Chapter 5. Charm

1569 Words
"I love the way you look at me and see the love in your eyes..." . Charm . . I never had my eyes on other boys in the campus. Don't get me wrong, maraming gwapo sa campus okay! May mga nanligaw rin naman sa akin noon. Pero 'di ko pinapansin. Marami ding gwapo sa campus, pero gaya ng sinabi ko lahat sila sugar coated lang. For your eyes only! . I don't want to waste my time, 'di ka rin naman papansinin. Handsome and good looking ones are for good looking ones too. It's like same feathers flock together! Karl is different kababata ko siya. But siguro katulad na din ng karamihan. Sino ba nama ang hindi maakit sa ganda ni Miranda? Isa na 'tong nasa harapan ko! Tsk, kainis lang talaga! . Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa kanya. He looked so puzzled. Kaya nagtaas siya nang isang kilay niya. . "Alin dito ang 'di mo naintindihan?" seryoso niyang tugon sabay tingin sa notes ko. . I looked at his eyes. Mabuti na rin siguro na siya ang tutor ko ngayon, dahil kampanti ako. At least may matutunan ako at hindi magiging blanko ang pag-iisip ko na gaya ng kay Karl. . "Look? I have answered our assignment. Tingnan mo kaya kung tama ba?" . Binigay ko agad ang notebook ko sa kanya. He looked at every equation it has seriously. Tinitigan ko pa siya ng taimtim ngayon . I wonder what charisma this boy in front of me have? Why all the girls are dying to have him. . Pilit kong hinanap ang spark. Kaso wala akong naramdaman. Huminga ako ng malalim. Naramdaman niya siguro 'to kaya napalunok na siya, at kitang kita ko pa ang pag galaw ng adams apple niya. . "You got two right and three wrong. I can see your mistake," tugon niya. . Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Sandyang nagdikit ang balikat namin. He's pretty warmth and for some reason I feel secure beside him. Iyong hindi ka nanliliit sa sarili mo at masarap sa pakiramdam. . "This is the diameter right? Okay, radius ang hahanapin, so ganito--" . He explained it so well at talagang naintindihan ko this time. Perfect, ang galing ng tutor ko! Ganito lang pala ka simple? Ba't ang weird ng utak ko. Paano ko 'di nakuha ito noon? Binigay na niya sa akin ang notebook ko at inulit ko itong sagutin. I was too busy concentrating finding the answer without noticing that he's staring at me deeply. Alam kong nakatitig siya sa akin ng husto, pero hindi ko pinansin ito. Wala kasi akong spark ano! Kaya kerebels na! . Tinapos ko at may mga sagot na, at ibinigay ko ulit sa kanya. He check it again. "Perfect, you've got it all right. Its so simple, right?" he said and stared at me. "If you think of math you judge it straight away because of it's name without even trying it. It's only numbers, Isabella... symbols, equations. It may look entangled but try to understand the problem and solve it together with your heart and mind... Then you will realised that you actually love it and you don't even notice it," he seriously said and I frowned. . Whoa! Ano raw? Ano raw ulit iyon? . Napaawang na ang labi ko habang tinititigan siya. Tsk, sabi ko na nga ba. Iba nga naman ang kamandag ng nag-iisang Charles Aragon Delavega... Now I get it, tsk! Delikado ito kahit  na sinong babae ay mahuhulog talaga sa kanya. . Now I know where his charms are coming from... It's coming from his shell and stare. . Umiwas agad ako sa titig niya at napatingin na ako sa oras sa relo. Late na pala at malapit ng mag alas syete. Lumabas na si Manang Nita at sinabing ihahanda na niya ang hapunan dahil nandiyan na raw sina mommy at daddy. . Tumayo na ako pati na si Charles para salubungin sina mommy at daddy. "Hi love, sweetheart!" Halik ni Mommy sa pisngi ko at sabay tingin kay Charles. Nasa likod lang din si daddy na binigyan ako nang halik sa pisngi. "Good afternoon po, Sir, Ma'am... Charles Aragon Delavega po," sabay  lahad nang kamay niya sa mga magulang ko. "Nice meeting you, hijo," ngiti ni daddy kay Charles at kinamusta na rin ito. "Do you happen to know Don Aragon Delavega?" tanong ni daddy sa kanya. "Opo, Sir. He's my dad, po," tugon ni Charles sa daddy ko. Napangiti agad si daddy at tumango na rin. "I know your dad, hijo. Were in the same brotherhood." "Akala ko si Karl ang tutor mo, love?" si mommy sa akin. Akala ko nga rin siya e. Kaso nandoon nagharutan pa kasama si Miranda! Inis na isip ko. "Abala pa kasi si Karl, mommy. Kaya si Charles pumalit," tugon ko. "Dito ka na mag hapunan, Charles. I will get Manang to organise the foods," ngiti ni mommy kay Charles at tumango lang din siya sa mommy ko. . What the- Sumang-ayon siya at hindi na nahiya? I can't believe it! . Now my dad and Charles are talking while walking away from me. Si mommy naman  sa kusina diretso nagtungo. At ako? Heto, nililigpit ko ang mga gamit sa lamesa. . Tiningnan ko pa sina daddy at Charles sa malayuan. Ang ganda nga naman ng kwentuhan niola, at talagang nagkakasundo ang dalawa! Napalingon si Charles sa akin na nakangiti at umiwas na agad ako. Niligpit ko na lang din ang lahat ng kalat ko. . . MASAYA ang hapunan at masayang nag-kwentuhan sina mommy at daddy na kasama si Charles. Parang interview na rin ang ginawa ng daddy ko. . "What can you say about Isabella, hijo? Is she okay in school? Please do look after her. She's clumsy at times, pero mabait na bata iyan," ngiting sabi ni daddy. Napanguso ako at pinaikot ko na ang mga mata ko. Nakakaloka ang ama ko! "She's perfect, tito. And I will-- I mean, I will look after her," ngiti tugon ni Charles kay daddy habang nakatitig sa akin. . Kamuntik na tuloy akong mabilaukan sa sinabi niya sa daddy ko, kaya napainom agad ako ng tubig. Kinilabutan at kinabahan akong bigla. . Ano raw? Eww! Charles ang korney ha. Isip ko. "Dad, please stop doing that. He's not my suitor and he's not courting me, dad. He's here today to tutor math. Iyon lang iyon! Hindi na siya babalik pa at hindi na siya mag tutor sa akin ulit!" nguso ko sa daddy ko at bahagya lang din ang tawa niya. "At least I know someone, anak. Mas mabuting kay kilala akong iba malibang kay Karl," kindat ni daddy sa akin at napailing na ako. . Kilala ko si daddy at ang akala niya siguro ay nanliligaw si Charles sa akin. E, hindi ano! At kahit pa manligaw siya ay hindi ko siya gusto. . Natapos ang hapunan. Gusto pa 'ata ni mommy ipakain siya ng dessert. Pero ako na ang nag insist na huwag na kasi gabi na. Kaya nagpaalam na din siya sa mga magulang ko. Inihatid ko siya sa labas at nagpasalamat na ako sa kanya. Kahit papaano ay may natutunan naman ako ngayong araw na ito. . "Salamat nga pala!" ngiti ko na parang bata. "That's okay. If you need help, I am here and willing to help," he smiled and bit his lower lip. Hmp! As if gusto ko pa mag pa tutor sa kanya. E, hindi na ano! Si Karl sana dapat kaso-- hay naku! . Napalingon ako sa gilid at dala niya ang sasakyan niya. Nakapark  ito nang iilang metro lang ang layo mula rito sa bahay namin. He's driving a Ford Ranger. Umismid ako at binalik ko ang tingin sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatitig sa akin ng husto. . "Babalik ka ba sa bahay ni Karl?" "Hindi na. I'm going straight home. " "Sige, ingat ka. " "Okay... I'll see you Monday," tugon niya. . Ang akala ko ay aalis na siya pero nakatayo pa rin siya sa harapan ko. Naguluhan na tuloy ako at kumunot na ang noo ko. Seryoso ang mukha niya at walang ngiti sa labi nito. . "Aren't you going?" taas kilay ko. "Get inside and then I will get going once your inside," he curtly said. "Ah? Okay... Alam mo ang weird mo ngayon. Ganyan ka ba talaga?" ngumiwi ako sa kanya. . Weird nga naman niya ngayon at kakaiba siya. Kumunot ulit ang noo kong nakatitig sa kanya. Ngayon seryoso na talaga ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Napatiim-bagang siya at napakurap na ako. Napayuko na siya at huminga lang din ng malalim. Nakatitig na siya ng husto sa mga paa ko. Napatitig na tuloy ako rito. . Ngayon ko lang napansin na wala pala akong stinelas man lang at nakapaa lang din akong nakaapak sa semento. Nang ibalik ko ang mga mata ko sa kanya ay nakatitig na ulit siya sa akin nang husto. Pero kinilabutan ako dahil kakaiba ang titig niya. . "Sige. P-Pasok na ano. Mag-inagt ka!"  . Mabilis akong tumalikod at sinara na ang gate namin. Napahinto pa ako at pilit na inaayos ang sarili ko. Ano 'yon Charles? Huwag niya talaga akong mapagtripan ano! Ew, kaloka na ito! Kakaiba kasi na naramdaman ko at kailanman ay hindi naramdaman ang ganito kay Karl. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD