Isinara ko na ang pinto ng kwarto ni Tita Nica at nagpasyang mag-almusal na muna. Breakfast meal ang dala niyang pagkain— egg sandwich, vegetable salad, one piece of sausage, and a piece of ham. Nagtimpla na lang ako ng sugarless coffee. Nakita ko ang susi ng kotse ni Tita. I knew how to drive but I wanted to walk. Unang pagkakataon ko ito kung sakali, na makapaglakad sa kalsada para mamasyal. Lumabas na ako ng bahay ni Tita Nica nang matapos kong magligpit. Marunong naman akong maglinis kahit papaano. Ano lang ba iyong magwalis at mag-ayos ng mga gamit? Nag-iwan ako ng note bago ako umalis. I didn't want to be rude. Ingay na galing sa mga taong naglalakad sa labas ang siyang nabungaran ko. Medyo makapal ang buhok ko kaya hindi pa ito lubusang natutuyo. Some vendors calling passersb