Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. "Ali, Ynna... pakisara naman ng bintana. Gusto ko—" Kaagad akong napabangon at nilibot ng tingin ang kabuuan nga kwartong kinaroroonan ko. Huminga ako nang malalim at napapikit ulit. I thought I was just dreaming last night. But I was wrong. So wrong. Dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Nilingon ko ang maliit na hairdresser sa kanang parte ng kama. There, I saw my reflection. Hopeless, pitiful, and all alone. Tumayo na ako para ayusin ang sarili ko. Para akong sumabak sa isang military trainig. Sabog ang buhok at namamaga pa ang mga mata ko. Nilapitan ko muna ang bintana na katabi lang ng hairdresser. May iilang gamit sa ibabaw nito. May mga tag pa kaya hinuha ko ay binili ito ni Tita Nica para sa akin. Bago