Chapter 7

2844 Words
“Sige suntukin mo siya!” Napapasuntok din ako sa hangin kapag nakikipagbakbakan yung bida sa palabas. Nakakagigil pala manood ng action movies. Medyo kumakalma lang ako kapag nararamdaman ko na hinahaplos ni Tiger ang buhok ko. Nanonood kami ng action movie dito sa living room ng unit niya. Nakaupo siya sa couch at ako naman nakahiga sa lap niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam. Dito na muna ako matutulog, bahala na lang sa paliwanagan kay Jam bukas. Tutal tinatakas din naman siya ni Shark tuwing gabi, makamandag talaga ang pating na 'yon. “Tiger.” Natigilan siya nang bumangon ako at tumingin sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napahawak sa kwintas na niregalo niya sa 'kin. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, hindi na yata normal 'to. “Hmm?” tanong niya. Halata sa mga mata niya na inaantok na siya. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya, malamang napagod siya sa paghahanda para sa monthsary namin. Sobra ko talagang na-appreciate ang effort niya sa 'kin. “Okay lang ba talaga sa 'yo na wala akong regalo? Nakokonsensya talaga ako eh.” “Wala lang sa 'kin 'yon, hindi mo na kailangang makonsensya,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Inilapit niya ang kamay niya sa pisngi ko at marahang hinaplos 'yon. Mas lalo lang akong nakonsensya sa sinabi niya. Bakit naman kasi hindi ko naalala na first monthsary pala namin ngayon? Ang nasa isip ko lang buong araw ay baka may kalokohan na ginagawa si Tiger, 'yon pala nag-eeffort siya para sa araw na 'to. “Kung sarili ko na lang kaya ang iregalo ko sa 'yo?” tanong ko. Napakunot ang noo niya. “Bakit mo pa ireregalo ang sarili mo sa 'kin eh akin ka naman talaga.” Napasapo ako sa noo ko. Minsan hinihiling ko na sana i-share ni Lion ang karumihan ng utak niya kay Tiger. Masyadong inosente ang tigre ko, mukha tuloy siyang pusa sa paningin ko ngayon. “H-hindi mo ako na-gets noh?” tanong ko saka napakamot sa batok ko. Mas lalong napakunot ang noo niya. “Sarili ko ang ireregalo ko sa 'yo, ibig sabihin no'n, gagawa tayo ng mga bagay na ginagawa ng mag-asawa.” Nakahinga ako ng maluwag nang mapasinghap siya kasabay ng pamumula ng mukha niya. Salamat naman at mukhang na-gets na niya ako. Akala ko kailangan ko pang i-elaborate sa kanya eh. “Ahm, a-are you proposing to me or what? Bakit gusto mong magpakasal tayo agad? ” tanong niya saka napakamot sa kilay niya. Bumagsak ang balikat ko, wala na talagang pag-asa ang tigre ko. One hundred percent sure ako na virgin pa ang baby tiger ko. “Tiger, nakanood ka na ba ng p**n?” tanong ko. Napasinghap siya sa tanong ko, natawa naman ako nang lalong namula ang mukha niya. “W-why are you asking me that?” “Eh kasi sobrang inosente mo,” nakangusong sabi ko. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin sa 'kin saka inayos ang salamin niya na lagi niyang ginagawa kapag naiilang siya o nahihiya. “S-syempre nakanood na ako no'n,” nauutal na sabi niya. “Ilang beses? Ako kasi once or twice a week nanonood no'n,” sabi ko na para bang wala kang sa 'kin ang pinag-uusapan namin. Nanonood naman talaga ako ng gano'n kaso anime lang. Hindi ko pa keri manood ng totoong tao na nag-aanuhan. Ang cute kasi kapag anime hehe. “E-everytime I need to,” sabi niya saka muling napatikhim. “Tuwing kailan nga?” pangungulit ko pa. “Damn Ailee, why are you keep on asking me ridiculous questions like that? Y-you're too bold for a woman,” sabi niya saka medyo lumayo sa 'kin. Napahagikhik ako sa ginawa niya, mas lalo ko lang siyang gustong asarin dahil sa ginagawa niya. “Sige na, gusto ko lang naman na mas makilala natin ang isa't isa,” nakangusong sabi ko. Napabuntong hininga siya saka napahilot sa sentido niya. “B-basta, nanonood ako ng gano'n kung kailan ko kailangan,” sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Napatango na lang ako sa sinabi niya. “Virgin ka pa ba Tiger?” Literal na napaubo siya sa tanong ko. Agad kong kinuha ang tubig na nasa mini table at inaboy 'yon sa kanya. Agad niya namang kinuha 'yon at ininom. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang tinatapik tapik ang likod niya. “Damn Ailee, you'll be the death of me,” bulong niya saka nilagay ang baso sa mini table. Napaismid na lang ako sa sinabi niya. “Nagtatanong lang ako eh.” “B-bakit kasi ganyan ang mga tanong mo?” nauutal na tanong niya. “Sagutin mo na lang kasi para hindi ako nangungulit dito.” Napabuntong hininga siya saka tumingin sa ibang direksyon. “N-nakakahiya kasi,” sabi niya habang namumula na naman ang pisngi. Lumapit ako lalo sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Wag ka ng mahiya, ano? Virgin ka pa o hindi na?” tanong ko. “I'm still a virgin,” sabi niya saka napakamot sa panga niya. Agad akong napapitik sa hangin. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin. “Sabi na nga ba eh, tama ang hula ko.” Hindi ako makapaniwala na virgin pa rin siya. Sa edad niyang 'yan saka sa hitsura niyang 'yan, nakakaloka lang isipin. “Damn, t-this is embarrassing,” sabi niya at napatakip pa sa mukha niya. Pero nakikita ko naman ang tenga niya na namumula. Inalis ko ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya. Panay naman ang iwas niya ng tingin sa 'kin. Natigilan lang siya nang dampian ko ng halik ang tungki ng ilong niya. “Bakit ka ba nahihiya?” natatawang tanong ko. “S-sino ba ang hindi mahihiya? A-ako na lang ang virgin sa Danger Zone, a-alam kong na-disappoint ka sa 'kin,” sabi niya habang hindi pa rin makatingin sa 'kin ng ayos. “Ako? Na-disappoint?” natatawang tanong ko. Napaismid naman siya saka tumingin sa sahig. Natigilan siya nang umupo ako sa kandungan niya. Yumakap ako sa batok niya saka siya dinampian ng halik sa labi. Gulat na napatingin naman siya sa 'kin. “Sino naman ang nagsabi sa 'yo na na-disappoint ako? Lalo ka ngang naging cute sa paningin ko eh, saka ibig sabihin lang niyan na ako ang magiging unang babae na ano...” Natigilan ako, bigla akong tinablan ng hiya. Ano ba 'yan? May hiya pa pala sa katawan ko, akala ko nawala ng lahat simula ng maging boyfriend ko si Tiger. Nakatingin lang sa 'kin si Tiger na tila naghihintay ng susunod kong sasabihin. Napalunok ako saka napaiwas ng tingin sa berdeng mga mata niya. Ang gwapo niya lalo sa malapitan. “Ano?” tanong niya. “Basta, hindi ako na-disappoint okay? Virgin ka man o hindi mahal pa rin kita. Saka parehas naman tayong virgin eh, oh diba? Virgin couple tayo.” Napatitig lang siya sa 'kin. Ayan na naman siya sa titig niya na parang nilulunod ako sa berdeng mga mata niya. Ang mga mata niya talaga ang hindi nakakasawang titigan, kahit buong araw yata akong makipagtitigan sa kanya hindi ako mababagot. Ganito ba pag in love? Nakokornihan ako sa mga ganito dati. “Tiger,” pagtawag ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok. “Hmm?” Ang gwapo ng boses niya, kahit simpleng ‘hmm’ lang niya kinikilig na 'ko. Ayoko talaga na mabasa niya ang iniisip ko, baka malaman niya na sobra akong in love sa kanya baka matakot pa siya sa 'kin. “Dito ako matutulog ha.” Gulat na napatitig siya sa 'kin. Ngumiti lang ako ng matamis sa naging reaksyon niya. Ang cute talaga lagi ng reaksyon niya sa mga ganitong bagay. “No,” mabilis na sagot niya habang nakakunot ang noo. Bakit para siyang galit? “Bakit hindi pwede? Gabi na, baka mapa'no pa 'ko sa daan,” nakangusong sabi ko. “Sino ba'ng nagsabi sa 'yo na uuwi ka mag-isa? Malamang ihahatid kita.” Tiningnan ko siya sa mga mata, tumingin ako sa kanya na tila nagpapaawa. Tinatamad na kasi ako umuwi, saka ano namang masama kung matutulog ako rito? Wala naman siyang gagawing masama sa 'kin. “Sige na kasi Tiger, napagod ka na nga sa paghahanda para sa surprise mo sa 'kin tapos iuuwi mo pa 'ko. Kahit dito na lang ako sa couch matulog.” Lalong napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Bakit ba nagagalit siya sa 'kin? Kapag ako ang nagalit sa kanya, nako, bahala siya sa buhay niya. “I'm not that heartless to let you sleep on the couch,” masungit na sabi niya. Mas lalo akong napasimangot. “Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Matutulog lang naman ako rito ah, hindi naman kita gagapangin o kung ano man.” Napabuntong hininga siya saka hinubad ang salamin niya. Napakagat siya sa ibabang labi niya saka napahilot sa sentido niya. Napakurap naman ako habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo niya lalo kapag kinakagat ang labi niya, parang inaakit niya 'ko. “Hindi magandang tingnan Ailee, isang buwan pa lang tayo tapos dito ka na agad matutulog.” Pakiramdam ko napahiya ako sa sinabi niya. Nakatungong umalis ako sa kandungan niya saka tumayo. “G-gano'n ba? Sorry kung masyado na akong makulit. S-sige, iuwi mo na lang ako,” sabi ko saka ngumiti sa kanya. Pinilit ko na 'wag palamangin ang emosyon ko. May punto naman si Tiger, siguro sumusobra na ako sa kanya. Hindi ko na siya hinintay sumagot, agad akong tumalikod sa kanya at nagtungo palabas ng unit niya. Huminga ako ng malalim at tumingala, bakit ang emosyonal ko yata ngayob? Wala namang masama sa sinabi niya eh. Natigilan ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likod. Naramdaman ko ang paghinga ni Tiger sa leeg ko saka mas hinigpitan ang pagyakap sa baywang ko. “I'm sorry, you can sleep here, hmm. 'Wag ka ng magtampo,” tila naglalambing na sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko. “H-hindi naman ako nagtatampo, nahihiya lang ako. S-siguro masyado ng makapal ang mukha ko.” Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mata ko bago niya pa makita. Baka isipin niya na ang arte ko masyado, nahihiya na talaga ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at pinaharap ako sa kanya. Agad naman akong napaiwas ng tingin, baka mahalata niya pa na naiiyak ako. “Hey, I'm sorry. I don't want you to think that way. Damn, I'm really sorry,” sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko. “N-naiintindihan ko Tiger pero please iuwi mo muna ako. Bukas na lang natin pag-usapan, alam kong pagod ka ngayon. Please,” tila nagsusumamong sabi ko habang nakatitig sa kanya. Saglit siyang napatitig sa 'kin bago napabuntong hininga. “Tiger!” Napatili ako nang walang pasabi niya akong binuhat. Napakapit ako sa batok niya at gulat na napatingin sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at dinala na lang ako sa silid niya. Natahimik ako habang nakatingin lang sa kanya. Napalunok ako nang marahan niya akong dinala sa kama. “Ailee, I'm really sorry, please? Dito ka na matulog, okay lang sa 'kin...” sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at dinampian 'yon ng halik. “...hindi ko rin iniisip na makapal ang mukha mo, may karapatan ka na magdemand sa 'kin ng kahit ano. Please don't be like this, love. I love you so much,” puno ng sinseridad na sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Sinabi niya ba na love? Narinig ko na tinawag niya 'kong love. “A-ayaw naman kitang pilitin kung napipilitan ka lang, nakonsensya lang talaga ako dahil pakiramdam ko sumusobra na ko sa 'yo,” sabi ko saka napatungo habang nilalaro ang mga daliri ko. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang baba ko at marahang inangat 'yon. “I love you Ailee.” Napakurap ako sa sinabi niya. Madalas naman niya akong sabihan ng ‘I love you’ pero hindi pa rin nagbabago ang epekto no'n sa 'kin. “I love you too,” sabi ko na lang saka napanguso. Lumapit siya sa 'kin at dinampian ng halik ang nakanguso kong labi. “Take a shower, I have spare clothes here that you can wear,” sabi niya saka muling dinampian ng halik ang kamay ko. Napangiti ako at tumango. Agad siyang tumayo at nagtungo sa drawer. Kumuha siya ng damit at inabot 'yon sa 'kin. “Merong extra toothbrush do'n na pwede mong gamitin, kulay green,” sabi niya pagkaabot niya ng damit sa 'kin. Ngumiti na lang ako at tumayo saka dinampian siya ng halik sa pisngi. Agad akong nagtungo sa cr para magshower. Medyo nagtagal ako dahil matagal naman talaga ako lagi sa banyo, kaya nga si Jam lagi ang pinapauna ko maligo eh. Nagtoothbrush na ako pagkatapos kong magshower saka nagbihis. Puting t-shirt na malaki sa 'kin ang damit na ipinahiram sa 'kin ni Tiger saka itim na cycling. Hindi na kita ang cycling dahil sa laki ng t-shirt. Napangiti ako at inamoy ang t-shirt, kaamoy ni Tiger. Ano kayang sabon na panglaba ang ginagamit niya? Mukhang makakatulog ako ng mahimbing. Natigilan ako sa naabutan ko paglabas ko ng bathroom. Wala sa kwarto si Tiger, nasaan naman kaya 'yon? Lumabas ako ng kwarto ni Tiger habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel niya. Pati towel niya mabango, nakakaadik amuyin. Napakunot ang noo ko nang maabutan ko si Tiger na nakahiga sa couch sa may living room habang nakapikit. May unan sa ulo niya at mukhang sa couch siya matutulog. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa mini table habang tinititigan siya. Nakapikit na siya at mukhang nakatulog na, napaismid naman ako. “Nakakainis naman 'to, kaya nga dito ko gusto matulog para makatabi ka eh. Kainis,” bulong ko saka napapadyak sa sahig. Napapitlag ako nang bigla siyang dumilat saka napatingin sa 'kin. Napalunok naman ako at agad na napaiwas ng tingin ko sa kanya saka tumayo. “Hehe, joke lang po. Bye!” Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalunok ako at napatingin sa kanya. “Gusto mo tabi tayo?” tanong niya. Napatungo naman ako, nahihiya na naman ako. “Hehe, joke lang 'yon. Sige goodnight!” Agad akong nagtatakbo papuntang kwarto niya at nagmamadaling humiga sa kama at nagtalukbong. Parang may nagkakarera sa puso ko dahil sa lakas ng kabog no'n. Natigilan ako nang maramdaman ko na may humiga sa tabi ko. Napasinghap ako nang tanggalin niya ang kumot na nakatalukbong sa 'kin saka ako niyakap sa baywang. Napalunok ako habang panay ang iwas ng tingin sa kanya. Grabe, nakakailang pala 'to. “Hey love, look at me. I thought you want me to sleep beside you. Hmm?” “N-napilitan ka lang yata,” nakangusong sabi ko. Mas hinila niya ako papalapit sa kanya saka dinampian ako ng halik sa labi. Nakasimangot pa rin ako habang nilalambing niya ako. “Ailee, you don't how much I want to sleep beside you and hug you like this,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Tiger.” “Hmm?” “Bakit mo 'ko nagustuhan? I mean, wala naman kasing espesyal tungkol sa 'kin para mahalin mo ako ng ganito?” tanong ko saka yumakap din sa kanya. Idinikit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya, grabe, ang bango talaga niya. “I can't explain it to you by words, and even if I do, I bet you won't understand. Just let me show it to you through actions.” Napasimangot ako sa sinabi niya saka tiningnan siya ng masama. Natawa naman siya saka kinurot ang pisngi ko. “Tiger.” “Hmm?” Hindi agad ako nagsalita, tinitigan ko lang siya sa mga mata niya. Madilim sa kwaro at lampshade na lang ang nagsisilbing liwanag pero ang ganda pa rin sa paningin ko ng kulay berde niyang mga mata. “Stop staring at me like that,” sabi niya sa seryosong tinig habang nakikipaglabanan ng titig sa 'kin. “B-bakit?” “Nakakarumi ng isip.” Napakurap ako sa sinabi niya saka napalunok. Ano raw? “B-bakit naman?” tanong ko. Hindi siya sumagot niyakap na lang ako ng mas mahigpit. Niyakap ko na lang din siya at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango talaga ng tigre ko. “Ailee.” “Hmm?” “I need to tell you something.” Medyo kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinahalata. I need to tell you something na kasi eh, ‘need’ ang gamit na term, nakakakaba tuloy. “Hmm?” “I'm madly in love with you and you have to take full responsibility for it. You're not allowed to leave me, you're not allowed to love someone else, and you need to be with me forever. Do you understand?” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Hindi na naman niy kailangang sabihin 'yon, alam ko na ang dapat gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD