CHAPTER THREE

1512 Words
CHAPTER THREE Czarina Present time. . . MAAGA akong gumising kinabukasan para mamili ng mga gamit sa bahay. Hindi naman din ako nakatulog ng maayos noong umalis si Clarence. Kaya naglinis na lang ako ng banyo at naglaba ng mga inuwi ko na marumi. Ngayon ito namang pag-go-grocery ang inatupag at bilang wala akong cat sitter, kasama ko sila Ballpen at Milo ngayon. I put them in a bag which they can breath and move properly. "Dad went out last night. I saw him living without his bodyguards." Kumunot ang noo ko ng marinig ang salita na iyon mula sa kabilang lane. I am in the lane where breads and spreads are located. "I know he's seeing someone we don't know, and probably Lola won't approve." "Hayaan na lang natin si Dad na gawin ang gusto niya. Hindi naman siya bumalik na lasing. May dala pa ngang pagkain galing sa labas." The voices are familliar. Parang narinig ko na kung saan at hindi ako puwedeng magkamali kaya naman tinulak ko ang cart ko papunta sa kabilang lane. "Dean, Ellary. . ." Tawag ko sa mga anak ni Clarence. That alert the bodyguards they have nearby which is understandable. Baka hindi na ako kilala ng mga ito dahil matagal ako nawala sa sistema ng mga bata. "Tita Cha!" Ellary shouted upon recognizing who I am. Tumakbo ito at lumapit sa akin saka yumakap. "Na-miss po kita," aniya pa habang nakayakap sa akin. Ngumiti ako at pinanood si Dean na lumakad palapit sa amin. Dean was blessed with Clarence good looks and his late mother's blue eyes. "Na-miss din kita and look at my back," sabi ko na sinunod naman ni Ellary. Natuwa ako ng marinig na tuwang-tuwa siya makita sina Ballpen at Milo. "How are you Mr. Elusive?" Baling ko kay Dean. "Masungit pa rin siya, Tita Cha. Lagi may sumpong lalo kapag picture taking." Natawa ako ng pisilin ni Dean ang pisngi ni Ellary na inawat ko naman bandang huli. "Let's have lunch together, Tita Cha!" "Baka busy siya Ellary," sabat ni Dean. "No, I'm not busy. Tara babayaran ko na ito para makakain na tayong tatlo." Akto akong lalakad pero huminto ng mapansin ko na 'di sila nakasunod dalawa. Muli ako lumapit sa kanilang dalawa. "Bakit? Change of plans?" "Kasama si Dad. He's on his way here," ani Dean na nagpa-awang sa labi ko. "Tita, will it be okay? If not, we can re-schedule our lunch -" "It's fine. Let's go?" Hindi ko na kasi alam kung kailan ko sila uli makikita kaya pagbibigyan ko na ang tadhana. Limang araw lang bakasyon ko at huling araw taon ay sa ere ko na gugulin. Pati iyong bagong taon ay doon ko na rin sasalubungin na naging tradisyon ko na yata simula ng maging isa akong flight attendant. Malalim akong huminga saka pinasa-Diyos ang lahat. Sa isang semi fine dining restaurant kami pumuntang tatlo. Sa pinto pa lang ay asikasong-asikaso na kami. Kinuha ng mga staff ang alaga ko at nilagay sa pet day care pansamantala. Kinuhaan na rin kami ng order kaya ng dumating si Clarence ay sine-serve na ang pagkain. "Warren, please make sure that everything's ready for the gift giving later. Doon kami didiretso ng mga bata pagkatapos kumain." May gift giving pala sila kaya rin bihis na bihis itong dalawang bata. "Czarina. . ." ani Clarence pagkakita sa akin. "Hi!" Bati ko saka tumingin sa dalawang bata na kasama namin. "I saw them at the grocery. Inaya ako nitong dalawa mag lunch kaya ito, I'm here. I hope you don't think this is some kind of an intrusion." "Of course not. I'm glad you accepted their offer," he said, making me smile. Pagtingin ko sa dalawang bata ay nakita ko na para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Hindi ko maintindihan kung ano ba pinag-uusapan nila. "Let's eat now then," sabi pa ni Clarence na kumuha sa atensyon ko uli. Binalingan ko ang pagkain ko at nang mapatingin sa gawi ni Clarence ay nakita ko na nakatingin siya sa akin. Clarence looked at me like the way he did several years ago. But unlike that look in the past, I saw different emotion in his eyes now. Kaiba sa tingin na natanggap ko noong mahayag sa kanya kung anong klase ng trabaho meron ako. . . Several years ago. . . MATAMA akong lumakad palayo pa sa condominium kung saan naganap iyong failed birthday party kung saan ako dapat ang regalo sa celebrant. Hindi ko naman kasi sukat akalain si Clarence pala iyong reregaluhan. Nalaman niya tuloy kung ano trabaho ko at naiirita ako! Those eyes, it's full of judgment and disgust. Para bang wala na akong karapatang mabuhay dahil lang sa makasalanan ang trabaho na meron ako. Malalim ako huminga. Kung may choice ako, hindi ko naman ito papasukin. Kaso wala kaya magtitiis na ako at aasa na balang araw ay ririwasa din ang buhay ko. May nakita akong bar at imbis na umuwi ay doon na lang dumiretso. Inalis ko ang bunny head band ko at pumasok sa loob para nagwalwal. Nag-umpisa ako sa isang shot at ng lumaon ay sa bote na ako umiinom habang ine-enjoy ang malakas na tugtog. Nang mapagod ay lumabas na ako at naglakad ngunit bumuwal ako pero 'di naman konkretong sahig ang sumalo sa akin. That fall made my world spin around and my eyes open and close. Malabo ang paligid pero alam ko na may matatag na braso ang siyang may hawak sa akin. I smiled when I smelled that sweet manly scent again. Sa kalasingan ko'y na-i-imagine ko na si Clarence iyong may hawak sa akin ngayon. So, I close my eyes and surrender myself to sleeping. Kinabukasan, balikwas akong bumangon nang magising. Agad akong luminga sa paligid at napagtanto ko na wala ako sa apartment ko. Nasapo ko ang aking noon nang kumirot iyon. Tangina, Czarina bakit ka nagpakalulong sa alak! Lord, hindi na po ako iinom ng sobra sa capacity ko sa susunod. Huminto ako sa pagdarasal ng maalala na wala nga ako sa apartment ko. Kinapa ko ang sarili ko at sinilip ko pa kung may suot ba ako sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin. Hindi ko ito t-shirt. Nasaan iyong bunny undergarments costume ko? Muli akong luminga sa paligid hanggang sa matuon sa basurahan ang aking atensyon. Marahas akong bumangon at nilapitan iyong basurahan upang inspeksyunin ang laman noon. Tangina ulit, walang condom dito sa basurahan! Ano ba kasi ang nangyari? "What are you doing?" tanong na pumukaw sa akin at agad na nagpalingon. "Hindi ka pa ba tapos magkalat?" tanong uli ng baritonong tinig ni Clarence. Shit! Why am I here with him? May nangyari ba sa amin? Oh God, bakit wala akong maalala. That look again! Namumuro na sa akin ang lalaking ito ha! Pero kailangan magtimpi kaya conceal, don't feel muna Czarina. "B-bahay mo ito?" tanong ko pabalik. I chose to ignore the way he looked at me. "Yes, and since I brought you here, you kept littering every trash in your bag. Nagkaroon ka pa ng strip show dito at naligo ka rin." Nagawa ko iyon lahat? Pero wala doon ang concern ko. "Ay, walang nangyari sa atin?" I voiced out what's on my head. He scoffed. "n*********a is not my thing. You're dead after you strip out all your clothes. If you can call that torn bunny costume decent clothes." "Sayang naman kung gano'n," sabi ko nagpakunot sa noo ni Clarence. Tila ba kinalimutan ko na ng tuluyan kung paano niya ako tiningnan kagabi. "Regalo ako sa 'yo kagabi. Ayaw mo ba akong subukan?" Nakalimutan ko na rin yata na iyong tingin niya sa akin dahilan kaya ako nagpakalasing. Ang para sa akin lang naman ngayon ay lubos-lubusin na niya ang panghuhusga sa akin. Saka parang gusto ko rin ma-distract para naman makalimutan ko na naging crush ko sandali ang mokong na 'to. "Why are you doing this?" "Graded recitation, ser?" Humalukipkip lang siya sa harapan ko. Bakit kailangan pa niya ako tanungin? Hindi pa ba obvious ang lahat? "Malinis ako kaya huwag ka mandiri sa akin. Hindi porke't ganito ang trabaho ko ay magpapabaya na ako sa sarili ko. Iba ako at oo sa trabahong ito nakakain ako ng higit sa tatlong beses sa isang araw. Kahit ayoko, wala naman akong choice dahil sa lipunan nating ginagalawan, ang mga uri ko iyong nasa laylayan." Tingin pa lang tagumpay na siya agad. Hindi ko na siya crush ngayon pero gusto ko pa rin siya tikman. Kaso mukhang 'di naman siya interesado kaya tumalikod na ako't aktong tutungo sa banyo ngunit natigil ng kabigin ako ni Clarence palapit sa kanya. Napalunok ako at natuon sa labi niya ang tingin. "You ask for this," muli ako lumunok. "No more turning back now." Pumikit pa ako kasi akala ko hahalikan niya aking labi pero nagkamali ako. Clarence's lips landed on my neck and he started to devoured it like a hungry wild animal, tearing the cloth I am wearing right now. Indeed, there's no more turning back now. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD