Chapter 2
Jasmie
Pov
Habang nakahiga si Mike ay pinunasan ko na lang ito ng basang towel.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo at kailangan mong maglasing?" tanong ko kay Mike habang pinupunasan ang katawan niya.
Hindi naman ito nagsalita dahil malamang ay tulog na ito.
Kaya pinalitan ko na lang siya ng damit. Pagkatapos ay napatitig ako sa matapang niyang mukha.
Tinatanong ko ang sarili ko kung paano ako nabaliw sa lalaking ito? Kung paano ako nangalimos sa kaniya sa paghingi ng tulong para sa anak namin. Hindi ko lubos na maisip kung paano ako nabaliw dahil sa lalaking ito?
Kaya mula nang bumalik ako sa katinuan ko ay sumagi sa isip ko ang paghihiganti sa lahat ng taong nanakit sa akin. Siguro minsan nawawala ang pagmamahal ko para sa kaniya ay dahil may galit pa rin akong nararamdaman para sa kanilang lahat.
Gusto ko danasin ni Mike ang sakit na dinanas ko noong mga panahon na iniwan niya ako. Paano pala kung hindi sila pinunthan ni Cristy at Janzel sa Amerika? Paano kung hindi sinabi sa kanila ng mag-asawa ang sitwasyon ko noon bago ako nanganak kay Josh?
Uuwi ba sila at kamustahin ako? Pakiramdam ko noon ay inapi nila ako at pinabayaan. Samantalang sila ay masaya sa Amerika. Pakiramdam ko inagaw ni Mike ang lahat sa akin. Inagaw niya ang buhay ko sa Maynila at dinala niya ako sa lugar na ito para magdusa.
Inagaw niya ang tiwala ng mga magulang ko sa akin kaya nila ako itinakwil. Kaya sumagi sa isip ko na kunin ko rin ang lahat sa kaniya. Ang kumpanya ang mga anak namin ang kasiyahan niya ay aagawin ko rin sa kaniya.
Tumatak sa puso at isip ko na pagbabayarin ko si Mike sa lahat ng atraso niya sa akin. Kaya sisimulan ko sa pagpa-annul ng kasal namin.
Ilalayo ko ang mga bata sa kaniya. Nang sa gano'n malaman niya kung paano ang masaktan.
Ipapakita ko sa kaniya na hindi na ako ang dating Jasmine na kaya niyang bulihin. Ang dating Jasmine na kaya niyang saktan.
Kaya sa isang taon namin na pagsasama ay sinigurado ko na mahalin niya ako para kapag iniwan ko siya ay siya naman ang masasaktan.
At tama na siguro ang isang taon na kapiling niya ako. Tama lang na siya naman ang mabaliw sa akin. Kaya hinayaan ko lang na angkinin niya ako sa loob ng isang taon. Para mabaliw siya sa katawan kung ito kapag tuluyan ko na siyang hiwalayan.
Tumabi ako sa kaniya at niyakap ko siya. "I'm sorry Mike pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kitang iwan. Kailangan mo maramdaman ang sakit na idinulot mo sa buhay ko." Wika ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Bakit kay hirap mag-move on. Bakit ang hirap kalimutan ang lahat? Kung puwede lang sana na kalimutan ko na lang ang msasakit na nangyari ay ginawa ko na. Pero hindi pala ganoon kadali ang magpatawad.
Hindi sapat ang salita lang. Dahil nakatatak itong lahat sa isip ko. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.
Kinabukasan ay nagising ako at nakita kong nakatingin sa akin ang asawa ko habang nakatukod ang kamay nito sa kama at nakahilig ang ulo niya sa kamao niya.
"Gising ka na pala. Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko sa kaniya.
"No, just stay for a while. Gusto ko na titigan ka at makatabi," anito sa paos na boses.
"Okay, bakit ka nga pala naglasing kagabi?" tanong ko.
"Bakit gusto mo makipaghiwalay sa akin? Hindi mo na ba talaga ako mahal?" tanong nito sa akin.
Malungkot ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Dapat matuwa ako at maramdaman niya rin kung paano niya ako binali wala noon.
"Mike, sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ka uminom kagabi? Halos hindi ka na makalakad nakakahiya kay Mang Danny," sabi ko.
"Dahil hindi ko gusto ang sinabi mo kahapon. Ayaw kong magkalayo ulit tayo, Jasmine! Pero kung gusto mo mapag-isa pagbibigyan kita. Just go to abroad. Gusto mo sumama ka kina Mommy at Daddy mo pabalik sa Amerika para makapag-isip," sabi niya pa sa akin.
"Hindi! Ayaw ko lumabas ng bansa at iwan ang mga anak ko sa'yo. Gusto ko bumalik sa Maynila. Kung saan mo ako inilayo noon," wika ko.
"Kung iyon ang nais mo sige. Doon na muna tayo sa Maynila. Pero kung maari sa mansion kayo tumira ng mga bata. Para lagi ko sila mabisita," anito.
Ang mga bata lang ba talaga ang gusto niya bisitahin? Paano naman ako? Kaya ba umuwi sila rito sa Pilipinas ay dahil sa mga bata lang? At hindi para sa akin? Kaya dapat lang na hindi lumambot ang puso ko para kaniya.
Sana tuluyan na lang mawala ang pagmamahal ko para sa kaniya at hindi na bumalik pa. Nang sa ganoon ay hindi na niya ako masasaktan pa tulad nang dati.
"No! Sa mansion namin kami titira ng mga bata sa Alabang. Puwede mo naman sila dalawin roon. O kung gusto mo sabado at linggo sa'yo ang mga bata. At sa akin naman lunis hanggang Friday," sabi ko.
Kumunot naman ang noo niya." Intindihin mo naman sana ako, Jasmine! Gusto ko lagi kong kasama ang mga anak ko. Kaya roon na kayo sa mansion titira."
"At ikaw saan ka titira roon din?" tanong ko.
" Sa condo ko at kapag gabi ay dadalawin ko kayo roon sa mansion. Para makapag-isip ka ng maayos," sabi pa nito sa akin.
" Sige roon ka tumira para malaya kang makapagdala ng mga babae mo roon," inis kong sabi sa kaniya.
Naiinis ako kapag naalala ko ang babaeng binabayo niya noong panahon na kailangan ko ang dugo niya para kay Natasha.
Ang sarap niya sabunutan at kalbuhin na walang matirang buhok sa ulo niya.
"Hindi ako magdadala ng babae roon. Sapat ka na sa akin. Handa ako maghintay kung kaylan ka na ulit handa ibigay ang sarili mo sa akin. Pero may kondisyon akong hihilingin sa'yo," anito at pinisil pa ang ilong ko.
"Ano ba!?" protesta ko." Ano na namang kondisyon 'yan, humm?"
"Bawal ka makipag-date sa ibang lalaki at bawal ka makipagrelasyon sa iba. Bawal ka tumanggap ng mga manliligaw," anito sa seryosong mukha.
"Eh paano kung makipag-date ako? Ano ang gagawin mo sa akin? Hahalayin mo ako? O sasaktan mo ako?" pang-uuyam ko pang tanong sa kaniya.
" No, mas gustuhin ko na lang ang mamatay kaysa mapunta ka sa iba," anito na mukhang seryoso.
"Hahaha.. Ikaw? Magpapakamatay dahil lang sa akin? Hay nako Mike! Bumangon ka na nga riyan," tawa ko at akmang babangon na sana ako ng hinigit niya ako sa beywang at niyakap.
"Hindi ko kakayanin kapag mapunta ka sa iba Jasmine. Kaya hindi ako papayag sa annulment na hinihingi mo. Minsan ka na nawala sa akin. Minsan na tayong nagkahiwalay ng matagal. Kaya ayaw ko na maulit pa iyon," anito at isinub-sob niya pa ang mukha niya sa leeg ko.
Ang sarap sana pakinggan ng mga sinasabi niya sa akin. Pero may isang bahagi sa isip ko na huwag maniwala sa mga sinsabi niya. Dahil baka maulit na naman ang dati at bigla niya rin akong iwan at itakwil.
"Mike, hayaan mo muna ako. Kapag naibalik ko na ang dating ako baka sakaling bumalik rin ang pagmamahal ko sa'yo at tiwala," wika ko sa kaniya.
"Jasmine, kung may tampuhan at away man tayo sana hanggang doon lang at hindi na umabot sa hiwalayan," anito.
"Hindi ko maipangako 'yan, Mike. Basta ito lang ang tandaan mo. Minsan minahal kita ng subra na halos wala ng natira para sa sarili ko. Kaya sana hayaan mo akong mahalin ko naman ang sarili ko. Hayaan mong makabawi ako sa sarili ko. Maintindihan mo sana ako Mike," sabi ko.
Nagbuntong hininga ito ng malalim." Naiintindihan kita, Jasmine. Kasalanan ko kung bakit nawala ang pagmamahal mo sa akin. Pero gagawin ko ang lahat para muling bumalik ang pag-ibig mo sa akin Jasmine. Hindi kita masisi kung mawala ang pagtingin mo sa akin," anito sa garalgal na boses. Batid kung umiyak siya dahil naramdaman ko ang luha na pumatak sa balat ko.
Habang ako ay pigil sa mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. Pero hindi ako dapat manghina. Dapat tatagan ko ang loob ko.
Kaya iniba ko na lang ang usapan namin. " Mike, I'm sorry. Pero nais ko sana pag-aralan ang negosyo namin. Maaari mo ba akong tulungan?" tanong ko sa kaniya.
" Sure gusto mo mag-umpisa ka sa marketing then e-promote kita bilang President sa Emphire Silver Company." anito sa mahinang boses.
" No, gusto ko maging ceo ng kumpanya," wala sa sarili kong sabi.
Nagulat naman ito at agad na kumawala sa pagkayakap sa akin at naupo sa kama.
Kaya bumangon na rin ako at tumayo.
"Hon, hindi puwede na ceo ka kaagad. Isa pa pag-uusapan pa ng mga Board Member ang mga ito. Saka posisyon ko iyon. Ako ang ceo ng kumpanya," sabi pa nito sa akin.
"Puwes ibigay mo sa akin ang posisyon mo. At kung gusto mo ikaw na lang ang President kung ayaw mo mag-president ede maging janitor ka na lang ng company, " wika ko na tumaas pa ang kilay ko sa kaniya.
"Hon, hindi ako nagbibiro. Kumpanya ko at kumpanya niyo ang nakasalalay rito. Kaya pag-isipan ko ang sinabi mo," sabi pa nito sa akin.
" Okay, gusto ko bukas na bukas pupunta na tayo ng Maynila. Kaya sabihan ko na sina Tita Ann at Roshel na iligpit na ang mga gamit ng mga bata," sabi ko sa kaniya at nagtungo sa banyo para mag-tooth brush at mag-shower.
Alam kong hindi ko kaya tapatan ang talino ni Mike pagdating sa kumpanya. At wala akong alam pagdating sa paghawak ng negosyo. Pero tulad nga ng binabalak ko ay gusto ko lahat agawin sa kaniya.
Para maramdaman niya kung paano ang mawalan ng ari-arian. Hindi ako intrisado sa kumpanya pero kailangan kong gawin ito para maisakatuparan ang lahat ng plano ko.
Bibigyan ko siya ng sakit sa ulo. Tingnan natin kung hanggang kaylan niya masakyan ang kapraningan kong gagawin.
Matapos kong mag-shower ay nagtungo naman ako sa sala at naabutan ko ang mga anak ko at ang Daddy nila sa sala na nakikipagharutan ito sa mga bata.
Nagtungo ako sa kusina para hanapin si Tita Ann at naroon nga sila ni Roshel sa kusina. Kausap nila si Manang Sue na abala sa pagluluto ng almusal.
"Tamang-tama iha nagluto na ako ng almusal ninyo para makakain na kayo," ani Manang.
"Salamat Manang, siya nga pala bukas pupunta na kami sa Maynila. Doon na muna kami Manang Sue," sabi ko at agad naman itong nagulat.
"Eh bakit, iha? Ayaw niyo na ba rito sa Hacienda?" tanong nito.
"Hindi naman po Manang Sue. Magbabakasyon naman po kami rito ng mga bata. Isa pa para malapit na ang trabaho ni Mike roon," pagsisinungaling ko kay Manang Sue.
Hindi ko na dapat sabihin ang hiwalayan namin ni Mike. Tanging si Tita Ann lang ang naka-kaalam ng disisyon kong iyon.
"Eh kung iyon ang plano ninyo ni Mike, eh sige. Basta mag-ingat kayo roon ng mga bata. Mamimis ko ang mga batang iyon," sabi naman ni Manang Sue.
Mula nang bumalik kami sa Hacienda ay maraming natuwa. Hindi inakala ng iba na mag-asawa pala kami ni Mike. Lalo na si Leny noong nagbakasyon siya rito kina Ate Beth.
Si Tiya Cora at Tiyo Pedring naman ay natutuwa nang makita ang mga anak namin ni Mike. Hindi nila lubos akalain na mag-asawa kami ni Mike at may mga anak na kami ni Mike.
Inutusan ko si Roshel at Tita na iligpit na ang mga gamit nila pati na ang sa mga bata.
Nagtungo naman ako kina Tiya Cora para magpaalam sa mga ito. Dahil naging mabuti sila sa akin kahit noon pa man na unang dating ko rito sa Hacienda.
Naalala pa ng mga ito ang manok na ninakaw ko at pinakatay kay Tiya Cora na muntik na nilang ikapahamak noon dahil sila ang napagbintangan ni Mike. 'Yon pala ay pinaglihian ko iyon sa mga kambal. Mabuti na lang at hindi nagmukhang manok ang mga kambal namin ni Mike.