Chapter 1 - My Life Sûcks

1106 Words
Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Kaagad na bumungad sa akin ang kulay caramel na kisame ng kwarto ko. Inirapan ko iyon na para bang maaapektuhan ito sa ginawa ko. I hate the motifs of my room. Caramel, light brown, and dirty white— para sa akin mga patay na kulay. Wala akong magawa dahil ito ang gusto ni Papa. I'm thirty-five and these kind of colors makes me feel old even more. Pinatay ko ang alarm clock. Alas nueve ng umaga. Ipipikit ko sana ulit ang mga mata ko dahil gusto ko pang matulog. It's Saturday at walang opisina, walang meeting, walang— "Good morning, Miss Katarina." Napabalikwas ako ng bangon at nakita sa paanan ng kama ko ang nakatayong si Aleeson— my personal assistant s***h secretary s***h best friend. Mabuti na lang at pumayag si Papa na siya ang maging secretary ko. Si Mama talaga ang kinausap ko dahil kung si Papa... wala akong ibang makukuhang sagot sa kanya kung hindi puro lang pagtanggi. "Ali naman, ehh," pagmamakatol ko. "Walang trabaho ngayon, isa pa day off mo. Lumabas ka at pumasyal. para makahinga ka naman." Lagi ko siyang sinasabihan na gumala sa labas t'wing day off niya. Stay in kasi siya dahil siya kaagad ang nag-aasikaso sa lahat pagkagising na pagkagising ko pa lang ayon na rin sa utos ni Papa. Gusto niya raw akong damayan sa pagiging preso ko sa mga mata ni Papa. Naging kaklase ko siya noong high school. Isa siyang working student. Sikreto nga lang ang pagkakaibigan namin noon dahil kapag nalaman ni Papa, hindi siguro magtatagal ang pagkakaibigan namin. Nag-iba lang kami ng landas dahil iba ang kursong kinuha niya sa kursong kinuha ni Papa para sa akin. Kaya noong malaman kong secretarial ang tinapos niya ay kaagad ko nang kinausap si Mama. Kulang na lang magpa-party ako nang pinakilala siya ni Papa sa akin pagkatapos ng isang taon kong pamamahinga bago sumabak sa pulitika. I graduated Political Science as our batch valedictorian. I want to be a teacher than being part of politics. But, my father is the law inside our family. Lahat ng gusto ko, lahat ng mga plano ko para sa buhay ko, lahat ng desisyon ko para sa sarili ko, ay balewala rin lahat. Dahil si Papa lang ang masusunod. Mula sa mga sinusuot ko, mga ginagamit ko, kinakain, at kahit oras ng pagtulog at paggising— lahat iyon ay si Papa ang masusunod. Strikto siya sa aming magkakapatid, pero mas mahigpit siya sa akin. Sabi ni Mama dahil na rin sa nag-iisang babae raw ako. But for cheesecake's sake, I'm already thirty-five! Kaya wala akong masyadong kaibigan dahil alam kong si Papa lang din ang masusunod sa kung sinong kakaibiganin ko o sa kung sinong kakausapin ko. Dati, iniisip ko lang na ganito siguro kapag napabilang ka sa isang pamilyang puro pulitiko. Pero habang tumatagal, nagsasawa na ako at nasasakal na sa pinaggagawa ni Papa. Panganay ako sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Si Kristof ay ang sumunod sa akin at isa ng doktor, ayon sa gusto ni Papa. Pero mukhang gusto niya rin naman dahil ni minsan hindi ko siya narinig na nagreklamo. Si Kevin naman ang sumunod kay Kristof na isang piloto, syempre ayon din sa gusto ni Papa. Gaya ni Kristof may sarili na silang mga pamilya. Si Alvin naman ay sumunod sa yapak namin ni Papa. Ikinatuwa iyon ni Papa. Lalo na at sumunod din sa yapak namin ang bunso naming si Achilles. Si Alvin ang pinakabatang pulitiko na sumabak sa senado sa edad na trenta. Isa siyang abogado. Si Achilles naman ay kasalukuyang nakaupong mayor sa lungsod namin sa edad na bente ocho. Isa rin siyang abogado. Kapwa sila mga single pa. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, natatakot lang silang may ipakilalang babae kay Papa. Of course, obviously, I'm still single. May mga nagustuhan naman ako, pero hanggang doon lang iyon. Dahil gaya nina Alvin at Achilles, takot din akong pumasok sa isang relasyon. Nadala na ako. May nanligaw sa akin noon. Galing sa mayamang angkan din, pero ayaw ni Papa at hindi ko alam anong dahilan. Simula noon, hindi na ako nag-entertain ng mga manliligaw. Though, ang daming nagpapadala sa akin ng mga bulaklak, chocolates, and gifts, ni isa wala akong pinansin. May artista pang nagsabi na gusto niya ako in public, pero dahil ayaw ni Papa, ayaw ko na lang din. Binansagan akong choosy ng mga netizen ng i-turn down ko ang iniidolo nila. Hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin ako ng mga bash. Kesyo, 'ayan... tumanda ng dalaga', meron pang, 'masyadong mapili, iniwan na tuloy ng panahon'. Isa kami sa nirerespetong pamilya sa buong lalawigan. Kaya ganoon na lang din ang pag-iingat ni Papa na marumihan ang pangalan namin. Ang mahalaga lang yata sa kanya ay ang pangalan namin sa lipunan. Kaya kahit paglalakad ko ay binabantayan niya. Ang kwento ng buhay ko ay alam lahat ni Aleeson. May isa pa kaming kaibigan, ang personal maid ko. Sila ang kasama ko sa lahat ng bagay. Alam din ng bruhang iyon ang drama ng buhay ko. Siguro kung wala sila, nilamon na siguro ako ng lungkot. Pitong taon na ako sa pulitika at kasalukuyan akong congresswoman ng aming lungsod. Nalipat ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko nang pumasok ang personal designer ko, make up artist, at hair stylist. Binalik ko ang tingin kay Aleeson, "Anong meron, Ali. I can't remember that I have an appointment today." Gusto ko sanang mag-asal kalye pero dahil may ibang tao ay nanatili akong sibil kay Aleeson. Kapag kasi kaming dalawa lang o hindi kaya kasama namin si Ynna— ang personal maid ko, nagiging asal-tambay ako. Iyong tipong kalalabas lang ng kulungan at handa ulit pumatay ng tao. "You have a family lunch with the Mariazons." Saglit akong natigil. Mariazons are one of the richest family in the Philippines. Involved sila sa pulitika and in business industry. May naging kaklase ako noon na Mariazon and I barely talk to her dahil masyadong sosyalera. Nabalitaan ko ring naging artista na ang isa sa family member nila. I don't interact with them that much dahil wala namang sinabi si Papa na p'wede ko silang kausapin. Yeah. Gan'yan kalala ang buhay ko. Ang lahat ay dapat naayon sa gusto ni Papa. Pero, ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong nabalitaan o narinig man lang na in good terms si Papa at ang mga Mariazon. Anong meron at may pa-family lunch pa? Huminga ako nang malalim at wala nang nagawa nang dumating na si Ynna para i-assisst ako sa pagligo ko. Yeah... My life sûcks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD