CHAPTER TEN

1613 Words
CHAPTER TEN Czarina PARA SA PROTEKSYON, iyon ang paulit-ulit ko na sinasabi habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Clarence. Kabado ako ngayon kasi may mali ako nagawa kanina pero buti at naisalba ako ni Jeni at Jovelle bago pa mahuli. Maling case file na binigay ko kanina dahil na rin kalutangan ko. Kinulang ako sa tulog kaya daig ko pa talaga ang totoong naka-droga ngayon. Iyon ay dahil kay Apollo na ginulo ako kagabi kaya heto at may pasa na naman akong pinakatatago-tago ngayon. Naiisip ko na na lumipat kung saan hindi na ako mahahanap pa ni Apollo kaso sino ba ang niloko ko? Kahit yata saang lupalop ako magtago ay makikita at makikita pa rin niya ako. It was my fault in the first place. Naiinis si Apollo na hindi niya ako malapitan dahil sa kapal ng bodyguards na meron si Clarence. At kapag kasama ako ng boss ko, kasama ako sa binabantayan nila pero obligasyon ko rin tingnan si Clarence. Ramdam na ramdam ko ang inis ni Apollo hanggang ngayon na para bang nakakabit na ang kamay niya sa aking braso. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi sa sakit kapag nababangga ang aking braso o 'di kaya'y nauunat. “Aray. . .” daing ko nang unatin ko aking braso saka mas binilisan pa ang lakad. “Czarina, come to my office now.” Ma-awtoridad na tinig iyon na kilala ko naman kung kanino galing pero hindi ako sumunod agad. Napatulala lamang ako at kumilos lang nang magsalita si Clarence uli. “Czarina Guevarra.” “Sir!” Gulat na gulat kong bulalas pagkarinig uli sa boses. “In my office now,” he said calmly but I know it's just a bait. Alam ko na pagpasok ko sa opisina niya'y ibang Clarence na ang makikita ko. Kaya naman napadasal ako kahit hindi ako relihiyosang tao. “May kailangan ka ba?” tanong ko agad nang makapasok sa opisina ni Clarence. “I need you to do two things for me.” Lumunok muna ako bago kinuha ang aking notebook. “Clear my afternoon schedule today and call this flower shop for me. Kunin mo iyong in-order ko na roses bouquet pati na iyong cake sa katabing pastry shop niyan.” Kinuha ko ang inabot niyang calling card sa akin at tiningnan iyon harap-likod. Iyong shop ay dalawang kanto ang layo mula dito at nadadaanan ko iyon sa tuwing papasok. “Ano'ng okasyon?” “It's my mom's birthday and Ellary's” Napatango ako matapos marinig ang kanyang sagot. “What's wrong with your arm?” Napatingin ako sa braso ko. Nagpanggap na maayos iyon pero napangiwi agad din namang napangiwi dahil sa sakit na dagli ko naramdaman. “W-wala. Nag lift ako ng weights kagabi at napa-sobra yata kaya hindi ko na maiunat ng maayos.” Hindi na kumibo si Clarence at hudyat na iyon para sa 'kin na lumabas pero nagtanong pa muna ako sa kanya. “Wala ka na ba kailangan? Lalabas kasi ako para mag-break.” “Just do what I asked and bring me the needed things.” “Copy.” Mabilis ako kumilos at ginawa ang mga sinabi ni Clarence. Akala ko talaga bubugahan niya ako ng apoy. Mabuti na lang at hindi nangyari pero ang weird lang dahil tinanong pa niya kung ano'ng mali sa 'kin. Concern ba siya? Hmm, probably not. Mabuti pa na huwag umasa kaysa masaktan sa bandang huli. . . “ARAY. . .” daing ko uli nang hubarin ko ang suot na cardigan. Natatakpan ng telang suot ko kanina ang malaking pasa sa aking braso na may sugat. Mabuti na lang at hindi dumugo kung 'di mahahalata talaga itong injury ko. Bumuntong-hininga ako at pilit winaksi sa isip ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Dahan-dahan ko nilagyan ng plaster para takpan ang sugat matapos lagyan ng gamot. Ito talaga ang break na sinasabi ko at hindi iyong kakain sa pantry. Wala akong gana at hindi ko rin naman gusto iyong pagkain sa pantry. “What happened to you?” tanong na pumukaw sa akin at agad na nagpalingon sa pinanggalingan ng boses. “Dean? I mean Sir Dean. . . pala,” bulalas ko. Pinaglapat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin bago inayos ang suot ko na cardigan. “Nabangga lang ako nakausli na kahoy sa dinadaanan ko.” “It didn't look like an accidental wound and bruise.” May category ba pati ang sugat? “Why are you anyway? You're my father's shadow, right?” “Grabe naman sa anino. . .” Inisa-isa ko ang mga kalat at nilagay iyon sa plastik bag. “May break time kaya at wala naman utos si Attorney sa 'kin.” “He didn't that word,” Kumunot ang noo ko. “Ang alin?” “Break time.” Agad akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Dean. “Pumunta ka sa infirmary para matingnan ang sugat mo. I'll tell Dad you're there don't worry.” Dapat ko ba pagkatiwalaan ang batang 'to? Iyong huling naalala ko ay sinungitan niya ako tapos kung ano-ano pa ang sinabi. Ang nasaksihan ko rin na sagutan nila'y tingin ko'y tungkol din sa akin. Ngunit bago ko pa natanong itong si Dean ay tumunog na ang cell phone ko. Sa screen, rumehistro ang pangalan ni Clarence kaya agad ko sinagot. “Attorney,” I said. “Where are you?” tanong ni Clarence sa akin. “Go back to your station now. I've left some paperwork for you there.” Ang sweet. . . na nakaka-irita. “O-okay. Aalis ka na ba?” “Do you need anything?” Peace of mind at safety ang kailangan ko. Pero hindi ko sasabihin kasi ayokong madamay ka. “Don't forget to email my shortlist later after you have your arm checked.” “Paano mo nalaman?” “Just do what I say to you, Czarina.” Ngumuso ako tumingin kay Dean. He's texting someone right now. Tingin ko alam ko na kung sino iyong nagpaalam sa kanya tungkol dito sa braso ko. “Are you still there?” “Yes, Attorney. Babalik na ako diyan.” Hindi na ako nagpaalam kay Dean at basta na lang dinampot iyong plastik saka umalis. Pagbalik ko sa station ko, may mga papel nga doon pero wala si Clarence. Wala na rin iyong cake at flowers kinuha ko kanina. Mukhang umuwi na siya. Pero may kailangan pa ako tapusin bago makauwi maya-maya. . . MALALIM na ang gabi ng umuwi ako sa tinitirhan ko na dorm. Pagod at masakit na masakit pa rin ang braso ko hanggang ngayon kaya wala pa rin ako gana kumain. Mas lalo pa nadagdagan iyong mga nararamdaman ko ng bumungad sa akin iyong bisita na 'di ko sukat akalaing magpapakita uli. “Girl, ang daming dala ng nanay mo,” untag ni Aria saka pinakita niya iyong mga damit na hawak. “May mga pagkain din! Thank you, Tita!” Kinikilig namang sambit ni Grace. Nagkanya-kanya ng kuha ang mga kaibigan ko sa mga pasalubong ni Mama bago nagpaalam na aalis na. They have a night class today. Kaya ako lang mag-isa sa dorm na ito uli. Pero ayos lang naman iyon. Matutulog lang naman kasi ako tapos pagsapit ng alas singko y medya ay gigising na uli. “Anak, ito. Para sa 'yo ito. Binili ko iyan at ikaw talaga naisip ko nang makita ko sa estante ang bag na 'yan.” Inabot ni Mama iyong bag sa akin na hindi ko naman tinanggap. Maganda iyong bag at mukhang mamahalin din. Pati na iyong mga pagkain na kinuha ng mga kaibigan ko ay magaganda din. Sino na naman kaya ang nabingwit ng nanay ko para makabili nito? Pero hindi iyon ang dapat na iniisip ko. Winaksi ko sa isip ang tungkol sa kung sino ang bago niyang kinakalantari at tinanong na si Mama. “Pinapunta ka ba ni Apollo dito?” Umiling si Mama. “Bakit narito ka?” Hindi ko kasi talaga gusto na makita siya. Sa kanya ko sinisisi ang lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon. Kaya ako walang choice ay dahil iyon sa kanya. “G-gusto ko lang makita ang anak ko,” “Anak mo pa pala ako?” I scoffed. “Hindi ba dapat 'di na kasi binenta mo nga ako sa hayup na Apollo na 'yon!” Isang sampal lang sinagot niya sa sinabi ko na iyon na halos bumali sa leeg ko. “Wala kang alam sa problemang dinulot ng tatay mo kaya ko nagawa na ibenta ka.” “Lagi namang ganyan. Wala akong alam. Puro si Tatay. Kailan mo aakuin iyong kasalanan mo, Mama?” Pareho lang silang dalawa na mali ang kinapitan dahil sa pangangailangang 'di matumbasan ng normal na pagkain. Apollo buried my parents in a huge debt that couldn't be paid off by money. Matatapos lang yata ang lahat kapag namatay na ang gugong na 'yon. “Kakausapin ko si Apollo. Babawiin na kita sa kanya, anak.” “Hindi gano'n kadali ang gusto mo mangyari. Walang kahit anong halaga ng pera ang makakatubos sa akin sa demonyong pinagbentahan mo.” Only power and connections can break Apollo and that's what I am trying to build now with the De Luna's. Maybe I can put him behind bars too. “Huwag ka na mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko. Natitiis ko naman lahat dahil sanay na sanay na ako.” “Czarina. . .” “Umalis ka na at dalhin mo na iyang mga regalo mo na hindi ko naman kailangan. Kaya ko na bumili niyan gamit ang sarili kong pera. . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD