Chapter 4
Jasmine
Bumaba kami ni Mike at naabutan pa namin na nakikipag-kuwentuhan sina Mommy at Daddy sa mga kambal. Nang makita na nila kaming dalawa ay malawak na ngumiti ang mga ito.
Humalik ako kina Mommy at Gaddy gano'n rin si Mike sa kanila. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi ni Mommy. Si Mike naman ay sa harapan namin sa tapat naming tatlo.
"Kids, doon na muna kayo sa play house ninyo maglaro, ha. May pag-uusapan lang kami ng Lolo at Lola ninyo?" wika ni Mike sa mga bata.
"Yes, po Daddy!" sabay naman ng mga kambal. Saka nagsitakbuhan naman sila at nagtungo sa Playhouse nila.
"Kamusta na kayong dalawa, Iho, Iha?" tanong ni Mommy.
"Okay, lang rin naman, Mom," sagot naman ni Mike.
"Jasmine gusto mo raw magtrabaho sa company?" tanong ni Daddy sa akin. Siguro ay nabanggit na ito ni Mike sa kaniya.
"Oo, sana Dad. Gusto ko maging CEO ng kumpanya." determinado kung sagot kay Daddy.
Natawa naman si Daddy ng pagak sa sinabi ko. "Seryoso ka ba? Wala ka pang expereience sa paghawak ng kumpanya, gusto mo agad CEO? Eh, posisyon iyon ng asawa mo!'' Sabi naman ni Daddy.
"Kaya nga Dad. Gusto ko ang posisyon ni Mike. 'Di ba gusto niyo matoto ako humawak ng negosyo?" sabi ko pa.
"Iha, hindi gano'n kadali iyon. Kung gusto mo magpatayo ka na lang ng botique o 'di kaya salon? Bigyan kita ng kapital," sabi naman ni Daddy.
"Ayaw ko, Dad! Gusto ko maging CEO ng kumpanya. Saka gusto ko si Mike ang secretary ko at siya rin ang magtuturo sa akin at siya ang magiging mentor ko," sabi ko na hindi kumukurap.
"Sos, maryosep! Ang taas ng posisyon ng asawa mo sa kumpanya natin tapos gagawin mong secretary ang asawa mo?" protesta naman ni Mommy.
Sumimangot naman at nakita naman iyon ng asawa ko. Hindi alam nila Mommy at Daddy ang tungkol sa hiwalayan namin ni Mike.
"Sino ba ang anak ninyo Mom, Dad? 'Di ba ako? Eh, bakit pakiramdam ko si Mike na lang palagi ang pinapaboran ninyo?" pagda-drama ko namang wika sa mga magulang ko.
"Hindi naman sa ganoon, Iha. Pero isipin mo naman si Mike ang nagpalago ng Emphire Silver company," sabi ni Daddy na hindi makapaniwala sa gusto ko.
"Dad, it's okay. Wala namang sigurong masama kung bigyan natin ng pagkakataon si Jasmine. Saka puwede ko siyang maturuan sa paghawak ng negosyo," sabi naman ni Mike.
"Pero, Iho. Baka malugi ang negosyo natin kung si Jasmine ang gawing ceo ng kumpanya. Saka wala pa siyang experience kahit nga manager," sabi pa ni Daddy.
"Hello, Dad! Nakapagtapos naman ako ng business administration, ah!" pagyayabang ko naman pero wala na nga akong matandaan sa pinag-aralan ko.
Kung malugi ang kumpanya buti nga 'yon para makaganti ako kay Mike. Mula noon siya na lang lagi ang hinahangaan ni Daddy at Mommy. Matalino kasi siya samantalang ako hindi pumapasok sa isip ko ang mga pinag-aralan ko.
"Kahit kaIlan talaga, Dad! Wala kayong tiwala sa akin," protesta ko naman.
"Iha, puwede ka naman mag-umpisa sa mababang posisyon. Hindi iyong ceo kaagad," ani Daddy.
Si Mommy ay tahimik lang na nakikinig sa amin.
"Dad, ibibigay ko na lang kay Jasmine ang posisyon ko at para maalalayan siya ay pumapayag ako na maging mentor niya at secretary," sabi naman ni Mike. Hindi ko alam kung bakit gano'n niya na lang isuko ang posisyon niya sa akin.
"Kung hindi ko kaya ibabalik ko naman kay Mike ang posisyon niya, kaya kung hindi niyo ako pagbibigyan okay lang," kunwa'y tampo ko.
"Well, it's up to you, Iho. Pero alam mo na ang gagawin kapag hindi kinaya ni Jasmine,'' wika ni Daddy kay Mike.
"Yes, Dad! Ako ang bahala. Alalayan ko na lang si Jasmine," ani Mike
"Pero, iha? Kapag naging ceo ka wala ka ng oras sa mga anak niyo," wika naman ni Mommy.
"Mommy, ako ang bahala sa oras ko sa mga anak ko! Huwag na po kayo mag-alala," sabi ko.
"Sa sunod na araw ay babalik kami ng Daddy mo sa Amerika, kaya gustuhin man namin na dalhin kayo eh alam naman namin ni Daddy niyo na ayaw niyo tumira sa Amerika," ani Mommy.
"Kapag siguro mapalakad ko na ang mga pasaporte ng mga bata Mom, Dad? Yayain ko si Jasmine na magbakasyon sa Amerika," sabi naman ni Mike.
"Mabuti pa nga kung ganoon. Para naman makapunta si Jasmine sa Amerika," sabi naman ni Daddy.
"Ayos lang naman ako rito sa Pilipinas, Dad. Mas gusto ko libutin ang Pilipinas kaysa pumunta sa ibang lugar. Marami namang magagandang tanawin rito sa atin, kaya iyon ang gusto kong matupad ang makapaglibot sa buong pilipinas na hindi ko natupad gawin noon dahil ipinakasal niyo ako kay Mike," sabi ko pa sa kanila.
Nagkatinginan naman silang tatlo. Alam nila na ang hindi basta-basta ang dinanas ko sa pagpapakasal nila sa amin ni Mike, kaya wala silang karapatan na maglikramo kung uungkatin ko man ang nakaraan.
"Ahmm.. Kung 'yon ang gusto mo Iha, ede, maglibot ka sa Pilipinas. Isama mo ang asawa at mga anak ninyo para makapag-bonding kayo o para makapag-date man lang kayo ni Mike," sabi naman ni Daddy.
"Gusto ko ako lang mag-isa, Dad. Ayaw kong may nakabuntot sa akin. Gusto ko makabawi man lang sa sarili ko sa mga panahong puro na lang pagdurusa ang pinagdaanan ko," hinagpis ko sa kanila.
"Eh, ikaw ang bahala, Iha. Alam ko na marami kaming pagkukulang ng Mommy mo kaya kung ano ang gusto mo ,sundin mo. Basta para sa ikabubuti mo at sa ikabubuti ng pamilya niyo ni Mike," sabi naman ni Daddy.
"Iha, kapag may problema ka tawagan mo lang kami ng Daddy mo," sabi naman ni Mommy sabay haplos sa buhok ko. Saka bumaling ang tingin nito kay Mike. "Iho, alagaan mo ng mabuti ang asawa mo. Kung may mga bagay man kayo na hindi mapagkasunduan ay lutasin ninyo ng mahinahon at pakinggan ninyo ang hinanaing ng bawat isa para hindi na maulit ang nangyari noon," sabi pa ni Mommy kay Mike.
"Huwag po kayo mag-alala, Mom. Gagawin ko po ang lahat para sumaya ang pagsasama namin ni Jasmine," wika pa ni Mike.
"Sige na Iho Iha. Aalis na kami ng Mommy ninyo. Bibili pa kami ng ticket. Mike, ikaw na ang bahala kay Jasmine at sa mga apo namin," sabay tapik ni Daddy sa balikat ni Mike.
"Opo, Dad," sagot ni Mike.
Tumayo na rin si Mommy. "Paano, Iha? Kapag may pagkakataon kayo ni Mike magbakasyon kayo sa Amerika, ha? Lagi mo tandaan na mahal na mahal ka namin dahil ikaw lang ang nag-iisang unica, Iha namin ng Daddy mo," sabi pa ni Mommy at yumakap ito sa akin ng mahigpit.
Sa isang taon ko sa Hacienda na kasama si Mike ay lagi naman pumupunta sina Mommy at Daddy sa Hacienda nila Mike. Lagi nila ako kinakamusta kung ayos na ba ako, pero sa awa ng Panginoon ay tuluyan na akong gumaling sa depression ko dahil laging nasa paligid ko ang mga taong mahalaga sa buhay ko.
Pero minsan naroon parin ang pagtatampo ko at inis sa kanila. Sinusubukan ko naman na magpatawad, pero sa totoo lang sa tuwing inaangkin ako ni Mike ay naalala ko kung paano niya ako babuyin noon. Kung paano ko binayad ang katawan ko para lang mabuhay si Natasha at ang naging bunga ng gabing iyon na nangalimos ako ng tulong sa asawa ko ay si Josh.
Akala ko ay lubos ko ng napatawad si Mike, pero hindi pala ganoon kadali iyon dahil ang bigat sa puso ko, kaya kailangan ko muna makipaghiwalay sa kaniya ng sandali para naman malaman ko kung ano ba talaga ako para sa kaniya? At ano ba talaga siya para sa akin?
Nagpaalam na sina Mommy at Daddy sa mga bata. Niyakap nila ng mahigpit ang mga kambal na akala mo ay huli na nilang pagkikita.
Mangiyak-ngiyak pa si Mommy nang umalis sila ni Daddy. Napapabuntong hininga na naman ako dahil tulad ng dati aalis na naman sila at maiiwan na naman ako sa Pilipinas. Halos sa Amerika na kasi ang buhay nila at sanay na ako na lagi silang umaalis.
Pero ngayon ko lang naramdaman ang mangulila sa kanilang dalawa. Hindi ko alam pero hindi ko naman ito dati nararamdaman sa tuwing aalis sila. Marahil ay dahil ito sa mga naranasan ko lang kaya parang nalulungkot ako sa pag-alis nila.
Nasa labas ako ng mansyon habang tanaw ang sasakyan ng mga magulang ko. Nasa likuran ko naman si Mike.
"Okay ka lang ba?" tanong nito nang mapansin na naluluha ang mga mata ko.
"Ayos lang ako, Mike. Ano oras ka ba aalis? Saka kailan ako magsimula sa pagiging ceo sa kumpanya?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"Sa susunod na araw kausapin ko pa ang mga share holders," sabi naman nito.
" Sige, akyat na ako sa taas. Huwag mo na ako isturbuhin kapag umalis ka na," sabi ko sabay talikod sa kaniya.
Pero nahigit niya naman ako sa kamay. "Jasmine," tawag nito.
Nilingon ko naman siya." Mike bitiwan mo ako, gusto ko na magpahinga. Kung aalis ka umalis ka na at kung maaari ay huwag mo muna akong kausapin. Tawagan mo na lang ako kung kailan ako puwede pumasok sa opisina mo bilang ceo ng kumpanya," sabi ko at binawi ang kamay ko.
Umakyat ako sa taas na tinalikiran siya. Pagdating ko sa silid ay naroon si Roshel binabantayan si Josh.
"Roshel dalhin mo na sa labas ang mga gamit ni Mike. Gusto ko na kasi magpahinga," sabi ko.
"Opo, Ate," saka kinuha nito ang mga gamit ni Mike na dadalhin sa condo niya.
Paglabas ni Roshel ay ipinad-lock ko ang pinto at tumabi sa tabi ni Josh.
Hapon na ng mga oras na iyon ngunit bigla ko na lang na miss kaagad sina Mommy at Daddy. Kung dati ako lang ang baby nila ngayon may apat na silang baby na mula sa akin.
Dati ay binibigay nila lahat ng gusto ko. Spoiled na spoiled nila akoo, ngunit dahil sa kagustuhan nilang si Mike ang mapangasawa ko ay pinilit kaming ipakasal. Unang kita ko pa lang kay Mike noon ay tumibok na ang puso ko, kaya noong ikinasal kami akala ko ay magiging masaya ako sa piling niya, ngunit hindi pala. Iba ang inaasahan kong mangyari at taliwas iyon sa inaakala ko.
Kahit na pinapakita niya sa akin na nagsisi siya sa mga nagawa niya noon ay hindi pa rin maalis dito sa puso ko ang ginawa niya sa akin. Pilit ko man iwasan isipin pero kusa itong bumabalik sa kaisipan ko.