CHAPTER THIRTEEN
Clarence
ILANG araw din ang naging bakasyon ko sa isla kasama ng mga anak ko. My kids and I are able to bond a little. But I know they wanted more which I couldn't give since I'm busy with other things. Nakausap ko ang kapatid ko na si Ellis tungkol sa negosyo na balak niya at pinsang si Elijah naman tungkol sa tatahakin ko na daang may kinalaman sa pulitika.
I also have a not so good talk with Jeni. Bagay na nasaksihan ng isa ko pang kapatid na si Maddie.
With what Maddie witnessed, I gave her a task which I think she already did. Sa dami ba naman nitong nilagay niya na mga damit sa ibabaw ng working table ko, alam ko na agad na tapos na siya magtrabaho.
“I bought every clothes she's selling online. She's funny, by the way.” Basta na lang naupo si Maddie sa upuan sa harap ng aking working table. “Aren't you being unfair, Kuya?”
“Unfair to what?”
“That woman you're trying to court -”
“Hindi ko nililigawan. I'm just trying to convince her to speak up to help my clients.”
“Does Mama knows that? Alam mo naman iyon, masyadong protective sa 'tin. Tingnan mo nga't kinakatulong ka pa sa paglalayo kay Kuya Thirdy doon sa girlfriend niya. Why are doing that? Saka ang defensive mo diyan.”
“I'm old enough and have two kids already.”
“Two motherless kids, Kuya. Iyong isa nga nagiging experimental na. He's only twelve but already visiting a bar, faking an ID and using Dad's name to get a out of jail free card.”
“Dean said sorry and I already grounded him for the whole month. We just had some misunderstanding -”
“Which involved this lady that you asked me to stalked?” Huminga ako ng malalim. “Bakit ikaw puwede ka makipaglapit kay Czarina? What's wrong with Jeni? What's the difference too? Magkaibigan iyong dalawa and they loved to be the company of each other.”
Kumunot ang noo ko. “How did you know all about that?”
“Social networking sites.”
Iniwasan ko na magpunta sa mga iyon simula ng maging paborito ako ng mga tao at isyu. Walang naging pahinga ang pangalan ko lalo na kapag naikakabit sa mga sikat na babae. Those were the issues of Dean. Kaya binawasan ko na ang paglabas at iyong huli ay noong birthday ni Mona kung saan kami nagkita ni Czarina.
“I don't have any SNS.”
Tumango si Maddie at mukhang nakuha naman niya ang dahilan ko sa hindi pagkakaroon ng mga nabanggit. “Jeni seems nice while Czarina is a ride or die kind of friend. Kaya kung may gagawin ka sa isa, be prepared because the other will take an immediate revenge.”
Tumayo si Maddie at sinukbit ang bag sa balikat.
“Bring this clothes with you,” sabi ko.
“Ipadala mo na lang sa condo ko. Puwede ko gamitin ang mga iyan sa mga magiging gala ko.” Naglahad si Maddie ng kamay sa harap ko. Oo nga pala, may bayad pala iyong pinagawa ko sa kanya. Malalim akong napahinga at hinugot na ang aking wallet. “Thank you!”
Nakangiting binilang ni Maddie ang binigay ko sa kanya.
“When will you go back to London?”
“Hmm, next week? I don't know yet. Hindi ko pa kasi nakaka-solo date si Papa. Nagkapag-me time na kami ni Mama kaya huwag mo siya masyadong i-stress.”
“Huwag ako ang sabihan mo ng ganyan. Thirdy needs thag.”
“Hmp, pareho lang kayo. Isama mo pa si Kuya Ellis. You three picked an extraordinary women and I am amazed.”
“I haven't pick one.”
“Hindi ka sure, Kuya. Para ka pa namang goldfish.” Tumawa si Maddie at iniwan na ako bago ko pa siya matanong kung bakit goldfish. Sa dinami-dami ng isda bakit iyong ginagawa pang alaga ng mga bata.
Goldfish.
Goldfish.
Umiling ako nang hindi ko magawang makuha ang ibig sabihin ng kapatid ko sa kanyang sinabi.
“Dad!” sigaw na pumukaw sa 'kin. “Look what I bought outside our school.” Tumayo ako at nilabas si Ellary upang tingnan ang tinutukoy niya.
Nang makalapit na ako sa bunso kong anak, nakita ko na may uwi siyang iba-ibang klase ng goldfish.
What the hell?
“Do we have an aquarium or pond for that?” Si Dean na dahil grounded ay lagi na kasabay ni Ellary umuwi.
“I'll ask Warren to get one outside. For the mean time, diyan muna ang mga iyan.”
“Payag ka na alagaan namin ito?” tanong ni Ellary sa 'kin.
“I see nothing wrong, sweetie. It's just like your Kuya's dog, Waffle.” That dog, malapit na malapit si Dean doon pero dahil sa katandaan ay kailangan na namin i-let go. Napalitan naman siya nina Oreo at Cookie na siyang stress reliever ng panganay ko. “Gusto niyo ba manood ng movie pagkatapos niyo gawin mga assignments niyo?”
“Yes!” Pagsang-ayon agad ni Ellary.
Agad ko binalingan si Dean. “Sige, Dad,” he smiled and tousled Ellary's hair before leaving. “I want chicken wings and cheesballs.” Hiling nito bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.
“Ako po ice cream lang, Dad.” Iyon naman ang kay Ellary na tinandaan ko para masabi kay Warren agad. Nagpaalam ang bunso ko sa 'kin at binitbit pa ang fish bowl na naglalaman ng mga goldfish.
I cannot believed that I'm like those pet fish for my sister.
Damn that goldfish. . .
~•~•~
IT WAS a normal day for me. I chose to read a book while enjoying the cup of coffee which I ordered a minute ago. Nasa isang coffee shop ako na malapit sa law office namin. Wala namang pasok pero pinili ko na dito pa rin tumambay. Maganda kasi ang lugar at isa pa ay may hinihintay talaga akong dumating.
“Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?” Ito na iyong hinihintay ko at sa wakas ay dumating na siya. Maingat ko isinara ang librong hawak saka matamang tumingin sa kanya. “Sa dami naman ng taong makikita ko, bakit ikaw pa?”
“Maybe it's called destiny, Czarina.”
“Huwag nga ako. Hindi totoo iyan saka kung ikaw lang rin, tatakbo na ako palayo.” Why she's mad at me? That's when I remembered what Maddie told me. Ride or die friend si Czarina kaya nasisiguro ko na alam na nito ang tungkol sa pag-uusap namin. “Diyan ka na. May hinihintay ako na customer.”
Czarina pulled her phone out of the bag and called my number. Napalingon siya uli nang marinig na nag-ri-ring ang aking cell phone.
“I am that customer of yours. I also deposited my p*****t on your bank account.”
Dumilim ang mukha ni Czarina pagkarinig sa aking sinabi. “Patingin ng proof na na-transfer mo na nga.” I humor this lady, showing her the proof of p*****t I screenshot and I understand why she's acting like this. Kahit hindi naman siya ganito noong una sa 'kin. I somehow missed the time where Czarina was concern about me. “Ang dami mo binili. Para ba iyan sa girlfriend mo?”
“I don't do girlfriends for now. Busy ako,” I answered.
“Wala rin naman tatagal na girlfriend sa ugali mo.”
“What?”
“Wala. Sige na aalis na ako.” Akto siyang aalis ngunit napigilan ko. I guided her back and be seated right in front of me. “Ano ba'ng kailangan mo?”
“Let's eat first before you go.”
“Hindi na. Baka kasi pilitin mo na naman akong bumalik sa 'yo tapos sooner or later itatapon mo lang din naman ako.”
Malalim akong huminga muna bago nagsalita. “Let me show you that it will never happened. But first, let's eat.” Nag-aalangan pa noong una si Czarina pero bandang huli ay napilit ko rin siya na sumalo sa 'kin sa pagkain. And as expected, she ordered a lot which I let it all go for a while. Baka kasi gutom lang siya talaga at hindi pa nakakain talaga ng maayos. “You're still living in that place?”
“Ano ba ang report sa 'yo ng pinapasunod mo sa 'kin?” Kumunot ang noo ko. Wala naman ako inutusan na sumunod sa kanya simula noong araw na magkasagutan kami. “Hindi ikaw iyong amo ng sumusunod sa akin?”
Umiling ako.
Bumakas naman sa mukha ni Czarina ang takot matapos ko itanggi na ako ang amo noong sumusunod sa kanya. But that fesr faded away instantly when she remembered a thing.
“I think you need to transfer into a new home.”
Umirap si Czarina agad. “Wala pa akong pera para gamitin sa paglipat. Saka na lang iyan at wala pa naman nangyayari sa 'kin.”
“Are we going wait for it?”
“Ang alin?”
“Na may mangyari sa 'yo na masama?”
“Huwag ka na maging concern sa 'kin, okay?” But I can't help it. Knowing that Apollo will be after her and the other victims which are all in my protective custody. “Hindi ko pa rin alam kung nasaan si Apollo kaya huwag ka na maging mabait ss akin. I'm just like Jeni and you hated our kind.”
“I just don't like her for my brother.”
“Hindi ikaw ang magdedesiyon para doon. May sariling puso at isip naman iyong mga tao.”
“Can we not talked about them?”
Umiling si Czarina bago nagsalita. “Wala naman na tayong ibang pag-uusapan. Ayokong maki-cooperate sa balak mong gawin at ayoko rin na kung ano-ano pa ang marinig ko mula sa 'yo.”
“Will you give me a chance to proved that I can pull the trigger to protect you? Kung hindi mo kaya na gawin ako ang gagawa para sa 'yo, Czarina. Come near and lean on me. I'll help you pulling the trigger. . .”