Ailee Blaine Robles
"Okay na okay sa school na 'to, parang langit!"
Natawa naman sina Mama sa kabilang linya na tila nae-excite.
Napapatingin sa 'kin ang mga sosyal na estudyante rito sa Farthon University pero wala akong pakialam sa kanila. Basta ang saya ko!
"Talaga baby girl?! Nako, magsend ka ng pictures sa 'kin ha!"
Napahagikhik ako sa sinabi ni Mama. Gustong gusto niya talaga na makapag-aral ako rito kaya kahit di ko trip sa school na 'to no'ng una, nagtake pa rin ako ng scholarship exam.
Hindi ko naman pinagsisihan 'yon dahil gusto ko na sa school na 'to ngayon!
"Ate bakit parang langit ang school na 'yan?! Marami bang pogi?" tanong ng kapatid kong si Aila.
"Oo day, ang dami talaga! Kaya galingan mo mag-aral para makapasa ka rin dito balang araw ha," sabi ko habang panay ang kuha ng mga litrato gamit ang camera ko.
Mahilig talaga ako sa mga magagandang tanawin, sa totoo lang wala akong pictures ng mukha ko sa camera ko, puro picture ng mga magagandang bagay na nakikita ko. Gusto kasing i-pursue ang fine arts at kung ano mang kinemerut na connected sa arts pero ayaw ni Papa kaya business ang kinuha ko. Mahigpit kasi sa 'min si Papa pero
Hindi naman kami naghihirap, ang totoo niyan may kaya kami sa buhay. May ari ng home furniture company ang Papa ko pero kahit gano'n, lagi kaming tinuturuan ni Mama na maging mapagkumbaba at wag mang-apak ng ibang tao na mas mahina sa 'min.
Tuloy na ako sa pagkuha ng mga litrato nang matapos kaming magchikahan nina Mama. Natigilan ako nang may kumalabit sa braso ko.
"Ailee," sabi ni Tiger at inabot sa 'kin ang sling bag ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad 'yong kinuha mula sa kaniya.
Sa sobrang tuwa ko sa paligid nawala na sa isip ko ang sling bag ko. Siguro nalaglag ko habang kausap ko sina Mama.
"S-salamat po, pasensya na sa abala," nahihiyang sabi ko.
Sino ba naman ang hindi mahihiya? Ang gwapo niya masyado, siya nga ang first crush ko rito sa university na 'to.
Sa pagkakaalala ko Tiger John Falcon ang buong pangalan niya. Grabe, nakaka-intimidate kasi siya tumingin. Saka feeling ko hindi ko siya makakausap ng joke time kasi mukha siyang passionate sa pag-aaral.
"Ahm, I'm Tiger," tila nahihiya ring sabi niya saka napakamot sa kilay niya.
Naamoy ko ang mabangong amoy niya dahil medyo malapit siya 'kin, lalaking lalaki at masarap amuyin, kahit siguro buong maghapon ko siyang amuyin hindi ako magsasawa eh.
"Ahm, oo nga po, n-nagpakilala ka na no'ng nakaraang araw."
Nakilala namin siya ng bago kong kaibigan na si Jam noong nakaraan pa, kaya nagtataka ako kung bakit nagpapakilala siya ulit.
"Damn, why am I like this?" bulong niya na hindi ko naman narinig.
"A-ano po?" tanong ko. Bakit ba ako po ng po sa kaniya? Napaghahalataan na naiilang ako.
"Ahm n-nothing," sabi na lang niya.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at itinuloy ang pagkuha ng mga litrato. Medyo naiilang talaga ako dahil ramdam ko na nasunod siya sa 'kin.
Kung gusto niyang hingiin ang number ko pwedeng pwede naman eh, ibibigay ko ng walang pag-aalinlangan.
Joke!
"Do you know that taking pictures is against the school policy?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad kong itinago ang camera ko. Hala, lagot ako.
Natigilan ako nang marinig ko siyang tumawa. Tiningnan ko siya ng masama.
"Joke lang ba 'yon?!"
Kainis siya, hindi ko na nga siya crush!
1, 2, 3... okay, crush ko na siya ulit. Ang gwapo niya tumawa eh, nakakakilig.
Ayaw ko namang ipahalata na kinikilig ako kaya inismiran ko lang siya.
Muli akong kumuha ng mga pictures habang siya ay nakasunod lang sa 'kin. Ayaw kumalma ng sistema ko, kinikilig yata ang lahat lahat sa 'kin.
"Ahm, wala ka bang klase Tiger?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko, hindi ako nautal.
"Oo meron, at dito ang daan," sabi niya saka itinuro ang daang tinatahak namin.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. Akala ko trip niya lang ako sundan, dito pala ang daan papuntang klase niya. Nakakahiya!
"Ahm hehe, goodluck sa klase mo. Fighting!" sabi ko at inangat pa ang kamao ko para lang matakpan ang pagkapahiya ko.
"T-thank you, by the way, ahm... do you want to have lunch with me later? I-if you don't mind," tila nahihiyang sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin.
Napasinghap ako kasabay ng pag-init ng pisngi ko. Sobrang cute niya, para siyang high school student na nagyayayang makipagdate sa crush niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang pagtili ko, sa lahat ng gwapong nakita ko, siya lang yata ang cute rin.
Kalma Ailee, 'wag mong ipahalata na kinikilig ka at gustong gusto mo siyang makasama kumain ng lunch.
Napahawak ako sa baba ko na tila nag-iisip. Pinatagal ko muna ng 5 seconds bago ako sumagot.
"Ahm, s-sige, wala rin naman akong kasabay maglunch eh."
Dapat ko ng kausapin si Jam na hindi ako makakasabay sa kaniya kumain.
"Ahm, m-magkita na lang tayo sa labas ng school. Don't worry, my treat," sabi niya saka ngumiti sa 'kin.
Grabe, may salamin siya at mukhang study-oriented na tao pero ang gwapo niya talaga at ang cute pa ng personality. Sa katunayan nga napapatingin sa kaniya ang mga estudyanteng napapadaan sa pwesto namin, lalo na ang mga babae.
"S-sige, bye Tiger."
Ngumiti siya ulit bago umalis at nagtungo sa klase niya.
Tuluyan na akong napatili saka nagtatalon nang makaalis na siya. Sa sobrang kilig ko napapatingin na sa 'kin 'yong ibang estudyante na para bang nababaliw na 'ko.
Wala akong pakialam sa kanila, basta kinikilig ako.
Todo na 'to!
***
"Gano'n ba? Sige, okay lang naman sa 'kin saka may inuutos pa sa 'kin si boss pating kaya baka hindi rin ako makapaglunch sa tamang oras," sabi ni Jam saka napakamot sa batok niya.
Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya. Masyado na siyang inaapi ni Shark, bakit kaya ang init ng dugo ni Shark sa kaniya? Feeling ko talaga crush siya ni Shark eh.
Member ng Danger Zone sina Shark at Tiger, marami akong naririnig na mahirap kalabanin ang miyembro ng Danger Zone dahil 'yong iba sa kabila ay masama raw ang ugali, pero hindi iyon ang nakikita ko kay Tiger. Ni hindi ko ma-imagine na nakikipagsuntukan man lang siya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang naglalakad patungo sa gate ng school. Medyo mukha akong haggard, pero sana hindi siya ma-turn off. Kinakabahan tuloy ako.
"Ailee," nakangiting bungad sa 'kin ni Tiger nang makita ko siya sa gate. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko, kinakabahan ako na kinikilig.
"K-kanina ka pa ba rito?" tanong ko dahil napansin kong may kaunting pawis siya sa noo, medyo mainit din kasi.
"H-hindi naman," sabi niya saka tipid na ngumiti sa 'kin.
Napatingin ako sa kotse na kulay abo malapit sa pwesto niya.
"Sa 'yo bang kotse 'yan?" tanong ko at itinuro ang kotse. Tila nahihiyang tumango siya saka napakamot sa batok niya, ang cute ng lahat ng kilos niya para sa 'kin.
"Bakit hindi ka sumakay sa kotse mo para hindi ka naiinitan dito sa labas?" tanong ko. Nahiya tuloy ako dahil mukhang kanina pa siya naghihintay rito, ayaw niya lang na makonsensya ako.
"W-wala lang, so... let's go?" tanong niya. Tipid na ngumiti naman ako at tumango. Hindi ko dapat ipahalata na nae-excite ako ng sobra.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Agad naman akong sumakay sa kotse niya. Napakagat ako sa ibabang labi dahil amoy na amoy ko ang mabangong amoy ni Tiger sa kotse.
"W-where do you want to eat?" tila nahihiyang tanong niya.
"Ahm, k-kahit saan, hindi naman ako mapili sa pagkain," nakangiting sabi ko na lang. Totoo naman 'yon, kahit tuyo nga lang ang ulamin ko masaya na 'ko, paborito ko rin kasi 'yon.
"Are you sure?" paninigurado niya. Ngumiti na lang ako saka tumango.
Gaya ng inaasahan ko, tahimik lang kaming pareho sa biyahe. Panay lang ang tingin ko sa mga gusaling nadadaanan namin. Hindi ko rin kasi alam ang dapat na sabihin, feeling ko kahit anong pag-usapan namin, awkward pa rin ang atmosphere.
"Ano'ng course mo?" tanong niya. Napalingon ako sa kaniya, ang gwapo niya kahit naka-side view. Sana all matangos ang ilong.
"Business management beh," sabi ko habang nakatitig sa kaniya.
Natigilan ako sa sinabi ko. Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya dahil sa sinabi ko.
Gusto kong magwala at pukpukin ang sarili ko ng sampung beses. Nasanay kasi ako na tinatawag na 'beh' ang mga kaibigan ko pati ang kapatid ko, minsan nga pati si Mama at Papa tinatawag kong 'beh'.
"D-do you have a boyfriend or what?" nakakunot-noong tanong niya. Galit ba siya?
"W-wala po akong boyfriend, nasanay lang ako sa pagtawag ng beh lalo na sa mga kaibigan ko," paliwanag ko. Medyo kinabahan ako nang kumunot 'yong noo niya, para siyang galit na ewan.
Mukhang tigre kung magalit ang isang 'to. Pero okay lang, crush ko pa rin siya ng sobra.
"That's good," sabi naman niya.
"B-bakit naman po?"
Napailing ako, bakit ba ako nagp-po sa kaniya? Para kasing may aura siya na professor gano'n, kaya nga hindi ako nagsasalita ng english words sa kaniya, baka magkamali ako sa pronunciation o kaya sa grammar. Baka ma-turn off siya, feeling ko matatalinong babae ang type niya.
"W-well, we will be having a lunch together, if you have a boyfriend, he'll be mad for sure..." sabi naman niya saka napakamot sa kilay niya.
Akala ko pa naman nagseselos siya, kainis. Paasa you crush! Hindi na kita crush Tiger John, totoo na 'to.
"...and actually, I'm happy that you're still single," tila nahihiyang sabi nito saka napatikhim.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka muling ibinaling ang tingin sa mga gusaling nadadaanan namin. Pakiramdam ko pinagpapawisan ang mga kamay ko, gusto ko ng magtitili sa totoo lang.
Crush ko na pala ulit siya.
Itinigil na niya ang kotse makalipas ang ilang minuto. Agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako.
Pakiramdam ko nagheart shape ang mga mata ko nang makarating sa restaurant na tinigilan namin. Napatingin ako kay Tiger, nahihiyang napakamot siya sa batok niya.
"I know it's not a fancy restaurant, but that restaurant is my ffavorite. It has homey ambiance, and the food they serve is the best," paliwanag niya. Ngumiti ako sa kaniya na para bang sinasabi ko na walang kaso sa akin 'yon.
"Okay lang beh—"
Agad akong natigilan, kung hindi 'po', 'beh' naman ang nasasabi ko. Nakakahiya na ng sobra, baka isipin niya sinasadya ko na 'yon.
"I-it's fine, you can call me b-beh," nahihiyang sabi niya.
Natigilan ako saka napatitig sa kaniya bago natawa. Napakunot naman ang noo niya habang tinatawanan ko siya.
"What are you laughing at?" tanong niya. Napatakip ako sa bibig ko para pigilin ang pagtawa ko.
"Namumula kasi 'yang mukha mo," natatawang sabi ko.
Natigilan naman siya at napahawak sa mukha niya. Mas lalo akong natawa sa ginawa niya, grabe, para talaga siyang inosenteng bata.
Napailing na lang siya, pero makikita sa mukha niya na napapangiti siya.
Pumasok na kami sa loob at tama nga siya, homey nga ang ambiance ng restaurant na ito. Maaamoy rin sa paligid ang bango ng pagkain.
Umupo kami sa bandang sulok na parte ng restaurant, agad kaming nilapitan ng waitress at inabutan kami ng menu list.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitingnan ang menu, hindi lang ambiance ang homey rito, pati rin ang mga pagkain na hinahain nila ang lakas maka-bahay feels.
"Ano'ng gusto mo Ailee?" tanong sa 'kin ni Tiger.
"Hmm, kaldereta ang akin saka pineapple juice," sabi ko saka inabot sa waitress ang menu.
"Afritada, mango juice," tipid na sabi ni Tiger saka inabot sa waitress ang menu.
"Ahm Tiger, p-pwede isang fruit salad? Hehe, panghimagas lang gano'n," sabi ko habang kinakalikot ang sling bag ko.
Napangiti naman siya sa sinabi ko saka tumango.
"And fruit salad," sabi niya sa waitress.
"Sige po Sir," sabi ng waitress bago umalis.
Natahimik na ulit kaming pareho pagkaalis ng waitress. Napatungo na lang ako habang pinaglalaruan ang keychain na pusa sa sling bag ko.
Nakakailang kapag magkasama kaming dalawa, pero gusto ko naman 'yong feeling na kasama ko siya. Bakit gano'n? Ang gulo ng damdamin ko.
"Ahm Ailee..."
Agad akong napalingon kay Tiger. Nakakahiya sa kaniya, siya lagi ang nagb-bukas ng topic sa aming dalawa.
"Po?"
Ano ba 'yan? Para akong magalang na estudyante sa kaniya.
"Damn, the atmosphere is awkward. I'm sorry if I'm too boring for you, i-it's just... I'm not used to this, I'm not a charmer like my friends. I-if you're not comfortable with me, I'll try to stop—" agad kong pinutol ang sasabihin niya.
"O-okay lang po!"
Natigilan siya sa pagtaas ng boses ko. Napatingin ako sa paligid, sa lakas ng boses ko napatingin na rin sa 'kin 'yong ibang nakain dito. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya. Minsan talaga hindi ko makontrol 'tong bibig ko eh.
"I-ibig kong sabihin, okay lang na awkward tayo hehe. Normal naman 'to sa una diba?"
Napangiti siya sa sinabi ko. Ang gwapo niya talaga lalo kapag nangiti. Kapag kasi wala siyang emosyon, mukha siyang supladong genius. Although mukhang genius naman talaga siya.
"A-are you sure?" tila nag-aalangan pang tanong niya. Ngumiti lang ako sa kaniya saka tumango.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang order namin.
"Enjoy the lunch Ma'am and Sir!" magiliw na sabi ng waitress bago umalis matapos ihain ang order namin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa kaldereta, paborito ko talaga ang ulam na 'to, hindi ako nagsasawa.
"You always bite your lower lip," sabi ni Tiger habang nakatingin sa labi ko. Napasinghap ako at agad na napatungo, baka isipin niya inaakit ko siya o ano.
"N-nasanay lang hehe, sorry," nahihiyang sabi ko saka napakamot sa batok ko. Ang epic fail naman ng araw na 'to.
"N-no it's okay, it's just... I find it attractive," sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin.
Napakurap ako nang mapansin kong namumula ang tainga niya. Napatikhim siya saka ibinaling ang tingin sa pagkain niya.
Napansin ko na straightforward siya masyado, at ang cute. Hindi niya siguro alam na ang laki ng epekto sa 'kin ng simplang papuri niya sa 'kin. Sobrang cute niya talaga, nanggigigil ako!
Fruit salad naman ang kinakain ko pagkatapos kong maubos ang pagkain ko. Nakatingin lang sa 'kin si Tiger dahil tapos na siya kumain. Naiilang tuloy ako kaya medyo mahinhin ako kumain.
"G-gusto mo po?" tanong ko saka inilapit ang fruit salad sa kaniya. Agad siyang umiling.
"No thanks, I don't like sweets," magalang na pagtanggi niya.
"Talaga? Sayang naman kung gano'n, nakakatanggal ng stress ang matatamis. Tikman mo lang po," sabi ko at itinapat sa labi niya ang kutsara na may fruit salad.
Kahit nag-aalangan siya, sinubo niya pa rin 'yon at tinikman. Napangiti ako sa ginawa niya, para ko na rin siyang na-kiss-an.
"Diba masarap?"
Ngumiti siya saka tumango, ngumiti rin ako sa kaniya at para na kaming ewan ngayon na nagngingitian sa isa't isa.
Crush ko na siya ng sobra, 200 percent.
***
"Tiger, baka hindi na po ako papasukin sa dorm kapag ginabi ako," nag-aalalang sabi ko.
"No, that won't happen. I've got your back," tila kampanteng sabi niya.
Nandito kami sa park ngayon at naglalakad-lakad. Gabi na rin ngayon, sa karkula ko nga ay 7 pm na ng gabi.
Tatlong araw na kaming magkasabay na kumakain ng breakfast, lunch at dinner. Laging awkward ang atmosphere kapag magkasama kami, pero ewan ko ba sa sarili ko. Sa ibang mga nanligaw sa 'kin dati, kapag naboboring-an na ako, binabasted ko talaga. Hindi ko alam kung bakit gusto ng pakiramdam ko na kasama si Tiger kahit madalas wala kaming mapag-usapan, saka isa pa, hindi rin siya nanliligaw sa 'kin.
"Ang lamig ng hangin," sabi ko at napayakap sa sarili ko.
Malamig nga ang hangin pero masarap naman sa pakiramdam, nakakarelax.
Natigilan ako nang maramdaman ko na inilagay ni Tiger ang coat niya sa likod ko. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko nang maamoy ko ang pamilyar na amoy niya ro'n. Isinuot ko naman ang coat niya, ang bango talaga, sana kumapit sa balat ko ang amoy no'n.
"Ailee, d-do you like someone right now?"
Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa kaniya.
"H-ha? Bakit mo naman po naitanong 'yan?" tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Nahihiya akong sagutin ang tanong niyang 'yon.
"B-basta sagutin mo na lang," seryosong sabi niya habang matiim na nakatitig sa 'kin.
Napalunok muna ako saka tumango. Bumigat ang paghinga ko, handa na ba akong aminin sa kaniya? Pero parang ang bilis kasi.
"I-is that so?"
Napatingin ako sa gwapong mukha niya, bakas ang lungkot doon.
"W-who's that lucky guy? Prince? Dragon? Lion? or Aaron?" sunod sunod na tanong niya. Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya.
Saan niya naman nakuha ang mga 'yon? Bakit naman ako magkakagusto sa mga 'yon?
"H-ha? H-hindi, ikaw po ang gusto ko."
Natigilan siya sa sinabi ko. Napakagat siya sa ibabang labi niya saka tumingin sa ibang direksyon. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng tainga niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa streetlights.
"T-that's good to hear," sabi na lang niya.
"H-humarap ka po sa 'kin," kinakabahang sabi ko saka napalunok.
Kahit halata na naiilang siya, humarap pa rin siya sa 'kin.
"Ailee, I-I... damn it," sabi niya saka napasabunot sa sariling buhok niya.
"S-sige po, ituloy mo lang ang sasabihin mo," sabi ko habang pinaglalaruan ang keychain sa sling bag ko.
Natahimik kaming pareho. Kanina pa nagwawala ang puso ko dahil sa hindi ko malamang emosyon. Kinakabahan ba ako? Nae-excite? Hindi ko na alam.
"D-do you want to be my girlfriend?" tanong niya. Napalunok ako at pakiramdam ko babagsak ako sa kinatatayuan ko dahil nanginginig ang mga tuhod ko.
"B-bakit?"
"S-sabi ko sa kaibigan ko, m-may gusto akong babae. Sabi niya itanong ko raw 'yon," tila nahihiyang sabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Sinong kaibigan naman kaya ang nagsabi sa kaniya ng gano'n?
"G-gusto mo rin ako?" tanong ko. Tumango naman siya.
"O-okay sige, g-girlfriend mo na 'ko."
Wala pa akong isang linggo sa school na 'to may boyfriend na agad ako.
Mga kabataan, 'wag niyo akong tularan.