Chapter 3. Tutor

1667 Words
Life is a Math equation. In order to gain the most, you have to know how to convert the negatives into positives. - iliketoquote.com- . Tutor . . Three weeks after that incident same as usual pa din ang takbo ng araw-araw na routine nang buhay ko. Palapit na ang finals kaya medyo busy na ang bawat isa. Wala akong problema sa lahat ng subjects ko maliban nga lang sa Math. Engineer si daddy at Accountant naman si mommy. Minsan napaisip ako kung anak ba nila ako talaga? O baka bobo lang talaga ako sa Math! . Ginulo ko na ang buhok ko habang tinitigan ang resulta nang semi-final exam namin. . "Ano? Anong score mo?" si Mia. "Ikaw? Anong sa'yo?" kunot-noo kong ibinalik na tanong sa kanya. "70/100," ngiti niya habang pinapakita ang kanyang papel. . Nakatingin ako sa kawalan habang tiningnan niya ang papel ko. Hindi na bago sa akin ang expresyon nang mukha niya. Hindi na nakakatawa! . "Magpa tutor ka kaya sa daddy mo." "Ayaw ko. Palaging busy si daddy sa trabaho," ngumuso ako. "Hanap na lang tayo nang ibang tutor mo?" ngiti niya. "Sa tingin mo?" ngiti ko, "sino?" napaisip ako sa hangin. "Ms. Mendoza!" tawag ni Mr. Bacal (Math teacher namin). "Come to my class later at lunch. I have something to tell you." "Yes, Sir!" Napatayo  akong kinakabahan at tulala sa sarili. Kung malas ka nga naman oh! Isip ko. . Natapos na ang klase  at  and lahat ay nagsibalikan na chismis ng mga scores nila. Narinig ko pang sabi ng isang kaklase ko na si Charles ang nakakuha ng perfect score. Kaya ayan pinapalibutan na naman ng mga kababaihan. Palagi naman! . Matalino at gwapo si Charles Aragon Delavega. Known as the heartthrob and brain in our school. Lahat ng babae nagkakagusto sa kanya. They own the school and other affiliates. Nasa limang school universities ang pag-aari ng kanyang pamilya. They also have businesses abroad. In Asia, Italy, Canada at South America. Dugong Espanyol ang daddy ni Charles kaya mestiso ang dating ni Charles. Same with his mom, na maganda rin. . Napatingin kaming dalawa ni Mia sa kabilang row. Palagi kasing ganito ang eksena sa silid namin. Mga babaeng naglipana kong nasaan si Charles  ay nandoon din sila! Ako lang at si Mia ang walang paki- walang pakialam! . "Hindi pa pala pumapasok si Theo. Three weeks na." Rinig kong tugon ng isang kaklase namin. Nagkatinginan kami ni Mia at nagkibit-balikat lang din ako. "Buti ng sa  kanya!" saad ni Mia at pinaikot na ang mga mata niya. . Nilingon ko ang pinangalingan nang boses sa likod. Nakatingin ang grupo ng kalalakihan sa akin. Ang grupo nina Theo. Nilingon ko rin ang kabilang grupo, na kung nasaaan si Charles. Nakatitig lang siya sa akin at pati na ang mga babae sa grupo nila. Binalik ko ang tingin kay Mia na parang walang nangyari. . "Samahan mo ko mamaya,"  seryosong saad ko sa kanya. "Sige, pero hanggang pinto lang ako ha," ngiti niya. "Salamat," ngisi ko. . . PALAPIT na kami sa classroom ni Mr. Bacal. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Siguro dahil makikita ko ang ultimate crush kong ng buhay ko na si Karl. Home class adviser kasi nila si Mr Bacal. Maingat kong tinanaw ang loob ng classroom habang hawak si Mia sa kabilang kamay ko. Nakita kong nakaupo si Mr Bacal sa lamesa niya. Mabuti na lang at wala masyadong studyante sa loob, kasi nga lunch break. . "Go Isay..." mahinang boses niya at sabay tulak sa likod ko. . Ay butiki! Mura ng isip ko. Napalingon agad ako sa kanya. Promise grabe ang kaba ng dibdib ko na parang guguho na ang mundo ko ngayon. Tiningnan ko muna ang boung silid. Salamat at wala si Karl. Napabuntong hinanga ako at naglakad ako palapit sa teacher ko. . "Oh? You're here," ani ni Mr. Bacal na parang nabigla nang makita ako. "Good noon po, Sir..." hiyang tugon ko sa sarili. "I was talking to your dad last week and I recommend a tutor for you. He agreed. Hindi kasi maganda ang marka mo sa Math," panimula niya. . Magkaibigan sina daddy at ang math teacher ko. They both went to the same college and still, they're buddies. As in brother buddies! Kaya 'di na ako nagtaka kung paano nalalaman ni daddy ang performances ko sa school. . "O, ayan na pala tutor mo. Karl come here!" . Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang dalawang tainga ko. Kasabay na pumapalupot ang hiya sa boung mukha ko. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Sana lamunin na lang ako ng lupa! . "Karl, I want you to tutor Isabella Mendoza in Math. You can arrange the time set, hijo.  Ikaw na bahala sa kanya ha." "Ahm," tumango-tango lang din si Charles at tumitig na sa akin. "Okay. You two organise it. I'll be going out for lunch." Tumayo na agad si Sir Bacal at naglakad na palayo sa amin. . Natahimik ako. I mean, kaming dalawa pala! Ang awkward! I feel so awkward. Ako lang ba? O, pati siya? Kaloka! Kaya ako na ang unang nagsalita. . "Hi, sorry ah... Kung 'di mo gusto pwede mo naman na hindian ako, okay lang-" hiyang tugon ko. Nahiya pa kuno! E, ang totoo kinilig na ako. "Oh no, it's okay. I have none on my diary for a month or two. I can give you a tutor, Isabella," sabi niya ng seryoso. Pinasok na niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya, at tinitigan lang din ako. "Ah okay! I see--" ngiti ko. . Ang malas ko nga naman. Bakit siya pa? Dios ko naman! Isip ko. Hiyang-hiya na ako. Pakiramdam ko tuloy ang bobo ko na talaga sa Math! Nagtitigan kami ng ilang minuto na walang nagsasalita. . "Um, when are you gonna be free?" putol niya sa titig ko sa kanya. "Ah, ikaw?" "Since, magkapit bahay lang tayo. I can pop-in this weekend at your place? If that's okay?" seryosong tugon niya. Tumango ako. "Okay." "Anong hindi mo naintindihan sa Math?" Kumalabog ang puso ko. If I have a chance I will tell everything! Kaso nahihiya ako. "Ah-- A-Ano, division? Dividends ? Iyong mga xx yy o why?" ngiwi ko sa sarili. . Tama ba 'yon? Teka lng! Mali 'yon? Isip ko. Natawa na siya. Tumingala siyang nakangiti sa kisame bago ibinalik ang mga mata sa akin. . "You're so funny, love," titig niyang seryoso. . Oh my God! Did he say, love? Love just now? I mean shocks! Alam niya? Ako-- Ako si Love! Patay na talaga! . My parents, uncles and aunties called me 'love' dahil kasi eldest ako at ito na rin ang nickname ko. Pangalawang pangalan ko rin 'to, Isabella Love Mendoza.  Okay narinig na niya siguro. Ang bobo mo talaga Mia! Mamaya ka lang bruha! . Naka-fake smile na akong nakatingin sa kanya. Pwede lamunin na ng earth! Isip ko. . "I'll call you and let you know the time okay?" "Okay sige, bye-" Umatras na ako at handa na akong tumakbo. "Sure, bye," ngiti niya. . Hiya akong tumalikod, pero nahinto ako nang maalala ko kung anong pwede kong ma-offer na bayad sa tutor niya. Kaya hinarap ko siya ulit. . "Karl! What can I do in exchange? I can pay you if you want?" ngiting aso ko. Ngumiti lang siya. "I'll think about it." "Ah, okay, byee!" ngiting hiya kong talikod. . OH EM GEE! Shocks! Tili ko habang hawak ang dalwang kamay ni Mia. "Ang swerte mo!" nakangiting tugon ni Mia sa akin. Pero nasapak ko siya sa noo nang may maalala ako. "Alam niyang ako si 'love' gaga!" "Obvious ba? Alam kong alam niya! Childhood friend at kapitbahay kayo. Baka ilang beses na niya narinig ang palayaw mo," halaklak ni Mia at napangiwi na ako. . Nakaramdam agad ako ng hiya sa sarili. Paano na kaya 'to? At bakit naman kasi si Karl pa ang naisipan ni Mr. Bacal mag tutor sa akin? Pakiramdam ko tuloy ang bobo ko na at nakaka-disappoint na masyado. Iyong pakiramdam mo na langit siya at lupa ako. Hirap maabot. Hindi bagay. Bahala na si Batman! Isip ko. . "Pa tutor na din kaya ako, Isay?" tugon ni Mia na kinikilig pa. "Ay, hindi huwag na! Sa susunod ka na lang. Susuluhin ko muna siya," halakhak ko at nakisabay na siya sa tawa ko. Para kaming baliw dalawa nito! . Nakabalik kami ng silid aralan na masayang-masaya at pabalik sa aming upuan. Nang nag-iba ang expresyon ng mukha ko dahil sa nakitang box ng dunots at chocolate na may kasamang note sa desk ng upuan. . "Oy, ano to? Admirer?" halakhak ni Mia at agad kong kinuha ang maliit na mensahi at binasa. . Isabella, Sorry, peace offering. Theo . Kumunot ang noo ko at bahagyang napangit na din sa sarili. Wala ako sa mood para magalit. Kaya imbes na mainis ay natawa na ako. Tinawag ko pa si Theo at bigla siyang tumayo. . "Oo, Bella!" tugon niya. Isa pa 'to. Hindi bella kong 'di  Isabella! Ang dami na nila! "Salamat! Okay na," mahinahon kong sabi sa kanya. Nag-inggay ang mga kagrupo niyang lalaki. Naupo na rin ako at binuksan na ni Mia ang box, sabay kain ng donuts. "Ang sarap. Salamat!" si Mia kay Theo at napangiti na siya. "Ayaw mo?" si Mia sa akin. . Nahalata niya siguro na nakatulala ako. Naalala ko pa rin kasi si Karl kanina. I sigh quietly while grabbing some donuts in front of me. Hindi ako maarte. Madali akong paamuin. Pagkain lang katapat ko at masaya na ako. Hindi rin kasi ako ang tipo na nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa tao ko. . Lumapit na ang iba naming kaklase at nakikain na din ng donuts. Sana nga pala tatlong dozena ang binigay niya! Ang baliw lang din talaga. . Okay sa weekend kaya ko 'to! Sabi ng isip ko, pero iba ang sinasabi ng puso ko. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD