"Gusto mo bang pumunta tayo sa unit ko?"
Natigilan ako sa tanong niya. Napatingin naman siya sa 'kin habang hawak pa rin ang kamay ko.
"A-anong gagawin natin sa unit mo?" nauutal na tanong ko.
Mahal ko si Tiger pero hindi ko alam kung handa na ba akong ibigay sa kaniya ang lahat lahat.
"A-alam mo Tiger, mag-iisang buwan pa lang tayong magkarelasyon. H-hindi pa dapat tayo maging mapusok sa relasyon natin," sabi ko habang seryosong nakatitig sa kaniya.
Napakurap siya sa sinabi ko saka napakamot sa kilay niya. Halata sa mukha niya na wala siyang ma-gets sa pinagsasasabi ko.
"Ahm, what do you mean by that?" nakakunot-noong tanong niya.
Napatikhim na lang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Napakagat ako sa ibabang labi ko, bakit mas madumi pa yata ang utak ko kaysa sa kaniya?
"A-ang ibig kong sabihin, ano... sige, doon tayo sa unit mo hehe," awkward na sabi ko saka napakamot sa batok ko.
Napatingin ako sa gwapong mukha niya, napangiti siya sa sinabi ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko dahilan para mag-init na naman ang pisngi ko.
Bakit gano'n? Kahit yata umutot si Tiger kikiligin pa rin ako.
Sumakay na kami sa kotse niya at gaya ng lagi naming scenario sa kotse niya, tahimik lang kaming pareho. Buti na lang talaga at may music, hindi masyadong awkward.
"Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving hands to come and pick me up, and every night I miss you I can just look up, and know the stars are holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight~"
Nakatitig lang ako kay Tiger habang nakanta siya na tila ba hindi niya alintana na nandito ako. Tinatapik tapik niya pa ng daliri niya ang manibela habang nakanta siya.
Ang ganda talaga ng boses ni Tiger. Hindi ko alam na may talento siya sa pagkanta kasi hindi halata sa unang tingin. Mapagkakamalan mo talaga siya na puro pag-aaral lang ang inaasikaso sa buhay.
"W-why are you staring at me like that?" nauutal na tanong niya.
"Mas nagiging gwapo ka sa paningin ko kapag nakanta ka. Ang swerte ko kasi girlfriend mo 'ko," sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Nakita ko kung paano nagtaas-baba ang Adam's apple niya pati na rin ang kaunting pamumula ng pisngi niya. Napahagikhik ako sa naging reaksyon niya. Ang dali niya talaga pakiligin kaya sobra akong natutuwa. Ang cute niya kasi kapag kinikilig siya.
"Ikaw, l-lagi kang maganda sa paningin ko," sabi niya saka napakamot sa batok niya.
Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko sinisilihan ang pisngi ko.
Bakit gano'n? Iyon lang naman ang sinabi niya pero bakit halos magwala na ang mga paru-paro, anaconda, pati crocodile sa tiyan ko. Bakit ganito ang epekto sa 'kin ni Tiger? Hindi na maganda 'to.
"What do you want to eat?" tanong niya.
"Bili tayo ng fries, na-miss ko kumain no'n," sabi ko at napakagat sa kuko ko. Natakam ako bigla sa fries.
"Okay, ano pa'ng gusto mo?"
"Ikaw," mabilis na sagot ko saka ngumiti ng matamis sa kaniya.
Napaubo naman siya sa sinabi ko. Natawa ako at lumapit sa kanya saka agad na tinapik-tapik ang likod niya. Saglit siyang tumingin sa 'kin saka muling ibinaling ang tingin sa kalsada.
Namumula na naman ang pisngi niya. 'Ikaw' lang naman ang sinabi ko, kung makapagreact siya para naman akong nagpropose sa kanya.
Pero sa totoo lang ang cute niya talaga. Nanggigigil na naman ako sa kanya.
"B-bakit ka biglang nabanat ng ganyan? Hindi ako prepared."
"Ang halay naman kung babanat ako tapos may warning diba? Tiger babanat lang ako ha, baka kiligin ka na naman, gusto mo gano'n?" natatawang tanong ko. Napaismid naman siya at napailing na lang.
Nagdrive-thru na lang kami, napataas ang kilay ko dahil halos matulala ang cashier kay Tiger. Bakit ganito sila? Lantaran nilang pinapakita na humahanga sila sa tao. Kainis, ang sarap lang manakal.
"Thank you Sir, please come again."
Napataas ang isang kilay ko nang mapansin tila nagpapacute pa ang babae kay Tiger. Ang kapal naman nito, hindi niya ba makita na katabi lang ni Tiger ang girlfriend niya at ako 'yon.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Tiger matapos naming um-order.
"Wala lang," tipid na sagot ko at tumingin na lang sa mga gusaling nadadaanan namin.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating din kami sa condominium na timutuluyan niya. Agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Binitbit niya ang bag ko saka ang mga pinamili namin sa fast food chain.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng condominium.
Napaawang ang labi ko habang palinga-linga sa paligid. Halata na para sa mayayaman lang talaga ang condominium na ito. Nakakasilaw.
Tahimik kaming pareho sa elevator hanggang nasa tapat na kami ng unit niya. Inilagay niya ang daliri niya sa may fingerprint sensor hanggang sa kusa itong nagbukas.
Napaawang ang labi ko nang makapasok na kami sa unit niya. Unit ba talaga 'to? Para 'tong bachelor's pad eh.
Maganda ang designs sa paligid at maganda rin ang kulay. Naghalong gray at white ang kulay ng paligid.
Magkahawak-kamay pa rin kami hanggang sa umupo na kami sa couch. Inilagay niya sa mini table ang pagkain na binili namin.
Natigilan ako nang hawakan niya ako ng marahan sa balikat saka pinaharap sa kanya. Napakurap naman ako habang nakatitig sa mga mata niya.
"Is there a problem Ailee? You're too quiet, I'm not used to it," tila nag-aalalang sabi niya.
"Wala na, okay na 'ko Tiger. Nainis lang kasi ako sa cashier kanina dahil nagpapacute siya sa 'yo. Tapos nginitian mo pa siya," nakangusong sabi ko.
"N-nagseselos ka?" nauutal na tanong niya. Mas lalo naman akong napasimangot saka tumango.
Bakit ko itatanggi eh nagseselos naman talaga ako.
Natahimik siya sa sinabi ko habang nakatitig sa 'kin. Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa pinagsasasabi ko. Bahagya pang nakaawang ang magandang labi niya.
Napalunok siya kasabay ng pamumula ng pisngi niya. Napahagikhik ako sa naging reaksyon niya.
Bakit nga ba ako nagseselos sa ibang babae? Mukha sa 'kin lang namumula ng ganyan si Tiger.
"C-can I kiss you?"
Natigilan ako sa tanong niya saka napalunok. Bakit naman bigla siyang nagrequest na kiss-an ako?
"Ano ka ba? B-bakit mo pa tinatanong 'yan? May karapatan ka na halikan ako kung kailan mo gusto."
Pakiramdam ko pati ako namumula na rin ngayon. Ang lakas ng t***k ng puso ko, literal na nanginginig din ang mga tuhod ko.
Laging ganito ang reaksyon ko kada nagtatanong si Tiger kung pwede niya akong halikan. Sa karkula ko limang beses na kaming nagkiss ni Tiger pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit parang bago lagi sa 'kin.
Hindi pa naman ako hinalikan ni Tiger sa paraan na nakakabastos. Ang totoo niyan para siyang bata kung humalik sa 'kin, dampi dampi lang lagi. Hindi naman ako nagrereklamo tungkol doon, ang cute nga niya eh.
Halata sa kanya na wala pa talaga siyang karanasan sa ganitong bagay, mas inosente pa talaga siya sa 'kin.
Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa 'kin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ganito siya kung makatitig sa 'kin? Yung tingin niya parang sinasabi na ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa pisngi ko. Nakakagaan sa pakiramdam sa tuwing ginagawa niya 'yon, parang pinapakalma no'n ang puso ko.
Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman ko na lumapat ang malambot na labi niya sa labi ko.
Akala ko dampi lang iyon gaya ng halik na lagi niyang iginagawad sa 'kin pero natigilan ako nang maramdaman ko ang banayad na paggalaw ng labi niya.
Bumaba ang kamay niya sa braso ko saka mas pinalalim ang paghalik niya sa 'kin. Nagulat man ako sa paggalaw ng labi niya, napayakap na lang ako sa batok niya at tinugon ang halik niya.
Sa katunayan hindi si Tiger ang first kiss ko, si Cad talaga, pero dampi lang din 'yon. Ngayon lang may humalik sa 'kin sa ganitong paraan. Nakakalunod, para akong dinadala sa ibang dimensyon.
Bumaba ang kamay niya sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Impit na napadaing ako nang maramdaman ko ang marahang pagkagat niya sa ibabang labi ko.
Nagiging literal na tigre siya!
Napalunok ako at tinutugon pa rin ang halik niya kahit na nararamdaman ko ang dila niya na nagiging malikot. Muli niyang kinagat ang ibabang labi ko dahilan par bahagyang umawang 'yon. Sinamantala naman niya ang pagkakataon at hinagod ng dila niya ang loob ng bibig ko.
Humigpit ang pagyakap ko sa batok niya dahil do'n, bakit ganito? Ang sarap sa pakiramdam.
Hinihingal na inilayo niya ang labi sa 'kin. Isinandal niya ang noo sa noo ko, naaamoy ko na ang mabangong hininga niya.
Pakiramdam ko buong mukha ko na ang pulang pula ngayon. Grabe, 'yon na yata ang pinakamainit na sandali ng buhay ko. Parang gusto ko tuloy magbabad sa tubig.
"I'm sorry, I got carried away. I-I won't do it again," sabi niya bago inilayo ang mukha sa 'kin.
Namumula rin ang mukha niya gaya ko. Napaiwas siya ng tingin sa 'kin saka napakamot sa panga niya.
"O-okay lang, nagustuhan ko naman eh," sabi ko at ako naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya.
Minsan napapaisip ako kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga 'yon.
Gulat na napatingin siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Mas lalong tumingkad ang pagkapula ng pisngi niya. Ang cute cute niya talaga.
Agad siyang tumayo, nagtatakang napatingin naman ako sa kanya. Napakamot siya sa batok niya habang hindi pa rin makatingin sa 'kin ng ayos.
"Ahm, I'll just take a shower," sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango.
Napapikit ako nang lumapit siya sa 'kin saka ako dinampian ng halik sa noo bago nagtungo sa isang kwarto, iyon yata ang kwarto niya.
Kinuha ko na lang ang French fries na binili ni Tiger at kinain 'yon. Sana 'wag niyang tagalan ang pagshower.
Naglibot-libot muna ako sa paligid ng unit niya habang hinihintay ko siyang matapos na magshower.
Napatingin ako sa isang pinto, lumapit ako ro'n at binuksan 'yon. Napaawang ang labi ko sa bumungad sa 'kin sa silid na 'yon.
Merong piano sa loob, meron ding koleksyon ng mga gitara at flute na nasa pader at meron ding drums set.
Maayos ang pagkakalagay ng mga musical instruments sa loob ng silid na 'to at hindi basta nakakalat.
Lumabas na ako ng music room niya at bumalik sa living room. Pinasok ko naman ang isa pang silid.
Napaawang ang labi ko nang makapasok ako sa silid. Library naman yata ang silid na 'to. Napakaraming libro sa paligid at lima rin yata ang bookshelves.
Lumapit ako sa isang bookshelf at tumingin ng isang libro. Napangiwi ako nang makita ang title no'n.
Fucked up Life.
Anong klaseng libro 'to?
Napailing na lang ako at tumingin pa ng ibang libro. Puro tungkol na iyon sa madugong subject na Mathematics at Science. May ilang libro rin tungkol sa business at law.
Bakit lahat yat ng klase ng libro binabasa niya?
Lumabas na lang ako ro'n. Napatingin ako sa pinto ng silid ni Tiger. Nakalock kaya 'yon?
Lunapit ako ro'n at sinubukan 'yong buksan. Napangiti ako nang mapansing hindi nakalock 'yon.
Napasinghap ako nang makapasok ako sa kwarto niya. Grabe, mas malinis pa sa kwarto ng babae ang kwarto niya. Nahiya ako bigla, hinding hindi ko siya papapasukin sa kwarto ko sa bahay namin, para pa namang dinaanan ng bagyo 'yon.
Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. May balcony rin dito sa silid niya at may kalakihan ang kama niya, siguro kasya ro'n ang tatlong tao.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at umupo sa malambot na kama. Ang bango sa kwarto ni Tiger, naaamoy ko ang amoy ni Tiger sa paligid ng kwarto.
Natigilan ako at napagingin sa bedside table, may mga pictures na nakalagay ro'n. Napangiti ako at tiningnan ang picture. Picture 'yon ng Danger Zone noong mga bata pa sila, napahagikhik na lang ako, mukha silang mga inosenteng bata rito pero ngayon mukhang mga gangster na kulang sa aruga.
Napatingin ako sa isang picture, napahagikhik ako nang mapagtanto na si Tiger ang nasa picture. Sa karkula ko ten years old siya ng mga panahong 'to.
Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko at kinuhanan ng litrato ang picture ni Tiger noong bata siya saka ginawang wallpaper. Ang cute ng boyfriend ko, sarap kagatin.
Tingnan ko ang drawer sa bedside table. Napasinghap ako at kinuha ang picture frame na nandoon.
Napahagalpak ako ng tawa nang makita na picture ko ang nakalagay ro'n. Halatang stolen ang picture na 'to dahil blurred pa at abala ako sa paglalaro sa phone ko nang mga oras na 'yon.
"W-what are you doing?"
Natigilan ako nang hablutin ni Tiger mula sa 'kin ang picture frame. Namumula na naman ang mukha niya na tila nahihiya sa 'kin. Mas lalo akong natawa.
"Bakig ganyan ang picture ko? Pwede ka namang manghingi ng picture sa 'kin eh, hindi mo na kailangan na kuhanan ako ng palihim," natatawang sabi ko.
Napaiwas siya ng tingin sa 'kin at mas lalong namula ang mukha niya. Ang cute niya talaga, hindi ako magsasawang ulit-ulitin 'yon sa isip ko.
"N-nahihiya ako eh," sabi niya saka napatikhim.
Natigilan ako nang mapansin kong wala siyang suot na salamin, basa rin ang buhok niya kaya mas lalo siyang nagmukhang gwapo.
Napangiti ako, simpleng puting t-shirt at pajama lang ang suot niya pero ang gwapo niya pa rin. Grabe na talaga.
"Nasaan ba ang cellphone mo?" tanong ko.
Itinuro niya ang bedside table at nandoon nga ang phone niya. Bakit hindi ko napansin 'yon kanina?
Kinuha ko ang picture frame mula sa kanya at ibinalik 'yon sa bedside table. Hinila ko siya paupo sa tabi ko at kinuha ang phone niya.
"Magpicture tayo, ngumiti ka ha," sabi ko saka dinampian siya ng halik sa pisngi. Parang bata na tumango naman siya habang namumula na naman ang pisngi niya.
Natigilan ako nang stolen picture ko ang bumungad nang buksan ko ang phone niya. Natatawang napailing na lang ako habang si Tiger ay hiyang hiya na naman, lagi na lang siyang cute, bakit gano'n?
Pinindot ko ang camera, front cam. Itinapat ko sa amin ang phone, agad akong ngumiti sa camera.
Natigilan ako nang mapansin ko na medyo malayo sa 'kin si Tiger. Hinila ko siya sa braso at hinila siya palapit sa 'kin saka sinimulang magtake ng pictures.
Natatawa ako dahil halata sa mukha niya na naiilang siya sa pictures. Ang cute cute talaga ng boyfriend ko.
"Iyan, may pictures na tayo. 'Wag kang mag-alala dahil dadami pa 'to, laging tayong may pictures para 'di mo na ako kuhanan ng stolen pictures," pang-aasar ko sa kanya. Napaismid naman siya sa sinabi ko.
"Stop teasing me," nakasimangot na sabi niya.
Tumayo ako at umupo sa kandungan niya saka niyakap siya sa batok. Napasinghap naman siya sa ginawa ko, para talagang babae 'to kung magreact, ang cute lagi.
Pinaharap ko siya sa 'kin saka kinurot ang pisngi niya.
"Patay na patay ka ba talaga sa 'kin Tiger John?" natatawang tanong ko.
"Oo."
Ako naman ang natigilan sa isinagot niya. Seryoso siyang nakatitig sa 'kin na para bang sinasabi ng tingin niya na hindi siya nagbibiro.
Napakurap ako at pinadaloy sa isip ko ang sinabi niya. Grabe, oo lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko nagwawala na ang puso ko sa lakas ng kabog.
"P-patay na patay rin ako sa 'yo."
Siya naman ang natigilan. Napaiwas siya ng tingin sa 'kin saka napakamot sa kilay niya kasabay ng pamumula ng pisngi at tainga niya.
Kinikilig na naman ang tigre ko.
***
"Napapansin ko sa 'yo lagi kang blooming."
Napatingin ako kay Jam na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya. Magkaklase kasi kami ngayon sa isang minor subject.
"H-hindi naman," pagtanggi ko saka pabirong hinampas pa siya sa braso.
"Ako nalolosyang na dahil sa mga ipinapagawa ni Shark, ang sarap niya talagang tanggalan ng pangil," nakakunot-noong sabi niya.
"Anong losyang pinagsasasabi mo? Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?" nakataas-kilay na tanong ko sa kanya.
Kahit yata hindi magsuklay si Jam ay cute pa rin siya. Madalas ko ngang nahuhuli na nakatitig si Aaron sa kanya na scholar din gaya namin ni Jam.
Sabagay kahit si Shark ay nahuhuli ko na matiim na nakatitig sa kanya.
Hindi man siya sobrang ganda tulad ng iba na mapapalingon ka kapag dumaan, pero iba ang cuteness ni Jam. Pati ang personality niya cute rin eh, dagdag pa na slow siya. Lalo siyang nagiging cute.
Natigilan kami nang tumunog ang cellphone ni Jam. Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin bago sinagot ang tawag.
"Bakit na naman boss pating?!"
Natatawang napailing na lang ako saka binitbit ang bag ko. Sigurado ako na may gusto iyang si Shark kay Jam, magpapakalbo ako kapag wala.
Excited na lumabas ako ng room at nagtungo sa bench na lagi naming tinatambayan ni Tiger. Walang masyadong tao sa paligid, puro may mga klase pa yata.
Napangiti ako nang makita si Tiger na nakaupo na sa tambayan namin habang tutok na tutok sa phone nito. Nakakunot pa ang noo niya, naglalaro ba siya?
Agad akong umupo sa tabi niya saka dinampian siya ng halik sa pisngi, wala namang tao eh.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na hindi siya lumilingon sa 'kin, nanatili siyang nakatitig sa phone niya.
Natigilan ako nang mapansin ko na ang higpit ng hawak niya ro'n.
"Huy Tiger John, ano ba'ng tinitingnan mo?" tanong ko at sumilip sa phone niya.
Bumigat ang paghinga ko nang makita ko kung ano ang tinitingnan niya. Napalunok ako at kinakabahang tumingin kay Tiger.
"M-magpapaliwanag ako tigre."
Picture namin ni Cadence two years ago ang tinitingnan niya. Picture namin iyon, nakayakap si Cad sa baywang ko habang nakahalik siya sa pisngi ko.
Napasinghap ako nang tumayo siya at padabog na hinagis ang phone niya. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo ako at lumapit sa kanya.
"M-matagal na 'yon Tiger, w-wala na talaga 'yon promise," nauutal na sabi ko at humawak sa braso niya.
Natatakot ako sa kanya ngayon, para siyang manununtok anumang oras.
"I hate liars Ailee, no, I f*****g loathe them."
Mabigat din ang paghinga niya habang nakatingin ng masama sa 'kin.
"H-hindi ko naman intensyon na magsinungaling, m-mukha ka kasing galit no'n kaya hindi ko nasabi ang totoo. S-saka wala na talaga si Cad sa 'kin, p-please maniwala ka."
Sinubukan ko siyang lapitan pero agad siyang lumayo na para bang may nakakahawa akong sakit.
Pero ang mas nagpadurog ng puso ko ay ang sumunod na sinabi niya...
"Lumayo-layo ka muna sa 'kin, utang na loob. Baka may magawa ako na hindi mo magustuhan."