Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nasa Italy na rin ako sa wakas! Malayo mula kay Papa. Malayo mula sa lahat. Malaya ko nang magagawa ang lahat ng gusto ko. Pero ayaw ko munang magsaya. Baka bukas o sa makalawa ay kaladkarin ako ni Papa pauwi ng Pilipinas. Ilang minuto na ang nakalipas simula nang mag-landing ang eroplano sa Rome-Fiumicino International Airport or commonly known as Leonardo da Vinci-Fiumicino Airport. Nagmistula tuloy akong bata na kanina pa nakanganga habang nakatingin sa mga ilaw sa labas ng eroplano. This was not my first time on a plane. Pero ito ang unang pagkakataon na hindi ko kasama si Papa. Kaya ay nagagawa kong ngumiti at kumilos na walang iniisip. Unang beses ito na malaya akong gawin ang kahit anong gustuhin ko. Iyon bang nakakagalaw ako s