Chapter 7b- The Accomplice

1139 Words
Nakaharap ako sa salamin habang inaayusan ako ng personal hairstylist ng pamilya Villamor. Two hours na lang ay pupunta na akong airport. Alas syete naman ng gabi ang flight namin ni Anthony pa-California, iyon ang alam ni Papa. Hindi niya lang alam ay pa-Italy pala ako. Naligo ako kanina nang hindi nakikita sina Ynna at Aleeson. Hindi ko alam kung anong nangyari sa labas ng kwarto ko kahapon. Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto ko kahapon. Ayaw kong makita si Papa at baka ano na naman ang masabi niya sa akin. At isa pa kapag nakita niya ako magbago ang isip niyang payagan akong umalis. Nagpahatid lang ako ng pagkain sa kwarto ko dahil sa labas naman kumain ng lunch sina Mama at Papa. May kanya-kanya ring lakad sina Alvin at Achilles kahapon. May pumasok na katulong. May dalang siyang tray na may dalawang baso ng juice. Para siguro sa dalawang nag-aayos sa akin. May isang katulong ulit na pumasok. May dala rin siyang tray na may juice at sa tingin ko ay iyon ang akin. Bago pa man sila makaalis ay tinawag ko ang isa sa kanila. Siniguro ko munang walang tao sa labas. Pinapagalitan ni Papa ang mga katulong na nakikipag-usap sa akin. Ang iba ay nasisibak pa. Kahit ang mga nag-aayos sa akin ay ni minsan, hindi sila naglakas ng loob na kausapin ako. Ganyan kamiserable ang buhay ko. Kaya gustong-gusto kong nasa opisina ako. Kahit papaano ay malaya kong nakakausap ang mga employee ko roon. "Nasaan si Ynna at Ali?" pabulong kong tanong. Nagkatinginan muna ang dalawang katulong. Sinagot ako ng isa sa kanila ng pabulong din. "Kapwa sila umuwi ng probinsya. Magbabakasyon po sila habang wala po kayo, Miss Katarina." Napatango-tango na lang ako. I bet they were not on a vacation. They would definitely stay there for good. Iyon ang pakiramdam ko sa paraan ng pagpapaalam ni Aleeson sa akin kahapon. Iyon lang siguro ang nirason nila kay Papa. Alam kong magpapakalayo-layo talaga silang dalawa. Dahil sa oras na malaman ni Papa na tumakas talaga ako, maliban kay Mama, silang dalawa rin ang mananagot kay Papa. Silang dalawa lang naman ang nakakausap ko nang matagal. Kaya panigurado akong tatanungin sila ni Papa. Sana lang ay nasa maayos sila na kalagayan at hindi sila saktan ni Papa. Mami-miss ko panigurado ang dalawang iyon. Alam ni Aleeson ang email address ko kaya for sure magme-message siya sa akin. Pero sa tingin ko rin ay hindi niya iyon gagawin. Mate-trace iyon ni Papa. Napahinga ako nang malalim. Kinakabahan ako sa gagawing planong pagtakas mamaya. Pero naalala ko na naman ang sinabi ni Papa. Kapag tumakas ako ay papatayin niya si Mama. Magagawa niya ba talaga ang bagay na iyon kay Mama? Maybe not. Hindi iyon hahayaan ng mga kapatid ko. Isang hingang malalim ulit kasabay ng desisyon kong walang kasiguraduhan. Gagawin ko ang plano. Pagkatapos akong maayusan ay kaagad na akong lumabas ng kwarto. Laking gulat ko pa na mga click ng camera ang sumalubong sa akin. Kaya pala ako pinaayusan dahil may media akong haharapin. "You look stunning, hija." Literal na nanindig ang mga balahibo ko sa kamay at batok. Boses pa lang ni Papa ay nakakatakot na. Nilingon ko siya at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nasa tabi niya si Mama at sina Alvin at Achilles. Nakangiti naman sila pero alam kong iba ang ipinapahiwatig niyon. They were happy to see me go. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang ngumiti lang. Si Papa na ang sumagot sa mga tanong nila. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming naglakad papalabas ng mansyon. Ang bahay na para sa akin ay kulungan. Tahanang nagmistulang impyerno sa halip na maging safe haven ko ito. "Subukan mo lang gumawa ng ikagagalit ko," bulong ni Papa. "Alam mo na kung anong mangyayari." Ngumiti ako. Nakaharap pa ang mga camera sa amin. "Don't worry, Papa. Pinalaki mo akong may takot sa iyo." That was a sarcasm. I wished he understood what I meant. Kunwari ay tumawa siya. Pero alam kong kanina niya pa ako gusto saktan. "Two months lang kayo roon at pagbalik ninyo ay handa na ang kasal." As expected. Baka pati honeymoon ay nakahanda na rin. Tsk! As if mangyayari lahat ang plano ni Papa. Naghihintay na ang kotse nang makalabas kami. Bago pa man ako sumakay ay niyakap ko muna si Mama. Pinipigilan ko lang ang maiyak dahil baka makahalata si Papa. Alam kong ganoon din si Mama. After all ay sanay naman kaming magpigil ng iyak. Thanks to my father. Hindi na kami nag-usap ni Mama. Sapat na ang yakap na iyon at tanging mga puso na lamang namin ang nag-uusap. Niyakap ko rin sina Alvin at Achilles. They just smiled at me. At syempre naman, hindi mawawala ang mapanlinlang na yakap ni Papa sa akin. Aakalain mo talagang isa siyang huwaran na ama. They just didn't know how evil he was. "Mag-iingat ka roon, anak," he said while I could hear the flashing of the cameras. For them it was a thoughtful message from the father to his daughter. But for me, it was a warning. Hanggang sa makarating ako sa airport. Wala pa ring kasingbilis ang t***k ng puso ko. Abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Alam kong nasa paligid lang ang mga tao ni Papa. Baka nga ang iba ay nasa loob ng airport na. My father was not a governor just for nothing. He was powerful. He could manipulate anyone. He was beyond wicked. May mga media na nag-aabang sa labas ng airport. Marahil ay nasa loob na si Anthony. Hindi ko alam kung anong magiging set up namin sa loob ng airport. Paano ko ba makukuha ang ticket sa kanya? Nalampasan ko na ang mga media. Matiwasay naman akong nakapasok sa loob ng airport. Sinalubong nga ako ni Anthony. "Ngumiti muna tayo sa media," he said while smiling and waving goodbye to the media. Sinunod ko na lang siya kahit naiilang ako sa akbay niya. "Go to the first comfort room for women on the left side," sabi ni Anthony na ikinataas ng kilay ko. "May naghihintay sa iyo roon at siya ang magbibigay ng ticket mo to Italy." Napakurap-kurap pa ako habang pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Mas lalo lamang akong kinabahan. He put his hands on the both sides of my shoulder. "You should act normal. Nasa paligid lang ang mga tauhan ng papa mo. I promised your mother and brothers that I help you to escape. So please, trust me on this." Tumango-tango ako saka ngumiti sa kanya. "Thank you." Kaagad na akong tumungo sa sinabi ni Anthony. Pinakaunang comfort room sa kaliwang bahagi. Ganoon na lang ang gulat ko nang makapasok sa loob. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko. Nang mapansin niyang nakatulala na ako sa kanya, kaagad niyang tinanggal ang mask na suot niya. "Surprise..." Si Ellaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD