"How's your day?"
Napatingin ako kay Tiger nang hawakan niya ang kamay ko. Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin sa paligid. May mga estudyanteng natingin sa amin ni Tiger, medyo nahihiya ako.
Natigilan ako nang bitawan ni Tiger ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya, agad naman siyang napaiwas ng tingin sa 'kin saka napatikhim.
"S-sorry, you can tell me if I'm crossing the line," tila nahihiyang sabi niya saka napakamot sa batok niya na lagi niyang ginagawa kapag nahihiya siya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko upang kontrolin ang pagngiti ko. Kinikilig na naman ako sa kaniya kahit hindi naman niya ako hinaharot ng sobra.
Lumapit ako sa kaniya at ako na mismo ang humawak sa kamay niya, natigilan naman siya sa ginawa ko.
"W-what are you doing?" nauutal na tanong niya. Ngumiti lang ako ng matamis sa kaniya.
"Masama bang hawakan ang kamay ng boyfriend ko?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko na napalunok siya kasabay ng kaunting pamumula ng pisngi niya.
Gusto kong bumalik sa dorm at magtatalon sa kama dahil sa hitsura niya ngayon. Aware ba siya na ang cute niya lagi sa paningin ko?
"H-hindi naman," sabi na lang niya saka inayos ang salamin niya sa mata.
Pinaupo ko siya sa bench, agad naman akong umupo sa tabi niya. Napatingin ako sa paligid, ayos, kaunti na lang ang mga estudyante. Awkward na nga kaming dalawa ni Tiger tapos may audience pa, mas lalong naging awkward.
"Malabo ba talaga ang mga mata mo?" tanong ko sa kaniya. Napakamot siya sa buto ng matangos na ilong niya saka siya tumango.
"Diba gangsters kayo? Paano kapag may magaganap na suntukan gano'n, paano ka lalaban kung malabo ang mata mo?" tanong ko pa.
Alam ko walang sense ang mga tinatanong ko sa kaniya, gusto ko lang talaga na may mapag-usapan kami. Saka nahihiya na 'ko sa kaniya, siya na lang lagi ang nagbubukas ng topic sa 'ming dalawa. Ako naman ang mag-e-effort ngayon.
"Ahm, nagamit ako ng contact lense minsan," sagot naman niya. Napatango na lang ako.
Tinitigan ko ang mukha niya. Wala talagang tapon sa hitsura niya, makinis ang mukha, matangos ang ilong niya na bumagay sa may kakapalan niyang kilay na laging nahaharangan ng bagsak niyang buhok, lalaking lalaki siya sa paningin ko dahil do'n, lalo na ang labi niya, lagi akong napapatingin doon dahil parang inaakit ako lagi. Nahihiya nga ang labi ko sa kaniya eh, mas maganda ang labi niya kaysa sa 'kin. Pero ang pinakagusto ko sa parte ng mukha niya ay ang mga mata niyang kulay berde na parang kulay d**o. Lalo siyang naging gwapo dahil do'n.
"Ahm, w-why are you looking at me like that?" nahihiyang tanong niya at namumula na naman ang pisngi niya.
Napahagikhik ako, kung nababasa lang ni Tiger ang isip ko baka makipagbreak siya sa 'kin dahil puro ang laman no'n ay...
'Ang cute mo Tiger, sobrang cute mo... gusto rin kitang i-kiss. Ang cute cute mo talaga to the 99999th power.'
"Halika lapit ka," sabi ko at hinila siya papalapit sa 'kin. Napakamot na lang siya sa kilay niya pero lumapit din naman.
Dahan-dahan kong tinanggal ang salamin niya. Napahawak ako sa baba ko saka matiim na tinitigan siya. Tila nawiwirdohan naman siya sa ginagawa ko pero hindi niya naman ako pinipigilan at hinahayaan na lang ako sa trip ko sa buhay.
Napatango ako nang malaman ko na kung ano ang kulang. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya. Hinawakan ko ang may kalambutan niyang buhok, ang shala ng tigre ko, dinaig ang buhok ko.
Sinubukan kong iangat ang bagsak niyang buhok. Nakabagsak kasi ang buhok niya, nagmumukha siyang supladong genius na nerd.
Gamit ang kanang kamay ko, kumuha ako ng itim na hair clip sa bulsa ko at inipit ang buhok niya para hindi bumagsak. Nahaharangan kasi talaga ang noo niya at kilay niya.
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at tiningnan ang hitsura niya. Napaawang naman ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. Mukha namang nahihiya na naman siya sa 'kin dahil namumula na naman siya saka hindi siya makatingin sa 'kin ng ayos.
"Ang gwapo mo!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatalon pa 'ko dahil sa kilig.
Gwapo na talaga siya kahit nerdy ang hitsura niya pero grabe... mas gwapo siya ng sampung beses kapag walang salamin at kapag nakataas ang buhok. Mukha siyang bad boy sa w*****d!
Natigilan ako nang may mapagtanto ako. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at nagmamadaling isinuot sa kaniya ang salamin saka tinanggal ang itim na hair clip sa buhok niya.
Natigilan naman siya sa ginawa ko at tila naguguluhang napatingin sa 'kin.
Naningkit ang mga mata ko at napatingin sa paligid kung may nakatingin sa 'min. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin na wala naman.
Napatingala siya sa 'kin, nakatayo kasi ako at siya naman ay nakaupo pa rin sa bench kaya mas mataas ako sa kaniya kahit parang hindi.
"H-hindi ba bagay sa 'kin?" tanong niya.
"Hindi sa gano'n," nakangusong sabi ko na lang.
"Eh bakit ka nagkagano'n?" tanong niya pa. Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Ang gwapo mo masyado kanina, nasobrahan. Nerdy ka na nga sa lagay na 'yan pero ang dami ng nagkakacrush sa 'yo, paano na lang kapag wala kang salamin saka nakataas ang buhok ko? Baka maging kaagaw ko na ang lahat ng estudyante rito," paghihimutok ko.
Natahimik siya sa sinabi ko at napakurap lang habang nakatingala sa 'kin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Baka isipin niya ang possessive ko masyado.
Napaiwas din siya ng tingin sa 'kin. Nagtaka ako sa kinilos niya saka napatitig sa kaniya. Napakurap ako nang mapansin kong namumula na naman siya. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan na mapahagikhik. Ang cute niya na naman.
"A-ayaw mo ba na may ibang nag-gwapuhan sa 'kin?" nauutal na tanong niya saka tumingin sa 'kin kahit halata na naiilang pa rin siya. Napalunok ako saka tumango.
Natigilan ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Agad na nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko nang yakapin niya ang baywang ko at isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Sana talaga mabango ang tiyan ko, nahihiya ako ng sobra.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko dahil medyo nakikiliti ako sa matangos niyang ilong na nasa tiyan ko. Nakakahiya, sana malambot 'yong tiyan ko saka mabango.
"G-ganito pala 'yong kilig," sabi niya habang nakayakap pa rin sa 'kin.
Inalis niya ang pagkakasubsob sa tiyan ko saka tumingin sa 'kin. Napakunot ang noo ko.
"H-hindi ka pa ba nagkaroon ng girlfriend?" tanong ko.
Halata kasi na wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon, medyo awkward gano'n. Pero hindi naman ako nagrereklamo, hindi ko nga alam kung bakit gusto ko pa rin siya kahit na lagi naman kaming walang mapag-usapan kapag magkasama kami.
"Nagkaroon naman, pero hindi ko siya gusto," sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
Kahit nawirdohan ako sa sinabi niya ay hindi na lang ako nagtanong at umupo na lang sa tabi niya.
"How about you?" tanong niya. Napasinghap ako at agad akong umiling sa tanong niya.
"Hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend," umiiling na sabi ko na may kasama pang hand gestures. Natawa naman siya sa sinabi ko, ang gwapo niya lalo kapag natawa siya.
"Hindi 'yon baliw," natatawang sabi niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Hmm, kung ang itatanong mo eh kung nagkaroon na 'ko ng boyfrien... oo, nagkaroon na ako ng boyfriend kaso isa lang. Saka two years ago na rin no'ng naghiwalay kami," sabi ko naman habang nakatingin sa kaniya. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"How old are you?" seryosong tanong niya. Napakurap ako at napalunok bago sumagot.
"N-nineteen," sagot ko naman.
Mukhang dapat akong masanay sa pabago-bagong mood niya. Minsan nakakakaba lalo na kapag ganiyang kaseryoso ang boses niya.
"You mean, you'd been in a relationship when you were seventeen?" nakakunot-noong tanong niya. Napalunok ako saka tumango, bakit ba ganiyan ang hitsura niya? Mukha siyang manununtok.
Napaiwas naman siya ng tingin sa 'kin nang mapansin niya yata na medyo kinakabahan na ako sa kaniya. Napabuntong hininga siya saka muling tumingin sa 'kin saka ngumiti.
"Did I scare you? I'm sorry and don't worry I'm not mad," paliwanag niya saka napakamot sa batok niya.
"O-okay lang, saka 'wag mo ng isipin 'yong ex ko dati. Hindi rin naman kami seryoso sa isa't isa saka wala lang 'yon," sabi ko saka pabirong hinampas siya sa braso para mawala ang awkwardness.
"Ailee, ano ba'ng type mo sa lalaki?" tanong niya.
Natigilan ako matiim siyang tiningnan para malaman kung nagbibiro ba siya. Napakurap na lang ako nang mapansin na mukhang seryoso nga talaga siya sa tinatanong niya.
"B-boyfriend na kita, bakit mo pa tinatanong 'yan?"
"W-wala lang, gusto ko lang malaman," tila nahihiyang sabi niya dahil hindi siya makatingin ng ayos sa 'kin.
"Ahm, gusto mo ng honest na sagot?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya ng seryoso sa 'kin at napalunok na tila kinakabahan sa sasabihin ko.
"Ang totoo niyan, gusto ko sa lalaki ay 'yong madaldal at hindi nauubusan ng kwento. Malakas ang dating ng matatalino pero syempre walang kwenta 'yon kung maboboring ako na kausap ka," dire-diretsong sabi ko.
Napatingin ako sa kaniya nang mapansin kong natahimik siya. Kinalabit ko siya sa braso para naman gumalaw siya kahit papano.
"B-bakit mo 'ko nagustuhan? I mean... h-hindi naman ako madaldal, hindi ako ang type mo," sabi niya habang hindi makatingin sa 'kin ng ayos.
"H-hindi ko nga rin po alam eh," sabi ko na lang saka pinaglaruan ang keychain ko na pusa sa bag.
Makalipas ang ang ilang minuto naming pananahimik, tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako patayo saka pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mapatili sa kilig.
"May klase ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
"Maya-maya pa."
Naglakad na kami habang magkahawak-kamay, kaunti na lang naman ang mga estudyante kaya hindi ako masyadong naiilang.
"Hoy!"
Natigilan ako nang mapansin ko na may pamilyar na lalaking patungo sa pwesto namin.
"Naks, ayos 'yan tigre, May girlfriend ka na ngayon," nakangising sabi ng lalaki saka inakbayan si Tiger.
"Shut up Lion," masungit na sabi ni Tiger saka inalis ang pagkakaakbay nito sa kaniya.
"Hello Miss ganda, ikaw ba si Ailee? Nako, lagi kang nababanggit ni Tiger sa 'kin, akala ko nga obsessed na siya sa 'yo---aray!" Binitawan ni Tiger ang kamay ko saka sinipa ang binti ni Lion.
"Grabe tigre, wala kang utang na loob. Nasaktan ang feelings ko, ako ang nagsabi sa 'yo ng mga technique para maging crush ka ng crush mo tapos gaganituhin mo pa 'ko," tila nagdadramang sabi ni Lion.
"Manahimik ka na lang pwede? Napipikon na 'ko," sabi naman ni Tiger habang nakatingin ng masama kay Lion.
Pero ang pinakanapansin ko sa kaniya ay ang kaunting pamumula ng pisngi niya. Mukhang hindi naman siya nagagalit, nahihiya lang talaga siya sa 'kin.
Natigilan siya nang hawakan ko siya sa braso, napatingin siya sa 'kin.
"Nahihiya ka ba sa 'kin?" bulong ko sa kaniya para hindi marinig ni Lion.
Hindi siya nakasagot agad, napakurap siya saka mas lalong namula ang mukha niya. Napahagikhik ako, gustong gusto ko talaga kapag nahihiya siya sa 'kin, pakiramdam ko ako ang lalaki tapos pinapakilig ko siya.
"Ayos yan, iwan ko muna kayo kasi mukhang epal lang ako. By the way Tiger, wala ka ng kailangan baguhin sa sarili mo, mukhang gusto ka ni Ailee kahit ganiyan ka," natatawang sabi ni Lion saka tinapik sa balikat si Tiger bago umalis.
Ako naman ang natahimik, napakurap ako kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko. Halata ba masyado na gustong gusto ko si Tiger?
Nagkatinginan kaming dalawa, pero agad din kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa.
Napakagat na lang ako sa ibabang ko nang maramdaman kong muli niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin na lang ako sa kaniya saka ngumiti.
***
"Nako feeling ko talaga kayo ang magkakatuluyan ng pating na 'yon."
Napangiwi ang ka-share ko sa dorm na si Jam dahil sa sinabi ko. Siguro hindi niya lang talaga ma-imagine ang sarili niya na makakatuluyan si Shark.
Ako kasi malakas ang feeling ko na may gusto sa kaniya si Shark kahit lagi siyang binubully. Nako, kapag nagkatuluyan sila magp-propose ako kay Tiger.
"Ewan ko sa 'yo Ailee, kung ano anong pinagsasasabi mo," sabi niya habang inaayos ang bag niya.
"Hay nako, bahala ka," sabi ko na lang saka tumingin sa salamin.
Maganda na ba ako? Baka naman masyado akong ssimple, baka ma-turn off sa 'kin si Tiger pero sabi naman niya mas gusto niya ang mga simpleng babae.
Napahagikhik ako nang maalaka ko 'yon.
"Huy, bakit natawa mag-isa?" tanong ni Jam saka isinukbit ang bag niya.
"Ahm, m-may naalala lang ako na joke. Hahaha!" sabi ko saka tumawa ng pilit. Napakunot ang noo niya sa ginawa ko pero napakibit balikat na lang siya at lumabas na ng dorm.
Hinampaa hampas ko ang sarili ko nang makaalis na siya. Ano ba 'yan? Hindi ko na naman makontrol ang kilig ko kapag naaalala ko si Tiger.
Napailing na lang ako at inayos ang sarili ko saka lumabas ng dorm. Excited na 'kong makita si Tiger.
Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko. Agad kong tiningnan ang text message sa 'kin.
From: Tiger John Falcon
Good morning
Napangiti ako sa text niya, normal pa ba ako? Kinilig na ako agad sa good morning niya na may heart emoji. Napailing na lang ako at nagtipa ng reply sa kaniya.
Good morning Tiger
Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko habang naglalakad patungo sa tinatambayan kong bench. Maya-maya pa naman ang simula ng klase ko.
Natigilan ako nang magvibrate ulit ang phone ko. Nagmamadali kong kinuha 'yon mula sa bulsa ko. Mukhang may reply na si Tiger sa 'kin.
From: Tiger John Falcon
I want to marry you and have kids with you in the future.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko saka muling binasa ang nasa text. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ang lakas ng kabog no'n.
Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Tiger.
Huminga muna ako ng malalim at pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko dapat ipahalata na sobra akong naapektuhan sa text niya. Baka isipin niya deads na deads ako sa kaniya.
"H-hello?"
"Ahm, s-sorry tungkol sa text na nareceive mo, s-si Lion ang nagsend no'n," paliwanag niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, ewan ko ba, medyo nadisappoint ako na hindi pala siya ang nagtext no'n.
"O-okay lang, naiintindihan ko naman," sabi ko na lang.
"O-okay, see you later."
Napabuntong hininga na lang ako matapos kong ibaba ang tawag.
"Miss."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon malapit sa pwesto ko. Napakunot ang noo ko dahil sa 'kin siya nakatingin.
"Bakit po?" tanong ko sa kaniya.
"Pwedeng pa-upo?" tanong niya saka napakamot sa batok niya. Tumango naman ako at medyo umusod para makaupo siya.
"Thank you," nakangiting sabi niya saka umupo na sa tabi ko. Pero hindi naman kami sobrang magkalapit.
"Anong trip mo?" tanong ko sa kaniya.
Natawa naman siya sa sinabi ko saka uminom ng tubig. Napataas na lang ang isang kilay ko nang bahagya niyang ginulo ang buhok ko.
"Ang sungit mo naman ex-girlfriend," natatawang sabi niya saka inabutan ang ng tubig na ininuman niya na agad ko namang tinanggihan.
"Wala ako sa mood Cad, baka sipain kita palabas ng school na 'to," nakakunot-noong sabi ko. Gaya ng inaasahan ko, tinawanan niya lang ako.
"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin, o kaya naman tanungin ako kung bakit ako nandito?" nakangising tanong niya. Inirapan ko lang siya, hindi pa rin siya nagbabago.
"Nako, tigilan mo 'ko Cadence," napapailing na sabi ko na lang.
"Sasabihin ko pa rin kahit hindi mo tinatanong. Okay naman ako, saka nandito ako dahil dito na 'ko mag-aaral. Angas no'n diba? Malay mo magkabalikan pa tayo," pabirong sabi niya saka itinaas baba pa ang kilay niya. Mahinang natawa na lang ako saka napailing.
Siya ang nag-iisang naging ex ko na si Cadence Lettiere. 17 years old lang ako noong nagkaroon kami ng relasyon at siya naman ay 19 ng mga panahong 'yon kaya malamang 21 years old na siya.
Napaisip ako bigla, ilang taon na kaya si Tiger? Naging boyfriend ko siya nang hindi ko man lang nalalaman ang simpleng bagay tungkol sa kaniya.
"Manahimik ka, may boyfriend na 'ko," sabi ko na lang.
"Ouch, ang sakit naman Ailee ko," sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya na tila nasasaktan.
Alam ko naman na wala lang sa kaniya iyon, saka hindi naman kami seryoso pareho no'ng nagkaroon kami ng relasyon. Isang buwan nga lang ang itinagal namin eh.
"Si Tiger ang boyfriend mo diba?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya.
"Bakit alam mo?" tanong ko.
"Nakita kayong magkaholding hands kahapon. Angas niyo nga eh, para kayong constipated dalawa, masyadong awkward," natatawang sabi pa niya. Tiningnan ko siya ng masama, hanggang ngayon malakas pa rin siya mang-asar.
"Joke lang baby Ailee, mukha kang manununtok," natatawang sabi niya saka inakbayan ako at ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa.
"Ailee."
Natigilan ako nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Agad kong inalis ang pagkakaakbay ni Cad sa 'kin.
Hinawakan ni Tiger ang kamay ko at hinila ako patayo saka ibinaling ang tingin kay Cad na parang walang pakialam kahit halos patayin na siya sa tingin ni Tiger.
"Long time no see Falcon," nakangising sabi ni Cad.
Napakunot ang noo niya sa sinabi niya. Magkakilala sila?
"Damn, you look cool Falcon. Mukha kang good boy, pero mas gusto ko kapag nasa underground battle ka, halimaw," nakangising dagdag pa nito.
"Shut the f**k up and get lost fucktard."
Napakurap na lang ako nang hilahin ako ni Tiger palayo kay Cad. Napalunok ako dahil sa kaba. Galit ba siya?
Tumigil kami nang makarating kami sa pool area, walang tao rito eh.
"Why are you with that guy?" nakakunot-noong tanong niya.
"Ahm, u-umupo siya bigla ro'n eh," nauutal na sabi ko.
"Bakit siya naka-akbay sa 'yo?" tanong pa niya.
Sasabihin ko ba na naging ex ko si Cad? Kinakabahan kasi ako, baka lalo siyang magalit. Saka wala na rin naman akong pakialam kay Cadence.
"Ahm, k-kaibigan ko siya eh."
Natahimik lang siya sa sinabi ko habang seryosong nakatingin sa 'kin. Napalunok ako sa tindi ng intensidad ng pagtitig niya, mukha talaga siyang galit, nakakakaba.
"Kaya kong maging mabait Ailee."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Pinipilit kong maging mabait at 'wag kang ikulong sa 'kin dahil ayokong matakot ka... pero masama akong magalit."
Napakurap ako sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kakaibang emosyon na naramdaman ko na hindi ko maintindihan.
Napakuyom ang kamao niya saka siya huminga ng malalim. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng panga niya.
"So I hope you won't do something that will enrage me, I don't want to scare you in any way Ailee," sabi nito habang nakatitig sa 'kin ng seryoso.
"Do you understand?" tanong niya habang puno ng intensidad na nakatitig sa 'kin. Napatango na lang ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko.
Ang gwapo niya lalo kapag nagagalit.