Chapter 5
Mike
Nang umakyat na si Jasmine ay hinayaan ko lang siya dahil alam ko pagod ito sa biyahe. Huli man ang pagsisisi ko sa lahat ng pasakit kong nagawa sa asawa ko ay hindi ako titigil na makuha ulit ang dating pagmamahal niya sa akin noon na binali wala ko lang.
Hindi ko siya masisi kung bakit pakiramdam niya ay hindi niya na ako mahal. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko siya susukuan.
Sabi ng doktor niya sa Psychiatrist. Makakaramdam ng pagbabago ang asawa ko sa sarili niya. Mag-iiba ang emotion niya at mag-iiba ang tingin niya sa sarili. Magaling na nga siya pero marami ang magbabago at ang sabi pa ng doktor niya sa akin ay intindihin ko lang ang asawa ko dahil kailangan pa siyang intindihin.
Hayaan lang muna ito sa gusto niya at sanhi na rin ng pagkaroon niya ng post partum syndrome dahil sa panganganak niya kay Josh, kaya mag-iiba talaga ang mood niya lalo na at isang taon pa lang si Josh.
Ganoon raw talaga kapag bagong panganak kaya hinayaan ko lang siya sa gusto niya. Pati ang kagustuhan niyang maging ceo ng kumpanya ay pagbibigyan ko siya, kaya pagka-alis nila Mommy at Daddy ni Jasmine ay nagpaalam naman ako sa mga kambal.
"Daddy, where are you going?" tanong ni Natasha.
"I'm going to my condo, kaya huwag kayo magpasaway kina Mamita Ann ninyo at lalo na kay Mommy ninyo," sabay haplos ko sa buhok Natasha.
"Bakit ayaw mo ba rito sa mansyon mo, Daddy?" tanong ni Nathaniel.
"Hindi naman sa ayaw anak kaya lang may mga bagay lang kaming pinagkasunduan ng Mommy niyo at para ito sa ikabubuti nating lahat," paliwanag ko naman sa mga bata.
"Daddy, iiwan mo ba ulit kami?" malungkot na tanong ni Nathan.
"No, Baby. Araw-araw naman akong dadalaw sa inyo. Saka, 'di ba? Sinabi rin sa inyo ng Mommy ninyo na malapit lang ang office ko roon sa condo, kaya roon muna ako titira," wika ko kay Nathan.
"Daddy, sama ako, please?" lambing pa ni Natasha.
"Baby, hindi puwede dahil walang magbabantay sa inyo. Saka papasok na kayo sa school." sabi ko kay Natasha.
"Eh... Dito ka na lang Daddy, please? Baka paluin na naman ako ni Mommy kapag wala ka," sumamo ni Natasha at yumakap ito sa binti ko.
"Gusto ko sumama sa 'yo, Daddy! Waaaah..." iyak pa nito.
"Natasha, iyakin ka talaga!" sabi naman ni Nathan sa kapatid niya.
"Waaaah... Daddy, si Nathan, oh! Bubulihin ako niyan palagi kapag wala ka rito kaya isama mo na ako Daddy!" iyak pa ni Natasha.
Yumuko ako para buhatin siya at hinila ko naman ang dalawa niyang kambal at umupo kami sa sofa.
"Mga anak magmahalan kayo at ipangtanggol ninyo ang isa't-isa kapag may na bully sa isa man sa inyo. Hindi 'yong mag-away-away kayo," sabi ko naman.
"Si Nathan, kasi lagi inaasar si Natasha. Alam niya naman na iyakin! 'Di ba, sabi ni Mommy huwag natin awayin si Natasa dahil Prinsesa natin siya?" sabi naman ni Nathaniel.
Humaba naman ang nguso ni Nathan at pinakrus niya pa ang braso niya sa dibdib nito kaya kinabig ko ito at pinaupo sa kabila kong hita.
"Nathan, ano ang sasabihin mo sa kapatid mong babae?" tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin. "Sorry po," anito sa mahinang boses at kinurap-kurap pa ang mga mata.
"Sa kapatid mo ikaw tumingin at humingi ng sorry," utos ko sa kaniya.
Tumingin naman siya kay Natasha. "Sorry, Tasha. Bati na tayo, ha? 'Wag ka na magalit sa akin, ha? At huwag mo akong isumbong kay Mommy," anito sa kakambal niya.
" it's okay Nathan.i alreadt to forgive you. But dont do it again, ha?" wika pa ni Natasha kay Nathan saka niyakap niya ang kakambal niya.
"Thank you Natasha," ani Nathan. Saka niyakap rin nila ang kambal nilang si Nathaniel.
Mas lalo akong namangha kay Jasmine, dahil pinalaki niya ang mga anak namin na mabuting mga bata at minahal niya ang mga ito sa kabila ng lahat ng dinanas niya dahil sa kapabayaan ko sa kaniya noon.
Kaya sino ako para pigilan ang kagustuhan niyang mapag-isa? Hindi ko ipinadama ang respeto sa kaniya noon bilang isang babae. Ni hindi ko nga siya iginalang bilang asawa ko noon. Bagkos ay binastos ko siya at pinagbintangan na naging taksil sa akin.
Kaya ang suwerte ko dahil dumating si Jasmine sa buhay ko. At nagkaroon pa ako ng anak sa kaniya na hindi ko man lang sila naalagaan at naprotiktahan noon. Sa halip ay muntik pa sila napahamak dahil sa kagagawan ko kaya naman hindi ko siya puwedeng tanggihan sa mga nais niya gawin.
Hindi ko alam kung bakit ang tanga ko noon. Kung bakit hindi ko siya binigyan ng halaga. Hindi ko man lang pinakinggan ang mga paliwanag niya noon.
Basta-basta ko na lang siya hinusgahan noong nakita ko sila ni Janzel na pumasok sa hotel sa bayan. 'Yon pala ay naroon ang asawa ni Janzel na si Cristy sa hotel na iyon.
Subalit huli man ang pagsisisi ko noon ay hindi pa naman huli ang lahat para ipakita ko sa asawa ko kung gaano siya kahalaga sa akin ngayon, kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya lang siya.
Matapos kong magpaalam sa mga kambal ay hindi na ako umakyat sa taas para mahagkan si Josh dahil ayaw ni Jasmine maisturbo, kaya pumunta na ako sa condo ko.
Pagdating ko naman roon sa unit ko ay naalala ko kung paano kami unang nagkita ni Jasmine. Pumasok siya sa unit ko habang may ibang katalik ako. Iyon ang unang pagkikita namin ni Jasmine na naasar pa ako noon sa bigla niyang pagpasok sa pintuan.
Napapatawa na lang ako kapag naalala ko iyon. Nakahiga ako sa sofa at nanonood ng tv ng tumawag ang kaibigan kong si Stevan at pinagkakatiwalaan sa mga hayop ko sa Hacienda. At ito rin ang assistant ko ngayon.
Kaya sinagot ko ang tawag niya.
"Bakit napatawag ka? Bukas magri-report na ako sa Office at tawagan mo ang lahat ng Board Member dahil may mahalaga akong sasabihin," utos ko kay Stevan.
"Okay, Bro. Narito ako sa unit ko ngayon sa Makati. Mag-send na lang ako ng email sa kanila. Mabuti at naisipan niyong lumipat rito sa Maynila. Atleast hindi ka na mahihirapan sa pagbiyahe," wika nito sa kabilang.
"Oo, pero narito na rin ako matutulog sa condo ko. At ang mag-ina ko ay sa mansyon." sabi ko naman.
"Hu? Bakit naman? Nag-away ba kayo ni Misis mo?" tanong niya.
Kaya nagbuntong hininga muna ako bago siya sinagot. "Hindi naman Bro. Kailangan ko lang muna siya bigyan ng space. Alam mo naman siguro ang pinagdaanan niya dahil sa akin," sabi ko kay Stevan.
"Well, sana hindi na maulit ang nangyari noon Bro, dahil kapag nagkamali ka ng moves mo sigurado mawawala ulit ang asawa mo sa 'yo at isipin mo marami pa rin ang magkakagusto sa kaniya kahit may mga anak na siya." sabi naman ni Stevan.
"Alam ko! Sige na at matulog na ako. Basta magpatawag ka ng emergency meeting bukas," sabi ko naman.
"Sige, good night," anito at pinatay na ang cellphone.