CHAPTER NINETEEN
Czarina
MATAPOS ng lahat ng trabaho ko ngayong araw, kinita ko si Jeni at hinatid ko siya sa Isabela. Isang mahabang biyahe at walang nakaka-alam sa lakad ko na ito. Kahit pa hinahanap ako ni Clarence. Ni-re-reject ko lang lahat ng tawag niya't hindi rin pinapansin ang kanyang mga text.
I am Jeni's ride-or-die kind friend so I won't tell where she is even if I don't know what happened exactly. Basta ang dapat ay sasamahan si Jeni sa law school interview niya kaso iyon na nga nag positive ang pregnancy test kit na sinubukan niya.
Sa taranta ko rin ay bigla ko siya inaya na huwag na mag exam at umuwi na lang sa Isabela. Kaya heto kaming dalawa ngayon at nasa biyahe na. Noong araw na hinahanap siya ni Atty. Thirdy sa akin, kina Grace at Aria ko muna iniwan si Jeni. Ngayon lang talaga kami bumiyahe at alam ko naman na walang susunod sa amin dito ngayon.
Sana wala.
Sana.
Napukaw ang atensyon ko ng marinig ang aking cell phone na magvibrate mula sa bulsa ko. It was from Dean and Ellary and like their father, hinahanap din nila akong dalawa.
“Kailan ka pa naging close sa mga anak ni Atty. Clarence?” tanong na nagpalingon sa akin.
“Uhm, kailan lang. Hindi ko na matandaan.”
“Kay Atty. Clarence iyong suite mo, right?” Sabi ko na kahit hindi ko sabihin kay Jeni, mahahalata niya. “Don't ever tell him where I am, okay? Ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Thirdy.”
Parang ang hirap naman paniwalaan noong sinabi ni Jeni. Lalo't nakita ko kung gaano ka-disoriented si Thirdy dahil lang sa bigla siya naglaho. Pero kahapon, ibang Atty. Thirdy na ulit ang nakita ko at todo trabaho siya tungkol sa kaso namin na mga biktima ni Apollo.
“Ride-or-die nga tayo, 'di ba? Siyempre hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan ka ngayon. Kahit boss ko pa siya.”
“Talaga?”
“Pangako ko iyan sa 'yo at sa baby mo.”
Matipid na ngumiti si Jeni at bumalik na sa pagtulog. Ako naman ay binuksan ulit ang cell phone at sinilip ang pinadalang mensahe nina Dean at Ellary. They're asking if I am at my suite right now. Marahil ang naisipan na naman noong dalawang bata na sumugod doon gaya noong una nilang ginawa.
Ang totoo ay hindi ko rin alam kung paano kami naging close tatlo. Basta noong una sila mag crash-in, naka-kwento-han lang silang dalawa. Si Ellary pa nga lang ang nasagot sa tanong ko. Malalim na ang gabi noong mag-kwento si Dean sa akin at hindi ko alam pero nakapag payo ako sa kanya kahit magkaiba naman ang pinagdadaanan namin.
Dean's mom died after gaving birth to him. Hindi naman masyado naging hands on si Clarence sa kanya pero naroon naman iyong tinatawag niyang si Arc at iyong doktorang asawa ni Doc JD. Matapos ang ilang taon ay nag-asawa ulit si Clarence at si Ellary nga bunga noon.
Pero gaya lang sa una ay natapos din agad ang ikalawang kasal ni Clarence. Inisip tuloy ni Dean na malas sila pero para sa 'kin ang hindi naman.
Ako pa nga ang malas at hindi pa makapanti dahil nasa labas pa si Apollo. Iyong nakakulong naman ngayon at sina Cale at Mico. I want to Apollo behind that bars again. Kaya pagka-settled nitong si Jeni, aalis ako at babalikan siya.
Babalik ako at sisiguruhin ko na magdurusa siya sa kulungan.
“GOOD MORNING!”
Masigla kong bati nang pumasok ako sa opisina ni Clarence. Dala ko na ang kape niya saka almusal pati na iyong na-sort ko na sulat mula sa box na iniwan lamang sa aking lamesa. Matagal ako nawala at hinanda ko na ang sarili ko na masabon lalo't 'di ko naman sinagot mga tawag nitong si Clarence.
“Where the hell did you go? Hindi ka rin nasagot ng tawag pati na text ko.”
As expected, he's more like a father scolding his prodigal daughter. And yes, I am his prodigal daughter na hindi marunong maki-cooperate.
“Umuwi lang ako kasi. . . ano. . . may nakapagsabi na naroon si Mama sa probinsya kaso wala pala.”
“You could've told me that ahead. Paano kung napahamak ka? Hindi porket nakakulong na iyong dalawang kasabwat ni Apollo ay kampante ka na ulit, Czarina.”
Tama ba itong emosyon na nakikita ko sa mga mata ni Clarence ngayon. Nag-aalala ba siya sa akin gaya noong bigla na lamang siya sumugod sa dating tinitirhan ko.
Lihim ko kiniling ang ulo ko. Hindi ko puwedeng bigyan ng anumang kahulugan itong emosyon na nakita ko sa mga mata ni Clarence. It was nothing and it means nothing.
“S-sige. Lalabas na ako. Tawag ka na lang kung may kailangan ka.”
“Are you okay?” tanong niya bago pa ako tumalikod.
I faced him and faked a smile. “Oo naman!” Hinawi ko pa ang buhok na humarang sa mga mata ko bago tuluyang tumalikod na. Malalim akong huminga't saka aktong lalakad na ngunit nagsalita ulit.
“We got Cale and Mico now,” sambit niya.
Muli ko siyang hinarap pero sa pagkakataon na ito'y tunay na ngiti na ang pinakita ko sa kanya. All thanks to his and Atty. Thirdy's effort, we got to locked the two offenders now. Isa na lang at mahirap pa sa ngayon pero ito na siguro iyong sinasabi ni Clarence ns may paraan pa.
“Thank sa effort, Attorney,” tugon ko. “Kita ko na iyong sinasabi mo na may paraan pa. Ito na iyon at isa na lang ang kailangan natin ibalik sa kulungan.”
“Thirdy will handled the case while I focused on something.”
“Ah oo nga pala. Wala na rin ba akong trabaho?”
“Stay close still, Czarina. Even if my focused is on the other things, you still have me behind your back. Just answer your damn phone when I'm calling.”
I chuckled. “Yes, sir!” Sumaludo pa ako sa kanya bago tuluyang nagpaalam na lalabas. He's sincere and caring for me. Ngunit gaya nga sabi ko kanina, hindi ko maaari lagyan ng kulay ang lahat. Baka wala lang iyon at sadyang key witness lamang ako sa kaso na hawak niya.
Ngunit ngayon ay bibitawan na niya para sa nas mahalagang posisyon na pipiliting makamit ni Clarence. And I believed he belongs there because our country needs someone like him.
Someone brave and firm. Someone like me to Jeni - a ride-or-die kind of person.
GUSTO ko matawa habang nagku-kwento si Jeni tungkol sa isang araw na lumipas na wala ako sa tabi niya. As usual maraming pamahiin na kailangan siyang sundin lalo't matanda ang kasama niya roon. Wala ako para kumontra ngunit naiintindihan naman ni Jeni kung bakit kailangan ko pa bumalik.
“Kailangan mo magtiis diyan saka concern lang naman ang nanay sa 'yo. Unang apo niya iyan kaya sumunod ka na lang.” Jeni groaned and I chuckled softly. “Pauwi na ako at narito na rin iyong bus. Tawag na lang ako sa 'yo mamaya.”
Nilikom ko agad ang aking mga gamit pagkatapos ng tawag ni Jeni at tumayo na. Inabangan ko na huminto iyong bus sa aking harapan at nang mangyari iyon ay aktong sasakay na sana ako. Ngunit napigilan nang maaninag ko ang isang pigura na nakatayo 'di kalayuan sa akin.
Hindi ako puwedeng magkamali. It was Apollo and he's stalking me. Para siguro malaman niya kung saan ako nakatira pero hindi ko hahayaan. Kaya imbis na sumakay sa bus ay umalis ako at lumakad pabalik sa De Luna and Associates Law Office. Kahit kabado ay patuloy pa rin ako lumakad dahil alam ko na sinusundan ako ni Apollo.
Not until someone dropped a hand on my shoulder did I shout and let go of everything I held.
“Hey, calmed down. It's me, Thirdy.” Tumigil ako sa pagsigaw saka luminga ako sa paligid namin. Wala na si Apollo kaya muli ako tumingin kay Atty. Thirdy. “Why are so jumpy? If this is about the incident where I -”
“May sumusunod sa akin.” Nakita ko na kumunot ang noo ni Atty. Thirdy bago siya luminga. “Naroon siya sa may puno ilang hakbang ang layo sa akin kaya lumakad ako pabalik dito imbis na sumakay sa bus.”
And gosh, that's the last trip! Paano ako uuwi nito ngayon? Nakakainis naman kasi bakit narito pa ang pesteng iyon.
“Sir,” anang lalaking lumapit sa amin at may kung anong binulong kay Atty. Thirdy. Nang umalis ang lalaki saka lamang ako binalingan ni Atty.
“Ihahatid na kita,” aniya.
“H-hindi na. Mag-ta-taxi na lang ako -”
“No. Ihahatid na kita kung saan ka 'man umuuwi.”
“Sa suite ni Clarence. . .”
Atty. Thirdy scoffed. “Come on, it's getting late. Ayokong magalit ang kuya dahil lang sa pinabayaan kita na umuwi mag-isa.”
“O-okay lang naman -”
“I don't need your another alibi, Czarina. Huwag ka mag-alala, hindi kita kukulitin para sabihin kung nasaan si Jeni.”
Lies. . . Kitang-kita naman sa mga mata niyang nagsisinungaling siya. Bakit ba at para saan ba iyong pagsisinungaling niya?
“Hindi ko naman alam kung nasaan siya.”
“Liar.”
“Aba't -”
“Tara na. Uwi na tayo.”
Nakakainis talaga iyong attitude nitong si Atty. Thirdy. Pero ang warm niya kapag kay Jeni. Kahit pa kumulo ang dugo niya sa akin, never ko ipagkakaluno si Jeni. Sana hindi maging kasing ugali ng lalaking ito ang anak nila. Lalo na ni Mrs. De Luna na siyang puno't dulo kaya umalis si Jeni.
Habang naglalakad kami ni Atty. Thirdy, naramdaman ko na nag-vibrate ang cell phone sa aking bulsa. Dinukot ko iyon at tiningnan kung sino ang sender. And it was Clarence, checking on me like a father.
From: Atty. John Clarence De Luna
Hindi ka ba uuwi?
From: Atty. John Clarence De Luna.
It's getting late. Kailangan ba lagi kita isabay pauwi?
Malalim akong huminga bago tumipa ng reply.
To: Atty. John Clarence De Luna
Pauwi na po ako, Dad.
After typing, I hit send and slid my phone back into my pocket.
What a day of dealing with two De Luna's. . .