"Parang may kulang..." sabi ni Ynna habang nakatingin sa akin. Kanina niya pa ako iniikutan na para bang hinahanapan ng butas ang suot kong damit.
"Ano pa ba ang kulang, mars?" tanong naman ni Aleeson na nakapameywang sa harapan ko.
"Hay kalabaw, kulang ng isang matamis na ngiti." Inismiran naman kaagad ni Ynna si Aleeson.
"Hoy tikbalang! Ako lang yata ang kalabaw na maganda!" Inismiran din ni Aleeson si Ynna.
"Pwes, gumising ka na at binabangungot ka!"
Dahil kaming tatlo na lang, naging Tom and Jerry na naman sila.
Pinagmasdan ko ang sarili sa full-length mirror. Nakasuot ako ng black halter dress. My hair was tied up, kaya kitang-kita ang mga balikat ko at collarbone. My make up artist just put a light make up on my face.
T'wing may okasyon ay si Papa ang pumipili sa kung ano ang dapat kong suotin. At base sa suot ko ngayon, it's too revealing. Mga ganito ang pinapasuot niya sa akin kapag ipapakilala niya ako sa anak ng mga kumpare or kapartido niya.
Hindi kaya...
Narinig siguro ng dalawa ang malalim kong pagbuntonghininga, dahil nanahimik na sila at nakatingin na sa akin ngayon.
"Ang lalim n'on, ahh?"
"Baon na baon."
Naglakad ako papunta sa kama ko at pinulot ang isang paper bag na naglalaman ng isang pares ng itim na peep toe heels. Sinuot ko na iyon at pinulot naman ang isa pang paper bag na naglalaman naman ng isang set ng jewelry. Binuksan ko ang kulay itim na box at tumambad sa akin ang isang oval cable chain silver necklace na may blue heart pendant, isang pares ng silver earings, isang oval cable chain din na bracelet, at isang singsing na may blue heart din sa pinakagitna nito.
Napatitig ako sa singsing. It looks like an engagement ring.
Napatagal pala ang tingin ko sa mga alahas kaya inagaw iyon ni Ynna sa akin at siya na mismo ang nagsuot niyon sa akin.
Parang may mali talaga.
"Ang gara naman nito," sabi ni Ynna habang sinusuot sa kamay ko ang singsing.
"Hmm... parang engagement—"
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Papa. Kaagad namang tumabi sina Ynna at Aleeson sa gilid ko saka yumuko at sabay na binati si Papa.
"Magandang tanghali po, Governor."
"Good noon, Governor."
Nakatingin ako sa singsing na nakasuot na sa daliri ko, "It is not what I think it is. Isn't it, Papa?"
Napapikit ako nang inangat ni Papa ang kamay niya at handa na akong sampalin. Napansin niya siguro na nakaayos na ako kaya ibinaba niya iyon kaagad, "Wala ka pa ring galang!"
Umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto ko na parang isang leon na handa nang lapain ang kanyang bibiktimahin.
"Good noon, Papa," sagot ko na walang kabuhay-buhay.
Ganito siya lagi. May tao man o wala, laging dumadapo ang palad niya sa mukha ko kapag may hindi siya nagustuhan sa mga ikinikilos ko. Maliban na lang kapag nasa labas kami ng bahay. Isa siyang dakilang ama sa mata ng mga tao.
"Wala kang ibang gagawin kung hindi ang umayon sa lahat at hinding-hindi ka magsasalita."
Hindi niya na hinintay pang makasagot ako at kaagad na nilisan ang kwarto ko. Pabalibag niyang sinarado ang pinto ng kwarto ko. Pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata ko.
Kaagad kong naramdaman ang mainit na yakap nina Ynna at Aleeson.
Bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Mama, kasama sina Alvin at Achilles. Kaagad na humiwalay sina Ynna at Aleeson sa pagkakayakap sa akin at binati sila.
Niyakap ako ni Mama na ngayon ay bihis na rin. Malaking okasyon nga talaga ang magaganap.
May kutob na ako kung ano, pero ipinagwalang-bahala ko na lang. Dahil una, hindi ko matanggap. At pangalawa, sobra na akong nasasaktan.
Sa halip na yakapin si Mama pabalik ay nanatili akong hindi gumagalaw. Ayaw kong umiyak. Mali pala. Bawal akong umiyak. Baka ang palad ni Papa na hindi dumapo sa mukha ko kanina ay baka matikman ko na.
"Bakit, Mama?"
Iyan ang lagi kong tanong sa kanya. Na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin masagot-sagot.
Kumalas si Mama sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabila kong balikat, "Just act according to what he wants you to do."
Nangunot ang noo ko sa narinig sa kanya. It's not of what she just said, but it's the tone of her voice that made me confused.
"Leave it to us, Ate."
Nabaling ang atensyon ko kay Alvin.
"Trust us and everything will be alright."
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Achilles.
Bumaba sa mga kamay ko ang hawak ni Mama kaya nabalik ang tingin ko sa kanya, "Don't do or say something reckless. Just act normally and keep your calm."
"This is stressing me out..." Litong-lito na ako sa mga sinasabi nila.
Ngumiti si Achilles, "It's time to make a move, I guessed."
Tumango-tango si Alvin at si Mama sa sinabing iyon ni Achilles.
Hanggang sa makalabas na kami ng kwarto ko, hindi ko pa rin maintindihan kung anong mga sinabi nila. I don't have any idea either.
Tinanong ko si Mama habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsing, "This is an engagement ring, Mama?"
"You're Papa and Mr. Alejandro Mariazon agreed that you and Anthony should get married before the next election."
Nagulat pa rin ako kahit na expected ko namang iyon nga ang mangyayari. Siguro dahil hindi ko inaasahan na si Anthony Mariazon pala.
A bachelor.
I never got the chance to talk to him. Nakikita ko lang siya kapag may senate meeting or may party sa amin. But never did it crossed my mind na ibubugaw ako ng sarili kong ama sa kanya.
Wala akong makitang dahilan kung bakit nila kami pinagkasundong dalawa.
Natigil ako sa paglalakad nang may pumasok sa isipan ko. Kaagad kong nilingon si Mama, "He... he's in a relationship, right?"
Nauna pang sumagot si Ynna, "Yes, ma'am. Matagal na sila n'ong girlfriend niya."
Nakita kong siniko siya ni Aleeson at kaagad naman siyang umiwas ng tingin.
What's wrong with my father?
Nilalagay niya ba ako sa gulo? Gusto niya ba akong ma-bash at pagkaguluhan ng media dahil magiging dahilan pa ako ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan.
"He's evil."
Hinawakan ni Mama ang kamay ko, "Just listen to what I have said, anak. Kaming bahala."
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila na lang kay Mama. Pakiramdam ko pupunta kami ng impyerno.
Yeah...
This is hell.