"There is nothing more dangerous than a boy with charm."
.
Substitute
.
.
Mabilis natapos ang linggo, Sabado ngayon at busy ako sa paglilinis kahit na meron kaming tatlong katulong. Hindi pa rin ako mapakali dahil alam kong ngayon ang punta niya rito sa bahay namin.
.
The landline phone rang four hours ago, si Manang Nita ang nakasagot. Punta raw si Karl nang alas dos ng hapon. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin, kaya nagbihis ako ng maayos. Naglinis at nagpaluto ng snacks para mamaya. Alam na din nina mommy at daddy na si Karl ang magiging tutor ko sa Math.
.
Kapit-bahay lang kami ni Karl. Nakatira kami sa isang exclusibong subdivison. May mga kaya ang halos lahat naming kapit bahay. Iyon nga lang walang pakialamanan dito. They have their own security guards and maids. Mahigpit din ang seguridad sa boung subdivision na ito.
.
Nagmamay ari ng Architectural Firm si daddy, he's an Engineer . We have overall eight branches nationwide. Si mommy naman ay nasa real-estate ang negosyo. Kasusyo niya ang mommy ni Mia. Masyadong busy sina mommy at daddy. Pero palagi nila kaming mino-monitor dalawa ng kong kapatid kong lalaki.
.
I'm the eldest, so medyo stricto sila pagdating sa akin, at sa kahit na ano mang bagay. Isang taon na lang din at matatapos ko na ang secondary school. Hindi ko alam kung anong kukunin ko 'pag college. I haven't decided anything, not yet.
.
"Ate, saan ko ilalagay 'to?"
.
Tiningnan ako nang kapatid kong si Xeejay. He's two years younger than me. Pero ang tangkad na niya, He seems more mature than me. Dala niya ang prutas na pinapakuha ko sa kanya kanina, at inilapag niya ito sa mesa, sa harap ko.
.
"Make sure na may matutunan ka, ate," bahagyang tawa niya.
.
I know he's teasing me. Kilalang kilala niya ako. Alam niyang crush ko si Karl noon paman. Him and Karl plays basketball a lot here in our subdivision.
.
"Ate give up." humalakhak na siyang tuluyan.
"Get lost! If you don't wish to help!" I glared at him at rested my hands on my hips.
Tumawa lang siya habang tinitingnan akong abala sa pag-aayos ng kong anu-ano.
"I've heard last time sa mga common friends namin sa basketball team, ate. Karl asked about Miranda? Miranda ba 'yon? One of our team-mate in basketball is a close friend of Miranda."
Napahinto ako sa ginagawa at nag-angat ako nang tingin sa kapatid ko.
Miranda? Bakit? Well, maganda si Miranda at brainy rin, so what!? Umismid na ako.
"Well, I'm telling you in advance, ate. Ayaw ko kasi na magmukha kang tanga. At iba kaming mga lalaki. We can sense girls that falls under our charms."
Umayos siya nang upo at seryosong tinitigan ako.
"And I don't like it if you fall at him too much, ate. It is sure gonna hurt bad back at you, at ayaw kong mangyari iyan sa iyo," patuloy niyang tugon.
.
Oo, bunso ko siyang kapatid. Alam kong mahal nila ako kaya ganito na lang siya makabantay sa akin. At his young age he is very matured when it comes to things like this, plus he acts like dad. He act like a boss. Sinasama kasi siya ni daddy palagi sa mga meetings at surveys nila. And I won't be surprise if he'll become like my dad too.
.
"Huwang ka nga mag react masyado. Crush lang naman. Mawawala rin naman ang crush 'di ba?" diin na tugon ko.
.
Nagkibit balikat na si Xeejay. Inisip ko rin mawawala nga ba? Kasi kung nawala na eh, sana noon pa. Ewan ko ba!
.
"Okay, ate. I have to go. Kailangan kong sumama kay daddy," sabay tayo niyang lakad.
.
Tinitigan ko na lang din ang likod niya, hanggang sa mawala na siya. Ilang oras pa ang lumipas, at lagpas na sa alas dos na. Akala ko ba alas dos ang punta niya rito? E, ba't ngayon wala pa?
.
Hanggang sa nag-alas threes na lang at wala pa rin! Dinalaw na ako ng antok. Nakaka-bored nang mag hintay! Ang tagal ko pa namang natulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Kaya heto, hirap hawakan ang mga mata kong nahuhulog sa antok.
.
Tiningnan ko ang mga notebooks at libro sa mesa. Nasa labas nang harden ako ng bahay namin. Mas maganda ang hangin dito, kaya nandito ako at parang baliw na naghihintay kay Karl. Bumuntong hininga ako at tinitigan lang din ang pool sa bandang unahan.
.
Geometry... Binasa ng isip ko ang libro ko na nasa ibabaw ng mesa rito. Binuksan ko na at tahimik na binasa. Quadrilaterals, properties of parallelograms. Ito 'ata ang ikinalilito ko. Hay naku! At ginulo ko na lang din ang buhok ko.
.
Sinimulan ko na lang gawin ang assignment ko. Kahit papaano ay may alam naman akong konti. Hindi nga lang ako sigurado kong tama ang sagot ko.
.
Pagkaraan ng isang oras ay natapos ko na ito. Humikab na ako, at alas kwatro na ng hapon. Nagtagpo na ang kilay ko. Hindi na 'ata magpapakita si Karl. Nakalimutan na niya ito! Kakainis lang din ah!
May pagkadismaya sa puso ko, at isama mo pa na boring mag-aral mag-isa, ay mas mabuting matulog na!
.
Ang liwanag ng araw na papalubog na ay tumama sa mga nakapikit kong mga mata. Hindi muna ako dumilat at natulog pa akong bahagya. Maririnig ko lang ang huni ng ibon sa paligid. Ang tahimik at magandang pakingan ang lagaslas ng tubig na galing sa pool namin. May maliit kasi na falls dito.
.
On the back of my mind I can feel someone's staring at me beyond so close. Then, I slowly open my eyes... Still blurry, still weary but I can see shadow and I can see his face staring at me deeply. Ang anino niya lang din ang nakikita ko.
.
Si Karl na ba 'to? Dumating na ba siya? Hay, naku! Iba na nga ang nakikita ng pagod kong mga mata. Pero hindi naman ganito ang anino ni Karl. Kilala ko kahit na anino niya ano! Sino ba to? Isip ko.
.
"Time to wake up, princess..." his soft voice echoed in my ears.
.
Napamulat ko at tumambad ang bagong anyo sa harapan ko. Nakatitig siya sa akin nang husto. His vivid smile sent shivers in my spine. Kinilabutan na ako.
.
"Charles?" Nabigla ako at agad kong sinuot ang salamin sa mga mata ko.
"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa bahay namin?"
I was about to ask more questions but he cut me off.
"Nasa bahay ni Karl si Miranda," panimula niya.
"We have our music and play practice and I know that you knew that Karl is part of it, right? Our performance is coming soon. So we are practicing, Isabella... Then Karl told me that he has some tutoring things to do here with you."
.
Ngayon ko lang naalala parte pala ng music&play si Karl at kasama sina Charles at Miranda. It's an extra thing curriculum to do. Lahat kasi ay may kanya kanyang kategorya na kong saan mo gusto. In preparations of your interest in the next school term.
Hindi ko alam kung ano ang linya ng interest ko. Ang iba computer, home nursing, cooking, drawing, music, sports etc. Ako? Wala pa!
.
"He actually forget the time. Late na nga nang maalala niya--sorry raw," he smiled softly.
"Why sorry? Ba't ikaw ang nandito?" nag taray agad ako sa kanya.
"I offer to come here since 'di pa nila tapos ang practice ni Miranda."
.
Practice with Miranda? Okay, I knew it! Iba talaga kapag Miranda na ang pinag-uusapan ano? Hindi mahindian ang ganda niya. Kung sa bagay wala naman siyang obligation sa akin. But clearly? If importante ako sana andito na sana siya kanina pa! But no, not! Ang sakit, because I am his second best! Natatawang drama ng isip ko.
.
Stop day dreaming Isay. Isip ko. Wala talaga akong laban sa ganda ni Miranda at matalino pa. Mayaman din ang pamilya nila. Kasusyo sa negosyo ang pamilya nina Charles at Miranda kaya palagi silang dalawa magkasama.
.
Good for them! I rolled my eyes. Naiinis ako, sobra!
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell