TINALO ni Gyaco si Atlas gamit ang espada. Hindi nga makapaniwala ang lahat. Ang tinaguriang pinakamagaling na archer, biglang gumamit ng espada. Pero sa kabila ng pagkapanalong iyon ng archer ay hindi niya maramdaman na siya ang nanalo. Parang may kulang, at iyon ang gusto niyang makita. Gusto niyang makaramdam ng totoong pagkapanalo. Unti-unting naglaho ang hawak na espada ni Gyaco. Seryoso siyang naglakad mula sa gitna ng wasak-wasak na battle field. Iniwanan niya ang nakadapa na si Atlas. Nakatarak pa sa lupa ang isa nitong espada habang putol naman ang blade ng isa pa nitong espada. Isa rin sa ikinagulat ng marami ay ang biglaang pagbaba ni Kinji sa battle arena. Pinuntahan nito si Atlas at agad binigyan ng Healing Salve. "Malakas siya, tama?" nakangiting tanong ni Kinji kay Atlas