Chapter 6

3485 Words
“Saan ba tayo pupunta?” Hindi siya sumagot at hawak hawak lang ang kamay ko habang naglalakad kami. Napanguso na lang ako habang nasunod sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako pagsasamantalahan, saka kung gagawin man niya ‘yon hindi na pananamantala ang tawag do'n dahil willing naman ako. “Sa headquarters namin, ipapakilala kita sa Danger Zone,” sabi niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Kinikilig na naman mga bulate ko sa tiyan. “Paano kung hindi nila ako matanggap para sa 'yo? Si Lion nga mukhang ayaw sa 'kin,” nakangusong sabi ko. “They're not my parents Ailee.” Hehe, sabagay. Napalunok ako nang makarating kami sa headquarters ng Danger Zone. Kaya pala hindi ko nakikita 'to dahil medyo tago sa school. Saka grabe ha, ang laki naman ng headquarters nila. Akmang papaasok na kami sa loob nang hawakan ko siya sa braso, nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin. “Tiger, maganda ba ako ngayon? Nakakahiya, baka ang panget ko,” sabi ko saka napakagat sa kuko ko. Natigilan ako nang lumapit siya sa 'kin saka ako dinampian ng halik sa noo. “You don't need to be beautiful in their eyes, you always look gorgeous for me,” parang wala lang na sabi niya saka hinila na ako papasok sa loob. Hindi niya ba alam na nagwala ang lahat ng internal organs ko dahil sa sinabi niya? Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang dalhin niya ako sa loob. Binilang ko kung ilan ang lalaki sa loob. Anim, ibig sabihin kumpleto ang Danger Zone ngayon dahil pito silang lahat. Lalo tuloy akong nahihiya. “Who's that girl? You've got a girlfriend now, nerd?” tanong ng lalaki na mukhang suplado. Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. “f**k you Gun,” sagot naman ni Tiger sa kanya. Napakurap na lang ako. “Hello Ailee!” Napatingin ako kay Lion, tipid na ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya kahapon. Bwisit siya. “Everyone, she's Ailee, she's my girlfriend and she's mine,” sabi ni Tiger habang nakatingin ng seryoso sa mga kaibigan niya. “That's good,” sabi ni Prince na hindi man lang kami binalingan ng tingin. Napakibit balikat na lang ako. “Hello Ailee, I'm Dragon,” pagpapakilala nung lalaking mukhang mabait. Ngumiti naman ako sa kanya, siya lang yata ang mukhang katiwa-tiwala sa mga lalaking 'to. “Bullet,” tipid na sabi ni Bullet habang nakatutok sa laptop niya at nagtitipa ng kung ano ro'n. “I'm Gun,” sabi naman nung lalaking mukhang galit sa mundo habang nakatingin sa 'kin, alanganing ngumiti na lang ako kanya. “I assume you already know me, you're Jam's friend right? Where is she? She's not answering my calls,” nakakunot-noong tanong ni Shark. “Ahm, kasama niya si Aaron eh. Nandoon sila sa may bench na---” Hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil agad siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng headquarters. Napailing na lang ako, sabi na nga ba at may gusto ang pating na 'yon kay banana Jam. Kunwari pang masungit. “Hehe, n-nice to meet you all,” awkward na sabi ko na lang. Baka isipin nila ang sungit ko dahil hindi ako nagsasalita. Napakurap ako dahil si Dragon lang ang ngumiti sa sinabi ko, lahat sila ay hindi man lang ako binalingan ng tingin. “Don't mind them,” sabi ni Tiger at hinila ako. Papasok na sana kami sa isang kwarto na may pangalan na Tiger sa pinto nang magsalita si Lion. “Nakikita mo ba 'yan Prince? Binata na talaga si Tiger.” “Shut the f**k up Faller,” masungit na sabi ni Tiger bago ako hinila papasok sa kwarto. Napakamot ako sa batok ko nang nasa loob na kami. Kahit nag-aalangan, umupo pa rin ako sa kama. Ano ba ang gagawin namin dito? Napatingin ako sa kanya nang magtungo siya sa parang study table at umupo ro'n habang nakatutok sa laptop niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya saka sinilip ang ginagawa niya. Napakamot na lang ako sa batok ko, ano ba'ng ginagawa niya? Napakurap ako nang bigla rin siyang tumayo saka hinawakan ang kamay ko. Akmang lalabas na kami ng silid nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “Bakit?” nagtatakang tanong niya saka nilingon ako. “Ahm, b-bakit mo 'ko dinala rito?” nauutal na tanong ko. “May inayos lang ako saglit, bakit?” nakakunot-noong tanong niya. “Hehe, wala naman, p-pero wala ba tayong gagawin na iba?” tanong ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Bakit ba hindi niya ma-gets na gusto kong i-kiss niya ko, namimiss ko na yung kiss niya sa 'kin. “Ahm, wala na,” sabi naman niya at halata sa mukha niya na seryoso siya. Napasimangot ako, ang linis masyado ng isip niya. Gusto kong dumihan. “Ahm kasi, h-hindi mo ako hinalikan kagabi saka kaninang umaga. Syempre kakagaling lang natin sa away kaya syempre namiss ko iyon. Nakakahiya naman magsabi baka isipin mo na---” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang dinampian ng halik ang labi ko. Napakurap naman ako sa ginawa niya. Napatingin ako sa mukha niya, gusto kong matawa nang namula na naman ang mukha niya. Nakakaproud talaga kapag nakikita ko siyang kinikilig sa 'kin. “Damn, why do you always say what's on your mind frankly? It always caught me off guard.” Natawa ako sa sinabi niya. Napaiwas naman siya ng tingin sa 'kin saka napaismid. Gustong gusto ko siyang pakiligin at asarin lagi, ang cute kasi ng reaction niya. “Kinikilig ka naman kaya okay lang,” natatawang sabi ko. Natigilan ako nang hawakan niya ako sa balikat saka muling dinampian ng halik ang labi ko. Napatitig lang ako sa kanya. Bakit ang seryoso niya makatitig sa 'kin? “Tiger.” “Hmm?” “P-pwede mo ba akong i-kiss ng totoo?” tanong ko saka napakagat sa loob ng pisngi ko. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. “What do you mean?” “Y-yung ano... yung tulad ng kiss mo sa 'kin noong una akong nagpunta sa unit mo, y-yung ano...” Napakagat ako sa ibabang labi ko, nahihiya rin pala ako. Pero masama ba magrequest ng gano'ng kiss kay Tiger? Hala, baka isipin niya mapusok na ako masyado. “Hindi, w-wag na pala, hehe. Joke lang---” Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi. Napakurap ako sa ginawa niya. Napasinghap ako nang maramdaman kong gumagalaw ang labi niya. Napapikit na lang ako at tinugon iyon. Sarap naman. *** “Tiger sige na, magsorry ka na.” Napaiwas na lang ng tingin si Tiger kay Cad saka napakamot sa batok niya. Napailing na lang ako, mukhang nahihiya siyang magsorry kay Cad. “It's nothing Ailee. I understand him, If I were in his shoes I'll be jealous too, my handsome face is a threat to all man kind,” nakangising sabi niya habang nakatingin kay Tiger. Huminga ng malalim si Tiger saka inayos ang salamin niya habang nakatingin ng masama kay Cad. “You want me to beat you up again, assh0le?” nakakunot-noong tanong ni Tiger habang nakakuyom ang mga kamao. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Napatingin naman siya sa 'kin bago lumambot ang ekspresyon niya. “Tiger magsorry ka na po, please. Ikaw naman po kasi ang mali diba? Bigla mo siyang sinugod at binugbog. Magsorry ka na sa kanya, please.” Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at nagpaawa sa kanya. Ilang segundo rin siyang napatitig sa 'kin bago siya napabuntong hininga. “Fine, I'm sorry. H-hindi ko na uulitin,” sabi ni Tiger habang hindi pa rin makatingin ng ayos kay Cad. “Tangina, ganyan talaga kayong magkakaibigan noh, tiklop sa mga girlfriend,” nakangising sabi ni Cad. Tiningnan ko siya ng masama, hinayupak talaga ang lalaking 'to. “Cadence,” pananakot ko sa kanya. Napakibit balikat na lang siya. “Alam mo Falcon, wala ka na dapat ipag-alala sa 'kin. Wala akong balak agawin ang girlfriend mo, gusto ko lang talaga mantrip,” sabi ni Cad at tinapik pa sa balikat si Tiger. Napataas na lang ang isang kilay ko. Sa totoo lang hindi nakakatulong ang pinagsasasabi niya ngayon. “Saka patay na patay 'yang si Ailee sa 'yo. Sabi niya nung nakaraan, ‘miss na miss ko na ang tigre ko huhu,” nang-aasar na sabi niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko saka hinampas si Cad sa braso. Ang kapal ng mukha niya na ipahiya ako sa harap ng tigre ko. “D-did she really said that?” tanong ni Tiger na tila naging maamong pusa. “Oo 'tol tapos sabi rin niya na ikaw lang ang---” Agad akong lumapit kay Cad at tinakpan ang bibig niya. “Alam mo ikaw bwisit ka talaga sa buhay ko,” naiinis na bulong ko sa kanya. Natigilan ako nang hilahin ako ni Tiger papalayo kay Cad. Kinuha niya ang kamay ko na pinantakip ko sa bibig ni Cad. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan 'yon. Napakurap na lang ako sa ginawa niya. “Tangina, para naman akong may virus nito,” bulong ni Cad. “Susubukan kong hindi magselos sa lalaking 'yan, pero bawal ka pa ring dumikit ng sobra sa kanya,” sabi niya sa seryosong boses habang pinupunasan pa rin ang kamay ko. Napalunok na lang ako saka tumango. “Makaalis na nga, bye na sa inyo. Sana magtagal kayo ng one thousand years.” Napalingon na lang kami kay Cad nang umalis ito habang nakapamulsa. “Bakit mo naging ex 'yon? He's f*****g weird,” masungit na sabi niya. “Weird ka rin naman eh...” natatawang sabi ko. Nagsalubong ang kilay niya. “...peri ikaw lang ang weird na mahal ko,” pahabol ko. Natulala na naman siya sa sinabi ko. Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa 'kin. Napahagalpak ako ng tawa nang tumalikod siya sa pwesto ko. Nakikita ko pa rin naman yung namumulang tenga niya eh. Naramdaman kong natigilan siya nang yakapin ko siya mula sa likuran. Wala na akong pakialam kahit nakikita kami ng mga estudyanteng napapadaan, hindi ko mapalagpas ang cuteness ng tigre ko. “Minsan napapaisip ako na baka sinasadya mo na lang magpacute sa 'kin eh,” bulong ko sa kanya. Agad niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at inis na hinarap ako. “W-what the hell are you saying Ailee?” nakakunot-noong tanong niya. Natawa na lang ako at hinawakan ang kamay niya. Lumapit ako sa kanya at may ibinulong sa tenga niya. “I love you.” Napahagikhik ako nang namula na naman siya. Meow meow! *** Tiger, bakit hindi ka nagrereply?! Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa text ko kay Tiger, isang oras na ang nakakalipas nung nagtext ako sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply. Nakakapaninago, lagi siyang nagrereply sa 'kin kahit emoji lang ang text ko sa kanya. Sumandal ako sa bench na tinatambayan namin ni Tiger. Nasaan na ba ang tigre ko? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa 'kin kahapon pa? Pinuntahan ko siya kanina sa headquarters nila pero si Lion at Gun lang ang tao ro'n. Naiinis na napapadyak ako sa sahig. Bakit hindi nagpaparamdam sa 'kin si Tiger? Nambababae ba siya? Sinubukan kong tawagan ang number niya pero gaya ng inaasahan ko, hindi niya sinagot kahit nagr-ring naman. “May ginagawa ka bang kalokohan Tiger John?” tanong ko at napakagat sa kuko ko. Naiinis na tumayo ako at inilagay sa bulsa ang phone ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. “Siguradong alam ni Lion kung anong pinaggagagawa ni Tiger.” Nagtungo ako sa headquarters nila para puntahan si Lion. Sa mga nababasa ko sa libro at napapanood ko sa movies, madalas pinagtatanggol ng mga tao ang kalokohan ng tropa o kaibigan nila, siguro gano'n ang ginagawa nina Lion. “Lion!” Napatingin sina Lion at Gun sa 'kin. Agad kong nilapitan si Lion at pinatayo, halata namang nagulat siya sa ginawa ko. “Nasaan ang tigre ko? Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko kahapon pa, hindi siya nagpapakita sa 'kin at hindi rin siya pumasok! Siguro may ginagawa siyang kalokohan noh?! Sabihin mo na sa 'kin,” seryosong sabi ko habang nakatitig sa kanya. Napakurap naman siya sa sinabi ko. Natigulan ako nang mapangisi siya. Saglit kong binalingan ng tingin si Gun na abala sa pagcecellphone at mukhang walang pakialam sa 'min. “Ailee, kaibigan ko si Tiger pero hindi lahat sinasabi niya sa 'kin. Grabe, may tinatago rin palang kalokohan 'yon,” napapailing na sabi niya habang nakahawak pa sa baba niya. Naiinis na binitawan ko siya at napapadyak sa sahig. Naiinis na talaga ako kay Tiger, kapag ako nagalit ng tuluyan hihiwalayan ko talaga siya! “Baka naman hanggang ngayon nagseselos pa rin siya ro'n kay Lettiere. Hindi naman kasi nagsasabi si Tiger, baka kinikimkim niya lang sa loob niya ang pagseselos niya. Tsk tsk, ikaw kasi Ailee,” paninisi pa niya. Natigilan ako at napaisip. Nagseselos pa rin ba siya kay Cad? Pero sabi niya okay na naman siya tungkol doon. Saka hindi naman kami laging magkasama ni Cad, oo, minsan nagkakasalubong kami at nakakapagkwentuhan pero lagi niyang sinasabi na okay lang naman daw sa kanya. “Pustahan, sinasabi ni Tiger sa 'yo na okay lang sa kanya.” Napatingin ako kay Lion, sa pagkakataong 'to, wala ng bahid ng pagbibiro sa mukha niya. “Gano'n naman kasi talaga si Tiger kahit itanong mo pa kay Prince, lagi siyang naka-oo, laging sinasabi na okay lang sa kanya kahit hindi.” Natahimik ako, insensitive ba ako masyado para hindi mapansin ang gano'ng bagay? Masyado ba akong selfish? TAHIMIK ako buong araw, kahit si Jam nanibago sa pagiging tahimik ko. Hindi pa rin nagt-text o tumatawag si Tiger, hindi ko alam kung maiinis ba ako o iintindihin na lang siya. “Baka naman pinagpalit ka na ni Tiger sa mas sexy at maganda. Kunwari pa 'yon, halata namang nasa loob ang kulo,” sabi ni Cad habang nakain na naman ng chocolate. Naiinis na sinipa ko ang binti niya na hindi naman niya ininda. Bakit ba kapag naiistress ako kay Tiger lagi na lang siyang nang-iinis? “Iginaya mo pa si Tiger sa 'yo,” sabi ko saka inirapan siya. “Siguro bitter ka pa rin sa breakup natin noh? Nako Ailee, pasensya na pero wala na 'kong feelings sayo,” mayabang na sabi niya. Tiningnan ko na lang siya ng masama. Naalala ko tuloy na naghiwalay kami dahil trip niya lang. Pumayag na rin akong makipaghiwalay noon dahil busy rin ako sa pag-aaral. Mukhang landian lang talaga ang ginawa namin noon. Halos napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Dali dali kong kinuha 'yon mula sa bulsa ko at kulang na lang magheart shape ang mga mata ko nang makitang si Tiger ang natawag. “H-hello.” “You're with that asshole again.” Napalunok ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Cad, si Cad naman ay tila walang pakialam habang tuloy sa pagkain ng chocolate. “Tiger, g-galit ka ba sa 'kin?” kinakabahang tanong ko. “Let's just end this Ailee.” Napasinghap ako nang bigla niyang patayin ang tawag. Bumigat ang paghinga ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadya. Nagbibiro lang ba siya? Baka naman ginu-good time niya lang ako?! Pero bakit gano'n ang boses niya? Masyadong seryoso. “Halika, puntahan natin yung boyfriend mong nerd.” Natigilan ako nang tumayo si Cad at hinila ako patayo. Hindi ko na alam, basta sumama na lang ako sa kanya. Napapraning na ang utak ko kakaisip kung ano ang nagawa kong mali, bakit siya nakikipaghiwalay sa 'kin? “Good luck Ailee!” Hindi ko na pinansin si Cad, basta na lang ako dumiretso papasok ng condominium ni Tiger. Hindi naman ako hinarang ng guard dahil mukhang namukhaan niya ako. Kagat kagat ko ang kuko ko habang nasa elevator ako. Pakiramdam ko kapag naghiwalay kami ni Tiger hindi na ako magkakaboyfriend ulit. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng tigreng 'yon sa sistema ko. Hindi naman ako ganito dati, paano niya nagawa sa 'kin lahat ng 'to? Paano niya nagawang iparamdam sa 'kin ang mga pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman dati. Nanginginig ang mga kamay ko habang sunod sunod ang pindot ko sa doorbell. Pinagpapawisan yata ang mga kamay ko dahil sa kaba, sa inis, sa pagtataka, halo-halo na ang nararamdaman ko na halos hindi ko na maipaliwanag. Bahagya akong napaatras nang magbukas ang pinto, seryosong mukha ni Tiger ang bumungad sa 'kin. “A-ano'ng problema Tiger? M-may nagawa ba akong mali? Dahil ba masyado na tayong awkward sa isa't isa?! O baka naman dahil kay Cad? M-maniwala ka sa 'kin, wala na lang talaga si Cad sa 'kin. Ikaw lang talaga ang mahal ko, ikaw lang,” mahabang paliwanag ko. Hindi siya nagsalita at tinalikuran lang ako. Natulala ako sa ginawa niya. Napahawak ako sa dibdib ko, pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko anumang oras. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, pinilit ko pa ring pumasok sa loob at sundan siya. Kailangan naming mag-usap ng masinsinan, hindi ako papayag na basta na lang siya makipaghiwalay sa 'kin ng gano'n gano'n na lang. “Tiger! Hindi na talaga ako natutuwa sa---” Natigilan ako dahil sa bumungad sa 'kin pagpasok ko sa loob ng unit niya. Napakurap ako habang nakatitig sa paligid. Nakapatay ang ilaw at tanging mga kandila lang na heart shape ang nagsisilbing ilaw. May candlelight dinner sa gitna at may mga nakahain na homemade na pagkain. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pulang mga balloons na heart shape. Nagtatakang napatingin ako kay Tiger. Napaiwas lang siya ng tingin sa 'kin saka inayos ang salamin niya na lagi niyang ginagawa kapag nahihiya siya. “H-happy monthsary Ailee. I know this is corny, b-but Lion said I should do this because it's necessary...” napabuntong hininga siya saka napapikit ng mariin. “...damn, this is embarrassing,” narinig kong bulong niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko habang nakatingin sa nahihiyang mukha ni Tiger. Kahit medyo madilim, malakas ang pakiramdam ko na namumula siya ngayon. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at sinugod siya ng yakap, halata namang natigilan siya sa ginawa ko. “P-pinakaba mo 'ko, akala ko ayaw mo na sa 'kin, a-akala ko may nagawa akong mali.” Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa likod saka marahang hinaplos 'yon. Natigilan ako at agad na kumalas ng pagkakayakap sa kanya nang may maalala ako. “Tiger, f-first monthsary natin ngayon?” Nahihiyang ngumiti siya saka tumango. “S-sorry! Nalimutan ko na monthsary natin ngayon. N-nakakainis, anong klaseng girlfriend ako? Wala na nga akong regalo, hindi ko pa naalala, s-sorry talaga Tiger. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa 'kin, sorry talaga. Babawi na lang ako sa next monthsary natin. Paghahandaan ko ng bongga tapos---” Napatigil ako sa pagsasalita nang dampian niya ng halik ang labi ko saka ngumiti sa 'kin. Naluluhang napatingin ako sa kanya. “Walang kaso sa 'kin 'yon, okay lang. Kahit aniversary pa natin ang makalimutan mo hindi ako magagalit,” sabi niya habang puno ng sinseridad na nakatitig sa mga mata ko. May kinuha siya na pink na box sa bulsa ng pants niya. Binuksan niya 'yon at kinuha ang laman no'n, kwintas. Napalunok ako nang lumapit siya sa 'kin at isinuot sa 'kin ang kwintas. “Ahm, a-ano... Pusa yung pendant k-kasi napansin kong mahilig ka sa pusa,” tila nahihiyang sabi niya saka inayos ang salamin niya. Napahawak ako sa kwintas na ibinigay niya sa 'kin. Natigilan si Tiger nang takpan ko ang mukha ko gamit ang kabilang kamay ko. “Hey Ailee, a-are you alright?” tila kinakabahang tanong niya. Tuluyan na akong napahikbi habang sunod sunod ang pagkawala ng mga luha mula sa mga mata ko. “T-Tiger...” nauutal na sabi ko habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Napabuntong hininga siya at tinanggal ang kamay ko na nakaharang sa mukha ko. Agad naman akong napatungo, nahihiya akong ipakita ang mukha ko sa kanya. “Sorry, mukhang pinaiyak pa kita.” Inangat niya ang mukha ko saka pinahid ang mga luha ko gamit ang panyo niya. Natigilan ako nang mapansin ko na matiim siyang nakatitig sa 'kin. “Ang ganda mo pa rin kahit naiyak,” sabi niya saka dinampian ng halik ang noo ko. “I love you so much Tiger.” Napangiti siya sa sinabi ko saka marahang hinaplos ang pisngi ko habang nakatitig sa 'kin. “You have no idea how much I love you Ailee, 'cause if you do, you'll definitely think that I'm crazy over you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD