CHAPTER TWENTY
Czarina
PAGDATING ko sa suite, naroon si Clarence at halatang ako ang hinihintay niya. Hindi ko alam kung bakit siya narito ngayon gayong may condominium unit siya kung nasaan ang mga anak niya. Meron din siyang malaking bahay kung nasaan ang hobby niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong kung nomad ba siya o trip niya lang na bantayan ako kahit nagkita naman kami sa opisina kanina.
"Kinulit ka ba ni Thirdy?" tanong niya nang dumaan ako sa kanyang harapan. That's the only way I can use to go to my room. At akala ko hindi niya ako papansinin pero nagkamali ako.
Nangunot ang noo ko nang sa wakas ay naintindihan ko ng mas mainam iyong tanong niya. "Paano mo nalamang kasama ko si Atty. Thirdy?" May third-eye ba siya? O 'di kaya -
"He texted me." Naalis iyong kaisipan na ba may GPS device siyang tinanim sa katawan ni Atty. Thirdy para malaman na magkasama kami. Iyon pala naman ay nag-report ito sa kanya.
"Buti nga naabutan ko siya kung 'di nasundan na ako ni Apollo." Kwento ko saka tuloy-tuloy akong lumakad palapit sa kwarto ko.
"What?" Natigilan ako nang marinig ang tanong ni Clarence. Doon ko lang napagtanto na nag-overshare na naman ako. Hindi ko dapat iyon sasabihin sa kanya pero nagawa ko na at hindi na mababawi pa.
"Matutulog na ako. May mga i-pa-file pa ako na utos ni Atty. Thirdy bukas. May meeting ka rin -"
"You're going with me tomorrow. I need an assistant on doing something," he said, dismissing me.
Nakalimutan ko na siya pa rin pala ang boss ko kaya puwede niya gawin iyon. And there's a lot of paralegals who could do what I suppose to do tomorrow. Kaya imbis na magreklamo ay hinayaan ko na lang at pinanood na pumasok si Clarence sa kabilang kwarto.
The suite has three bedrooms and I'm using the smallest room dahil hindi ako sanay na maluwag ang tinitirhan ko. Tumanda ako na may kasamang hanggang apat na babae sa isang kwarto at iyong space ko lang iyong kama na tinutulugan ko. f****d privacy if money was always an issue. Isang dahilan kaya kumapit sa patalim ang mga magulang ko at ito na ang kinahinatnan ng lahat.
Agad ko binagsak sa kama ang aking katawan saka tumitig sa kisame. Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Clarence sa akin noong tinuruan niya ako bumaril. He said, he'll helped me pulling the trigger. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan iyon.
Am I too slow to get whatever he means to say? Mali yata iyong sabi ni nanay na matalino akong bata. Maabilidad puwede pa pero simula noong mapalapit ako kay Clarence, napatunayan ko na bobo pala talaga ako.
Marahas akong bumangon at sinipat iyong cell phone ko napanay ang pag-vibrate. I reached for it and read all the text messages I received.
Unknown Number: Darating ang araw na wala ka matatakbuhan, Czarina.
Unknown Number: Ako lang ang nag-iisa mong kakampi. Pareho lang tayo at akin ka.
Unknown Number: Akin ka lang!
Muntik ko na maibato ang cell phone ko matapos iyon mabasa. Si Apollo iyon at nakabantay lang siya sa bawat kong galaw.
KINABUKASAN, mas maaga pa ako gumising kay Clarence at naghanda na ako ng maraming almusal. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Dean at hinahanap nila ang tatay nila. Bilang honest ako, sinabi ko na narito si Clarence at ngayon ay papunta na sila dito. Tingin ko naman ay sapat na ang naluto ko lalo't ang mga ito na lang ang natira sa refrigerator. Kung may oras pa mamaya, saka na lang ako pupunta sa grocery store. And that's the plan in my head which could changed depending on Clarence's mood because he's the boss.
"Hello!" said Ellary in her British accent. "Good morning, Czarina." Bati niya na dahilan upang mapangiti ako.
"Good morning!" masigla kong bati sa kanya saka binalingan si Dean. "Morning to you, too," I said.
"Morning. Where is Dad?" tanong ni Dean sa akin.
"Tulog pa," tugon ko.
"That's new. Dad usually up early to jog and talk to the birds." Talk to the birds. . . Talk to the birds? Then, I heard Ellary chuckling while looking at me. "It's Oswald, the parrot, and his family. It was a gift from my mom."
"Oswald is not here, Ella." Dean interjected.
"I know." sagot ni Ellary saka binalingan ako ulit. "Can we eat na?" Dahan-dahan akong tumango at agad na naghanda ng mga plato na gagamitin nilang dalawa saka sinunod ko iyong kape. Because coffee is part of Clarence's moring ritual. "Czarina, take a look of this. This is Oswald and his family."
Binigay ni Ellary sa akin ang cell phone niya kapalit ng plato na hawak ko. Kinuha naman ni Dean iyong dalawa pa na hawak ko at siya na ang naghain sa kapatid. While I curiously watched Clarence as he talked to the birds and it made me smile. Sa video, napaka-simple ni Clarence habang kinakausap at pinapakain iyong mga ibon.
"He's such a gold fish." Dean commented while serving himself the breakfast I made. Kakaiba rin ang isang ito. Gold fish ang tawag niya sa tatay niya? Napailing ako at sinauli na ang cell phone ni Ellary. Tinanong pa nga niya ako kung gusto ko ba makita ang mga gold fish niya na hindi ko naman tinanggihan. Pero sinabi ko na mamaya na lang kung meron pa oras. Mas importante na makakain na sila bago pumasok sa school.
They did anyway, and I joined them while we waited for Clarence to wake up. But when that happened, the kids left already.
"I overslept," pag-amin ni Clarence habang nakatitig sa kape na hinanda ko para sa kanya. "What time did my kids came over?"
"Around thirty minutes after six o'clock in the morning." Clarence groaned, and it was because of the headache. Kaya naman lumapit ako sa kanya pagkakuha ng gamot at nilapag iyon malapit sa baso ng tubig na kasama rin sa hinanda ko na almusal. "Saan tayo pupunta ngayong araw?"
Kinuha ni Clarence ang gamot at ininom iyon bago ako binalingan. "Some place elsewhere,"
"Saan nga?"
"In a firing range to learn to shoot this morning until noon. After shooting, we will be in a golf club to meet my political allies and at my rest house to celebrate Dean's birthday." Tinandaan ko lahat pero nahinto ako nang marinig iyong huli niyang sinabi. "Nasagot ko na ba ang tanong mo?"
"Bakit kasama ako sa rest house mo?"
"I told you to stay close."
Iyon lang at iniwan na niya ako dala ang tasa ng kapeng ginawa ko. Parang ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko. Ang labo!
GAYA ng sabi ni Clarence kanina, nagpunta nga kami sa isang sikat na firing range at doon niya ako tinuruan niya ako ulit kung paano bumaril. Noong una ay hindi nman ako interesado pero habang tumatagal at nakikita ko na nakaka-asinta ako, naging interesting na gawain na iyon para sa akin. And by afternoon, we attended a meeting which bored me. Kung hindi lang kailangan ay baka iniwan ko na si Clarence. Kaso bawat alis ko naman ay may nakasunod sa akin guard kaya parang 'di pa rin ako nakakalayo sa anino ni Clarence.
Iyon ba ang sinasabi nitong stay close? Nakaka-umay at alam ko naman na may kinalaman itong pag-protekta niya sa akin sa nasabi ko na pagsunod ni Apollo sa akin kagabi. Hindi lang nagsasalita si Clarence pero iyon talaga ang dahilan ng lahat.
"Ako lang ba ang outsider sa birthday ni Dean?" tanong ko.
Mula sa tablet kung saan nakatutok ang mga mata ni Clarence ay bumaling siya sa akin. "Dean's friends and classmate are outsiders."
Tumango-tango ako. "Bakit kasama pa ako? Puwede naman ako umuwi na lang at -"
"You're quite close to my son, and he personally asked to invite you."
"Wala akong regalo!"
"Why are you shouting?"
Agad ko natuptop ang aking bibig matapos marinig ang reklamo ni Clarence. Oo nga naman bakit ba ako sumisigaw. Pero, hindi ko kasi alam na birthday ni Dean ngayong araw. And if I known it, I would greet him! Bakit kasi pareho silang mag-ama na hindi transparent ang itsura? Ang hirap tuloy nila mabasa.
"Hindi kami close, FYI. Parang ikaw lang din ang kausap ko kapag nag-uusap kami. Hindi hamak na mas madaldal si Ellary."
"Then, you don't need to buy a gift for him." Hindi na ako sumagot. May point siya at OA lang ako mag-react. "Take this instead," ani Clarence saka binigay sa akin ang isang baril.
"Para saan ito?" tanong ko ng mahawakan ko iyong baril na bigay niya. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak iyon na kanina naman ay hindi noong nasa firing range kami. "H-hindi ko na siguro kailangan ito."
"You need it."
"Hindi na."
"I insists." Wala akong nagawa kung 'di tanggapin iyon. "I told Thirdy to file a restraining order so Apollo wouldn't go near you again."
"Paano -"
"I used the CCTV footage of the bus stop near the office and the footage near the suite. Lahat iyon ay laman si Apollo at ikaw nga ang sinusundan." Hinarap niya ako at nagtama ang aming mga mata. "May pag-asa na hindi magtuloy ang na-file ni Thirdy kaya kailangan mo iyan."
"Paano kung hindi ko kaya hilahin iyong trigger gaya kanina?"
"I'll pull it for you, Czarina." Sinabi niya ang mga iyon habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Clarence didn't bat an eye and if the driver wouldn't reacted, we'll remain staring at each other. "I-I already said that to you. Inulit ko lang at hindi ito dahil lang sa essential ka sa kasong hawak ni Thirdy."
I chuckled. "Oo na. Nakuha ko ang ibig mo sabihin."
"Thank God. . ." he exclaimed, and I laughed.