CHAPTER ONE

1677 Words
CHAPTER ONE Czarina Several years later. . . ANG GANDA naman dito sa workplace ni Jeni. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko na gamit lalong-lalo na nakakasulubong ko na mga empleyado. They're all dressed according to what the company asked them to wear. Iyong business attire ba kung tawagin ng mga nakakarami. Medyo hindi akma ang suot ko pero sino ba ang may pakialam? Hanggang tingin lang naman sila sa akin at irap kaya bakit pa ako mag-a-adjust? Isa pa, kaya lang naman ako narito ay dahil kay Jeni. Dala ko ang mga gamit na iniwan niya sa club na ang hirap ilabas. Kinailangan ko pa pagbigyan iyong kapatid ng boss namin na gwardya doon. Quikie lang gano'n. Pero naglinis naman ako ng aking sarili bago pumunta dito. Sabihin na nating ako na iyong malinis na babae na may maruming trabaho. But again, who cares? Ito na lang ang madaling trabaho na kaya ko pasukin. Nakatapos naman ako hanggang high school. Iyong sa college kasi hindi ko na natuloy dahil na rin sa trabaho ko. Ang dami kasing judgemental na tao ngayon at sila pa iyong walang ambag sa buhay ko. “Wait!” sigaw ko nang muntik ko na 'di maabutan iyong elevator dahil sa malalim na pag-iisip. Mabuti at narinig ako nang kung sinuman iyong pumigil sa pagsasara ng pinto ng elevator. Huminga ako nang makapasok na sa loob noon saka inayos ang aking sarili. “Thank you!” Masigla ko na sambit saka tinitigan iyong lalaki sa tabi ko. My jaw literally dropped upon seeing the guy beside me. Literal na para siyang anghel na binagsak ng Diyos sa lupa para sa akin. Siya na ba, Lord? Bakit naman ganito ang itsura ko ngayon? Kung alam ko lang na maraming gwapo sa lugar na ito, kabilang na itong katabi ko nag-ayos na sana ako. “What floor?” tanong na pumukaw sa akin. “Huh?” tugon niya. “To what floor, miss?” Ulit niya sa tanong sa akin na naintindihan ko na sa wakas. “Saan ka baba?” Tinagalog pa. “T-third floor. Yes, third floor ako baba. Iyon nga ang sabi ni Jeni sa akin.” Hindi kumibo iyong lalaking kausap ko pero nahalata ko na kumunot ang noo niya. “Abogado ka?” tanong ko sa kanya. Law firm ito malamang abogado ang isang ito at obvious naman sa ayos niya na iyong ang trabaho niya rito. Nanatiling tahimik iyong lalaki kaya napalunok ako hanggang sa tumunog ang cell phone niya. Narinig ko na tinawag siyang Clarence nang kausap niya sa kabilang linya. So, Clarence ang name niya? Pati pangalan ang gwapo at ang bango. “Hello, I'm inside the elevator. I'll be there in five minutes.” Nag-iba ako ng tingin nang balingan niya ako bigla. Kainis, caught in the act of illegal staring. Grabe naman kasi ang gwapo niya. Iyon boses pa niya kahit malalim ay gustong-gusto ko pa rin pakinggan. “Yes, I have it with me. . .” Tumingin siya ulit sa akin at nahuli na naman niya ako na inaamoy siya at nakikinig sa kanilang usapan. “Ay. . . sorry. . .” “Let's talk up there instead, Atty. Dominguez.” Sa wakas pinindot na niya iyong 3rd floor button kaya umandar na rin ang elevator na sinasakyan namin. Pagkatapos ay lumayo pa siya sa akin na para bang may malala akong sakit. Ang judgemental ng tingin. Pero dahil gwapo siya, palalampasin ko lahat ngayon. “Ang lamig naman dito,” sabi ko pero parang nagsalita ako sa hangin. Dumaan sa isang tainga niya tapos lumabas sa kabila. Gano'n lang kaya nasisiguro ko na hindi siya interesado sa kung ano naman ang sinasabi ko. Hindi na ako nagsalita hanggang sa huminto sa second floor iyong elevator at bumukas ang pinto. Doon siya bumaba at wala 'man lang lingon-likod na tinapon sa akin. “Gwapo pero ang cold. Siya yata ang power source ng mga aircon dito.” Huminga ako nang malalim saka nag-ayos ng aking sarili at inabangan na magsara iyong pinto. Wala pa isang minuto huminto at bumukas na iyon sa floor kung saan sinabi ni Jeni naroon ang kanyang opisina. Hindi naman kasi ako na-inform na ang laki-laki pala nitong law firm na 'to. Paglabas ko, nakita iyong kasalubong ko na lalaki ang agad na umagaw sa aking atensyon. Medyo kamukha siya noong lalaki kanina pero mas cold tumingin iyon kaysa sa isang ito. Teka muna. . . parang kilala ko ang isang ito. Parang nakita ko na siya. . . sa club! Tama siya iyong bumili kay Jeni. “Do we know each other?” tanong nitong lalaki na natigilan na sa pagpasok sa elevator kaya sumara na iyon. He pressed the down button when the door close. “Uhm, no? Maybe?” "Pasensya na po kayo, Atty. Sige po aalis na kami ng kaibigan ko," Jeni said, pulling Czarina away. "Si ano iyon 'di ba? Iyong galante mong kliyente?" Tanong ko pa habang hila-hila ako ni Jeni sa pababa sa maraming cubicle na parang parking booth. "Manahimik ka nga. Alam mo na hindi alam dito ang sikreto kong buhay." "Hindi ka niya kilala?" Manghang-mangha ako matapos niya bitawan nang makarating na kami sa garden nitong law firm. "Paano nangyari iyon?" "I'm wearing a mask, remember?" Pagpapaalala niya sa akin. "Dala mo na ba ang gamit ko?" Napapalatak naman ako pagkarinig sa sinabi ni Jeni. "Oo. Ang hirap niyan itago ha. Hindi ka na ba babalik sa club? Pang ilang lipat mo na iyan," sabi ko. Nakaka-awa din itong si Jeni pero sa lahat ng kasama ko sa club, siya ang pinaka-gusto ko. Kahit naagaw niya lahat ng customer ay ayos lang din. May isa pa naman akong raket kaya hindi naman din ako nawawalan. "Baka mag-focus ako sa pag-aaral pero sa-sideline pa rin naman ako bukod dito sa trabaho ko." "Desidido ka talaga na umangat. Nakaka-inspire ka parang gusto ko tuloy gumaya pero hindi pagiging lawyer siyempre. Flight attendant gano'n." Iba talaga ang fascination ko sa mga flight attendant. Bata pa lang ako iyon na ang gusto ko at hanggang sa namulat ako sa unfair na mundo, iyon pa din ang karera na gusto ko subukan. "Gawin mo kung kailan mo gusto, Cha." Payo pa ni Jeni sa akin na nagpangiti sa akin. Parang gusto ko iyon talaga sundin dahil sa pagka-inspire ko kay Jeni. Kaya niya at nagagawa niya. So, why can't I? Kaya ko rin naman gawin iyong ginagawa ni Jeni ngayon. Pero hindi ko alam paano sasabihin kay Apollo na aalis na ako na sa trabaho ko sa club. Sabagay hindi din naman nagpaalam si Jeni kaya baka gayahin ko na lang siya. Gano'n na lang ang gagawin ko. Kaya ko na iyon gawin. Kaya ko na iyon! SA ISANG convenience store ako dumiretso pagkagaling ko sa law firm na pinagta-trabaho-an ni Jeni. Bigla kasi ako nagutom at iyong pagkain dito ang kaya ng budget ko. Tinatamad ako na mag-withdraw kaya sasairin ko na lamang ang laman ng wallet ko. Pagpasok ko sa loob, agad ko nakita iyong cold na lalaki kanina sa elevator. Si Clarence! Mabilis ko siya nilapitan kasi naniniwala ako sa kasahabihan na hindi na dapat nagpapatumpik-tumpik pa. Hinain na ang grasya kaya sunggaban na agad. “Hi!” Masigla kong bati kay Clarence at lumingon naman siya sa akin. “You again,” sambit ni Clarence. “It's me again.” Para akong tanga na tumawa kahit walang nakakatawa. Hindi naman tumawa pabalik si Clarence. Nakatingin lang siya sa akin at kunot ang noo. “Hindi mo na-gets iyong joke?” “Don't you have a job?” tanong niya sa akin. “Meron. Mamayang gabi pa nga lang.” Sinabi ko iyon habang nakatingin sa kanya at pigil na pigil pa nga ang pagkurap. Hindi kasi nakakasawa tingnan ang mukha niya. “Night shift ako. Night owl.” Ang slow naman nito. Mukhang hindi siya tinatalaban ng mga punch line ko. Pero corny din naman kasi talaga, Czarina Blaine Guevarra! “A-ano'ng name mo?” “I don't give my name to strangers,” “Grabe, hindi naman ako stranger. Second meeting na natin ito kaya!” Kanina iyong first sa elevator. Although hindi gano'ng elevator encounter ang na-imagine ko. Iyong pang-matured content at bawal sa mga bata kasi may kutob ako na magaling siya mag-perform. “I'm busy.” “Iyon ang pangalan mo? Busy? Ang unique ha!” Ngumiti ako tapos siya umiling-iling lang siya. “Czarina. Iyon ang pangalan ko. Tandaan mo, okay? Czarina Blaine Guevarra!” Malakas ang sigaw ko na umagaw sa atensyon ng iba. Tumingin ako sa kanila sa umirap. Maingay ako at malakas ang boses bilang malaki ang bunganga ko talaga. Pero hindi ito tungkol sa akin dahil iyong Clarence na iyon ang unang lalaki na nan-deadma sa beauty ko. Kung nasa club ako, baka na sa motel na kami ng nilalandi ko pero sa kanya walang epekto. Napabuntong-hininga ako. Binalingan ko iyong cell phone ko na nagba-vibrate. Dinukot ko iyon sa aking bulsa at sinagot iyong tawag. “Hello? Oh, bakit ka tumawag, Ai?” sambit ko na pagalit pa nga. “G ka ba tonight? Nagback out iyong isa kong dancer. Wala na ako mahanap na available kaya ikaw ang naisip ko.” Kasama ko si Aira sa club pero mas focus siya sa sarili niyang raket. Suma-sideline din ako sa kanya pa-minsan-minsan para may extra money ako. “G ako diyan. Saan ba ang raket mo ngayon?” “Send ko ang deets sa 'yo after this call. May bunny costume ka ba? Iyon ang suotin mo. Kung wala bumili ka na, idadagdag ko na lang sa bayad iyong costume fees.” “Got it, accla! See you!” Pandagdag ipon din ito lalo't lumalaki ang kick back ni Apollo sa bayad sa akin. Lumalala kasi ang pagiging addict niya. Hay, hindi ko na muna siya iisipin sa ngayon. Kailangan ko mag-focus sa raket ko ngayong gabi. Iyon muna sa ngayon. . . Iyon muna. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD