Confidence is silent. Insecurities are loud
--ilovetoqoute--
.
.
Insecurity
.
.
Back to school Monday na, abala ang lahat sa assignments ng lahat ng mga subjects. Mabuti na lang ngayon at nakakaintindi na ako ng konti sa Math. Salamat sa nagtutor sa akin. Napa-isip pa ako kung anong nangyari kina Karl at Miranda? Dahil magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong natanggap man lang na explinasyon mula kay Karl.
.
Ano ka ba Isay? It's wrong to have hope from Karl E, hindi naman kami mag-jowa!
.
Nasa loob ako ng classroom at lunch break na. Sa mga oras na ito ay dapata nasa lobby na ako at tinititigan ang ultimate crush ng buhay ko. Pero wala akong gana para tingnan sa baba si Karl, dahil nadudurog lang ang puso ko sa tuwing naalala ko ang nangyari noong nakaraang Sabado.
.
Well, life is like this naman ano! You like the person but that person does not like you back naman! Teka lang, gusto nga ba si Karl? O baka crush lang din? Hay naku, ewan! Bahala na nga sila.
.
Binalok ko ang tingin sa kabilang row. Nagkakagulo kasi ang mga kaklase kong babae. Dinumog nila si Miranda. May narinig ako na nagsabing ang ganda raw ng performace practice nila Karl. Napangiwi ako habang nakikinig sa kanila. Parang pinagkakaguluhan ang cellphone ni Miranda at lahat sila ay nakatitig nito. Video 'ata ang pinapanood nila ngayon. Video nila ni Karl sa practice noong nakaraang Sabado.
.
I didn't feel jealous because of Miranda's beauty. Pero nanliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko tuloy wala akong laban sa kanya, at kung boung detalye ang pag-uusapan, halatang mas pipiliin siya ni Karl kaysa sa akin.
.
Ano ba naman ang laban ko? Inayos ko na lang ang salamin sa mukha at binalik ang tingin sa notebook ko.
.
Matagal ko nang crush si Karl at marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Hindi ko pinipilit ang sarali ko sa kanya o kahit makihalubilo man lang, dahil nga nahihiya ako. Kaya hanggang sa malayo na lang ako palagi nakatitig sa kanya. Pero noong nalaman ni Mia na crush ko si Karl ay tahimik pa ang bruha, pero kalaunan ay siya na mismo ang timutukso sa akin. Minsan nga ginagawa naming katatawanan ang isat-isa.
.
And speaking of Mia. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Ayan na, palapit na siya sa akin at ang lawak pa nang ngiti sa labi niya.
.
"Isay! You won't believe who's with me today sa Canteen!" sa taas na enerhiyang tugon niya.
Inabot niya agad sa akin ang pagkain na binili niya.
"Karl was there! Sana sumama ka sa akin kanina," nguso niya.
"And so? What's the benefit of it? Besides, ayaw ko siyang makita."
Umirap na ako na parang gaga! Hay nku, Isabella! Isip ko.
"Oy, selos ka girl noh?" Humalakhak agad siya.
.
Nalaman kasi ni Mia na hindi siya sumipot sa bahay noong Sabado. Tumawag siya Linggo, at ang kapatid ko ang nakasagot.
.
"Sunduin ka raw niya mamaya Isay. OMG!" Tumili na siya na parang sira! Excited lang 'te.
.
Namilog agad ang mga mata ko. What? Ano raw? Ano ulit? Kinabahan pa ako at pumintig nang malakas ang walang hiya kongpuso ko. Dios ko po, saklolo! Isip ko.
.
"Sure ka, Mia?" nalilito kong tugon.
"Oo! Sabi niya sa akin hinanap ka niya kanina. E, 'di ka niya nakita at wala ka rin daw sa lobby. Wala ba siyang numero sa'yo?"
"Wala eh, 'di naman siya nanghingi!" Namaywang na ako.
.
SCHOCKS! Hindi na ako makapag-concentrate sa mga ibang subjects namin, dahil hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang sarili ko mamaya. OMG na talaga!
.
At dahil susunduin ako ni Karl. Tinawagan ko si Manong Ted, family driver namin. Sinabi ko na huwag na niya akong sunduin at may maghahatid sa akin pauwi.
.
Natapos na ang panghuli naming subject at sabay kong inayos ang lahat ng mga gamit ko at nilagay sa bag. Nagpaalam na din si Mia. May lakad pa raw sila ng mommy niya, kaya nagmamadali siya. Natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko at naghihintay na lang ako sa lobby.
.
Sa 'di kalayuan ay kitang-kita ko si Karl at kasama niya si Miranda. Papalapit sila sa akin ngayon. Ang lawak pa nang ngiti niya habang kausap si Miranda sabay titig sa akin.
.
"Did you wait long?" ngiting tanong niya. Napatayo agad ako at ngumiti na rin sa kanya.
"Ah, hindi kakalabas ko lang," pagsisisnungaling ko. Ang totoo kanina pa ako naghintay ano! Tanga lang ang peg 'te. Isip ko.
"Okay lets go."
.
Nauna na siyang humakbang at katabi niya si Miranda. At talagang kasama si Miranda ha? Akala ko ba ako lang? Asa ka pa Isay!
.
Nasa likod nila ako at hiyanghiya ako sa sarili ko. Habang silang dalawa ay masayang nag kwentuhan sa isa't-isa. Sana nga hindi na lang ako sumama. Echapwera ang beauty ko! Nakakatawa ito. Isip ko. Ano ba 'to? Ako yata ang chaperon ng dalawang 'to! Kakainis!
.
Bahagyang huminto si Karl sa paglakad at nilingon na ako sa likod.
.
"Come here." Humawak agad siya sa kamay ko at hinila na ako palapit sa kanya. Pumagitna na tuloy ako sa kanilang dalawa.
"Sorry nga pala noong nakaraang sabado. Last practice namin ni Miranda ngayon. Kaya sorry ulit," pabulong niyang sabi sa tainga ko.
"Ah-- okay lang."
.
Nawala ang ngiti sa labi ko at natahimik na si Miranda sa tabi ko. Nakarating kami ng car park at pinatunog niya lang sasakyan niya, at binuksan ang harapan na pinto. Ang passenger seat ay para kay Miranda. Binuksan ko rin ang passenger side sa likod at pumasok sa loob. Hindi ko na hinintay na pagbukasan pa ako ni Karl dahil abala pa siya kay Miranda ngayon.
.
Napanguso ako sa sarili at naging tahimik boung biyahe. Samantala, silang dalawa ay masayang nag kwentuhan. Nakikinig ako sa ibang detalye ng kwento nila. Pero naiinis ako, kaya kinuha ko na ang earphones at inilagay sa tainga ko.
.
Mas maganda 'ata makining ng musika kaysa sa makinig sa chikahan nilang dalawa! I feel like I don't belong here and I am being left out. Hindi 'ata ako nag-eexist sa dalawang 'to!
.
Napatitig ako sa rear-view mirror sa harap. Paminsan minsan naiidlip nang tanaw si Karl sa akin at ako naman sa kanya. Paghanga ang palagi kong nararamdaman sa kanya. Kung pwede nga lang kumalahati sa lebel niya. Hindi siguro ako ma-insecure ng ganito. Matalino kasi siya.
.
Miranda is very pretty too. Marami siyang kaartehan sa mukha at sarili. Dahil na din siguro sa kinagisnan niya kaya iba siya. Beauty and brains ika nga na meron siya, plus pera pa. Okay, wala akong laban. I always picture myself a timid shy girl, which is true.
.
Nakarating na kami sa bahay. Huminto ang sasakyan sa harapan ng gate namin. Agad kong kinuha ang bag ko sa tabi at lumbas na.
.
"Thank you," saad kong nakangiti kay Karl.
Nakababa na ang bintana ng kanyang sasakyan.
"Ingat ka," saad niya.
.
Kumayaw at ngumiti na rin si Miranda sa akin at gayon din ako. Pumasok ako sa loob ng gate at isinara ito. I feel weird. Sana hindi na lang niya ako hinatid. Anong klaseng hatid iyon? Isip ko.
.
.
THE next day grabe ang tawa ni Mia habang kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Sana hindi na lang daw ako nagpahatid at estorbo lang daw ako sa kanila. At kung iisipin ko nga naman ay tama naman siya.
.
"Ano ba tong pinasok ko, Mia. Ako 'ata cupido nilang dalawa?"
"Ay hindi ka cupido, Isay! Scorer ka." Sa lakas na halakhak niya.
.
Nagtawanan na kaming dalawa. Nawala ang insecurities ko dahil sa kabaliwan ni Mia. Tama nga naman siya, huwag dibdibin ang lahat at ang puso ay ingatan.
.
NASA lobby na naman kaming dalawa. Masaya naming pinagmamasdan ang iba at pinag-uusapan. Mga chismosa nga naman kami ano! Malapit na ang school foundation, na kung saan maraming activities at performances na magaganap. Kaya abala ang lahat sa baba at pati na rin ang mga kaklase namin dalawa. Kami lang 'ata ni Mia ang walang ambag.
.
"Oy, rinig ko may performance si Charles sa foundation day natin?"
Tumaas lang din ang kilay ko habang tinitigan siya.
"Talaga? Ano raw gagawin niya ?"
"Don't you know that he's a musical person?"
.
Nagkibit balikat ako. How would I know? I was probably the last person of not getting an interest about him. Pero alam kong tumutugtog siya ng guitara noon pa.
.
"Baka sasayaw ng pandango sa ilaw," tawa at pang-iinis kong sabi kay Mia.
.
Natatawa kong ini-magine ang pag-sasayaw niya. Hmp, hindi bagay sa kanya. Isip ko na nakangiting maluwag. Humalakhak ako nang wala sa sarili. Ako lang 'ata ang natawa ng tudo at napangiwi na si Mia sa harap ko. Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang may biglang nagsalita mula sa likod ko.
.
"If that's what makes you happy why not?" sa baritonong tugon niya.
.
Isang seryosong mukha ang bumugad sa akin. Natahimik ako at pati na rin si Mia. KInabahan akong bigla at namutla ang mukha ko habang tinititigana ng seryoso niyang mga mata.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell