CHAPTER NINE

1691 Words
CHAPTER NINE Czarina “YOU DIDN'T cook for us?” tanong Ellary sa akin. Bakas na bakas ang lungkot sa mukha niya habang nagsasalita. Hindi ko naman sukat akalain na lutong-bahay lang pala ang makakapagpasaya sa batang ito. Pero paano? Ayaw ni Clarence na gawin ko iyong ginawa ko kahapon. Not because it's not part of my job. Basta sinabi lang niya na huwag na ako maging concern sa kanya. Alangan ako tumingin kay Ellary. Paano ko ba sasagutin ang batang ito? Nag-order lang ako ng pagkain nila sa restaurant sa isa sa mga hotel na pag-aari rin ng mga De Luna. Sinabihan kasi ako ni Jovelle kahapon na doon binibili ng dating assistant ni Clarence ang almusal pati na lunch ng mga bata. Nang tingnan ko naman iyong mga in-order, kaya ko rin lutuin naman lahat. Pero sabi ni Clarence huwag na ako maging pakialamera at sinunod ko naman iyon. “Bakit hindi ka pa nakain? You'll be late for school, Ellary,” ani Clarence na lumabas na sa kanyang kwarto. Natigilan ako nang makita siya. He's wearing a three-piece gray suit, making him more immaculately handsome. Iyong buhok niya ay maayos at malinis din tingnan. Bumagay pa sa kanya ang salamin sa mata na nakadagdag sa kanyang kagwapohan. Lintek, kahit yata ano'ng suotin nitong lalaki na 'to gwapo pa rin. Even if he's not wearing anything, Clarence will remain handsome and a total sin. Kaso kailangan ko na panindigan na hindi ko na siya crush. Kailangan pigilan ko ang sarili ko na amuyin siya'y titigan. “Dad, where is Kuya?” tanong ni Ellary kay Clarence saka naupo na sa puwesto nito. Nakita ko na tumingin sa akin si Clarence kaya mabilis ako nag-iba ng tingin kung saan napabaling iyon company issued na tablet. Mabilis ko iyong kinuha pati na ang papel sa ilalim na 'yon saka lumapit kay Clarence. “He's with your Uncle Thirdy.” Simpleng tugon ni Clarence sa tanong ni Ellary. “Thank you,” he said after I handed him the printed shortlist. “Welcome.” Bumalik ako sa kinatatayuan ko at inabangan kung may sasabihin pa siya. Nang wala na siya naging reaksyon ay nagsimula na ako tapusin iyong paghahanda sa lunch ni Ellary. “Dad, what will you go home?” Pinilit ko na huwag sila pakinggan dalawa. “Can you help me with my project later? Also, can you cook for us?” “I'll call your Tita Maddie to help you. I have a lot of office meetings today. I'm sorry.” “Okay. . .” Nakaka-awa naman itong si Ellary. Hindi ako puwedeng makialam kasi assistant lang naman ang aking trabaho. Pero na-te-tempt ako na magbida-bida at tulungan iyong bata sa project niya. “Is that my lunch?” tanong na pumukaw sa akin. Hindi ko maiwasang impit na mapatili dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Ellary. “Ah. . . oo. Teka, balutin ko lang,” tugon ko saka mas binilisan pa ang kilos. “I still like your cooking, Czarina. Sana bukas ikaw na ang magluto ng breakfast namin.” Iyon lang at umalis na si Ellary. Nakita ko na humalik ito sa pisngi ni Clarence bago lumabas. They're ideal by just looking at them. Pero iba kapag naririnig na iyong usapan nila lalo na iyong kagabi. Galit ako sa mga magulang ko pero hindi ko yata kaya iyong ginawa ni Dean. I cannot tell my mother those hurtful words. Kaya naman napagtanto ko na mabait pa rin pa talaga ako. “Hindi niya tinapos ang almusal niya,” bulong ko nang makita iyong plato ni Ellary. “Ako na magliligpit niyan. Mauna ka na sa baba at doon niyo na lang ako hintayin,” Clarence told me and he continued eating. Hindi na ako kumontra at sinunod ko na lang siya bilang ayoko na masira ang araw naming dalawa. Pagbaba ko ay masaya akong sinalubong ni Mang Rudy at pinagbukas pa niya ako ng pinto. “Nakita ko na malungkot na naman si Miss Ellary. Nasa taas ba si Sir Dean? Nag-away na naman ba silang mag-ama?” Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Mang Rudy. Ang sabi ni Jovelle, matagal na si Mang Rudy na driver ni Clarence. Alam nito ang bawat transaksyon ng boss niya sa bawat tao na kinaka-usap. Kay Jovelle rin galing na kung gusto ko makasagap ng tsismis, sa lalaking ito daw ako lumapit kasi nga marami siyang alam. “Hindi yata masarap iyong almusal na nabili ko,” tugon ko. “Nasa kapatid ni Sir Clarence si Sir Dean. Iyon ang narinig ko kanina.” “Nako, nag-away na naman iyong mag-ama. Tsk!” Kating-kati na ako na magtanong kaso ayoko talaga at kaya ko pa naman pigilan ang sarili ko. Kung meron 'man ako na tatanungin, si Jeni iyon kahit parang mas marami nga alam itong si Mang Rudy. “Hindi na nga suwerte sa asawa, pangit pa ang relasyon sa mga anak.” Dagdag na salita ni Mang Rudy. “Ano po ba ang nangyari?” Ayan, hindi ko na napigilan na magtanong. Lampas ulo na ang kuryosidad na meron ako ngayon at hindi ko na yata mahihintay pa si Jeni. “Iyong nanay ni Sir Dean, namatay pagkapanganak. Edad pito o walo na si Sir Dean noong mag-asawa ulit si Sir Clarence at si Miss Ellary nga ang bunga. Akala ng lahat ay putol na ang sumpa pero hindi pala kasi two years old naman si Miss Ellary ng maaksidente iyong nanay niya.” Sumpa? Totoo pala iyon? Akala ko sa libro lang existing ang mga gano'n. Parang ayoko naman paniwalaan itong si Mang Rudy. Baka coincidence lang na dalawang beses nabiyudo si Clarence. “Baka coincidence lang?” “May gano'n talaga. Maniwala ka sa akin.” “Uy, nandyan na siya. Baka mamaya magalit pa.” “Hindi naman iyan nagagalit sa 'yo.” Luh? Isyu nito. Kung alam mo lang halos sunugin na ako niyan kapag galit o 'di kaya hindi gusto ang gawa ko. “Palagay ko type ka ni Sir.” “Mang Rudy, trabaho tayo oo. Huwag puro tsismis.” Tumawa lang si Mang Rudy at lumabas na sa sasakyan saka sinalubong si Clarence. Kinuha ng matandang driver ang gamit niya at pinagbukas pa ng pinto. Tinapik-tapik ko ang magbilang pisngi ko saka tumikhim. “Are you sick?” tanong ni Clarence. “Ah, hindi. Nasamid lang ako,” tugon ko. I cleared my throat again and then put on a seatbelt. “Make sure you don't get sick. Lagi tayo magkasama at ayokong mahawa sa 'yo.” Akala ko pa naman concern siya sa akin bilang gano'n ako sa kanya kahapon. Ang saya naman nito. May selfish, maarte at demanding akong amo na masarap batuktukan talaga! IN LOVE. Iyon si Jeni at halatang-halata naman na iyon sa kanya kahit galingan pa nita ang pagtatago. Wala akong ideya kung ano na ba nangyayari sa kanila ni Thirdy pero sigurado akong malala na tama nito sa lalaking iyon. Iyong pakiramdam na nararamdaman ni Jeni ngayon ang hinding-hindi ko susubukan. Puwede na ako sa fubu lang pero iyong seryosohan, alam ko na matatalo lang ako doon kaya bakit pa ako sasabak. “Ano ba iyang tinitingnan mo?” tanong ni Jeni sa akin. Nakigamit ako sa kanya ng laptop para gawin iyong shortlist ni Clarence na natapos ko naman din agad. Nagre-research lang ako tungkol sa naging asawa ni Clarence na kinalaki ng mga mata ni Jeni. “Huwag mo na basahin ang mga articles na iyan. Puro naman mali ang nakasulat diyan.” “Paano mo nalaman?” tanong ko. “Last year noong pumutok iyang mga articles na iyan at sinasabi diyan na sinadya iyong pagkamatay ng second wife ni Atty. Clarence. Paparazzi found out that the woman was having affair to her bodyguard. Pinalabas lang daw na aksidente ang lahat. Nagkagulo sa law firm dahil diyan at talagang hindi sila huminto hangga't hindi nabibigyan ng linaw kung aksidente ba o kusang loob.” “May gano'ng kwento?” Tumango si Jeni. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Ang tunay na kwento, si Atty. lang ang nakakaalam. Not even his offsprings knows about what happened. Lalo ng mga magulang niya.” Bakit naman mangangaliwa pa iyong babaeng kasal sa lalaking mula sa maimpluwensyang pamilya. If I was in that woman's shoes, I would be loyal. Why? Ligtas kasi ako kapag De Luna ang kasama ko. Isang patunay itong hindi pagpaparamdam ni Apollo ngayon simula pa kahapon. Hindi ko alam kung busy lang ba siya o may pina-plano siyang iba para mahuli ako. Kung ano 'man iyon, hindi ko na paglalaanan ng lakas dahil hangga't nasa tabi ko si Clarence ay ligtas ako. “Alam mo naawa ako sa anak niya. Lalo na doon sa bunso. Wala siyang oras para sa mga anak niya.” “Gano'n kasi talaga lalo kapag may plano na tumakbo bilang congressman.” “Tatakbo siya?” “Yes. Nasa dugo naman na nila iyon kaya walang nakakagulat.” May point naman si Jeni pero nakaka-awa pa rin iyong mga bata. Forever na lang ba sila magbabangayan at magsisihan? “He's not interested to woman like us, Czarina. Gusto ko suportahan ang pagtingin mo sa kanya pero hindi kailanman aakma ang mundo mo sa kanya.” “Hindi ko rin naman pinangarap. May iba akong dahilan kaya ko pinatos ang trabaho na ito.” “Ano?” “Kailangan ko ng proteksyon laban kay Apollo. Kapag nasa malapit ang amo natin at mga bodyguards nila, ligtas ako at 'di malalapitan.” “Ano ba ang ginawa ni Apollo?” Doon ko na na-kwento ang pinagdaan ko kaya napabalik ako sa bar. I showed her the bruises I got but they're dry now and slowly healing. Sinabi ko rin na nabigyan ako ni Apollo ng ideya kaya heto at nagtitiis ako sa trabahong wala naman ako gaano alam. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Jeni pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon. “Paano kung mahuli ka?” Malalim akong huminga bago nagsalita. “Bahala na siguro si Batman sa akin, Jeni. . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD