Episode 1

1552 Words
Chapter 1 Jasmine Pov Kasalukuyang na sa silid ako namin ni Mike. Pinapadede ko ang sanggol na hawak-hawak ko. Ang sanggol na ipinanganak ko. Ang sanggol na naging bunga ng kababuyan sa akin ng asawa ko noong nangangailangan ako ng dugo para sa isa sa kambal naming anak na si Natasha. Minsan sinasabi ko na napatawad ko na si Mike pero minsan kapag naisip ko lahat ng pasakit niya sa akin ay bigla na lang umiiba ang feeling ko para sa kaniya. Minsan hindi ko alam ang nararamdaman ko. May araw na mahal ko siya at may araw naman na nawawala ang feeling ko para sa kaniya. Lalo na kapag naalala ko lahat ng ginawa niya sa akin. May oras pa na gusto ko maghiganti sa kaniya. Gusto kong pasakitan siya tulad ng naramdaman ko noon kung paano niya ako itinakwil. Maya pa ay pumasok si Mike sa silid namin nang hapong iyon. " Kamusta na ang mga baby ko, ha?" ani Mike na tinutukoy ay kami ni Josh. Ang tatlo kasi ay nasa labas naglalaro kasama si Tita Ann. "Baby Josh, tama ng pagdede 'yan kay Mommy. Tirhan mo naman si Daddy," wika pa nito sa walang muwang naming anak. " Kaylan ka pupunta ng Maynila, Mike?" tanong ko. "Baka sa sunod na araw hon. Bakit may ipapabili ka ba sa akin?" tanong pa niya. Ibinaba ko ang damit ko nang matapos dumide si Josh. Kinuha naman ito Mike at hinilihili. "Wala." Tipid kong sagot. Napansin naman niya ang mukha ko na wala sa mood. " Parang matamlay ka yata, Hon. May problema ba?" tanong pa niya. "May sasabihin ako sa'yo Mike. Huwag ka sana mabigla," seryoso kong sabi. Tumingin naman ito sa akin at binabasa ang nasa isipan ko. "Ano 'yon, Hon?" tanong niya. "Gusto ko makipag-annul sa'yo." wala sa sarili kong sabi. Bahagya pa siyang natigil sa paghili kay Josh Michael. 'Yon ang pangalan ng anak namin. "Hon, huwag ka nga magbiro ng ganiyan. Hindi nakakatawa," wika pa niya na hilaw ang ngiti. "Seryoso ako Mike gusto ko makipaghiwalay sa'yo," sabi ko. "Tsss.. Hon apat na 'yong anak natin sa palagay mo ba papayag ako na makipaghiwalay sa'yo?" anito. " Seryoso ako Mike, gusto ko makipaghiwalay sa'yo. Gusto ko ma-annul ang kasal natin na dapat noon pa nangyari." sabi ko pa. "What!? At ano ang dahilan mo na gusto mong makipaghiwalay sa akin? Hon, buo na tayo. Ngayon ka pa talaga makipaghiwalay sa akin kung kaylan na apat na ang mga anak natin? 'Di ba dati na wala pa tayong anak ayaw mo maghiwalay tayo?" salubong ang mga kilay nito na sabi sa akin. " Noon 'yon! Noong baliw na baliw pa ako sa'yo. Noong imature pa ang isip ko. Pero ngayon matured na ako Mike. Gusto ko hanapin ang sarili ko. Gusto ko mag-relax gusto ko walang bumubuntot sa akin na asawa gusto ko maging malaya Mike. Kaya pakiusap gusto ko ng maghiwalay tayo," wika ko pa sa kaniya. " Tsss.. Kalukohan 'yang sinasabi mo. Ede mag-relax ka. Gusto mo punta tayo sa Amerika? Para makapag-relax ka roon. O kahit saan mo gusto pumunta papayagan kita. Pero 'yang sinasabi mong annulment at hiwalay never na mangyari 'yon. Over my dead body," sabi pa nito at kunot ang mga noo. " Mike, gusto ko naman pagbigyan ang sarili ko. Kaya kung maari maghiwalay na muna tayo. Seryoso ako Mike at gusto ko magtrabaho. Ayaw ko mananatili na lamang sa bahay na ito," sabi ko pa. "Puwede ka naman magtrabaho na hindi tayo magkahiwalay. Jasmine, kaaayos lang nang relasyon natin tapos gusto mo na agad maghiwalay tayo? Buti sana kung wala tayong mga anak. Bigyan mo ako ng sapat na dahilan para makumbinsi sa gusto mo," wika pa niya sa akin. "Kapag sinabi ko ba ang dahilan papayag ka na ma-annul ang kasal natin?" tanong ko. "Depende sa sasabihin mo," sagot naman niya. "Mike, hindi na kita mahal kaya gusto ko na makipaghiwalay sa'yo," wika ko pa. Bigla naman siya napangnga. Para namang sinaksak ng punyal ang puso ko nang sinabi ko iyon sa kaniya. "H...hon? Nagbibiro ka ba?" tanong niya. Umiling-iling ako."Hindi ako nakikipagbiruan Mike basta hindi na kita mahal. Patawarin mo ako pero hindi ko naman ito sinasadya." "B...baka nabigla ka lang Hon o baka nagugulohan ka lang sa nangyari kaya mo nasasabi 'yan," anito na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hindi Mike, hindi na talaga kita mahal at gusto ko maging malaya. Gusto ko ibalik ang dating ako. Dahil simula nang ikinasal tayo hindi ko na nakilala ang sarili ko. Kaya sana pagbigyan mo ako sa hinihingi ko sa'yo. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo para sa sarili ko," garalgal kong sabi. "Paano ang mga anak natin kapag naghiwalay tayo? Paano sila Jasmine? Alam ko nabibigla ka lang. Pero pag-isipan mo muna ito ng mabuti . Saka mo ulit ito sabihin sa akin," sabi pa niya at tumalikod. Namumula ang mga mata nito. Dala niya si Josh na lumabas sa silid namin. Alam ko masakit para sa kaniya ang biglaan kong disisyon pero gusto ko pagtuonan ng pansin  ang sarili ko. Simula nang minahal ko siya ay wala na akong panahon sa sarili ko. Naging sunod-sunuran na lang ako. Malaki ang ipinagbago ko sa dating ako. Minsan hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Kinagabihan ay katatapos ko lang patulogin si Josh. Ibinigay ko na ito sa yaya niya na si Rose. Kinuha ko si Roshel para siya ang maging katuwang ko kay Josh atleast kilala ko na siya sila ni Tita Ann. At balak ko itong paaralin sa sunod na taon para naman makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral. "Ate, nag-away ba kayo ni Kuya?" tanong nito sa akin nang nasa silid ako nila ni Josh. "Hindi naman, bakit?" tanong ko. "Eh kasi nakikipag-inoman doon si Kuya sa mga tauhan niya. Hindi naman siya umiinom, 'di ba? Simula noong lumipat ako rito hindi ko nakikita na umiinom si Kuya." ani Roshel. "Hayaan mo siya. Sige matulog ka na rin at puntahan ko pa ang mga kambal." Paalam ko kay Roshel at lumabas na sa silid nila ni Josh para puntahan ang mga kambal sa kabilang kuwarto. Pagdating ko sa silid nila ay tulog na ang mga ito. Si Tita Ann ay nagising nang maramdamang pumasok ako. "Iha, gising ka pa?" tanong nito. "Gusto ko lang po tingnan ang mga bata, Tita Ann. Pasinsiya na at nagising ko kayo." Paumanhin ko at naupo ako sa tabi niya. Magkatabi sila ni Natasha sa kama si Nathan naman at Nataniel ay magkatabi sa kabilang kama. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko na si Natasha. Hawig na hawig nila ang Daddy nila. Kahit saang angulo sila tingnan. "Tita Ann, may gusto akong sabihin. Gusto ko makipaghiwalay kay Mike," walang prino kong wika kay Tita. "Ha? Pero bakit? Isang taon na kayong nagsasama at bakit naisipan mo naman namakipaghiwalay sa kaniya?" tanong ni Tita. "Hindi ko alam Tita. Pero minsan hindi ko na siya mahal. Pero minsan mahal ko rin siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Tita." sumbong ko. " Iha, baka naguguluhan ka lang. Pero kailangan mo munang pag-iisipan ang disisyon mo. Lalo na at ang nakasalalay rito ay ang mga kapakanan ng mga anak ninyo ni Mike," sabi pa ni Tita. "Salamat Tita, pero siguro ay nagugulohan lang ako," wika ko at tumayo na." Sige Tita matulog na po kayo." Saka isa-isa kong nilapitan ang mga kambal at hinalikan. Saka lumabas na ako ng silid nila at nagtungo sa silid namin ni Mike. Habang na sa silid ako ay hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang disisyon kong makipaghiwalay kay Mike. Gulong-gulo ang isipan ko. Hanggang sa nakarinig ako ng ingay sa baba. Kaya dali-dali akong nagsuot ng roba at bumaba sa sala. Naabutan kong akay-akay ni Mang Dany si Mike. Subrang lasing ito. "Mang Danny, ano ang nangyari sa amo niyong 'yan. Bakit lasing 'yan?" tanong ko kay Manong. "Eh nakipag-inuman sa amin roon sa labas. Dalhin ko na po ba siya Ma'am Jasmine sa silid ninyo?" tanong pa ni Manong. "Sige Manong, tulungan ko na po kayo mag-alalay sa kaniya." Sabay hawak ko sa beywang ng asawa ko at ang kamay niya ay ipinatong ko sa balikat ko. "Jasmine, huwag mo akong iwan, hum?" pikit nitong sabi sa lasing na boses. "Kanina niya pa iyan sinasabi, Iha." wika ni Manong Danny habang dahan-dahan naming inaakyat si Mike sa hagdan. Bigla naman naisip ko na baka ang dahilan ng paglasing niya ay ang sinabi ko kanina na gusto ko na makipaghiwalay sa kaniya. Nang sumapit kami sa loob ng silid namin ay pabagsak namin siyang binitiwan ni Mang Danny sa kama. Binabanggit niya ang pangalan ko. "Patawarin mo ako, Jasmine. Alam ko na hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa'yo." anito. "Lalabas na ako, Iha. Ikaw na ang bahala sa asawa mo." ani Mang Danny at lumabas na ito ng silid namin. Nameywang na lang ako sa itsura ng asawa ko. Kung dati rati ay pinapangarap ko na sana ay mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal niya noon kay Cathy. Pero bakit ngayon ay hindi ako kuntinto sa sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Malaki ang ipinagbago ni Mike. Ipinakita niya sa akin ang pagmamahal na noon ko pa gusto. Pero bakit ngayon ay parang baliwala na ito sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD