SIMULA
Czarina
“SO, ano'ng plano natin kapag lumabas na tayo sa eroplanong ito?”
Ngumiti lang ako matapos marinig ang sinabi ni Grace. Kapwa ko siya flight attendant at kasalukuyan kaming naghahanda sa paglabas ng mga kasama naming pasahero. Halos bente-kwarto oras na akong gising at tingin ko ang una ko gagawin ay mag-time out saka umuwi para matulog. Pero alam ko naman na hindi ako hahayaan nina Grace at Aria na makauwi agad.
“Siyempre sa bar tayo. Five days ang day off natin so kailangan nating magwalwal!” Iyon naman ang medyo malakas na sabi ni Aria kaya dinunggol ko ang balikat niya para sitahin. “Sorry na, ma'am. Excited lang ako na makalabas na tayo dito.”
“Gusto ko lang matulog,” sabi ko na umani ng reaksyon na inasahan ko naman na.
“Kailangan natin magwalwal, girl. Sumama ka na sa amin, please?” Paki-usap ni Grace sa akin na hindi ko naman alam kung tatanggapin ko ba.
Pagod sila gaya ko pero may reserba pa na energy ngayon. Hindi ko katulad na dala na yata ng edad ko o sadyang ayoko na magpunta sa mga bar ngayon? I simply don't want in a place where I used to work. Saka mahirap na kapag may nakakilala sa akin at ayoko rin naman na mag-explain na hindi ako iyong dating Czarina Guevarra.
Nagbago na ako.
At dahil iyon sa isang taong ipinakilala sa akin ng tadhana.
“Naku Grace, sinasabi lang niyan na matutulog pero maya-maya makikita mo naka-live na at nagbebenta ng mga damit.” Mahabang salita ni Aria.
Tumawa kaming tatlo.
Hindi linggid sa kaalaman ng lahat dito sa trabaho ang nakaraan ko. Alam nila ang tungkol sa isyu noon at pati na ang pagla-live selling na ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Pang-extra income din iyon at nagiging stress reliever ko na nga minsan.
“Parang marami nabili itong si Cha na damit sa Chicago kaya malamang iyon nga ang gagawin niya.” Dagdag pa ni Grace.
“Pandagdag ipon din iyong kinikita ko sa live selling. Para mabili ko na iyong bahay na gusto ko.”
“Eh, sino naman ang kasama mo na titira doon?” tanong ni Aria sa akin.
Natigilan ako.
“Aria!” Saway ni Grace sa isa naming kaibigan. It was a little personal question lalo't iyong dapat na kasama ko tumira sa bahay na pangarap ko'y wala na. I lost it.
“Iyong kaibigan ko na tiga-Isabela. Lagi kasi walang matuluyan iyon kapag uuwi sa Manila.” Dahilan ko para lang mapatid na ang awkward na hangin na nakapalibot sa amin. “Tapusin na natin ito at buksan ang pinto para makalabas na ang mga pasahero.”
Iyon naman ang ginawa nina Grace at Aria agad. Naging tuloy-tuloy ang paglabas ng mga pasahero na binabati namin ng may ngiti sa labi. Sa international flight talaga ako nakakaranas ng matinding pagod lalo't puro nag-e-english pa sila.
Hindi ko naman first language ang ingles. Nakaka-tyamba lang kung minsan at wala naman nanghuhusga sa akin.
“Miss Guevarra, Miss Limon, Miss Gregorio, sumama kayo sa 'kin para salubungin si Senator De Luna sa pinto,” ani Captain Romualdez.
Tama ba ang narinig ko? Binanggit ba talaga niya na Senator De Luna?
Hindi puwede!
Pero ano pa ba ang magagawa ko?
Marahas akong bumuntong-hininga at tumingin na sa mga kasama ko. “Ready na kayo?” Nang tumango sila ay sumunod na kami agad kay Captain Romualdez.
Isa-isa kaming pumila malapit sa pinto at inabangan ang paglapit ni Clarence sa akin. Ito na yata ang pinaka-malapit na ecounter ko sa kanya dahil pulos pagmansid mula sa malayo lang naman ang ginagawa ko. Iyong kapag nasa kabilang street siya ay nakasunod ako sa kanya.
I am stalking him for four years. Yes, simula ng bumalik ako sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos ay sinusundan ko si Clarence. Alam ko ang mga nangyayari sa kanya pati na iyong pagtakbo bilang congressman noong una. At ngayon ay natupad na ang pangarap niyang maging senador.
Siya ang nagsilbi kong pahinga sa gitna ng lahat. Iyong ngiti niya, boses at itsura, iyon ang tinuring ko na inspirasyon kahit alam ko na hindi naman kami puwede. We're just two people who met but weren't destined for each other.
Ngayon sa social media ko na lang iyon nagagawa pagsunod dahil ang demanding ng trabaho ko. I'm proud of Clarence. Even if I wasn't beside him while he's achieving his political dreams.
Ang complicated kasi ng lahat sa amin. And if I continouslly stay beside Clarence, I'll ruined political career and family. Ayoko pa naman na masaktan siya lalong-lalo na ang mga bata.
Ang mga bata. . . kasama niya kaya sila ngayon? Pero hindi ko talaga siya napansin kahit ilang beses ako nagpabalik-balik sa business class area. Teka. . . baka nakita na niya ako.
“Thank you for flying with us, Senator De Luna,” sambit ni Aria saka nakipagkamay kay Clarence. Sunod niya kinamayan si Grace tapos ako na.
“It's good to see you here, Miss Guevarra,” aniya sa akin at nakipagkamay.
“Magkakilala kayo, senator?” Pareho kaming bumaling ni Clarence sa kapitan ng eroplano at sunod ay nagtinginan na. Hindi nga pala aware si Captain Romualdez sa personal baggage ng mga flight attendant niya. In short, 'di siya nangingialam kahit ilatag pa ang tsismis sa lamesa niya.
“We're old acquaintances,” tugon ni Clarence saka binitiwan na ang kamay ko. Old acquaintances. . . iyon lang ba talaga kami para sa kanya? Bakit ba ako umasa na may hihigit pa roon? “I'll get going now. Thank you for doing a job everyone.” Tumingin siya uli sa akin pero saglit lang iyon at umasa na naman na may sasabihin siya pero wala pala.
Umasa na naman ako sa wala.
“Ayos ka lang, girl?” tanong ni Grace sa akin.
Ngumiti ako.
“Oo naman.”
Inayos ko ang aking sarili saka sumunod na sa mga kasamahan ko sa paglabas ng aircraft. Marami akong kailangan unahin bago ang usaping pang-puso. Saka siya na rin ang nagsabi na dati lang kaming magkakilala.
“Uuwi ka na agad?” tanong ng assistant pilot ni Captain Romualdez na si Lemuel. “Hindi ka sasama sa party ng mga flight attendant at piloto?”
“Nope. May naghihintay sa akin sa condo ko.”
“May boyfriend ka na?”
Ngumiti ako. “They're more than that, sir,” sambit ko saka iniwan na siya.
I cannot make them wait any longer. Miss na miss ko na silang dalawa at alam kong gano'n din ang nararamdaman nila. They're my kids after all.
Yes, kids. . .
~•~•~
HINAPLOS ko ang tiyan nina Ballpen at Milo na kapwa nakahiga sa kandungan ko. Ito ang sinasabi ko na naghihintay sa akin na mga anak ko. Dalawang pusa na magkaiba ang lahi. Ballpen is a British Fold. Milo is a Siamese Cat. Lahat sila ay nabili ko sa isang pet shop malapit sa airport.
Love at first sight siguro kaya walang pag-aatubili na binili ko sila at inuwi dito sa bahay.
“Na-miss nila ang mommy cat nila,” sambit ni Faye na siyang inupahan ko para maging cat sitter.
“Ito ang bayad ko sa 'yo. Kasama na diyan ang Christmas Bonus mo at papasko ng mga anak mo.” Inabot ko kay Faye ang envelope. “Five days ang day off ko kaya puwede kayo gumala ng pamilya mo.”
“Sa mall lang kami siguro tapos maghahanda ng konti.” Tumingin si Faye sa akin. “Ikaw? Saan ka sa Pasko at Bagong Taon?”
Tiningnan ko sina Ballpen at Milo saka muling bumaling kay Faye. “With them. Iniisip ko pa kung bibiyahe ako pa-Isabela. Napapagod pa ako.”
“Puwede kita dalhan ng pagkain dito. Sobra naman itong bigay mo kaya ipagluluto na kita.”
“Naku huwag na. Iyo 'yan. Gamitin mo para sa sarili mo at sa mga anak mo.” Kumindat pa ako sa kanya. “Paki-lock na lang ng pinto sa loob kapag lumabas ka na. Matutulog na ako.”
“Sige. Thank you, Cha!”
“Welcome!”
Nakilala ko si Faye sa laundry shop kung saan ako nagpapalaba ng damit ko. Nagtatanong siya ng trabaho noon sa shop pero wala raw hiring doon. That same day, namomoblema ako dahil wala ako maiwanan sa mga pusa ko.
Parang God sent ang dating ni Faye sa buhay ko at inalok ko siya agad na tinanggap naman niya ng walang halong pagpapatumpik-tumpik.
Minsan kinakatulong ko rin si Faye sa pagpa-pack ng mga order kapag nagla-live selling ako. Siya rin kadasalan nagdadala ng ibang package sa courier center kapag may pasok na ako. Malaki ang tulong ni Faye sa akin at kung minsan ay siya nag-aalaga kay Ford kapag bumibisita sila ni Jeni dito sa akin.
Ang tagal na pala naninilbihan ni Faye sa akin. Gano'n na rin pala ako katagal na nakatira dito sa condo na inuupahan ko.
Pinikit ko ang namimigat ko na mga mata. I've been awake for 24hrs now. Hindi ko alam paano ko nakaya iyon. Siguro dahil na-practice ako noong nasa school ako.
Siguro. . .
~•~•~
A HARD pounding on my door awaken me from my deep sleep. Hapong-hapo ako bumangon at una ko binalingan ay mga alaga kong pusa. They're not beside me anymore. Si Milo ay pagala-gala na sa paligid habang si Ballpen ay nakahiga sa higaan niya.
Huminga ako ng malalim at marahan na tumayo. Patuloy pa rin ang pagkatok sa pinto at palakas iyon nang palakas. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan bigla. It was the same pounding as before and I'm a little hesitated to open the door.
But the loud banging on my door became more audible, making my heart pound similarly.
Sino ba itong nakatok?
Kahit may pag-a-alinlangan ay binukas ko pa rin ang pinto. Dahan-dahan noon pinakita ang nakatok at doon ko napagtanto na maling binuksan ko iyon agad.
“Hindi ka na makakatakas pa sa 'kin ngayon, Czarina. . .”
“Ha!” sigaw ko nang magising. That dream again. Si Apollo na naman na matagal nang patay pero ginagambala pa rin ako sa panaginip ko. “Masamang panaginip na naman. . .”
Sinapo ko ang noo ko saka hinanap sina Milo at Ballpen. Unlike in my dreams, they're on the same area, sleeping. Madilim sa buong condo at tanging ilaw lang mula sa poste ang nagsisilbing liwanag ko.
Marahan akong tumayo at aktong bubuksan na ang ilaw pero naantala nang makarinig ng katok. Kumpara sa panaginip ko, mas mahina at parang nahihiya pa kung sino 'man ang kumakatok ngayon. Pero kinakabahan pa rin ako na buksan kaya naman nakailang hingang malalim pa muna ako bago iyon buksan.
“Clarence?” sambit ko nang pagbuksan na sa wakas ang pinto.
“Did I wake you up?” Doon ko napagtanto na gulo-gulo ang buhok ko kaya sinara ko agad pinto kahit nasa likod na noon siya.
What is he doing here?
Bakit siya narito? Bakit ako lumabas na gulo-gulo ang buhok? Bakit?
Puwede ba magpalamon na lang ako sa lupa?