Nauna nang lumabas si Ellaine ng comfort room. Habang ako rito ay nakatingin pa rin sa salamin. Nakasuot ako ng maskara gaya nang ginamit ni Ellaine. Ibang-iba na ang mukha ko. Ito pala ang plano nila. I didn't expect that they would come up with such idea. So witty. May kilala raw si Ellaine na taga-immigration. Dahil kung wala ay magiging malaking problema ito. Pekeng passport ang dala ni Ellaine which is under my name. Samantalang dalawa naman ang dala kong passport. Kaagad ko nang tinago sa loob ng bag ko ang original passport ko. Hawak-hawak ko naman ang isa pang passport at ang ticket ko pa-Italy. Nagpalit din ako ng damit at pinasuot ko kay Ellaine ang damit na suot ko kanina. Mabuti na lang at magkasingkatawanan lang kami. "I even copied your hair color and length," she said sm