Chapter 3 - Plano

1048 Words
Bumungad sa akin ang enggrandeng dining room namin na nakabukod. This dining room was separated because it is intended only for visitors. When I say visitor, mga bigating tao. Iba ang dining room naming magpamilya. May limang dining room sa buong mansyon namin na nandito sa ground floor. Nasa floor din na ito ang limang sala na may sariling comfort rooms— ang mga sala na ito ay para sa mga bisita namin, the dirty-kitchen at sariling kitchen ni Mama, the maids quarters na may sampung kwarto, three living rooms na para lang sa mga bisita ni Papa, at isang entertainment room na may mini bar. Sa second floor naman naka-locate ang sampung guest rooms na may sariling mga cr. May entertainment room din sa floor na ito at mayroon ding mini bar. Sa third floor naman ang mga kwarto namin at ang library ni Papa. Sa rooftop naman ay may tennis court, mini gym, swimming pool at entertainment room na may mini bar din. Modernized man ang bahay namin pero lolo pa ni Papa ang nagpatayo nito. It was renovated as the years passed by. Nag-iisang anak lang ang papa ni Papa which is my Lolo, kaya kay Papa pinamana ang buong mansyon. May isang kapatid si Papa na mas piniling sa abroad manirahan— si Tito Rafael. Nakakausap ko naman siya kahit magkaiba ang oras ng Australia rito sa Pilipinas. Sa nakikita ko, masaya si Tito Rafael kasama ang kanyang Australian na asawa at tatlong anak. May business sila roon at alam kong milyonaryo rin si Tito. Kaya ang lahat ng ari-arian dito sa Pilipinas ay kay Papa na lahat nakapangalan dahil sumakabilang buhay na rin sina Lolo at Lola. Si Mama naman ay tubong Davao. She is also from a wealthy clan. Her family own an island that is part of Samal Island. Minsan lang kaming nakakabisita roon dahil na rin sa ayaw ni Papa. Ngayon ko lang din na-realized na hindi ko pala alam ang love story nina Mama at Papa. Love... Hindi ko alam kung may matatawag ba akong pagmamahal sa loob ng pamilya. Sa mga kapatid ko, oo. Pero kapag si Papa ang pag-uusapan... No comment na lang. Mahal kami ni Mama. Nararamdaman ko iyon. Pero hindi ko pa nakitang pinagtanggol niya kami laban kay Papa. I can sense that something is stopping her to do so. Pero kahit ganoon, wala akong hinanakit kay Mama. Sadyang hindi niya lang kayang suwayin si Papa. Love... Wala. Walang ganoon sa loob ng pamilya. "You look gorgeous even more with that engagement ring on you, hija." Nabalik ako sa hwisyo nang sumulpot sa harapan ko ang isang ginang na kahit matanda na ay maganda pa rin. Nakipagbeso ako nang tahimik dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. "Tama nga sila, masyado kang tahimik. Just call me, Tita Sandra." Binalingan niya si Mama habang nakahawak pa rin sa kamay ko, "Or Mama Sandra na lang kaya? What do you think, Lilian?" Kung ang dalawang animal lang ang kausap ko, kanina pa ako sumigaw ng 'tanena mo'. Natahimik ang lahat dahil sa isang baritonong boses na nagsalita. "Can I talk to Katarina in private?" Anthony Mariazon... Tiningnan ko si Papa na ngayon ay nakangiti. Kinikilabutan talag ako kapag nakangiti siya. "Go ahead, anak. Samahan mo si Anthony sa garden habang hinihintay pang mai-serve ang mga pagkain." Gusto ko siyang palakpakan. Best actor ang huwarang ama ng mundo! Tumalikod na ako saka pinakawalan ang isang irap. Nakakagigil! Nagsimula na akong maglakad papunta sa garden. Naramdaman ko namang sumunod si Anthony sa akin. Inaasahan ko na ang sasabihin niya. I have a girlfriend... Hindi ko gusto ang maikasal sa iyo... Huwag kang pumayag na matuloy ang kasal... "Sumama ka sa akin sa California." Sumama ka sa akin sa California— Kaagad ko siyang hinarap, "Excuse me?" Hinawakan niya ang kamay ko at ikinagulat ko naman iyon. Akma kong babawiin ang kamay ko nang may maramdaman akong bagay sa kamay niya na gusto niyang ibigay sa akin. "Sumama ka sa akin sa California. Spend time with me. Let's get to know each other." Napapakurap-kurap pa ako sa narinig. Kung wala lang sigurong kung anong bagay sa pagitan ng kamay namin, maniniwala na ako sa mga sinasabi niya. Kahit wala pa akong karanasan sa isang lalake alam ko naman kung paano kumilatis ng isang lalake. Anthony is indeed a handsome guy that every girl's dream. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako apektado sa kanya, kahit na makalaglag panga ang kagwapuhan niya. Siguro kasi dahila alam kong taken na siya at kahit ikasal ako sa kanya, I can't win his heart. Or sadyang mataas lang ang standards ko? Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit pa siya lalo sa akin habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Pinisil-pisil niya ang kamay ko para sigurong sabihing kunin ko ang kung ano mang bagay na nasa kamay niya. Tumikhim ako at umatras. Binawi ko ang kamay ko kasama ang bagay na kanina niya pa binibibigay sa akin. "Ma-Masyado ka namang mabilis, Mr. Mariazon..." My gosh! Kahit hindi niya naman sabihin, alam kong gusto niya ring umarte ako. Ano ba kasi itong binigay niya? "Well... mas okay na ang mabilis nang hindi ako maunahan." Ang lalake ay lalake pa rin. Mahangin. "Oh? How about your girlfriend?" Nakitang kong umigting ang panga niya. Pero kaagad din siyang ngumiti, "We broke up." Hindi ko alam kung bakit nagulat ako. Alam ko naman sa sarili kong arte lang ang lahat ng ito. Pero bakit parang totoo? "So it's your responsibility to ease the pain I am feeling right now." Awtomatikong napataas ang kilay ko. Pambihira! Anong drama ba ito? "Anak, kakain na..." Sabay naming nilingon ni Anthony si Mama. "Handa na ang lunch, Anthony." Hinarap ako ni Anthony bago sumunod kay Mama, "I'll wait for your answer." Nakakuyom pa rin ang palad kong may hawak ng bagay na binigay ni Anthony. Gusto ko mang silipin, pero pinigalan ko ang sarili. Maraming CCTV sa palibot ng mansyon. Maling galaw ko lang at baka mahuli kami ni Papa. Bumuntonghininga ako bago sumunod sa kanila. Ito na ba ang sinasabi ni Mama? Parte ba ito ng plano nila? Sana matapos na kaagad ang lunch na ito dahil kanina ko pa gustong tingnan ang bagay na nasa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD