CHAPTER TWO
Czarina
ANO'NG TRIP ng mga magulang ni Clarence at pinangalanan siya ng napaka-generic na pangalan? Diyos ko naman, panigurado ako na nahirapan siya kumuha ng NBI clearance dahil sa dami nitong kapangalan niya online.
Bakit kasi hindi ko nakuha ang apelyido niya? Para din akong tanga dito na search ng search sa lahat ng may Clarence na pangalan online.
“Uy, Jeni!” Malakas ko na salita nang makita ko ang kaibigan ko na aktong palabas na sa boarding house niya. Mabilis ako tumayo at hindi na nag-abala pa na ayusin ang damit ko.
“Plakadong-plakado ka yata ngayon. Saan ang raket mo?”
“Hindi ito sa club. Sa kaibigan ko ako raraket ngayong gabi. Ikaw? Saan lakad mo?”
“Uhm, diyan lang. May kailangan ka ba?”
“May itatanong ako sa 'yo.” Tumango lang si Jeni sa akin. “May empleyado ba sa inyo na matangkad, medyo moreno ang kulay at gwapo?”
“Dream guy mo ba iyang nilalarawan mo?”
“Gagi naman nito pero dream guy ko nga iyon,”
“May mga gwapo sa firm pero walang nag-match sa description mo. . . wait. . . medyo moreno ba?” Tumango ako. “Si Atty. JC De Luna. Pero maputi iyon talaga. Lagi lang sa field work noong nakaraang mga linggo kaya naging instant moreno.”
“JC De Luna?”
“John Clarence De Luna. Ang haba kasi ng pangalan niya. We often called him Atty. Jace. Madalas Atty. Sungit.” Nagliwanag ang mga mata ko. Umakma sa hinahanap ko itong sinasabi ni Jeni sa akin. Masungit siya talaga at gano'n din makatingin. “Bakit ganyan ang mga mata mo, Cha? Huwag mo sabihin -”
“Crush ko siya, Jeni. May crush na ako na normal na lalaki.”
“Bakit? Ano ba iyong mga dati? Abnormal?” Umirap ako. “Saka hindi normal iyang si Atty. De Luna. Ipinaglihi yata iyan sa sama ng loob. Lahat ng associate at kahit dati nang mga abogado ay takot sa kanya.”
“Bakit? Sa gwapo niyang iyon? Girl, hindi ako matatakot sa kanya.”
“Baliw ka talaga. Diyan ka na nga!”
“Uy, sandali! May number ka niya? Ibigay mo na sa akin. Baka siya na ang mag-a-ahon sa akin sa hirap. Huwag ka mag-alala, Jeni, hindi kita kakalimutan.”
“Loka! I-send ko sa 'yo ang number niya mamaya. Good luck sa raket mo mamaya!”
“Thank you!” Excited na ako agad sa kalalabasan ng love life ko. Kailangan ko mapasagot ang Clarence na iyon dahil na-challenge ako sa kanya. Biruin mo, siya ang kauna-unahang lalaki na 'di naakit sa akin. Hindi nga ba talaga siya tinamaan sa akin? “Got it!” sambit ko nang matanggap ang text ni Jeni na naglalaman ng numero ni Clarence. “I'm going to make you fall hard for me, Attorney.”
Pero mamaya na ako lalandi dahil kailangan ko muna mag-trabaho. Pandagdag savings din itong raket na inalok sa akin ni Aira. Simple lang naman ang instruction niya sa akin. Isang performance lang din ang gagawin ko dahil pan-regalo lang naman daw ako ng kliyente niya sa kaibigan nito. It's up to me if I will let the client's friend touch me.
Ang weird lang dahil bakit naman bunny costume pa ang ipasuot sa akin. May bunny fetish kaya iyong kaibigan ng kliyente? Ang sagot ay malalaman ko pagdating ko sa venue. . .
Kinakabahan ako pero kaya ko naman 'to. Kaya ko!
~•~•~
“READY ka na, Cha?” Hindi ako naka-sagot agad dahil nagdadasal ako kaya kinatok ako ni Aira at bahagya pa binukas ang box na kinaroroonan ko. “Huy, ano na? Kaya mo ba gawin ito?” tanong niya ulit sa akin.
“Oo kaya ko. Sige na isara mo na iyan, mamsh!” utos ko saka muling pumikit at malalim na huminga.
Napaigtad ako nang gumalaw iyong box na kinaroroonan ko. Parang nahirapan pa yata sila Aira na ipasok ako dahil malaking bulas din ako. Nang marinig ko na may kumatok sa box, iyon na ang hudyat ko na simula na ng aking trabaho. Muli akong malalim na huminga saka naghintay na buksan ng kliyente ni Aira ang box na kinaroroonan ko.
“What's this? You said this is just a simple birthday celebration?” Nangunot ang aking noo. Parang narinig ko na iyong boses nang nagsasalita kung saan.
“Come on, my man. Minsan ka lang mag-bi-birthday kaya kailangan gawin na nating special.”
“Siraulo ka talaga, Francis. I checked with my family about this.”
“Your family will understand you, man. Kailangan mo ito.”
Doon bumukas na ang box at nagbagsakan ang bawat bahagi noon sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo habang gumigiling sa harapan ng kliyente ni Aira. Ginawa ko pa rin ang trabaho kahit parang ayaw naman ng nitong kaibigan ng kliyente namin sa akin. But the Aira's client kept on whistling as if he's the one I'm going to entertain.
Lumabas ako sa box at dahan-dahan lumingon sa kailangan ko aliwin. Natigilan ako nang makilala iyong lalaki na nakatayo sa aking harapan.
“Why did she stopped, Francis?” sigaw ng ibang kasama namin sa kwarto.
Hindi ko naman iyon pinansin dahil naka-glue iyong titig ko kay Clarence. Tila nawalan ako ng kakayahan na ituloy ang trabaho ko bigla dahil sa aking nababasa sa mga mata niya.
Clarence's eyes filled with disgust as if I am the dirtiest woman he ever seen his entire life. Hindi naman ako nahihiya ng ganito sa klase ng trabaho ko. Matagal ko na kinalimutan ang salitang iyon simula nang gawin ko ito pero sa isang iglap ay muli ko iyon naramdaman.
Hindi ko kaya pa na saluhin iyong titig niya. Iyong huling beses na may tumingin sa akin na gaya ng tingin ni Clarence ay kinamumuhian ko pa rin hanggang ngayon. Kaya naman tumalikod ako't nagmartsa palabas ng kwarto nila.
“Czarina, ano'ng nangyari? Hindi pa tapos ang trabaho mo. Bakit ka lumabas?” ani Aira sa akin.
“H-hindi ko kaya. Uuwi na ako.” Pinipigilan ko na maiyak dahil ayoko na magmukhang mahina.
“Hindi ako mababayaran niyan, Cha!”
“Babayaran na lang kita. I'm sorry talaga,” sambit ko at patakbong umalis na sa lugar na iyon bitbit ang mga gamit ko.
Tangina naman ano ba ang nangyayari sa akin? Imbis na kumita ay nagka-utang pa ako bigla! Hay, buhay naman oh!
~•~•~
Present time. . .
MAAYOS na ang itsura ko nang buksan uli ang pinto. Naroon pa rin si Clarence na talagang hinintay na lumabas ako ulit. He smiled. Iyong paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon ay iba noong pangatlong beses kami magkita noon. Pero kailangan ko pigilan ang sarili ko dahil sinabi ko na 'di na ako magiging marupok kahit na kanino.
“A-ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” Sunod-sunod ko na tanong sa kanya.
“Can we talk inside?” Lumingon ako sa loob ng condo ko bago siya uli binalingan. Niluwagan ko ang bukas ng pinto at hinayaan na pumasok siya. Nang malayo na siya sa pinto ay isinara ko na iyon saka tumungo sa kusina.
“Ano ang gusto mo inumin? Kape, orange juice at chamomile tea lang meron ako.”
“Tea is fine with me. Hindi na ako nagkakape ngayon,” tugon niya sa akin.
“Ah. . .” Hinanda ko ang gusto niya inumin saka nagsalang ng tubig sa electric kettle na meron ako. “Sandali lang ha. Ikukuha ko lang ng pagkain iyong mga pusa ko.”
“You have cats?”
“Yeah,” tugon ko saka yumukod at dinampot si Milo sa sahig. “This is Milo and that sleepyhead cat there is Ballpen.” Tumango-tango lang si Clarence na may ngiti pa rin sa labi. “Upo ka muna diyan.”
Nilapag ko si Milo sa sahig nang maihanda ko na ang kainan niya. Nilagyan ko iyon ng cat food na kinuha ko sa storage cabinet saka pinanood na kumain ito.
“You hate cats before,”
“Dati pero okay naman sila kasama sa bahay. May rason para umuwi ako agad galing trabaho.” Tumayo ako at nilapitan na iyong electric kettle. “So, why are you here?”
Dahil na-istorbo ang tulog ko, hindi maganda ang mood ko ngayon. Wala akong gana na kumausap kahit sino ngayon kahit itong lalaki na pa 'to. I've been watching him from a far yes but since he denied me a while ago, I don't know what to feel now.
Masama ang loob ko dahil puwede naman niya sabihin na magkakilala kaming dalawa na totoo naman talaga. My friends knew about us and the painful past we had in between.
“Gusto kita maka-usap,”
“Alam mo ba kung ano'ng oras na, Clarence?” Nakita ko tumingin siya sa wall clock ko. “Hindi ba iyan puwede bukas? Wala pa kasi ako maayos na tulog at nagising lang ako dahil sa masamang panaginip.”
“You're still dreaming bad?”
Malalim akong huminga. “Why are you really here, Clarence? Paano mo ba nalaman itong condominium unit ko?”
“I want to talk to you, Czarina. That's why I am here -”
“At this hour?” Bumuntong-hininga ako nang maulit ko iyong tanong ko kanina. “Alam mo, kung ano 'man ang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.”
Clarence heaved a deep sigh, stopping me from putting hot water in our cup.
“I guess this is a bad time.”
“I told you wala pa akong tulog na maayos.”
“I should go now. I'll leave this here. Tawagan mo ako kung kailan ka puwede makausap.” Alangan siya ngumiti. “Dapat nakinig ako kay Ellis at hindi ito tinuloy. I'm sorry, Czarina. I'm so sorry.”
“Why did you denied me?” Lakas loob ko na tanong.
“I did not. Naisip ko lang na baka ayaw mo sabihin sa mga ka-trabaho mo na magkakilala tayo kaya iyon ang sinabi ko.”
I scoffed. “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang basahin ang isip ko. Wala ka pa rin pakialam sa nararamdaman ko. You never changed, Clarence.”
“I did change for you, Czarina.”
“Hindi ko naramdaman. . .” Sa isip ko lang dapat iyon pero nasabi ko sa kanya. “I-It's not for you.” Tinuloy ko na ang pagsasalin ng mainit na tubig sa baso na pinigilan naman ni Clarence.
“Let's have a tea some other time, Czarina. Magpahinga ka na muna. Magbukas ka ng ilaw at sa kwarto ka matulog, huwag sa couch para maayos ka makatulog.” Lumapit siya sa akin saka pinakatakan nang magaan na halik ang aking noo bago tumalikod at tuloy-tuloy na lumakad palabas sa aking unit.
What was that for?