Kanina pa ako naririto lang sa kwarto ko. Nakapagbihis na ako ng pangbahay dahil gustuhin ko mang gumala sa labas at magliwaliw ay hindi ko rin magagawa. Hapon na ng makaalis ang mga Alejandro at malapit nang gumabi ngayon.
Kanina pa ako nakaupo at iniisip ang mga naging tagpo kanina kasama ang mga Alejandro. Hindi ko pa maproseso ang mga bagay na nangyari.
Una, ngayon ko lang nakita sa personal ang pamilya Alejandro. Pangalawa, oo at ngayon ko lang sila nakita ng personal pero pinagkasundo kaagad nila ako kay Anthony na may girlfriend. Pangatlo, may pinaplano sila Mama at kakuntsaba nila si Anthony. Kailan pa sila nagkaroon ng ugnayan? At pangatlo, isasama ako ni Anthony sa California na pinayagan naman ni Papa, pero iyong totoo ay magtatanan sila ng girlfriend niya at ako naman ay tatakas.
Seriously? Nangyari lahat iyon nang wala man lang akong kaide-ideya? Isa pa, iiwan ba ni Anthony ang pagiging mayor niya?
Holy Molly! Ngayon ko lang naisip na isa pala akong kongresista! Ibig sabihin ba nito ay iiwan ko rin ang trabaho ko? Napangisi ako nang wala sa sarili. Kapag nagkataon ay makakalaya na ako sa pulitika! Okay lang naman sa akin dahil hindi ko pinangarap ang ganoong linya ng trabaho.
"I can not believe this," bulong ko sa sarili ko.
Ilang katok sa pinto ng kwarto ko ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay bumukas na iyon at pumasok ang dalawang bruha.
"Akala ko ba ay may gala kayo?" nagtataka kong tanong pero hindi nila ako pinansin.
Lumapit sila sa television ko na nasa harap ng mini sala ko rito sa kwarto ko. Binuksan nila iyon at may kunga anong channel na hinanap.
"Aba? Dito pa ninyo naisipang mag-movie marathon?" nakapamaywang kong sabi sa kanila. "Baka gusto ninyong mag-order ng popcorn o pizza? O baka naman—"
Natigil ako sa pagtatalak nang makita sa television ang pamilyar na mukha.
"Shît!" Hindi ko mapigilang magmura. "Bakit ang bilis naman yata ng balita!"
Sabay pa silang lumingon sa akin at may parehas na reaksyon sa mga mukha nila.
"Malamang, sikat ang lalake, sikat ang babae, at sikat ang third-party," Ali said in a lazy tone.
"Third-party?"
Hindi na sila nakasagot dahil parehas na natuon ang atensyon namin sa television.
Nasa isang sikat na talk show si Ellaine— ang sikat na model na girlfriend ni Anthony. Hindi man siya umiiyak pero halata naman sa mukha niya ang lungkot.
"Totoo bang hiwalay na kayo ng iyong long-time boyfriend na si Mayor Anthony Alejandro?" tanong ng host kay Ellaine.
Narinig ko naman ang hiyawan ng mga audience na nanonood.
"Yes. We are officially not in a relationship," direktang sagot ni Ellaine. Nasa punto na siya ng pag-iyak pero alam kong pinipigilan niya lang dahil na rin siguro sa make up niya.
Hindi ko maramdamang isa siyang maarte o pakitang-tao na babae. I think kung magkakaroon ng chance ay magiging magkaibigan kami.
"Ano naman ang masasabi mo sa nababalitaang diumano ay may third-party na involved?" tanong ulit ng host.
Bago makasagot si Ellaine ay may lumabas na mga screenshot sa malaking monitor sa likod mismo ng host at ni Ellaine.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang post ni Anthony sa isang social media. Wala naman akong pakialam sa kanya, pero ang mabasa ang pangalan ko ang hindi okay!
"Hey, Congresswoman Katarina Villamor. Can't wait to be your man. Anong masasabi mo sa post ni Mayor Alejandro?" tanong ulit ng host.
"It's not a third-party why we broke up. Things between me and Anthony were getting blurry months ago. I think Miss Villamor is a high-standard woman and being a third-party is the least she wants to be involved with," sagot ni Ellaine at hindi magawang mainis sa kanya sa pagtatakip sa akin.
May ilang screenshot pa ang lumitaw sa monitor at lahat iyon ay mga negative comment tungkol sa akin na galing sa fans nina Ellaine at Anthony.
"Kaya pala ayaw magka-boyfriend dahil pinaplano niya na pa lang agawin si Anthony kay Ellaine."
"Pa-as if pang high-standard pero third-party naman!"
"Mang-aagaw!"
Pinatay na ni Ynna ang television bago ko pa man mabasa ang lahat ng comments. Hindi naman ako affected dahil alam kong hindi naman totoo ang hiwalayan nilang dalawa. Sa katunayan pa nga ay magtatanan sila at mukhang ako pa nga itong naging back up nila.
Anong gulo ba itong pinasok ko? No. Anong gulo itong binigay sa akin ni Papa?
Speaking of the devil, marahas niyang binuksan ang pinto ng kwarto ko at kaagad namang tumabi sa gilid sina Aleeson at Ynna.
Walang sabi-sabing sinampal ako ni Papa sa magkabilang pisngi ko.
"Try to escape and you will not see your mother again!" sigaw niya at nilapit ang bibig niya sa tainga ko para bumulong, "Not breathing, to be specific."
Iyon lang ang sinabi niya at iniwan niya akong nakatulala. Ganoon na ba siya kasama para patayin si Mama? Parang ayaw ko na lang umalis at sumama kay Anthony.
I love my mother more than myself. I can't afford to see her suffer because of me. Kaya kung ganoon man lang ay mas pipiliin ko na lang na mabulok sa mga kamay ni Papa.
"You can go now."
Hindi na ako kinulit nina Aleeson at Ynna. Lumabas na sila ng kwarto matapos nila akong yakapin at pagaanin ang loob ko.
Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang kwarto ko at pumasok si Mama. I throw myself on her and she gave me her warmest embrace. Siya lang talaga ang nakakapagpakalma sa akin.
"Mama, hindi na lang ako—"
"No. You need to go away from here. Ilang taon akong walang ginawa para ipagtanggol ka. Kaya ito na ang oras para may gawin naman ako. Hindi ako makapapayag na pati buhay pag-ibig mo ay panghimasukan niya. Gusto kong maranasan mong mahalin ng taong mahal mo."
"Pero, Mama..."
"Makinig ka, wala na akong oras para sabihin sa iyo ang plano. Ipinagkatiwala na kita kay Anthony. H'wag mo akong alalahanin, dahil nariyan naman ang mga kapatid mo. Hindi nila ako pababayaan."
Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko. Naghihintay roon ang utusan ni Papa. Hindi kasi p'wedeng magtagal si Mama sa loob ng kwarto o kahit ang mga kapatid ko. Hindi rin kami nakakapag-usap nang matagal. Ganoon kahayop si Papa.
Naiwan ulit akong mag-isa. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat gawin. Kaya bahala na.