang maisipan ko lumabas. Tatlong bodyguards ang kasama ko pero ilang dipa ang layo nila sa akin. That's the agreement I requested which was approved by my parents. Gano'n din ang usapan pagdating sa mga anak ko para malaya pa rin sila ngunit inabuso iyon ni Dean. Ang panganay ko talaga ang isa sa mga problema na meron ako ngayon. Habang tumatanda siya, lalo siyang nagiging pasaway na hindi ko na alam paano sosolusyunan. My parents knows how I struggled as solo parent. But my estranged in-laws - Dean's mom's parents - didn't knew about it. Galit pa rin sila sa akin dahil namatay ang anak nila. Pareho sa mga magulang ni Meryll - Ellary's mom. “What the -” bulalas ko nang muntik na bumangga sa isang babaeng lasing matapos ko lumabas ng convenience store. Gulo-gulo ang buhok ng babae sa harao ko na malao'y nahawi rin kaya nakilala kong si Czarina itong nasa harapan ko. “I-I'm sorry. . .” aniya saka pigil ang pagtawa. Nakita ko si Cal na nasa likuran niya at mukhang ginagawa lang ng tao ko ang trabaho niya. “You're drunk. . .” I said. Kumaway siya para itanggi ang sinabi ko pero halata naman na tama ako. Pagtayo pa lang nang maayos ay hindi na niya magawa. “Are you with someone?” Nakita ko na luminga-linga siya. “Ikaw. . . Kasama kita.” “Jesus. . .” Heto na naman kaming dalawa. Ganito rin noong unang beses. Lasing siya na bumagsak sa 'kin at kakaibang sakit ng ulo ang dinulot niya noong gabi na 'yon. But what happened thr next day was different. She didn't seduced me. I just gave in and the outcome was the worst. Hindi na siya nawala sa isipan ko pati na sa 'king panaginip. “Uy, that's bad. . .” “What now? Are you a devoted catholic?” Umiling siya. “W-wala akong religion.” Then, how did she knew it's bad. Tanging si Ellary lang ang sumasaway sa 'kin noon. Pangalawa na itong si Czarina. “N-nahihilo ako. . .” Kumapit siya sa magkabila kong braso at pilit binabalanse ang pagkakatayo ngunit bandang huli ay sumuko lang din siya. And I'm stocked again with this kind of situation again. Taking care of drunk crazy woman. . . ~•~•~ “CLARENCE. . .” Tawag sa pangalan ko na nagpahinto sa 'kin sa pagbaril sa target na nasa harapan ko. Lumingon at inalis ang headset na nasa aking tainga. “Ito ang inumin mo kaysa iyang alak na naman. May balak ka ba na sirain ang atay mo?” I smiled then followed what Manang told me to do. “Hindi naman ako nakainom kagabi,” sambit ko matapos inumin iyong tsaa na hinanda niya. “Pero dinala mo na naman iyong babae noong nakaraan dito na lasing.” Si Czarina. “Gising na ba siya?” “Hindi pa pero ang mga magulang mo gising na. Hinahanap ka nga nila.” Malalim akong huminga saka lumakad na papasok ng bahay. “Ano'ng sasabihin ko sa mama mo?” “I'll take care of it, Manang,” I said. “Sino ba ang babaeng maingay na 'yon?” “My assistant.” “Assistant mo 'yon? Sigurado ka ba diyan? Bakit?” “Hindi ko rin alam.” Iniwan ko na si Manang pagkasabi noon sa kanya at dumiretso na sa komedor kung nasaan ang mga magulang ko. “Good morning!” Bati ko na tinugon din naman nila. “Maganda ang outcome ng survey at nasa iyo saka sa mga proyekto mo ang interes ng taong bayan, Clarence,” Papa said, carefully folding the newspaper he was holding. “Just continue what you're doing for now so we can secure your representative seat then senatorial seat next.” “Pati mga gossiper nasa iyo din ang atensyon.” Dagdag bigla ni Mama. “You brought in a woman here last night. Who is she?” “My assistant.” “Fire her right away, Clarence. Hindi maganda ang kalalabasan kapag nalaman ng media ang tungkol sa kung anong relasyon na meron ka sa assistant mo.” “We're not doing anything wrong, Mama.” Tumalikod ako sa kanila dahil alam ko hindi naman kokontrahin ni Papa si Mama. Bakit naman niya gagawin iyon? In any household we have, Mama is the queen. Lahat gagawin ni Papa masunod lamang siya dahil sa maraming sakripisyo na ginawa niya manatiling buo lamang ang pamilya namin. “Kung hindi mo gagawin, John Clarence, ako ang gagawa.” May pagbabanta sa tinig ni Mama na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Humarap ako uli sa kanila. “Meddle with everything in my life but do not touch her.” Mama graps loudly. “And just so you know nothing happened between us last night. . .” May mga plano pa ako kay Czarina at may gusto pa ako malaman kaya kahit nakakainis, kailangan niya manatili sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD