Chapter 7. Luck

1646 Words
Luck . .   "Hi, Charles!" saad ni Mia at peke siyang ngumiti sa kanya. "That was just a joke okay. Don't take it seriously," agad na sabi ko. Kinagat ko na ang dila sa loob ng bibig ko. "Ano nga pala ang gagawin mo sa foundation day natin, Charles? Usap-usapan kasi sa campus," pag iba ni Mia ng topic. "It's a surprise. I didn't prepare anything. It's only a solo," sabi niya kay Mia, pero nakaharap sa akin at nakatitig ang mga mata niya. "Akala ko sasayaw ka kasama sina Karl at Miranda?" tanong ko. "Nope, Sa kanilang dalawa iyon. I'm on solo."  Tumabi na siya sa akin at timingin din sa baba ng lobby. "I thought you joined music&play and you're not dancing?" pang-iinis ko sa kanya. Sinadyan ko ito. Ang sarap niya kasing asarin ngayon sa tabi ko. "Hindi lahat sumasali sa organisation para lang sumayaw, Isabella," malumay niyang tugon. Hindi siya tumitig sa akin at nakatingin lang din sa baba ang mga mata. "And by the way? Wala ka pa bang napili na field? Cut off week na next week. Haven't you made up your mind yet?" brutal niyang tanong. "Hala, Isay! Akala ko nag palista ka na sa drawing&designs? Cut off nila kahapon?" tugon ni Mia. . Nanlaki ang mga mata ko sa bigla. Nakalimutan ko ba? Bakit? Naging busy ako sa mga walang kwentang katanggahan sa buhay ko. Patay! Patay ako kay daddy nito. Sinabi ko pa naman na sa drawing&designs ang kunin ko for preparatory next year. Tinangal ko na ang salamin sa mukha at nilagay sa bulsa. I squeezed both of my eyes. OMG! Maluluha na yata ko at bahagya  akong tiningnan si Mia. . "I forgot, Mia! Shocks," utal ko. "Who's the Department Chairman?" tanong ko. Ngumuso si Mia at tinuro nang labi niya ang tao na katabi ko ngayon, si Charles. . Oo nga pala! Tito niya ang Department Head ng drawing&designs. Ang swerte ko nga naman. Isip ko. . Tumingin ako sa kanya na bahagyang nakangiti. Alam na niya siguro kasi nakangiti nang bahagya ang labi niya. Pero nakatingin pa din ang mga mata sa baba ng lobby. Mukhang may seryoso siyang pinagmamasdan sa baba talaga. . Napatitig na din ako. Nakikisabay ang mga mata ko kung saan ang mga mata niya. Nakatitig siya kina Miranda at Karl sa baba. Pero awala mo na akong pakialam sa kanya. Kailangan kong makakuha ng pwesto at si Charles lang din ang pag-asa ko. Kaya susubuhan ko. . Ngumiti na akong tinitigan siya na parang sira! At napansin agad niya ito. . "What now, Isabella?" tugon niya sa malumay na boses. . Humarap na siya nang maayos sa akin ngayon at namulsa na. Napalunok ako, dahil tumangala nga naman ako. Matangad kasi siya. . "Can I ask a favor,  please, pretty please," pa-cute ko kahit na hindi naman ako cute! . He smiled at me and it lightens my hearts trouble. Ngumiti siya sabay titig sa akin. First time ko yatang tumitig nang ganito sa kanya. Ang sarap pala nang pakiramdam ng titigan ka ng isang campus heartthrob. Kaya ang daming babaeng baliw sa kanya sa paaralang ito. . Isay, gumising ka! Erase! erase! Isip ko. . "Posbile ba na makakuha ako ng slot sa department ng tito mo? Sorry na, pero kasi nakalimutan ko kahapon pala ang huling araw," tipid na tugo ko. . Ngumiti siya habang seryosong nakatitig sa akin. Not a single word came out on his mouth but just a stare. A stare that gives me a different feeling and a lot of troubles. Ang weird talaga ng mga titig niya at hindi ko 'to gusto. Pakiramdam ko kasi nakatitig siya ng tagos sa kaluluwa  at puso ko. Ang weird 'te, Ayaw ko! . "Huwag na nga! Kung ayaw mo. Maghahanap na lang ako ng ibang open pa." Sabay irap ko at harap kay Mia. "Ano? Cooking?" ngiwi ni Mia sa akin. "Ewan ko sa'yo, Isay! Anyway, I have to go. Kukunin ko pa iyong pinagawa ko kasama si mommy." Kinuha na agad ni Mia ang lahat ng gamit niya sa gilid. "Charles, pakitulungan mo naman itong best friend ko please. Okay, bahala ka na sa kanya. Bye!" Tumakbo na agad siya palayo sa amin ni Charles. . Wala na talaga akong pag-asa ngayon, at totoong kailangan ko na ang tulong niya. I looked at him again. Nakatingin pa din siya sa baba ng lobby. Sino kaya ang tinitingnan niya? I looked down too. Hay, naku! Sina Karl at Miranda na anaman ito... Siguro crush niya rin si Miranda ano? Kagaya ni Karl na gusto rin si Miranda. Hala, sige magsama na kayo lahat! Miranda fans club! Isip ko. . Bumuntong hininga ako sa kawalan bago ako nagsalita sa kanya. . "Kung nakakapagsalita lang sana ang utak tiyak alam na iyan ng taong gusto mo ano?" sabi ko sabay titig sa kanya. . Nabigla siguro siya sa sinabi ko, dahil kumunot na agad ang noo niyang tinitigan ako. Sumeryoso ang titig niya at hindi na inalis ito sa mga mata ko. Napakurap na ako at napayuko na. Tinitigan ko na lang din sina Karl at Miranda sa  baba. . "Paano mo naman ipapaliwanag ang laman ng puso mo kung iba ang sinasabi nito? Walang silbi ang utak, Isabella. Dahil iba ang gusto ng puso mo 'di ba?" seryosong titig niya. . Napapikit-mata ako habang nakatitig sa kanya. Ang butiki nga naman oh! Ang talino nga naman nang taong 'to! Ba't hindi ko naisip iyon. Napaawang lang lalo ang labi ko habang tinititigan siya. Hindi ko na tuloy maalis-alis ang titig ko sa kanya. Hanggang sa nakadama na ako ng kaba. Kakaibang kaba ito at galing sa kaibuturan na nang puso ko. . "Tell me, Isabella? Does it make sense?"  sa pagtuloy niya at seryosong titig na din. Does it makes sense nga ba? Of course it does! Isip ko habang nakatitig sa kanya. "It does make sense, Charles! I-If you're a man of action!" palusot ko. Nakalusot nga ba ako? Isip ko. "Y-You have to do it, Charles," sabay lunok ko. Napakurap pa ako. Mukhang mapapasubo ata ako nito. "Kung gusto mo siya. Ipaglaban mo. Ang dami pa namang lalaki na nakaaligid sa kanya. Kita mo?" sabay titig ko sa baba. . I was talking about Miranda the whole time. Nakikita ko kasing gustong gusto niya si Miranda at siguro nahihirapan siyang sabihin ang totoong nararamdaman niya. I'm just trying to make him feel better. Natahimik kaming dalawa ng iilang segundo at napatingin agad ako sa kanya. Umiwas agad siya nang titig sa akin at ibinalik lang din ang mga mata sa baba na kung nasaan si Miranda. . "Type mo siya ano? O baka naman love mo?" ngiti ko. . Napailing na siya at tumikhim na din. Napalunok siya at napako ang mga mata ko sa galaw ng adams apple niya. Ang lalaki nga naman niya talaga. He then bit his lower lip and that made his dimples shines on his face. Ang cute ng dimple niya at ang ganda pa ng mga mata niya. Matangos na ilong at ang tamis ng labi niya. Napakurap na ako. What the--Isabella! "Stop staring at me, Isabella. Baka pagsisisihan mo kung magsisimula ako," tugon niya ng seryoso. Napaawang lang din ang labi ko at kinabahan na ako. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya ng husto. Dios ko! "Don't worry I will help you." Umiwas na siya ng titig sa akin at ngumiti na. Napangiti na rin ako. "Talaga! Salamat ng sobra, Charles!" Napahawak agad ako sa braso niya. Ang saya ko lang kasi dahil makakakuha ako ng pwesto sa drawing and design. "Pero sa isang condisyon?" Nawala agad ang ngiti sa labi ko at tulala akong napatitig sa kanya ng husto. Bumitaw na agad ako. Aray may condisyon pala! Ngumiwi ako na nakatingin sa kanya. "So anong condisyon mo? Basta huwag lang ang katawan ko ha," pabiro kong sabi kasama at ngumiti na rin ako sa sarili. Alam naman niya na nagbibiro lang naman ako. "Saka ko na sasabihin. Pag-iisipan ko muna wala pa kasi akong maisip," ngiti niya. Kumunot na agad ang noo ko. "Ganoon ba? Wala pa pal... Okay, sige, deal!" . Nilahad ko na ang kamay ko para mag-handshake. Tinitigan niya ito at agad na tinangap. Kinabahan ako dahil gumapang ang init sa loob ng puso ko. Iba nga naman ang palad ng isang Charles. Para siyang magsasaka ang gaspang! Nakakaloka! Bumuntong hininga na ako at inayos ko na ang sarili ko. Binalik niya lang ang titig niya sa baba, na kung nasaan sina Karl at Miranda. Napatitig na din ako sa kanila. . Hay naku, nakakainis. Magsaman nga sila! Pakialam ko! . Nilagay ko ang kanang kamay sa bulsa ng uniporme ko. Naalala ko meron akong lucky charm na hugis clover na key chain. Nabili ko ito sa Baguio noong nagbakasyon kaming pamilya noong nakaraang summer. Dalawa ang binili ko. Ang isa palagi kung dala-dala, samantala ang isa ay nasa bahay. Tiningnan ko 'to at inabot sa kanya. . "Here take this," sabay lahad ko. "Lucky charm 'yan. I bought that in Baguio last summer. Dalawa ang binili ko. May isa pa akong extra," ngiti ko. Kinuha niya 'to. Hinawakan at tinitigan. Pero dahil baliw ako hinawakan ko ito at pati na rin sabay sabi... "What brings me luck with this, I'll pass it on you." . Ngiti ko habang nakatitig ako sa kanya ng husto. Nakatitig din naman siya na seryosong seryoso. I never thought may soft side ang taong tulad niya. He bit his lower lip while staring at the closer key chain on his hand. . "I'll treasure this, Isabella. Salamat," tipid na tugon niya. "Okay I have to go, Charles. Basta ha huwag mo kalimutan okay!" kindat ko sa kanya. Pakiramdam ko close na kaming dalawa. Ang baliw ko talaga! "Sure..." sabay tango niya. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD