CHAPTER TWELVE

1594 Words
CHAPTER TWELVE Clarence “ARE you sure about this?” Iyon ang tanong na pinukol ko kay Cal matapos niya bigyan ng mga larawan at report tungkol kay Czarina. Ayon sa nabasa ko, may malaking utang ang nanay ni Czarina sa lalaking lagi nakikita ng tao na pumupunta sa dorm niya. Si Apollo. Czarina was the p*****t her mother provided to erase their huge debt. And those bruises I saw last night came from that man. He's hurting Czarina. Kumpirmado dahil hawak ko ang picture ng naturang insidente bago. “Pinuntahan ko iyong bar na pinagta-trabaho-an nila ni Miss Daria dati. Wala roon si Apollo at ipinasasara na iyon ng city government.” Malalim akong huminga. Why did I let someone like Czarina be close to me? I endangered my family. Kaya pala gano'n na lamang ang pagpupumilit ni Mama na sisantehin ko na siya. Naunahan ako ng nanay ko na malaman kung sino ba talaga si Czarina at iyong mga taong nakapalibot sa kanya. And Dean. . . Damn it! Sana mali ako ng iniisip ngayon. Maybe Dean was deceived by Czarina's motherly side. My son still longslongs for it and sometimes thinks pity and love are the same. “Clarence. . .” Tawag na pumigil sa dapat na sasabihin ko kay Cal. “Kausap ng lolo mo iyong assistant mo.” “What?!” Tumayo ako bitbit ang dokumento saka larawan na nakuha niya at aktong lalabas na sana ngunit binalikan ko si Cal. “Ituloy mo lang ang pagkalap ng mga impormasyon. But be discreet.” Tumango lang ito at iyon na ang hudyat para iwanan ko si Cal. I need to pick up Czarina before she tell tales to my grandfather. Kung alam ko lang na narito silang lahat, hindi ko na dapat dito inuwi si Czarina. Hindi ko siya hinatid sa kanyang dorm dahil unang-una, hassle iyon sa para sa 'kin. I only have Cal that night who drove us to here. And as usual, I picked up after Czarina who loves to litter anywhere. Bukod iyon sa inborn na siyang maingay saka makulit. “You did a good job, hija,” sambit na narinig ko nang makarating sa sala. Papunta pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang tawa ng lolo ko. He rarely done that. Not after my grandmother died. “Ano sa tingin mo? Kaya mo ba ang hamon ko sa 'yo?” “What are you two talking about?” tanong ko nang hindi na makatiis na nakamansid lang ako sa kanila. I know my grandfather well. What curse did Czarina casted on him? Unang lumingon sa akin si Czarina at unti-unti nawala ang ngiti niya. Maybe she remembered what happened last night. It was the most chaotic night I ever had. Dapat hindi na lang ako lumabas para 'di ko siya nakita. Paulit-ulit ang kwento niya tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay noon hanggang ngayon. But she made sure not to spill anything deeper about her life. “Nakakagulat ka naman,” bulalas ni Lolo. “Puwede ko pong subukan. Wala namang mawawala,” ani Czarina na lubos kong pinagtakhan. “I'll give you whatever you want if you fulfil the task I am asking you to do.” “Talaga po? Kahit materyal na bagay? O bahay at lupa?” “Okay, that's enough,” sabat ko saka lumapit na kay Czarina at hinila siya patayo. “We'll go ahead now, Lolo. Kailangan na kami sa opisina.” “Okay. Pero bumalik ka dito lagi, Czarina. I want to hear more of your jokes and stories.” Iyon ang sabi ni Lolo na hindi ko na hinayaan sagutin pa ni Czarina. Mabilis ko siya hinila paalis sa sala at walang lingon-likod kaming lumabas dalawa. Nang nasa malawak na parking na kami, doon ko lang siya binitawan. “Aray naman!” reklamo niya saka hinimas-himas iyong kamay na hinawakan ko kanina ng mahigpit. “Ano na naman ba ang ginawa ko?” “What do you want from me? Did someone asked you to do this? Iyong maging assistant ko at ilagay sa panganib ang buo kong pamilya?” “Ano ba ang sinasabi mo diyan? Oo nalasing ako pero hindi ko naman sinabi na dalhin mo ako dito ulit -” Hindi ko na siya hinayaan na matapos nagsalita. Binukas ko ang hawak na envelope at isa-isang nilabas ang mga picture na nakuha na ni Cal. Czarina scoffed. “Kaya naman pala parang pakiramdam ko na lagi may nakasunod sa akin. Gawa mo pala iyon.” “What do you want from me?” “Iyong totoo?” Hindi ko kumibo. Rinig na rinig ko ang paghinga ni Czarina nang malalim. “Proteksyon, iyon ang kailangan ko sa 'yo pero masyado ko yata namaliit ang kakayahan mo na pag-imbestigahan ako. Hindi ko na dapat ito ginawa. Akala ko kasi iba ka. Pero hindi na talaga maalis sayo ang pagiging judgmental.” Mas lalo akong nawalan ng kakayahan na magsalita. “Since wala na ako maitatago sa 'yo, mas mabuti pa kung umalis na lang ako. Susubukan ko na huwag magtagpo ang landas nating dalawa.” Czarina is one of a kind. She ended our connection I could do it. Ako pa ang lumabas na parang hahabol sa kanya ngayon. Paano nga nagawa na baliktarin ang lahat para sa 'min? Umiling ako at pinagmasdan si Czarina na lumakad palabas. ~•~•~ I AM invited to Mona Clavieria's birthday party in one of our hotels ni Taguig City. Kasama ko si Thirdy kanina pero ngayon ay hindi ko na mahagilap kung nasaan siya. Nakita ko rin si Jeni dito at kasama niya si Czarina na sobrang ingay pa rin. Walang nagbago sa kanya. Except that she has a boyfriend now. That's quick, but I shouldn't wondered how. She is Czarina Guevarra after all. It's been two days since we parted ways. Hindi na siya pumasok sa opisina kaya nagpahanap ako uli ng magiging assistant ko. I badly need one because my schedules are getting tighter day by day. Habang lumalapit ang election year, mas lalo akong nagiging abala at malimit na ako pumasok sa law firm ngayon. Although I'm still handling some criminal cases which I took as pro-bono. Para daw mas maraming tao ang bumoto sa akin sa eleksyon. And that case involves Apollo. Iyong taong alam ko na konektado kay Czarina at nasisiguro ko na alam niya kung nasaan ito ngayon. Malalim akong huminga at pinili na umalis na rin dahil hindi na ako naaliw sa mga nakikita. Sa bahay ko na lang siguro itutuloy ang pag-inom. On a second thought, I'd rather not drink at home because Ellary hates it when I does. Ayaw rin ni Dean na nainom ako at simula noong masangkot siya sa isang gulo na sinubukan naman niyang solusyunan, iniwasan ko na ipakita sa kanya ang mga gawaing gaya ng pag-inom. I somehow wanted to portray a good example for my son. I heaved another sigh as I continued walking. But suddenly, I bumped into someone who wished not to cross paths with me. Si Czarina. “I'm sorry,” she said, composing her as fast as possible. “Are you okay?” hindi ko napigilan itanong. Czarina looked disoriented, and I'm pretty sure something happened to her. Malayo sa itsura niya na nakita ko kanina nang pumasok sila ni Jeni. It was a remarkable entrance because all the attention suddenly drifted to Czarina. Czarina's jet-black waves cascaded down her waist, glistening with natural shine. But that woman I saw differed from the woman in front of me. Hinawakan ko ang kamay niya at agad ko naramdaman ang kanyang panginginig. I known this woman for being fierce. Ni-wala nga yata sa bokabolaryo niya ang matakot kaya nagtataka ako na lumapit siya sa 'kin para sa proteksyon. “A-alis na ako.” Hindi ko siya hinayaan na gawing ang sinabi. “Clarence, ano ba? Kailangan ko na umalis.” “Come with me,” I said. ~•~•~ INABUTAN ko ng maiinom na tsaa si Czarina at binawi iyong canned beer na kinuha niya sa refrigerator kanina. Tulog na sila Ellary at Dean ng dumating kami. Kaya binilinan ko si Czarina huwag mag-iingay para hindi magising ang dalawa. “Bakit dinala mo ako dito?” tanong ni Czarina sa 'kin. “Hindi ligtas sa dorm mo,” “Sino ang may sabi? May atraso ba ako sa 'yo? Bakit pinapasundan mo pa rin ako?” “Hindi na kita pinapasundan. May hawak akong kaso ngayon at si Apollo ang nirereklamo. Marami sila na biktima ng rape, protitusion, domestic at child abuse.” Hindi kumibo si Czarina at alam ko na kung bakit. “You're a victim too, Czarina. You're one of my clients. Pare-pareho ang pinagdaanan niyo sa kamay ni Apollo.” “Wala naman mangyayari kahit ikaw pa ang pinaka-magaling na abogado. Saka 'di ba ayaw mo ma-associate sa 'kin. Hindi nga ako dapat sumama sa 'yo dito.” “I need your cooperation, and in return, I'll protect you at all costs, Czarina.” “Ang labo mo naman, Clarence. Noong nakaraan nagagalit ka at grabe kung husgahan mo ako. Ngayon kailangan mo ako. I don't know where that devil is hiding right now. Sinusubukan ko na ituwid ang buhay ko para hindi na ako paulit-ulit na mahusgahan.” Tumayo si Czarina paglalapag ng tasa sa may center table. “Wala ka maasahan sa 'kin.” “Then, work for me again while I convince you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD