“A-ano ba ang gusto kong mangyari?” Oo nga naman hehe, hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong mangyari. Natigilan ako nang magtungo siya sa kama. Umupo siya ro'n habang ako nasa kandungan pa rin niya. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. “Now, tell me why are you being weird? Ano ba ang gusto mong mangyari at gagawin ko,” sabi niya habang nakatitig sa 'kin ng seryoso. Eh? Ano raw? Napakurap ako habang nakatingin sa gwapong mukha ng boyfriend ko. Bakit ko ba nakalimutan na inosente ang isang 'to? Nakakaloka Pero okay na rin na hindi niya na-gets at hindi siya nagpadala sa pang-aakit ko sa kanya kanina. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakali. Natigilan ako at natulala. Napalunok ako nang may pumasok sa imagination ko. Kung natuloy ang pang-aakit ko sa kanya? Ano na kay