Pakiramdam ko ay naghugas ako ng kamay dahil sa sobrang pawis na ng kamay kong nakahawak sa bagay na binigay ni Anthony sa akin kanina.
Sini-serve na ang dessert kaya nilingon ko si Papa, "I just need to freshen up."
Oo, kapag sinabi kong ang lahat ng gusto kong gawin ay kailangan pa ng pagsang-ayon mula kay Papa. Kahit pa ang pumunta ng banyo. Santisima.
Tahimik lang si Papa na nakatingin sa akin kaya akala ko ay okay na sa kanya. Kaya naman ay tatayo na sana ako pero napaupo ako ulit nang magsalita si Papa.
"It's inappropriate to just leave the visitors especially when the lunch is not over yet."
Napayuko na lang ako dahil sa mga nagtatakang tingin na pinukol nina Tita Sandra at anak nitong si Anthony.
Tumawa naman si Mr. Alejandro at nilingon si Papa, "Ayos lang naman kami, kumpare."
"Oo nga po, tito," sang-ayon naman ni Anthony. Alam kong sinabi niya lang iyon para makita ko na ang kung anong binigay niya kanina sa akin."
Sa totoo lang ay nahihiya na ako. Harap-harapan na itong pagpapakita ni Papa na kontrolado niya ang buhay ko. Na sa edad kong ito ay nakadepende pa ang buhay ko sa kanya.
"Go."
Mas lalo akong nanliit sa sarili nang marinig iyon kay Papa. Para bang isa akong aso kung tratuhin niya. Mas maganda pa nga ang buhay ng mga aso, eh. Inaalagaan pa at may kalayaan pa sila. Masahol pa sa aso ang buhay na mayroon ako.
I politely excuse myself and hurriedly went to a nearest comfort room. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang maisara at mai-lock ko ang pinto ng comfort room.
Pinatong ko muna ang bagay na kanina ko pa hawak-hawak. Isang papel. Mabuti na lang at nasa loob ito ng isang glass capsule kaya hindi iyon nabasa.
Ilang beses pa akong bumuntonghininga at hinarap ang sarili sa salamin. Kumuha ako ng tissue at pinahid ang namumuong pawis sa noo ko pati na rin ang isang butil ng luha sa gilid ng mata ko.
Nang mahimasmasan ay dinampot ko ulit ang binigay ni Anthony sa akin. Binuksan ang maliit na glass capsule at kinuha sa loob niyon ang isang maliit na papel.
Binuklat ko ang papel at may nakasulat doon.
"I will run away with my girlfriend and you need to come with me. Saka ko sasabihin ang buong plano kapag nasa airport na tayo. Just act normal. - Anthony."
Iyon ang nakasulat.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Pero ang kaagad na pumasok sa isipan ko ay ang makakalaya na ako mula kay Papa.
Pero kinakabahan din ako. Ilang beses na ba akong tumakas mula sa kanya? Hindi na mabilang. At sa lahat ng iyon ay hindi ako nagtagumpay.
Naalala ko ang sinabi nina Mama kanina at ng mga kapatid ko. Parte ba sila sa pagplano nito?
Nagdadalawang isip man ay niligpit ko ang sulay pati ang pinaglagyan nito. Tinago ko iyon sa loob ng dibdib ko. Lumabas ng comfort room at bumalik sa dining area.
Naka-served na ang homemade homemad lecheflan sa plato ko nang umupo ako. Nag-uusap sila sa kung anong hindi ko maintindihan na topic.
Tahimik lang akong kumakain kahit ayaw na niyong tanggapin ng sikmura ko. Hindi ako mahilig sa sweets. Parang pinaparusahan talaga ako ni Papa at ito pa ang naisipang dessert.
Sumasagot lang ako kapag tinatanong o kinakausap ako. Akala ko matatapos na ang lunch na iyon, pero hindi.
"Tito, I'm going to California the day after tomorrow," panimula ni Anthony at kaagad naman akong kinabahan. Isa rin ba ito sa plano nila? "I want Katarina to go with me."
Naikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang kabang nararamdaman. Nakangiti naman ang mga bisita pero pakiramdam ko ay hahatulan ako ng kamatayan dahil sa mga titig ni Papa sa akin.
"Why would I let her go with you?" tanong ni Papa pero parang sinasabi niya nang 'sino ka para pakiusapan ako ng ganiyan?'.
"She's my fiance. I want her to introduce to our relatives there. I want them to be the first to know," sagot naman ni Anthony na parang chill lang. Samantalang ako ay parang nakakain na ng chilli powder at sobrang init na nang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam na naroon ang mga kamag-anak nila. Malay ko ba sa pamilya niya. Namomroblema na ako kay Papa, dadagdagan ko pa ba?
"Oo nga naman, kumpare," sabi pa ng papa ni Anthony. "Isa pa, they need to know each other and it's a great opportunity to let the media know about them."
Gustuhin ko mang tingnan sina Mama at mga kapatid ko, pero pinigilan ko lang. Ito na kaya iyong sinasabi nilang sila na ang bahala sa lahat?
"I'll think about it," sagot ni Papa.
Nawawalan na ako ng pag-asa ngayon pa lang. Mukhang wala na nga akong takas pa kay Papa.
"Don't tell me, tito, kahit na kasal na kami ay panghihimasukan mo pa rin ang buhay ni Katarina?"
Sa pagkakataong iyo ay napaangat na ako ng tingin kay Anthony. Anong pinagsasabi ng lalakeng ito? Para na rin siyang nakipag-hi kay kamatayan! Hindi niya alam kung anong kayang gawin ni Papa! He's dangerous!
Hindi ko rin siya masisisi kung bakit niya nasabi iyon kaagad. Sapat na ang ilang oras na nakasama nila kami para masabing kinokontrol ako ni Papa.
"Ano ka ba naman, hijo!" saway ni Tita Sandra sa kay Anthony.
"He's just kidding, kumpare," sabi pa ng papa ni Anthony.
Hindi ko pa rin alam at wala akong ideya kung bakit nakipagkasundo si Papa sa kanila. Isang congressman si Mr. Alejandro at mayor naman si Anthony. Sumikat si Anthony dahil na rin sa isang sikat na model ang girlfriend niya.
Kung tutuusin ay mas maimpluwensya pa kami kaysa sa kanila. Knowing my father, mas gusto niyang magkaroon ng ugnayan sa mga taong mas mataas pa sa kanya.
"Sige, pumapayag na ako," sabi ni Papa na nagpagulat sa akin.
Ito na ba ang panahon kung saan magbabago na ang buhay ko? O akala ko lang ang lahat? Aasa ba ako dahil sa simpleng pagpayag ni Papa?