Episode 3

2394 Words
Chapter 3 Jasmine Maaga kaming nagbiyahe patungo sa manila mula panggasina hanggang Maynila. Tanghali na kami nakarating sa Ayala Alabang sa mansyon nila Mike. Kasama ko ang mga bata at sina Tita Ann at Roshel at si Mike. Pagdating namin roon ay agad kaming sinalubong ng isang matandang babae na NAsa edad 60 na segguro ito. Pagbaba na pagbaba namin sa sa harap ng mansyon ay tuwang-tuwa ang mga kambal. Lalo na si Natasha. "Wow! Ang laki naman po ng bahay ni Daddy," papuri pa ni Natasha. "Natasha, quite! Dont shout." saway naman ng istrikto niyang kambal na si Nathaniel. "Hummppp..." sabay irap ni Natasha sa kambal niya. "Ito na ba ang mga anak mo, Mike?" tanong ng matanda kay Mike na buhat-buhat si Josh. "Yes, Yaya and she is my wife, Jasmine. Jasmine, she is my Yaya Lourdes. Siya ang makakasama niyo rito sa mansyon," pakilala ni Mike sa Yaya niya. "Kamusta po kayo?" bati ko at humalik ako sa pisngi nito. "Nako, Iha. Pasensiya na at mabaho ako. Kaluluto ko lang ng tanghalian ninyo. Nako ang ganda mo talaga Jasmine, kaya pala halos mabaliw si Mike sa 'yo noon! Eh, nakakabaliw ka naman pala talaga!" ngiti pa nitong sabi sa akin. Talaga ba na baliw ang alaga niya sa akin noon? Eh halos pinagtabuyan niya nga ako noon. "Yaya?" saway ni Mike na ibig sabihin ay tumigil ito sa pagdal-dal sa akin. "Eh, sino naman itong mga kasama ninyo?" tanong pa nito. "Si Tita Ann at si Roshel nga pala Yaya," pakilala ni Mike at nagbiso-biso pa ang mga ito. "Pumasok na kayo at tiyak gutom na ang mga popoging mga batang ito. Nako zerox copy niyo talaga ang Daddy ninyo noong bata pa ito," ani Yaya Lourdes sa mga kambal. Parang si Manang Sue lang rin ito, kaya kanina pag-alis namin ay maluha-luha pa si Manang Sue nang iwanan namin siya sa Hacienda ganoon rin ang ibang mga tauhan. "So, it means kapag lumaki kami kasing pogi rin namin si Daddy?" sabat naman ni Nathan. "What do you think, Nathan? Ofcourse because daddy is our idol 'di ba?" sabi naman ni Nathaniel. Natawa naman sila sa sinasabi ng mga kambal. "Kayo lang! Ako kasing ganda ni Mommy at kasing sexy!" sabat naman ni Natasha habang pumapanhik kami sa loob ng Mansyon. "Anong sexy? Taba-taba mo nga!" tukso naman ni Nathan kay Natasha. "Hump.. Daddy, oh! Si Nathan!" sumbong naman ni Natasha sa Daddy niya. "Its okay anak. Paglaki mo saka ka na mag-diet para kasing sexy mo ang Mommy mo," wika naman ni Mike sa anak niyang babae. Mula nang bumalik si Mike sa buhay ko at mula nang makilala siya ng mga kambal ay naging malapit ang mga ito sa Daddy nila. Lalo na si Natasha na nae-spoiled lagi ni Mike. ''Daddy, we have a lot of toys here and book?" tanong pa ni Nathaniel. "Yes Niel at may sari-sarili na kayong silid rito. Pero kung gusto niyo pa rin mag-share ng room nasa inyo na iyon," ani Mike. "Daddy, i have my own room rin po ba?" tanong naman ni Natasha. "Ofcourse my Princess. You have your own room." ani Mike saka ginulo pa nito ang buhok ng anak niya. "Daddy, gusto ko katabi si Tita Ann! Pero mas gusto ko katabi kayo ni Mommy!" daldal pa ni Natasha. Nagkatinginan naman kami ni Mike. Nang nasa tanggapan na kami ng mansyon ay naupo muna ako sa sofa at pinagmasdan ang paligid. Mas malaki pa ang mansyon nila kaysa mansyon namin. "Natasha huwag ka ngang epal kina Mommy at Daddy. Si Josh nga hindi tumatabi sa kanila. Let them alone," sabi naman ni Nathaniel. "Its okay mga anak. Tuwing hapon lang ako naririto sa mansyon at kapag sabado linggo wholeday ako rito para makasama ko kayo pero hindi rito matutulog si Daddy," ani Mike. "But why Daddy? Gusto namin lagi ka namin makakasama!" sabi naman ni Nathan. "Sa condo na titira ang Daddy ninyo dahil malapit lang iyon sa trabaho niya," agad kung sagot sa mga katanungan ng mga bata. "Pero puwede ka naman umuwi rito, Daddy. Ede sana doon na rin tayo tumuloy sa condo ni Daddy," sagot naman ni Nathaniel. "Kailangan magkapag-concentrate ang Daddy ninyo sa trabaho niya. Kaya doon muna siya sa condo niya para makapag-focus siya sa trabaho," sabi ko naman. "Bakit wala bang library rito si Daddy? Daddy! Hindi po ba kayo makapag-concentrate kapag narito kami?" inosenting tanong naman ni Nathan. "Hindi naman sa ganoon mga anak, pero narito naman ako araw-araw sa gabi lang ako wala." malungkot na wika ni Mike sa mga bata. "Hummppp.. Daddy, sama ako sa condo mo, please?" lambing naman ni Natasha. "Natasha? Huwag na matigas ang mga ulo ninyo, ha! Hindi lahat ng gusto niyo nasusunod. Sa gabi lang naman wala ang Daddy ninyo rito kaya huwag na matigas ang mga ulo!" saway ko sa mga kambal. Sumimangot naman silang tatlo at hindi na umimik. "Kumain na muna kayo mga bata at baka lumamig ang pagkain," ani Yaya Lourdes. ''Kumain na kayo Roshel, Ann, saka kayong dalawang mag-asawa kain na bago ko ituro ang mga silid ninyo." "Let's eat!" yaya sa akin ni Mike. "Kayo na muna ang kumain busog pa ako. Saan ang magiging silid ko?" tanong ko kay Mike." "Yaya, pakisamahan si Jasmine sa silid ko," utos ni Mike sa yaya niya. "Silid mo? Sa silid mo ako matutulog?" tanong ko. "Silid natin sana. Kaso ayaw mo naman na tumabi ako sa iyo, kaya ang silid ko na ang gamitin mo," sabi naman nito. Kibit-balikat lang ako at nagpasama na ako kay Yaya Lourdes sa magiging silid ko sa Mansyon nila Mike, pero bago pa ako nakaakyat sa taas ay nagsalita ulit si Mike. "Pupunta pala rito sila Mommy at Daddy mo." "Sige! Ipatawag mo na lang ako mamaya. Iidlip lang muna ako," sagot ko naman at dumaretso na sa magiging silid ko. Dala ni Yaya ang isang malita ko na damit ko lamang ang laman. Pagpasok namin sa silid ay namangha ako sa ganda ng silid ni Mike. May mga larawan itong nakasabit at naka-puzzle. May sarili rin banyo sa loob at sofa at tv rin doon at mayroon ring ref. At napakalaki ng kama niya na sinapinan ng kulay puti. May wardrobe rin doon kung saan naroon ang mga iba niyang gamit. At sa harap ng kama sa pader ay may nakakabit na larawan ng tatlong sanggol na nakalagay sa crabe na nilagyan ng frame. Parang pamilyar sa akin iyon at hindi ako nagkakamali ay ang mga kambal namin iyon, pero paano siya nagkaroon ng mga larawan ng kambal noong mga sanggol pa ang mga ito. Kaya nagtanong ako sa Yaya ni Mike. "Yaya saan nakuha ni Mike ang mga larawang iyan," tanong ko. "Ah, iyan ba? Sa ospital niya iyan nakuha noong March 3 2014 sa Saint Lukes kung saan nadisgrasya ako noon," sagot ni Yaya. Nagulat ako dahil iyon ang araw na ipinanganak ko ang mga kambal na nag-agaw buhay pa ako noon. "Naroon si Mike sa Saint Lukes ng araw at buwan na iyon?" tanong ko. "Oo, Iha. Dahil pinuntahan niya ako noon sa ospital nabangga kasi ako. Eh tuwang-tuwa nga iyan noong nakita niya ang mga sanggol na iyan. Ang cute raw at naawa raw siya dahil ang sabi ng mga nurse agaw buhay raw ang ina ng mga sanggol," sabi pa ni Yaya. Ibig sabihin nakita niya na pala ang mga bata noon. At ang nag-aagaw buhay noon ay ako. Ako na nag-iisa nang ipinanganak ko ang mga kambal. Si Doctor Maurine lang ang kasama ko noon at pilit na nagpapalakas sa akin. Naroon pala si Mike nang araw na ipinanganak ko ang mga kambal pero bakit hindi niya man lang inalam na kung sino ang ina ng mga kambal? Kung nalaman niya kaya na ako ang ina ng mga kambal na ninakawan niya ng mga larawan, ano kaya ang gagawin niya? "Ahmm... Sige, Yaya. Salamat sa pagsama rito sa silid. Magpapahinga lang muna ako. Tawagan niyo na lang ako kapag dumating na sina Daddy at Mommy," sabi ko. "Ah.. sige, Iha. Magpahinga ka muna kung nagugutom ka. Eh, pindutin mo lang ang bell na ito para maakyatan kita ng pagkain rito. Oh, gamitin mo itong intercom," sabay turo ni Yaya ng mga iyon. "Sige, Yaya salamat," sagot ko. Saka lumabas naman ito ng silid. Humiga ako sa kama at nakapako lang ang tingin ko sa larawan ng mga kambal. Naalala ko noon kung anong hirap ang pinagdaanan ko nang ipinanganak ko sila. Samanatala si Mike ibang babae at anak ang inaalagaan niya. Samantala ako nag-iisang lumalaban para mabuhay. Ang buong akala ko noon ay anak niya ang pinagbubuntis ni Cristy. Pero hindi naman pala. Sa ganoon akong pag-iisip nang biglang pumasok naman si Mike. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Inis kung turan sa akin. "I'm, sorry pero hinahanap ka kasi ni Josh. Nagugutom na siguro kaya padidiin mo muna," sabi niya at itanabi niya sa akin si Josh. "Kukunin ko lang ang ibang mga gamit rito sa kuwarto ko. Okay lang ba na ito muna ang magiging silid mo?" tanong niya sa akin habang inangat ko ang damit ko at pinadede na si Josh. "Okay, na ito sa akin. Siya nga pala Mike, paanong nakunan mo ng larawan ang mga kambal?" tanong ko. Kumunot naman ang mga noo niya? "What do you mean?" " 'Yang mga naka-kuwadro na mga larawan ng kambal. Hindi mo alam na mga anak mo 'yan?" sabay turo ko ng mga larawan. Tumingin naman siya sa larawan na para bang 'di makaniwala. "Nakuha ko iyan noong na ospital si Yaya. Napunta ako sa delivery room at nakita ko ang mga bata na hila-hila ng mga nurse. Na amaze ako sa mga bata dahil bihira lang ang magkaroon ng anak na tatlong kambal at isang babae at dalawang lalaki, kaya ninakawan ko sila ng kuha," sabi naman niya. "Sina Nathan, Nathaniel, at Natasha, ang mga iyan. 'Yan ang mga panahon na mag-isa ako at nag-agaw buhay," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at batid sa mukha niya ang lungkot. "Patawarin mo ako, Jasmine. Kung alam ko lang sana hindi mo sana dinanas ang hirap," wika nito. "Kung alam mo lang siguro na ako ang ina ng mga kambal baka siguro mas gustuhin mo pang mawala ako. Baka inisip mo na anak namin iyon ni Janzel. Mabuti na lang at hindi mo nalaman na ako ang nanganak dahil baka pinagtawanan mo na ako noon. Dahil matapos kung isilang ang mga sanggol ay halos mapanawan ako ng kaisipan. Baka sabihin mo sa akin na ba___" bigla naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Huwag mo na ituloy. Oo, nagkamali ako pero hindi naman ako ganoon kasama para sabihan ka nang ganoon. Kung alam ko lang na ikaw ang ina nila at sinasabi ng nurse na nag-aagaw buhay ka, baka kinuha na kita at inalagaan, pero hindi natin alam kung ano ang puwede mangyari sa panahong iyon. Maniwala ka sa hindi pinagsisihan ko ang lahat nang iyon, Jasmine!" garalgal nitong sabi sa akin. "Huwag na natin pag-usapan iyan. Bumaba ka na at kumain. Mamaya na lang ako kapag nakatulog na si Josh," mahina kong sabi sa kaniya. "Sabayan na lang kita mamaya kumain.," sabi pa nito at walang lingon-lingon na nagtungo sa wardrobe niya. May mga ilang gamit at damit siyang kinuha at inilagay sa malita niya. Siguro dadalhin niya ang mga iyon sa condo. Hindi ko alam kung tama ba ang disesiyon kung makipaghiwalay kay Mike. Kung tama ba ang paghihiganti na gagawin ko sa asawa ko? Kahit sa kaibatuuran ng puso ko ay mukhang may puwang pa ito sa akin. Hindi naman siguro basta nawawala ang pag-ibig ko para sa kaniya dahil minsan tumitibok pa rin naman ang puso ko sa kaniya. Subalit gusto ko lang kasi maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko noon. Gusto ko mabaliw siya sa akin. 'Yong tipong hindi siya mabuhay kapag wala ako. Makatapos ni Mike magligpit ng gamit niya ay nakatulog na si Josh. Hinaplos nito ang bunso naming anak. Naupo siiya sa tabi ko sa kama. "Magpakabait ka bunso kapag wala si Daddy, ha? Huwag mo bigyan ng sakit ng ulo ang Mommy niyo," sabay halik sa noo ng bata. Saka naman siya humarap sa akin. Pinipigilan kung huwag pumatak ang luha ko. "Alagaan mo ng mabuti ang mga anak natin habang wala ako. Araw-araw ko kayo bisitahin rito," Sabi pa nito sa akin. "Kapag nakapag-isip ka na sabihin mo agad sa akin. Masakit rin ito para sa akin Jasmine na mahiwalay sa inyo ng mga anak natin, pero kailangan kong pagbigyan ang gusto mo. Hindi kita puwedeng pilitin na magsama tayo kung wala ka ng nararamdaman para sa akin pero ito lang ang tandaan mo. Ikaw at ang mga anak natin ang buhay ko." ani Mike na hiwakan ang palad ko. "I'm sorry Mike, kailangan ko muna ng space para sa sarili ko. Sana makapaghintayin ka sa disesiyon ko. Sana hindi ka mag ka maghanap ng iba para ipalit sa akin," wika ko sa makulim-lim kong mata Hinalikan niya ang kamay ko. "Simula ng malaman ang lahat wala na akong ibang hinangad kundi ang nakasama ka at gusto ko man bumawi sa iyo, pero hito at nagbago ang pagtingin mo sa akin." sabi naman niya. Ngumiti ako at hinaplos ang mukha niya. "Mike, lagi mo sana kalimutan na hindi pa annul ang kasal natin. Kaya may pa-asa pa naman na bumalik ang pagtingin ko sa 'yo," wika ko. "Liligawan kita araw-araw hanggat mapa-ibig muli kita, Jasmine," sabi nito sabay halik sa noo ko. "Baka nagugutom ka na? Magpa-akyat na lang ako ng pagkain rito kay Yaya." dugtong pa nito. "Sige, pero saluhan mo ako, maaari ba?" lambing ko sa kaniya. "No problem, Honey," anito saka tinawag na si Yaya sa intercom at nagpadala ng pagkain sa silid namin. Kumain kami ni Mike na magkasalo nagku-kuwentuhan kami tungkol sa mga nakaraan namin. Hanggang sa matapos kami kumain at dumating naman sina Mommy at Daddy. Ang mga magulang kasi ni Mike ay bumalik na sila sa Amerika. At sina Mommy at Daddy ay aalis rin sa sunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD