Chapter 2. Confidence

1386 Words
Confidence . .   "Inimon mo para may lakas ka mamaya pag nakita mo ulit ang ultimate crush nang buhay mo!" halakhak ni Mia n aparang sira! "Ayoko nga! Baka my gayuma iyan!" Pabiro kong sabi kay Mia. Pero ang mga mata ko ay nakatitig pa din kay Charles sa malayuan. "Ang misteryoso talaga ni Charles, Isay ano? Hindi ko inakala na mapapansin niya tayo... Tsk, sa dinami-dami ba naman ng mga babae na nakahilera diyaan sa kanya at isa na ako para mapansin ay walang epekto! Pero ikaw? Heto binigyan ka pa ng tubig. Ikaw na talaga bestfriend!" ngiti niya at napailing pa. "Siguro ang iba nilalagay na 'to sa metal piece ng bahay nila!" Taas hawak niya sa bote ng mineral water na parang nanalo sa woman's marathon. Ang gaga talaga! "Ano ka ba coincidence lang 'yon. Of course classmate nga natin 'di ba? Over ka naman kong makapag-react! Eh, halos lahat ng babae na alam niya na patay na patay sa kanya, e, jinojowa niya! Eww, ayaw ko matulad sa kanila!" nguso ko kay Mia. "Oh, no. He never took advantage, Isay. I know him. Iyong mga babae lang naman ang lapit nang lapit sa kanya. You know that he's not snob, 'di ba? And he's the friendly type." Sabay inom niya sa tubig at nakangiti pa! "I don't care Mia and I'm not interested! Ayaw ko sa mga playboy type. Isa pa, sa sobrang gwapo niya ay nakaka-insecure na. Iyong pakiramdam mo ang pangit-pangit mo kapag katabi mo siya!" taas kilay ko. "Tayo na nga! Late na tayo sa susunod na klase natin!" Sabay hila ko sa kanya. . . NAKABALIK kami sa classroom at late na kami ng limang minuto. Nakatingin na naman ang mga walang magawang kaklase namin sa aming dalawa ni Mia. . Sa second row sa harap kami ni Mia nakaupo. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ni Mia sa harap maupo! Kaya, kong asaan siya nakaupo roon na lang din ako. . Tanaw ko agad sa kabilang row ang upuan ni Charles na nakatitig naman sa banda namin. Sino kaya tinititigan niya? Hindi ko na lang pinansin. Bumaba ang titig  ko sa kurbata niya na ngayon ay maayos na maayos na. . Katabi  niya si  Miranda. Nakatitig din sa banda namin ni Mia si Miranda at mukhang naiinis pa. Maganda si Miranda at matalino. Maraming lalaki sa campus namin ang nagkakagusto sa kanya. Pero dahil crush ni Miranda si Charles at sila palagi ang magkasama, kaya napagkakamalan silang mag-jowa. . Dalawang beses na kaming classmate ni Charles sa pagkakaalam ko. Noong grade 3 at ngayon. Matalino siya, at ewan ko ba kung bakit napunta siya sa section namin. Dapat sana roon siya nabibilang sa mga matatalinong studyante na kagaya rin niya. . Dahil sa ka-gwapohan niya at talino. Sikat siya sa boung campus. Maraming may gusto. Siya rin ang presidente ng student body organisation. Pero iba ako, noon pa man 'di ko pinangarap na gustuhin ang mga taong sikat at sobrang gwapong matalino. . Mahirap kasi silang abutin. Sa mga telenobela lang at mga pocket books ang mga storyang ganoon. Sa totong buhay wala naman talaga! So bitter ako pagdating sa mga bagay na 'to. Kaya kahit na gustuhin ko mang humanga sa mga katulad niya, ay wala akong panahon at ayaw ko! Pero iba si Karl kasi nga kababata ko... . Nahuli nang mga mata ko si Charles. Taimtim na tuloy ang titig niya kaya umiwas na ako. TInaasan ko pa siya ng kilay ko. Gumuhit lang ang maliit na ngiti sa labi niya at umiling pa! . "Where the two of you been?" si Mrs Kim sa amin, English teacher namin siya. . She's on her 40's. Maganda at madalas niya akong napag-uutusan nang kong ano ano. I think I'm her favourite in this class. Kaya minsan naririnig ko na lang ang mga chismosang babae na mga kaklase ko na nagsasabing 'teachers pet ako'  which is okay? Hello? But I love this subject and I excel on it perfectly! Kaya bahala na kayo! Pakialam niyo! . "Mia and Isabella you're both late!" Nagtitigan na kaming dalawa ni Mia at napayuko pa. "Here, Bella. Write this down on the board and everyone copy!" . Binigay agad ni Mrs. Kim ang  libro sa akin at inabot ko na. Lumabas na din siya. May kausap 'ata siya sa cellphone niya. Noong una naasiwa ako sa tuwing nasa harap ako. All their eyes are looking behind me and who knows what else!  Pero kalaunana ay nasanay na rin ako. . "Ang ganda ng likod pre perfect! Huwag na sanang humarap!" kantyaw ni Theo. . He is evil! So evil and he likes to bully not just me but most of us. Noon pinalalampas ko lang ang mga pambu-bully niya pero napuno na ako sa kanya. . Uminit na ang pisngi ko sa inis habang tinatapos ang sinulat ko sa whiteboard. Konting tiis na lang Isay konti na lang. Isip ko. . "Shut up, Theo! Akala mo naman kung sino kang matalino!" si Mia. Mas napakurap na akong habang nagsusulat sa whiteboard. Nakikinig lang ako sa lahat sa likod ko. "Calm down, Mia. Isabella is really perfect on her back. Just like an angel. Dinaig pa nga ang super model. E, Huwag nga lang humarap!" . Tumawa na si Theo ng malakas at kasama na ang dalawa pa naming kaklase na lalaki. Humigpit ang hawak ko sa white marker. Kung ibato ko kaya 'to sa mukha niya? Isip ko. . "Then stare at my back, Theo! Stare at it nicely. If you like, you can fantasize behind me but you can't have me!" salita kong nakatalikod pa. "Wooahh ang taray!" saad agad ni Theo at natawa pa. . Natahimik na ang lahat, at sa sobrang inis ko sa pambubully niya ay tinangal ko na ang salamin na suot ko ngayon. Palagi nga pala ako nakasuot ng salamin. Medyo malabo kasi ang kaliwa kong mata. Pero malapit na din maging okay. Sabi ng eye doctor ko baka sa susunod na taon 'di ko na kailangan ito. . Unang beses siguro makikita ng mga kaklase ko na wala akong salamin, pati na si Mia. Kaya nilakasan ko na ang loob ko at tinangal ito. Nilagay ko sa bulsa ng palda at inayos ang sarili ko bago humarap sa kanila. Nakatitig sila sa akin na para bang may kakaiba sa mukha ko. Wala na akong pakialam kung ano man ang nakikita nila, at si Theo na lang din ang tinitigan ko. . Pumasok na si Mrs Kim at naupo sa mesa niya. Natahimik din ang lahat at humakbang na ako patungo sa mesa ni Mrs Kim. Tapos na kasi ang sulat ko. . "Mrs Kim tapos na po," ngiti ko. "Thanks, Bella dear," sabi niyang nakatingin sa libro niya. She always called me 'Bella' ewan ko ba kung bakit. But then, its okay 'Bella-Bella Isabella' isip ko. . Then I turned around. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin pa rin sa akin. I then smile at them, at hinanap nang mga mata ko si Theo. . Humakbang ako palapit sa kanya. Nabigla siya at napaatras sa kinauupuan niya. I stand in front of him with my hands on my hips. Nilagay ko na lang din ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng upuan niya, at inilapit ko nang bahagya ang mukha ko, para naman makita ko ng maayos ang mga mata niya. . "Get lost!" I said with a beautiful smile on my face. I glared at him too! . Hindi siya nakaimik at natulala nang bigla. Buti nga sa'yo! Isip ko. Nakangisi na ako at tumalikod na. Humakbang na ako pabalik sa upuan ko. . "Oh my God! Isabella, that's my bestie!" sa lawak na ngiti ni Mia habang nakatitig sa akin. Sinuot kong muli ang salamin ko at inayos ang hawi ng bangs ko. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko. Huh, ewan ko! "Buti nga sa kanya," bahagyang tawa ko at ngiwi sa sarili.  . Kinuha ko na ang salami sa bag at ang lawak pa ng ngiti ko. Pero napawaang ang labi ko at napangiwi ako nang husto sa sarili. Ang taas ng confidence ko na parang ang ganda-ganda ko. E, mukha naman akong pakwan dahil sa dami ng pimples sa mukha ko! Hay naku! . . C.M. LOUDEN/Vbomshell    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD