CHAPTER FOURTEEN
Clarence
"BAKIT narito na naman tayo?" tanong ni Czarina sa 'kin matapos namin marating iyong shooting area ko sa malaking bahay ng aking mga magulang.
Madalas ako sa lugar na ito at nakahiligan ko na rin gawin ito bilang parte ng pag-aayos ng aking isip. My grandfather taught me how to shoot and this has become one of my hobby now.
"I told you, I'll help you pulling off the trigger," tugon ko.
"Literal pala iyon?" Quick-witted si Czarina at mabuti na lang ay gano'n siya dahil ayokong mahirapan na mag-esplika sa kanya. "Marami pa akong kailangan gawin ngayon, Clarence. Saka hindi pa naman ako napayag ss gusto mo mangyari."
"You need this to be able to help yourself incase I'm not around."
"Gumamit ng baril talaga? Hindi ba puwedeng ibang self defense na lang? What if I shoot the wrong guy? Eh 'di kulong ako agad noon."
I chuckled. She's funny and I have to admit that, giving Czarina a credit for making me laugh and smile. "Marami pa ako ituturo sa 'yo pero ito muna tayo. Malapit itong gawain sa puso ko na gusto ko ipakita sa 'yo."
"Bakit?"
"Just because."
"Gusto mo ba ako, Clarence?" Natigilan ako matapos ko maranig ang tanong ni Czarina. Saan naman niya napulot ang tanong na 'yon? Pero gusto ko rin malaman ang sagot na imposible namang mahahanap ko agad. "Panganib ako sa buhay mo kaya hayaan mo na lang ako at huwag na tayo magkita uli."
Nilapitan ko siya at hindi hinayaan na makaalis. I placed a headset on her hed, covering her ears to protect it from eardrum wrecking noise. Nagsuot din ako ng headset para protektahan naman ang tainga ko. Sunod ko pinahawak sa kanya ang baril na alam kong kayang-kaya niya dalhin kahit saan magpunta.
I guided her hand up, aiming at our target. I placed my other hand on her waist, pulling her closer.
Isa sa mga natutunan ko kay Lolo ay kapag tinutok mo na ang baril, huwag na magdalawang isip pa na iputok iyon. Because he said, the more I hesitated, the more I let my opponent think of an strategy to kill me first.
Tumingin ako kay Czarina at nakita ko na gano'n din siya sa akin kaya minuwestra ko na target siya tumingin, hindi sa mukha ko. Tumingin muna ako sa aming kaliwa't-kanan bago tinulungan siyang iputok ang baril na hawak.
Inalis ko ang headset sa aking tainga at inaninag iyong target namin. Gano'n ang ginawa ni Czarina pero siya lang lumapit sa kinaroroonan ng target. I hesitated to follow her there since I knew that we shot it in the head.
Inisip ko rin ang sinabi ni Czarina bago siya tinuruan kung paano bumaril. Sinabi niya na panganib siya sa buhay ko pero heto ako't pinatutuloy pa rin ang isang tulad niya.
Malalim akong huminga at hinanda ang baril na ibibigay kay Czarina. I assembled a handy one, loading it with bullets before placing it in a leather case.
"Here, use this when you need it. Rehistrado iyan sa pangalan ko at valid pa hanggang sa susunod na dalawang taon."
"Bakit mo ba ito ginagawa?"
Tumingin ako sa kanya. "I already told you that I want to protect you. So, lean on me, Czarina." That's the truth, and there's another - she is the danger I will embrace in this life.
~•~•~
KAMI lang ni Dean ang magkasama ngayon sa bahay, tahimik na kumakain. Wala si Ellary na sumama sa kapatid kong si Maddie. Naitanong ko na rin ang gusto ko malaman kay Dean na may kinalaman sa school, pag-aaral niya at mga kaibigan.
Addie told me to be open to my son in all possible ways since he's entering his teenage years. My sister-in-law kept telling me that other teenage-related problems should be expected.
"I'll visit Uncle Andrew this coming weekends with Chase and Chance. We will camp out somewhere in Quezon Province." Paalam ni Dean sa 'kin na sinagot ko naman ng tango.
"What about Queenie and Thylane?" tanong ko.
"Mama Arc will bond with them and Ellary." So, I'm alone this coming weekend. "Dad, are you going to marry again?"
Aamin akong nagulat ako sa tanong ni Dean na iyon. Inisip ko agad kung saan niya kaya nakuha ang ideyang iyon. I'm pretty it wasn't from me. I date but not to marry for now. Mahirap pa lalo't papasok ako sa mas magulong mundo - ang pulitika.
"I have no plans with regards to that matter, Dean."
"But my grandparents have plans for you."
"With Ylona?" Dahan-dahan tumango si Dean bilang sagot sa tanong ko. Gusto ko siya pagalitan dahil mali ang ginawa niyang pakikinig sa usapan ng mga magulang ko. Pero hindi ko gagawin dahil kung 'di niya ginawa iyon, magugulat na lang ako sa balita na ikakasal na pala ako. "I've met her several times but there's no marital intentions were discussed nor planned."
"That's a good thing because I don't think I can't let you re-marry, Dad."
Iniwan ako ni Dean matapos sabihin iyon. Tumungo siya sa kusina at doon nilagay ang pinagkainan saka diretso na tumungo sa kanyang kwarto. Hindi ko na rin siya napigilan dahil una, wala naman ako maisip na dapat sabihin sa anak ko.
But I respected Dean's decision. Bata pa siya noong pakasalan ko ang nanay ni Ellary at hindi ko nagawa na ihanda siya. My attentions were totally divided back and at some point I didn't became a good father only to him.
Malalim akong huminga at pagkatapos ay binalingan ang cell phone ko na nag-ri-ring.
It was Ylona, but I chose not to answer it. Alam ko na narito lang siya sa bansa para magpakitang gilas sa mga magulang ko. Madali pa naman sila makuha kapag nakita nila may malaking ambag sa karera na tatahakin ko ang karakter ng isang babae.
Binalingan ko uli ang cell phone ko nang mag vibrate naman iyon. Dalawang mensahe ang pumasok, isang galing kay Ylona at ang isa si Czarina naman ang nagpadala.
Among the two messages, I read Czarina's message instead of Ylona's, which is the right thing for me because it contains good news. . .
~•~•~
DIRE-DIRETSO akong lumakad palapit sa sasakyan ko na nag-iintay sa labas. Wala akong sinayang na sa segundo at sumakay na rin ako. Sumakay na rin si Czarina pero sa shotgun seat siya naupo, hindi sa tabi ko.
"Ito na ang shortlist mo," she said. "Updated na rin ang schedule calendar na pinagawa mo sa 'kin."
"That was fast," I answered.
"Siyempre ayokong mapahiya since ito ulit ang unang araw ko bilang assistant mo."
Hindi ako kumibo pero kahit narito sa likod ni Czarina, kita ko na masaya siya ngayon. Ibang-ibang sa nakita ko nitong mga nagdaan na araw. But I have save all these praises all to myself for now.
Bigla, sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Maddie sa 'kin noong huli kami magkitang dalawa. Am I too nosy on Thirdy's affair with Jeni and treating Czarina differently at the same time?
"Attorney, sa mag-skyway na po ba tayo? May nangyaring aksidente sa dinadaanan natin lagi baka mahuli ka sa trial mo."
Tumingin ako sa driver namin saka tumango.
"I'm fine, Czarina."
"Hindi na nga ako nagtanong," sambit niya sa 'kin. "Mas okay kung babawasan mo ang kasungitan mo."
Hindi na ulit ako kumibo. Tuloy-tuloy ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.
Dire-diretso rin ako nagtrabaho. Lahat iyon nasaksihan ni Czarina kaya itong katahimikan niya ngayon ay alam ko na iyon ang dahilan. I am the driver now and she's sitting on the shot gun.
"Are you okay?" tanong ko.
"Mukha ba akong okay?" Inasahan ko na mamimilosopo siya dahil nasa kanyang karakter naman iyon. "Gano'n ba talaga kapag nasa trial? Gano'n ba talaga ang mga tanong na dapat mo ipukol sa kliyente mo?"
"We already have a mock trial beforehand, Czarina and yes, all of what you've heard was necesessary to the case."
"Kahit iyong private messages nila na nilabas ng kabilang kampo?"
Malalim ako bumuntong-hininga.
I was caught of guard there. Parang nasubok ang pagiging abogado ko doon lalo nang makumpirma na totoo ang lahat ng palitan nila ng mensahe. Mabuti at mabilis ako nakabawi kaya sa bandang huli ay kami pa rin ang nanalo.
"In this kind job, you'll encounter different kinds of demons."
"Nakita ko na silang lahat dahil dati akong napapaligiran nila. Kahit sa panaginip ay naririnig ako ang tawa nila pati na ang hiyawan." Nakita ko na umiling si Czarina upang iwaksi iyon sa isipan niya. "Mabuti na lang at wala na ako doon pero pakiramdam ko'y may nakamansid parati sa akin."
"May bakanteng unit katabi ng sa 'min. Puwede ka lumipat doon kasama ng mga kaibigan mo."
"Huwag na."
"I insist, Czarina. You're safe and be at ease there."
"Kayo naman ang hindi safe ng mga anak mo."
"I'll protect them while I'm looking after you. As I've said, come near and lean on me. Use me if you have too and it will not matter."