Chapter 3

2609 Words
"Pst!" Napatingin sa 'kin si Tiger. Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa laylayan ng damit niya. Tapos na ang klase ko ngayong araw, hindi ko alam kung gano'n din siya. Basta pumunta na lang ako rito sa bench na lagi naming tinatambayan dalawa. "Why?" tanong niya. Humaba ang nguso ko dahil masungit pa rin ang boses niya. "Galit ka pa ba sa 'kin?" tanong ko saka humawak sa braso niya. Ang tigas ng braso niya. Nai-imagine ko tuloy minsan ang hitsura niya kapag topless. Halata naman kasi na maganda ang pangangatawan niya. Hindi siya sumagot at tuloy lang sa pagbabasa ng libro. Mas lalo akong napasimangot, hindi pa ba kami bating dalawa? "Tiger, sorry na nga kasi. Hindi ko na kakausapin si Cad forever," sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko. Natigilan ako nang isara na niya ang binabasa niyang libro. Napalunok ako nang tumingin siya sa 'kin. Galit ba talaga siya ng sobra sa 'kin? Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Hindi siya nagsasalita habang hawak pa rin ang kamay ko habang naglalakad kami. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang ipagsalikop niya ang mga daliri namin. Kinikilig talaga ako kapag ginagawa niya 'yon. "Hindi ako galit." Natigilan ako sa sinabi niya. Diretso lang ang tingin niya at hindi siya natingin sa 'kin at tuloy lang sa paglalakad. Tumigil ako at hinawakan siya ng mahigpit sa braso para patigilin siya. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin. "H-hindi ka talaga galit?" tanong ko habang seryosong nakatitig sa kaniya. Napabuntong hininga siya at lumapit sa 'kin saka hinawakan ang pisngi ko at marahang hinaplos 'yon. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya at napalunok. Pakiramdam ko bumibigat na naman ang paghinga ko dahil sa ginawa niya. "I'm not mad at you because I don't have the courage to do so," seryosong sabi niya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko. Ang sarap sa pakiramdam, parang pinapagaan ang loob ko ng haplos niya sa pisngi ko kahit may kalakihan ang kamay niya. Pakiramdam ko nga masasakop no'n ang mukha ko. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. Natigilan siya sa ginawa ko at napatayo ng tuwid. Napakunot naman ang noo ko sa inasal niya. Ano'ng nangyayari sa kaniya. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin sa 'kin. Natawa ako nang hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. Napahagikhik ako at kinuha ang kamay niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Muli siyang napatikhim saka tumingin sa 'kin. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko, ang ganda talaga ng mga mata niya. Para akong nalulunod sa magandang kulay no'n. "Wala ka na bang klase?" tanong niya. Tumango naman ako. "Bakit mo naitanong?" "H-hindi pa tayo nagd-date," nauutal na sabi niya. Natigilan ako, sa pagkakaalam ko ay nagd-date naman kami. Nakain kami sa restaurant, napunta sa mall, madalas binibilhan niya ako ng mga pagkain dahil palagi kong sinasabi na ayoko na binibigyan ako ng mamahaling bagay dahil hindi ko naman kailangan 'yon. "Nagd-date naman tayo lagi ah," sabi ko saka ibinaling ang tingin sa kaniya. Napakagat siya sa ibabang labi niya bago napabuntong hininga. Ang gwapo niya kapag ginagawa niya 'yon, para siyang nang-aakit na halikan ko siya pero syempre alam ko naman na hindi 'yon ang gusto niyang iparating. Wala nga yata siyang kamalay-malay na makalaglag panty ang kagwapuhan niya eh. "I mean... we don't have a proper date," sabi niya saka napakamot sa batok niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Kailangan pa ba ng proper date? Kahit simpleng date ayos lang sa 'kin basta ikaw ang kasama ko." Napakurap siya sa sinabi ko saka napalunok. Gusto kong matawa nang mapansin ko na namumula na naman siya. Kinikilig ako kapag nakikita ko siyang kinikilig sa 'kin. Ewan ko ba, hindi na yata ako normal. "Pero kung gusto mo na magdate tayo, edi sige. Okay lang sa 'kin," sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kaniya. "G-gusto kong magdate tayo," sabi niya saka mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko pero hindi naman masakit. Komportable nga ako lagi kapag hinahawakan niya ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit. "Let's go!" ***  "Dito mo gusto na magdate tayo?" Umupo ako sa upuan sa may picnic field, hinila ko naman siya paupo sa tabi ko. "Tingnan mo ang paligid, may mga pamilyang masaya rito. Ang sarap nilang panoorin, saka diba dito kita sinagot? Special ang lugar na 'to para sa 'tin." Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa paligid. Ang sarap i-drawing ng tanawin na nakikita ko ngayon. Natigilan ako nang may maisip ako. Agad kong kinuha ang bag ko mula kay Tiger at kinuha ang lapis at sketch pad doon. "Tiger, gusto mong i-drawing kita?" Natigilan siya sa sinabi ko at halatang nagulat. "Marunong ka magdrawing?" tanong niya. "Hindi sa pagmamayabang pero magaling talaga ako magdrawing. Dapat nga art related course kukuhanin ko kaso ayaw ni Papa kaya wala akong choice kundi ang kumuha ng business course," pagk-kwento ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa 'kin. "Do you want me to talk to your father? I want you to take the path that you really want," may bahid ng pag-aalala na sabi niya. Napangiti na lang ako saka umiling bilang pagtanggi. "Hindi na kailangan beh." Natigilan ako sa sinabi ko, agad akong napakagat sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Ngayon ko na lang siya ulit natawag na beh, nakakahiya pa rin talaga. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko saka ngumiti sa 'kin. "Bakit naman beh?" Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Ang lalim ng boses niya, baritono. Hindi bagay sa boses niya ang salitang beh pero sinabi niya pa rin para lang 'wag akong mahiya sa kaniya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa kilig na pinipigilan ko. "K-kasi okay lang, wag mo na 'yong isipin hehe," naiilang na sabi ko saka nagpeace sign sa kaniya. Napailing na lang ako at agad na tinapik sa balikat si Tiger at inayos ang pagkakaupo niya. Nakakunot ang noo niya sa ginagawa ko pero hindi naman siya nagp-protesta. "Id-drawing na kita, pwede ka namang gumalaw pero wag kang malikot masyado ha." Parang mabait na estudyante na tumango lang siya sa sinabi ko. Napangiti na lang ako at bahagyang lumayo sa kaniya para iguhit siya. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ano. Natatawa na lang ako habang napapailing, ang cute niya talaga lagi. Alam niya kaya na sobrang cute niya? Mukha kasing hindi siya aware. Medyo binilisan ko na lang ang pagguhit, hindi ko na inartehan o ginawang detalyado dahil baka mangawit na si Tiger. Saka mahirap din para sa 'kin na magdrawing dahil wala akong patungan. Pero kaya ko pa rin naman na pagandahin ito kahit papano. Mahigit isang oras din yata ang nakalipas nang matapos ako. Excited na tumakbo ako papalapit kay Tiger at ipinakita sa kaniya ang drawing ko. Inayos niya muna ang salamin niya para makita ng ayos ang drawing. Napalunok ako kasabay ng pagbigat ng paghinga ko, ngayon ko naramdaman ang kaba sa magiging reaksyon niya. Napangiti rin ako nang mapangiti siya habang nakatitig sa drawing ko. Napakagat siya sa ibabang labi niya kasabay ng kaunting amumula ng pisngi niya. "Ang galing mo magdrawing Ailee," puno ng sinseridad na sabi niya saka ibinaling ang tingin sa 'kin. Lalo naman akong napangiti sa sinabi niya. Sanay na akong makarinig ng puri sa mga drawing ko, pero iba ang pakiramdam kapag galing kay Tiger. Nakakakilig, pakiramdam ko may kung ano sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. "Hehe, minadali na nga 'yan eh," pa-humble na sabi ko saka inipit ang ilang hibla ng buhok sa ilalim ng tainga ko. "Wow! Ang ganda ng drawing." Natigilan kaming pareho ni Tiger nang may humablot ng sketch pad ko. "f**k you Lion! Give it to me!" Hindi nakinig si Lion at ipinakita pa iyon sa isa nilang kaibigan na sa pagkakaalala ko ay Bullet ang pangalan. "Ang ganda," sabi naman ni Bullet habang nakatingin sa drawing ko. Tumango naman si Lion bilang pagsang-ayon. "Grabe, sana drawing ka na lang Tiger, baka natuwa pa 'ko," pang-aasar ni Lion habang hindi maalis ang tingin sa drawing ko. Nagtataka rin naman ako kay Lion, bakit lagi na lang siyang sumusulpot kung saan-saan? "Ano ba'ng ginagawa niyo rito?!" masungit na tanong ni Tiger. Nagiging tigre siya, nakakakilig. "Hindi ka namin sinundan tanga, may binili lang kami tapos nakita namin kayo," sabi naman ni Bullet. "Ailee, ang galing mo magdrawing, idrawing mo nga rin ako," sabi ni Lion na nagpakunot ng noo ni Tiger. "No, she won't draw your stupid face. Now leave before I f*****g skin you alive," masungit na sabi ni Tiger saka hinablot ang sketch pad mula kay Lion. "Oo na, ang damot," bulong nito saka napaismid. "Halika na kasi, gusto ko ng matulog," sabi ni Bullet at hinila sa kwelyo si Lion. Natawa na lang ako nang makaalis na sila. Mukha lang nakakatakot ang Danger Zone base sa pagkakalarawan ng iba sa kanila pero para sa 'kin mukha lang silang normal na magt-tropa na nagkakaasaran. "Bakit ayaw mong idrawing ko si Lion?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa tanong ko at nakatingin lang sa dinrawing ko. "E-ewan ko, basta ayoko lang." Napangiti na lang ako at napailing sa sinabi niya. Cute pa rin siya sa paningin ko kahit sobrang weird niya. "Tiger, ilang taon ka na?" "20." Napatango na lang ako, isang taon lang pala ang tanda niya sa 'kin pero matured na siya kung titingnan. "Tiger, saan ka nakatira?" tanong ko pa. "Sa unit ako natutulog," sagot naman niya. Napatango na lang ako. "Ano ba ang hilig mong gawin?" tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya dahil siguro puro ako tanong. "Lagi akong nagbabasa ng mga libro, pero hindi 'yon ang hilig kong gawin," sagot naman niya. "Ano pala ang hilig mong gawin?" "I really love playing musical instruments, especially when I'm alone." Napasinghap ako sa sinabi niya. Gulat na napatingin ako sa kaniya. "Seryoso?" tanong ko. Ngumiti naman siya saka tumango. Napakagat ako sa ibabang labi ko at in-imagine na nagpapatugtog siya. Grabe, hindi halata sa kaniya na mahilig siya sa musical instruments. "Ano-anong musical instrument ang kaya mong patugtugin?" tila excited na tanong ko. "Hmm, I can play guitar, piano, drums and flute." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya saka napapalakpak. Grabe, hindi ko talaga inexpect na marunong siya ng mga 'yon, akala ko puro pagbabasa at pag-aaral lang ang kaya niyang gawin. "Do you want me to play one for you?" tanong niya. Agad akong tumango. "Pero wala naman tayong dalang instrument," nakangusong sabi ko. "That's not a problem." Napatingin na lang ako sa kaniya nang tumayo siya at lumapit sa isang lalaki na may hawak na gitara na kasama ang girlfriend yata nito. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo ang pwesto nila sa 'kin. Napansin ko na ngumiti ang lalaki sa kaniya saka inabot sa kaniya ang gitara. Napaupo ako ng tuwid nang naglakad na si Tiger papalapit sa 'kin bitbit ang gitara na hinihiram niya. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko, excited na 'ko. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang gitara. "Ano'ng gusto mong kanta?" Napahawak ako sa baba ko, marami akong paboritong kanta kaya ang hirap mag-isip. Natigilan ako nang maalala ko ang wedding song nina Mama at Papa na laging kinukwento sa 'kin ni Mama. "Alam mo 'yong I'll be ni Edward McCain?" tanong ko. Natigilan siya saglit saka tumango. "Yes, that's one of my favorite," nakangiting sabi niya. Tumikhim muna siya saka inayos ang gitara. Huminga muna siya ng malalim saka inayos ang salamin niya sa mata bago nagsimulang tumugtog. Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya, ang gwapo niya kapag naggigitara. "The strands in your eyes that color them wonderful, Stop me and steal my breath, Emeralds from mountains and thrust towards the sky, Never revealing their depth~" Napaawang ang labi ko nang kumanta rin siya habang nagg-gitara. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko nagwawala na naman ang puso ko dahil sa ginagawa niya. "Tell me that we belong together, Dress it up with the trappings of love, I'll be captivated, I'll hang from your lips, Instead of the gallows of heartache that hang from above~" Tumingin siya sa 'kin habang kumakanta siya. Napalunok ako habang lumalaban ng titig sa kaniya. Wala na akong pakialam sa mga tumitingin sa kaniya na tila humahanga sa kaniya. "I'll be your cryin' shoulder, I'll be love suicide, I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life~" Pakiramdam ko may humaplos sa puso ko nang matapos siya kumanta. Ang galing galing niya kumanta, hindi ko alam na maganda pala ang boses niya. Saka sa bawat linyang kinakanta niya, parang pinapahiwatig niya na para sa akin ang kinakanta niya. Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa 'kin. Natawa ako nang mapansin ko na namumula na naman ang pisngi niya na tila ba nahihiya siya sa 'kin. "Bakit? Nahihiya ka ba?" natatawang tanong ko. Napakamot na lang siya sa batok niya saka tumango. "M-may mga nanonood, s-saka nahihiya ako sayo," nakatungong sabi niya saka napabuntong hininga. Napahagikhik ako saka natatawang hinampas siya sa braso. "Ang galing mo kaya kumanta saka mag-gitara. Dapat nga maging proud ka kasi ako, proud na proud sa 'yo." Tumingin siya sa 'kin pero halata pa rin na nahihiya siya. "I love you." Napakurap ako sa biglang sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. "I-I will do everything to be the best boyfriend for you, I want the best for you Ailee. I'm willing to change myself and go out of my comfort zone because I don't want to bore you." Natigilan ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya. Napangiti ako habang nakatitig sa berdeng mga mata niya. Ano ba ang ginawa ko sa past life ko at ipinagkaloob sa 'kin si Tiger John Falcon? "Hindi mo naman kailangang baguhin ang sarili mo Tiger, kaya nga kita nagustuhan dahil kakaiba ka sa lahat ng lalaki na nakilala ko. Tanggap kita kahit ikaw ang pinakaweird at pinakamahiyaing lalaki na nakilala ko," natatawang sabi ko. Ayoko ng ideya na babaguhin niya ang sarili niya para sa 'kin. Gusto ko ang Tiger ngayon na kilala ko. "You're the one I want to marry and spend my whole life with," sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Napakurap naman ako sa sinabi niya dahil sa pagkagulat. "N-naiisip mo na magpapakasal tayo balang araw?" Natigilan siya saka napaiwas ng tingin sa 'kin at gaya ng inaasahan ko, namumula na naman ang pisngi niya. "I know that's weird, s-sorry," nauutal na sabi niya. Napangiti na lang ako at lumapit sa kaniya saka siya dinampian ng halik sa pisngi. Nagulat naman siya sa ginawa ko at mas lalong namula ang pisngi niya. "Hindi naman weird 'yon, nakakagulat lang kasi 'yong iba hanggang landian lang ang gusto. Pero ikaw iba ang nasa isip mo," natatawang sabi ko saka kinurot ang pisngi niya. Napalunok naman siya habang nakatitig sa 'kin. Para siyang may gustong sabihin kaso nahihiya siya. "C-can I kiss you Ailee?" tanong niya. Napakurap ako sa tanong niya pero tumango rin ako. "O-okay lang." Lumapit siya sa 'kin at dinampian ng halik ang labi ko. Napangiti na lang ako nang mas lalong tumingkad ang pamumula niya. Kahit na ang awkward niya lagi kasama, ramdam na ramdam ko ang sincerity niya sa 'kin. Kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan. "I love you Ailee."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD