Chapter 6 - Ang Plano

1099 Words
Sunday. Kung sa ibang pagkakataon lang ay buong araw lang siguro akong nakahilata sa kama ko. Babawi ng pahinga dahil Lunes kinabukasan. Tambak na naman ang trabaho sa office ko at maraming projects ang kailangan kong pag-aralan. Pero... Hindi ako pinatulog ng mga nangyari kaya ito ako at hindi mapakali. I should get some sleep but my mind was too busy thinking of what would happen tomorrow. Bukas magaganap ang planong sinasabi ni Mama at ni Anthony. Hindi ko pa alam kung kailangan ko bang mag-impake na o hintayin ang sasabihin ni Papa. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at may dalawang bruha ang pumasok. Nakatingala pa rin ako sa kisame at kahit hindi ko naman sila nakita ay kilala ko na sila. Paanong hindi? Aga-aga nagbabangayan na naman. Iyong mga boses nila susunod yata sa yapak ni Papa. "Utak kalabaw ka talaga!" pang-aasar ni Ynna kay Aleeson. "Sikat din naman ang mga Mariazon." "Hay naku, umandar na naman iyang pagiging tikbalang mo!" ganting asar ni Aleeson kay Ynna. "Para sa akin ay may iba pang dahilan si Governor bakit niya pinagkasundo ang dalawa." Bumangon ako at kaagad naman silang natigil sa pag-uusap. Nakangiti silang nakaharap sa akin. "Good morning, Kat!" bati ni Ynna sa akin. "Magandang umaga!" bati naman ni Aleeson. Kapag kami lang tatlo ay parang mga basagulera sa kanto. Pero kapag sa harap ng iba ay aakalain mong matitinong mga trabahante. "May binanggit ba si Papa tungkol bukas?" tanong ko sa kanila. Usually, tuwing Sunday ay nagsisimba sila ni Mama. Oo, pakitang tao lang iyon. Ni minsan ay hindi ko nakitang sweet si Papa kay Mama or si Mama kay Papa. Nagse-celebrate sila lang anniversary publicly. Kinukuha ni Papa ang loob ng lahat. Pero kapag dito sa bahay ay lumalabas ang tunay na kulay ni Papa. Hindi ko rin alam kung bakit walang lumalabas na tsismis tungkol sa kanya. Siguro dahil takot sa kanya ang mga trabahante namin dito sa bahay. He was cruel. Sisiguraduhin niyang nasa panig niya ang lahat kahit pa i-blackmail niya ang mga ito. "Nakahanda na ang maleta at mga gamit na dadalhin mo bukas," sagot ni Ynna sa akin sa malakas na tinig. Napaawang na lamang ang bibig ko sa narinig. That old man! "Personal things na lang ang aayusin ko ngayon at ipapakita ko muna kay Governor," dagdag pa ni Ynna at mas lalo pang nilakasan ang boses. This time ay napataas na ang kilay ko kay Ynna. Nakangiti lang siya sa akin na aakalain mong isang maamong tupa. Nalipat ang tingin ko kay Aleeson na kanina pa titig na titig sa akin. "May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Kaagad siyang lumapit sa akin at nakasunod naman si Ynna sa kanya. "Pinapabigay ni Madam Lilian," sagot ni Aleeson sa akin at may nilagay na papel sa kamay ko. "Oh siya, mag-aayos na ako," sigaw ni Ynna habang tinataas-baba ang kilay niya. "May tao ba sa labas?" mahina kong tanong. Tumango lamang si Aleeson. Kaagad namang pumasok si Ynna sa walk-in-closet ko. "Tao ni Papa ba?" bulong kong tanong kay Aleeson. Mas lumapit pa si Aleeson sa akin at bumulong ng sagot, "Oo, mukhang huling araw ko na rin dito. I mean, namin ni Ynna." Kumunot ang noo ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya nang makahulugan. "Syempre, aalis ka hindi ba? A-At... hindi natin alam kung kailan ka babalik. Pero sana, huwag ka nang bumalik. Live your life the way you wanted it to be." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Mukhang may iba pa yata siyang gustong ibig sabihin sa sinabi niya. Hindi ko lang makuha kung ano iyon. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at kaagad ko namang naitago sa ilalim ng unan ang papel na galing diumano kay Mama. Walang sinabi ang lalaking nagbukas ng pinto. Nakatingin lang ito kay Aleeson at alam ko na kung anong ibig sabihin niyon. Oras na para lumabas si Aleeson. Limitado lang ang oras ng mga taong pumapasok sa kwarto ko. "Bye, Katarina," bulong ni Aleeson sa akin. "I love you." Bukod kay Mama at sa mga kapatdi ko, silang dalawa ni Ynna lang ang masasabi kong malapit sa puso ko. Kaya hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Nang makalaba na si Aleeson ay siya namang paglabas ni Ynna mula sa walk-in-closet ko. Bitbit niya ang isang basket na naglalaman ng mga personal belonging ko. Hindi niya na nagawang lumapit pa sa akin dahil nakatingin na sa kanya ang lalaki. "Mahal ka namin. Be free..." Iyon ang sinabi ni Ynna na walang boses na lumabas sa bibig niya. Nang maisara na ng lalake ang pinto ng kwarto ko ay siya namang pag-agos ng mga luha kong kanina lang napipigilan ko pa. Bakit ganoon ang dating ng pamamaalam nila sa akin? Para bang mawawala na sila at hindi na kami magkikita ulit. Sila ang yumayakap sa akin sa mga oras na hindi ako nayayakap ni Mama. Oo... Isa akong bilanggo at para bang hindi ako pwedeng magkaroon ng mga tao sa tabi ko. Bakit ba ganito si Papa? Iyan ang lagi kong tanong na kahit si Mama ay hindi masagot-sagot. Kaagad kong kinuha sa ilalim ng unan ko ang papel na inabot ni Aleeson kanina. Pagbukas ko ng papel ay alam kong galing nga ito kay Mama. "Anak, sundin mo lahat nang sasabihin ko. Kaya ang papa mo ang nagpahanda ng mga gamit mo dahil may mga tracking device at surveillance camera siyang pinalagay roon. Nagawan ng paraan nina Achilles ang mga surveillance camera, pero ang mga tracking device ay imposobleng matanggal o ma-hack. Pagdating mo sa airport ay ibigay mo kay Anthony ang mga luggage mo at ibibigay niya sayo ang ticket mo papuntang Italy. Dalhin mo ang mga mahahalagang gamit mo at doon ka na lang sa Italy bumili ng mga gamit. Tumuloy ka muna roon sa matalik kong kaibigan, siya rin ang susundo sa iyo at doon ka na magplano para sa buhay mo, anak. Huwag mo na kaming isipin dito. Oras na para maging masaya ka naman, anak. Huwag mong alalahanin ang papa mo dahil hindi ka niya masusundan sa Italy." Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang binabasa ang sulat ni Mama. Nakalagay rin doon ang picture ng kaibigan ni Mama. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Sa oras na malaman ni Papa na wala ako sa California at hindi ko naman kasama si Anthony ay si Mama ang una niyang pupuntiryahin. Hindi ko alam kung gagawin ba ang planong ito para sa pansarili kong gusto, o kung manatili rito kahit pakiramdam ko ay nasa impyerno ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD